Key takeaways
Pros
- Isang fully-featured knowledge base feature, Mahusay na text editor, Interface na mahusay ang disenyo
Cons
- Puwedeng gumamit ng mas maaayos na organization features
Ang Zoho Desk knowledge base ay may offer ng lahat na inyong kailangan sa isang knowledge base software. Madali itong gamitin, ino-offer nito lahat ng kinakailangang features, at gumagana ito nang walang sagabal. Wala masyadong mairereklamo tungkol knowledge base ng Zoho Desk. Ang kailangan lang ninyong ikonsidera ay ang iba pang features na may kinalaman sa iba’t ibang bahagi ng detalyadong Zoho Desk toolset, pati na rin ang pangkalahatang presyo at halaga.
Ang pagsisimula sa Zoho Desk
Ang Zoho Desk ay isang kilalang help desk solution na tumutugon sa customer support needs ng maraming businesses sa buong mundo. Kilala ito sa kakayahan ng ticketing system na mag-asikaso ng communication channels na mahalaga para sa general customer communication. Kasama dito ang Zoho Desk Community feature, na mahalagang pangalan ng isang solution para sa isang knowledge base.
Ang pagsisimula sa Zoho Desk ay kasingdali ng paggawa ng inyong trial account. Hindi kailangan ng maraming oras para maging pamilyar sa user interface. Ang kailangan lang gawin ay mag-sign up at mag-log in sa inyong account. Hindi ninyo kailangang dumaan pa sa anumang demo calls o sa pagbibigay ng inyong credit card information para makapagsimula, na laging pinahahalagahan sa anumang uri ng software.
Ang Zoho Desk ay isang mahusay na dinisenyong app na may simple pero napaka-epektibong interface. Mukha ito propesyonal at madaling i-navigate. Meron kayong main menu options na highlighted na may contrasting dark bar sa itaas ng web applications. Ang user interface sa Zoho Desk ay napakalinis at napaka-ayos tingnan, kahit na sa personal naming pananaw ay medyo nakalilito ang ilang bagay. Halimbawa, ang knowledge base feature sa Zoho Desk ay tinatawag ng Help Center. puwedeng ito ay isang maliit na bagay lang, pero inabot kami ng ilang minuto sa pag-Google para mapagtanto kung gaano kadaling ma-access ang knowledge base features sa app.
User experience and features
Isa pang maliit na kalituhan ang nangyari nang sa wakas ang aming nabuksan ang knowledge base at hindi namin makita ang option para makapagsulat na isang bagong article. Para sa mga nagbabasa muna nito bago sumubok, makikita ninyo ang option sa ilalim ng plus button sa kanang bahagi ng top menu panel. Masasabi namin na ang button na ito may puwedeng maging mas prominente para gawing mas malinaw ang user interface sa mga bagong users. Gayunman, aaminin namin na ang susunod ay totoong halimbawa ng isang mahusay na disenyo.
Ang knowledge base article editor ay sadyang napakahusay. Lahat ng kinakailangang functionality sa pagsusulat at pagfo-format ay makikita agad-agad, pati na rin ang text fields, at attachment options. Kaunti lang hanggang halos walang mairereklamo tungkol sa knowledge base text editor ng Zoho Desk. Meron rin kayong karagdagang settings para sa SEO, permissions, article expiration, categories, at ilan pa.
Suwabeng magtrabaho gamit ang article editor ay hindi kayo mahihirapang maghanap ng anumang functionality anumang oras. Ganap na walang problema ang pagsusulat ng articles at makapagdaragdag kayo ng pictures. Meron ring option para makapag-embed ng videos, HTML codes, tables, at iba pang items. puwede kayong palaging lumipat sa full screen view para sa mas mahusay na pag-focus sa inyong pagsusulat. Ito ay isang tunay na mahusay na knowledge base na walang anumang nakaliligtaan.
Kapag nag-save kayo ng inyong article, makababalik kayo sa knowledge base home screen para makita lahat ng articles. Ang pago-organisa ng article, bagama’t sapat ang functionality ito, ay puwedeng maging mas maginhawa. puwede kayong pumili ng article category sa loob ng bawat article detail, pero walang paraan para gawing isang bulk action ang article categories. Kailangan ningyon baguhin ang category sa bawat article nang hiwa-hiwalay, kaya huwag ninyong kalilimutang gawin ito bago ninyo i-publish ang article.
Pagpepresyo
Ang pricing ng Zoho Desk ay may tatlong plans na may magkakaibang presyo depende kung gusto ninyo ng taunan o buwanang subscription. Bawat plan ay dumarami ang features na may presyo, kaya kayo na ang magdedesisyon kung magkano ang gusto ninyong bayaran para sa knowledge base software.
Standard
Ang Standard plan ay ang pinakamurang Zoho Desk plan, at nagkakahalaga ito ng €20 kada user kada buwan, o €15 kada user kada buwan na may taunang subscription. Ino-offer nito lahat ng kinakailangang help desk features, katulad ng 5 email channels, help center (knowledge base), limang advancec web forms, at isang social media brand support, kabilang ng ibang features.
Professional
Ang Professional plan ay nagkakahalag ng €30 kada user kada buwan, o €23 kada user kada buwan na may taunang subscription. Sa plan na ito makukuha ninyo lahat ng nasa Standard plan sa mas malalaking volumes – sampung email channels, sampung advanced web forms kada department, isang telephony feature, at marami pang iba.
Enterprise
Ang Enterprise plan ay nagsisimula sa €50 kada user kada buwan, o €40 kada user kada buwan na may taunang subscription. Makukuha ninyo ang lahat ng makukuhang Zoho Desk feature set, na kasama ang isang multi-brand Help Center at HTML customization abilities.
Kongklusyon
Sa pangkalahatan ang knowledge base feature ng Zoho Desk ay isang malakas na kalaban. Makukuha ninyo lahat ng inyong kailangan mula sa isang text editor, at malamang na hindi ninyo makikita ang features na inyong inaasahan o kinakailangan mula sa isang knowledge base editor. Ang user interface ay madaling i-navigate, at hindi kayo makararanas ng anumang bugs sa solution na ito. Bagama’t puwede itong gumamit ng bahagyang mas mahusay na organizational features para i-manage ang inyong articles, ito ay maliit na isyu lang sa isang knowledge base software na mahusay ang performance.
Frequently Asked Questions
Hindi namin makita ang knowledge base sa Zoho Desk
Ang knowledge base ng Zoho Desk ay tinatawag na Help Center. I-click lang ang Help Center sa itaas na menu at kayo ay dadalhin na sa Zoho Desk knowledge base.
Hindi namin alam kung paano gumawa ng bagong article sa Zoho Desk knowledge base
Ang Zoho Desk knowledge base articles any puwedeng magawa sa pamamagitan ng pag-click sa plus button sa itaas ng menu panel. Makikita ninyo ang option para makagawa ng bagong article doon.