Key takeaways
Pros
- Mabilis at maaasahang live chat widget
- Reports at analytics
Cons
- Mahirap i-navigate
- Puwedeng maging laggy ang software
- Walang real-time typing view
Ang pagsisimula sa Bitrix24
Ang pag-sign up sa Bitrix25 ay madali at hassle-free. Ang kailangan lang ninyong gawin para makuha ang libreng trial account ay punan ang signup form at kumpirmahin ang inyong email. Matapos ninyong gawin ito, sasalubungin kayo ng isang interface na kaaya-ayang tingnan kahit na medyo nakalilito.
Mula umpisa, hindi kami sigurado kung paano i-navigate ang software. Sinubukan naming mag-explore sa kaliwang bahagi ng menu. Pero wala kaming mahanap na kahawig na code na puwede naming i-copy at i-paste sa aming website.
Nang magdesisyon kaming hindi namin ito magawang mag-isa, tumingin kami sa support documentation. Kahit na ito ay madaling hanapin at puno ng tutorials, hindi pa rin namin mahanap ang tamang sagot. Huwag sanang mamasamain, naroon naman ang documentation tungkol sa live chat widgets, integrations, at kahit na ang ilang simpleng codes. Sa kabila nito, wala sa mga ito ang nakatulong dahil hindi nahanap rito ang ilang lines ng codes na aming kailangan.
Matapos ang ilang oras at ilang hindi matagumpay na pagtatangka, bumalik kami sa paghahanap sa UI. Matapos ang ilang oras ng pagki-click sa halos lahat ng puwedeng i-click sa interface, nakuha rin namin sa wakas.
Sa CRM tab, kailangan ninyong i-click ang Add-ons na nasa bar sa itaas. Makapipili kayo sa drop-down menu ng ilang options na puwede ninyong i-set up. Para sa amin, ito ay ang Website Widget option.
Mula roon, nakapag-set up kami ng live chat widget. Nakita namin ang code na hinahanap namin sa pamamagitan ng pag-click sa Edit button, pero gumagana rin ito kung gagamitin ninyo ang Embed code.
Para ito i-test, nag-paste kami ng code sa test website at pinindot ang save. Ang live chat button ay lumitaw sa aming site, pero nang ito ay aming na-click, nakakuha kami ng feedback form sa halip na isang conversation. Tumingin-tingin kami sa settings sa Bitrix24 interface at nakita namin ang isyu.
Na-disable namin ang CRM for, at naging handa na ang aming live chat widget.
Features at user interface
Ang Bitrix24 software ay medyo matatag kasama ang desktop client na tumatakbo sa Mac OS, Windows, at Linux. Makakukuha rin kayo ng mobile app mula sa App Store ng Apple at Google Play. Gayunman, pinili naming paganahin ito gamit ang web browser. Ginamit namin ang Google Chrome, pero puwede rin ninyong patakbuhin ito sa Firefox, Safari, o Edge.
Ang software na binibigay ng Bitrix24 ay matibay at puno ng maraming features at functionalities. Gayunman, kahit na marami kayong dapat gawin, hindi talaga ito madaling i-navigate.
Pagdating sa live chat software, nagulat kami nang makatanggap ng isang uri ng canned response agad-agad kahit hindi kami ang mismong nag-set up ito. Automatic na sini-save ng Bitrix24 ang information ng taong nakikipag-uganayan sa amin sa CRM kahit na hindi namin ito nai-set up nang manual.
Tiningnan rin namin kung ang live chat solution na ito ay may real-time typing view, kung paano gumagana ang media sharing, at iba pang maliliit na bagay na makakapag-enhance ng customer interactions.
Sa kasamaang-palad, bilang isang agent, hindi ninyo mapi-preview kung ano ang tina-type ng visitor. Gayunman, ang natitirang pangunahing features ay gumana gaya ng inaasahan nang walang problema.
Nagustuhan namin ang option na ma-check ang aming chat record sa Customers tab.
Dito, makikita ninyo ang contact information ng visitor, ang kanilang activity, alin sa mga agent ninyo ang responsable sa interaksiyon, ang tagal ng chat, at kahit ang customer journey na humantong sa pagsusulat ng visitor ng chat message sa inyo. Puwede rin ninyong i-filter ang inyong chat records para magkaroon ng mas magandang overview ng inyong inbound activities.
Higit pa rito, hinahayaan kayo ng Bitrix24 na makagawa ng iba-ibang reports, makapag-monitor at makapag-streamline ng inyong sales process, at marami pang iba.
Live chat performance at user experience
Ang pagtatrabaho gamit ang Bitrix24 ay isang medyo nakakainis na karanasan. Tulad ng nabanggit dati, ang software ay medyo detalyado, at puwedeng maging mahirap para sa mga first-time user na malaman kung paano ito gamitin. Ang napakaraming bilang ng tabs, menus, at buttons ay nakakalula.
Ang isa pang isyung aming nakuha habang nagti-testing ay kung gaano ito ka-laggy. Hindi kami magtatangkang bilangin kung ilang beses kaming nag-refresh ng page dahil hindi ito naglo-load ng maayos, hindi tumutugon, o sadyang hindi gumagana.
