Key takeaways
Pros
- Makabagong proseso tungo sa knowledge management
- Mahusay na dinisenyo at napaka-functional na interface
- Magandang editor na may mga kinakailangang feature
Cons
- Napakamahal
- Hindi sapat ang functionality para maging makatwiran ang presyo
Ang pagsisimula sa Stonly
Ang Stonly ay isang dedicated na knowledge base solution na nagbibigay ng ilang innovation sa larangan ng knowledge management. Ang Stonly ay may offer na iba’t ibang pre-made templates para sa paggawa ng komprehensibo at interactive na knowledge base articles para sa anumang pakay. Tingnan natin ang feature set ng Stonly at alamin kung ano ang pakiramdam kapag gumamit ng isang knowledge base solution.
Ang kailangan lang gawin para makapag-umpisa sa Stonly ay gumawa ng inyong account. Puwede rin muna ninyong piliin ang libreng trial para makita kung magugustuhan ninyo ito. Walang kinakailangang credit card information, at makakukuha kayo ng simple pero epektibong introduction kung paano gumagana ang Stonly at ano ang mga kailangan para makapagsimula. Ang introduction ay gumagana bilang isang questionnaire at naglalayong malaman kung paano ninyo gustong gamitin ang Stonly. Kapag pinili ninyo ang knowledge base option, awtomatikong dadalhin kayo ng Stonly sa unang hakbang para gawin ito, at mag-uumpisa kayo sa pagpili ng template o color scheme. May mga magagandang options na makukuha, at puwede rin ninyong idagdag agad ang inyong logo.
Ang buong interface ng Stonly ay mukhang napakamoderno at mahusay na dinisenyo. Dadalhin kayo ng nabanggit na guide sa lahat ng kailangan ninyong malaman at gawin – step by step. Ang pagdadaanang proseso ay medyo maayos at hindi matagal kumpletuhin. Ang pinaka-ikinatutuwa namin ay kaunti ang kalat sa sistema, diretso ang guide at kinikilala ang dahilan kung bakit ninyo ginagamit ang Stonly. Hindi kayo dadalhin ng introduction sa kung saan-saan, at lagi itong naka-focus sa kung ano ang inyong kailangan.
User experience at features
Gamit ang knowledge base na handa nang gamitin agad, puwede na kayong magsimulang maging pamilyar sa interface. Puwede na kayong magsimulang magsulat sa pamamagitan ng pag-click sa “Add new” button na nasa kaliwang panel. Makakukuha kayo ng maraming options na nakatago sa button na ito, kabilang ang Guide, Guided tour, Folders, at ilang article templates. Hindi naman malawak ang pagpipilian, pero mas marami naman ito kaysa sa mga makikita sa ibang knowledge base solutions. Hindi ito isang game changer pero ginagawa nitong mas madali ang maraming trabaho kung ang mga template ay umaangkop sa inyong mga inaasahan.
Anuman ang inyong piliin, walang dudang ang inyong karanasan ay magiging maginhawa. Pinili muna namin ang “Guide” template at masasabi naming napaka-focused ng interface. Tinatrato ng guide template na ito ang inyong text bilang isang step-by-step guide para puwede ninyong punan ang bawat hakbang at makapagdagdag ng mga naaangkop na media – pictures, videos, code, o isang pre-set icon. Puwede rin ninyong baguhin ang layout sa tatlong magkakaibang variations, tingnan ang isang preview, i-share ang guide, at baguhin ang settings sa bawat guide. May offer ang editor na lahat ng standard text formatting functionality, pati na rin ang karagdagang settings. Sa pangkalahatan, medyo standard ang editor, at makukuha ninyo ang inyong inaasahan.
May offer ang Stonly na iba’t ibang templates kaya lagi ninyong makikita ang anumang kailangan ninyo sa pagsusulat ng perpektong content. Ito ay lalong kapaki-pakinabang para sa mga bagong writer na puwedeng nagkakaroon ng problema sa pagbuo ng sarili nilang article structure sa umpisa. Ginagawang halos foolproof ng Stonly templates ang pagsusulat para kahit kanino. Ang bawat template ay perpektong dinisenyo para sa isang partikular na gawain. Gayunman, labis naming ikinagulat ang kawalan ng blank templates na lubhang hindi pangkaraniwan at hindi maginhawa. Hindi lahat ng user ay gugustuhing manatili sa preset templates sa lahat ng oras, at sa tingin namin, ang karagdagang blank template ay magiging maganda. Walang ring option para sa paggawa ng sarili ninyong templates.