Para naman sa mismong live chat, wala masyadong magugustuhan dito. Ang tanging bagay na aming nahanap na puwede pang mapahusay ay ang real-time typing view. Maliban doon, ang chat ay mabilis, reactive, at napakadaling gamitin sa magkabilang panig.
Ang mga message na may naka-attach na files ay ipinapabalik-balik nang walang anumang mga isyu. Sa tuwing kayo ay makatatanggap ng message, may lumilitaw na notification sa kanan at kaliwang panig ng mga menu at sa inyong pangunahing CRM board.
Bilang isang visitor, hindi ninyo mae-edit or maaalis ang mga message na inyo nang naipadala. Gayunman, mula sa panig ng agent, marami kayong magagawa sa inyong mga tugon.
Sa kabuuan, ang live chat performance ng Bitrix24, bagama’t meron itong mga tagumpay at mga kabiguan, ay hindi kaaya-ayang bahagi ng software na gamitin. Ito ay mabilis at reactive, at kahit na may nawawalang ilang advanced features, nagagawa naman nito ang trabaho.
Pagpepresyo
May limang pricing packages na ino-offer ang Bitrix24. Puwede kayong magbayad nang buwanan, kada tatlong buwan, o taunan. Para maging simple, tatalakayin namin ang tungkol sa buwanang payment option at dagdag pa ang libreng plan. Kasama sa bawat pricing tier ang lahat ng functionalities mula sa pinakamurang package na may dagdag na ilang upgrades, extensions, o ang buong bagong advanced features. Bagama’t lahat ng plans ay puno ng iba’t ibang features, mananatili kami sa tumutukoy sa live chat.
Libre
Ang package na ito ay libre at may kasamang storage na 5GB, CRM software, at live chat na may ilang limitasyon. Sa plan na ito, puwede kayong mag-set up ng group chats at mag-record ng voice notes.
Basic
Kasama sa tier na ito ang hanggang 5 users at nagkakahalaga ng $46 kada buwan para sa lahat ng users. Puwedeng maghati ang mga agent sa 24GB na storage, at gumamit ng live chat na may karagdagang HD video calls na may screen sharing at audio/video recording.
Standard
Para sa $124 kada buwan para lahat ng users, puwede kayong magkaroon ng team na hanggang 50 katao. Ang 100GB na storage ay magbibigay sa inyo ng mas maraming kalayaan at mas maraming oportunidad para mag-collaborate.
Professional
Sa plan na ito, hanggang 100 katao ang puwedeng gumamit ng Bitrix24 software sa $249 kada buwan para sa lahat ng users. Ang plan na ito ay may offer na 1024GB na storage, at ito ang unang tier kung saan hahayaan kayong gumamit ng automation tulad ng smart processes at automation rules at triggers.
Enterprise
Ang tier na ito ay nagsisimula sa $499 kada buwan para sa 250 users. Gayunman, puwede ninyong palawakin ito hanggang 10,000 users. Ang halaga ng storage ay batay sa bilang ng users na magtatrabaho gamit ang software. Para sa 250 users, hahayaan kayo ng system na gumamit ng 3TB na storage. Sa tier na ito, puwede kayong mag-set up ng branch structures na magbibigay ng permiso sa inyong mag-manage ng malaking enterprise.
Kongklusyon
Sa kabuuan ng aming karanasan sa live chat software ng Bitrix24, aaminin naming medyo naging mahirap ito. Kung titingnan lang ang live chat widget, masasabi naming ito ay mahusay. Kahit may ilang nawawalang features, ito pa rin ay isang maaasahang live chat solution na nasakop ang lahat ng basics.
Gayunman, kung ikokonsidera namin ang pangkalahatang user experience, medyo may bahid ang aming opinion. Ang pagsi-setup ay nakalilito at minsan, tahasang nakabibigo. Kailangan ng panahon para maintindihan at ma-navigate ang UI. Kapag kayo ay nasanay na rito, mahusay itong gagana, Pero kung wala kayong oras, madali kayong madidismaya.
Isa pang bagay na tatalakayin ay kung gaano ka-clunky at ka-laggy ang app. Hindi ito masyadong nagiging problema sa paggamit ng live chat. Pero ang pagsi-set up ng lahat ay nakauubos ng maraming oras, lalo na sa pages na di maayos ang loading.
Sa kabuuan, ang mismong live chat widget ng Bitrix24 ay puwedeng maging isang magandang option para sa maraming maliliit at malalaking business. Kung okay kayo na balewalain ang ilang mga nakaaabalang nasa software, puwede itong maging isang maaasahang tool para sa inyong customer communication.
Frequently Asked Questions
Feedback form lang ang dini-display ng aming live chat
Para malutas ang isyung ito, pumunta sa CRM, i-click ang Add-ons, at piliin ang Website Widget sa dropdown menu. Sa My company’s widgets, piliin ang inyong kailangan para mag-adjust at i-click ang Edit. Mag-scroll down sa CRM form at i-off ito. Kapag ni-refresh ang inyong site, maayos na gumagana dapat ang live chat widget.
Kailangan kong mahanap ang chats na konektado dati sa isang deactivated agent
Mahahanap ninyo ang message logs ng mga nawalang empleyado sa pag-click sa Employees, tapos sa Inactive. Piliin ang employee at i-click ang Message Logs. Kung wala kayong Inactive option, nangangahulagan itong na-disable ito ng system administrator sa Account settings.