Sa pangkalahatan, ang Stonly knowledge base ang nagdadala ng sariwang hangin sa kalakaran ng knowledge base. Lahat ay mahusay na dinisenyo at napaka-functionel, gayunman, ang mga user na umaasa sa isang tradisyunal na knowledge base software na may simpleng editor ay puwedeng madismaya. Ang knowledge base ay may offer na kakaibang flexibility pero kasabay noon, inaalis nito ang ilan sa mga iyon sa pamamagitan ng pagpilit sa user na manatili sa ilang partikular na workflows. Ito ang dahilan kung bakit ang Stonly ay parehong kamangha-manghang knowledge base solution, at puwede ring magbigay ng ilang problema sa mga user.
Pagpepresyo
Napasama ang mga bagay-bagay pagdating sa pricing ng Stonly dahil ito ay may offer ng tatlong plans na walang option para sa libreng plan. Gayunman, dahil ang Stonly ay puwedeng ikonsiderang isa sa iilang napaka-dedicated na knowledge base solutions, puwedeng maging napakamahal ng pricing. Tingnan natin ang bawat plan at alamin kung ano ang inyong makukuha.
Starter
Ang Starter plan ay nagkakahalaga ng napakalaking $128.55 kada buwan para sa tatlong users na may buwanang billing o $102.63 kada buwan para sa tatlong users na may taunang billing. Ang napakamahal na starter plan na ito ay may offer na limitasyong 30 guides at abilidad na i-embed ang guide kahit saan. Puwede lang kayong gumamit ng isang wika, gumamit lang ng isang knowledge base, gumamit na tatlong triggers, at gumamit na basic analytics.
Business
Ang Business plan ay nagsisimula sa $258.13 kada buwan para sa limang users na may buwanang billing o $206.30 kada buwan para sa limang users na may taunang billing. Makakukuha kayo ng access sa lahat ng features mula sa Starter plan na may mas matataas na limitasyon at dagdag na features. Puwede kayong magkaroon ng unlimited na guides, maraming mga wika, tatlong knowledge bases, unlimited na triggers, versioning, SEO customization, PDF exports, file attachments, at marami pa.
Enterprise
Ang Enterprise plan ay may custom pricing na malamang na nakadepende sa bilang ng users. Makukuha ninyo lahat ng nabanggit na features, advanced na team rights management, white label options, integration sa Zendesk, Freshdesk, at Front, SSO compatibility, review ng security, at dedicated na customer success.
Kongklusyon
Sa madaling salita, ang Stonly ay halo-halo. Ito ay isang dedicated na knowledge base software na naka-focus sa knowledge management, at ginagawa nito iyon nang napakahusay. Sinusubukan nitong pagbutihin, baguhin, at dalhin ang knowledge base management sa isang bagong direksiyon, at ito ay matagumpay sa paggawa nito. Gayunman, ang presyo nito ay napakamahal, at hindi namin maisip na maraming business ang papayag na magbayad ng malaking halaga para lang sa knowledge management. Habang ang review na ito ay naka-focus lang sa knowledge base feature, masasabi namin na wala nang iba pang nangyayari sa Stonly, na nagpapababa naman ng halaga nito bilang isang solution para sa maraming gawain. Ang knowledge base ay hindi puwedeng makipagkompetensiya nang walang support ng ibang mahahalagang tools. Gayunpaman, siguradong may audience at grupo ng masasayang customers ang Stonly na susuporta sa kanila.
Frequently Asked Questions
Puwede ba kaming pumili ng blank template sa Stonly?
Walang option na pumili ng blank template sa Stonly. Gayunman, sa dami ng templates na kanilang ino-offer, karaniwang makahahanap kayo ng aangkop sa inyo. Karamihan ng templates ay may customization options na magbibigay sa inyo ng pagkakataong baguhin ang inyong article structure.
Paano kami gagawa ng article categories sa Stonly?
Puwede kayong gumawa ng article categories sa pamamagitan ng pag-click sa Add New at pagpili ng folder. Puwede rin ninyong pangalanan ang inyong folder nang naaayon at ilagay lahat ng angkop na articles sa loob nito para sa madaling organisasyon.