Key takeaways
Pros
- Maganda ang balanse ng live chat solution na ito
- Napakabilis ng implementation nito
- Sapat ang features sa libreng plan
Cons
- Mahal na presyo para sa makukuha ninyo sa mga plan
- Basic ang setting at customization
- Mahirap matanggal ang branding sa chat widget
Ang pagsisimula sa Chatra live chat
Ang Chatra ay isang live chat software na nagbibigay sa mga may-ari ng maliliit na business at e-commerce retailers na abot-halagang live chat solution. Puwede kayong magsimula nang libre, salamat sa libreng plan nito. May offer itong dalawang may bayad na plans na magbibigay sa inyo ng bago at interesanteng features kung kailangan ninyo ito. Tingnan natin ang Chatra at kung paano ito nagpe-perform.
Kapag nakumpleto na ninyo ang inyong registration, dadalhin kayo agad sa dashboard ng Chatra. Walang kaduda-dudang ito ang may pinakamabilis na proseso ng registration na naranasan namin sa isang live chat software. Puwede kayong magsimulang maging pamilyar sa interface, at kahit walang tutorial sa simula, medyo may kadalian itong i-navigate para sa halos lahat ng klase ng users. Hindi ito masyadong komplikado o magulo dahil sa di kailangang buttons at tools.
Makikita ninyo ang live chat options sa kaliwang menu panel. Ang una ninyong kailangang gawin ay i-integrate ang live chat. Kapag na-click na ninyo ang Chat widget option, maa-access na ninyo agad ang live chat code, na puwedeng ma-implement sa inyong website. Kung gusto ninyong i-customize ang chat, mag-scroll down lang sa page at i-set up ito sa kung paano ninyo gusto. Puwede ninyong palitan ang inyong disenyo at kulay, i-customize ang welcome at iba pang messages, o piliin ang iba pang options.
Sinusuportahan din ng Chatra ang maraming klase ng integrations sa popular na website building sites at iba pang mga serbisyo tulad ng Google Tag Manager, Shopify, WordPress, Wix, WooCommerce, SquareSpace, at marami pang iba. Puwede ninyong piliin ang kahit anong option dito kung ginagamit ninyo ang isa sa mga ito o kung ayaw ninyong subukan ang website codes. Hindi namin na-test ang kahit ano sa mga integration na iyan pero kadalasan ay gumagana naman sila nang maayos at inaasahan naming ganyan din sa Chatra.
Pinili namin ang classic integration sa pag-copy-paste ng code sa aming test website. Kapareho ito ng kadalasan naming ginagawa, at wala kaming naranasang kahit anong isyu. Iniwan namin ang settings na karamihan ay intact para mas maranasan ang predefined na Chatra live chat. Meron ito ng lahat ng features mula sa simula. Bago pumunta sa testing, tingnan muna natin ang feature set at kung ano ang puwede ninyong asahan sa Chatra.
Features at user interface
Maganda ang pagkakadisenyo ng Chatra at simple lang ito sa magandang paraan. Hindi ninyo kailangang gabayan ang sarili ninyo sa anumang hindi kailangang functions at puwede nang dumiretso sa kung anong action ang plano ninyong gawin. Ginagawa nitong napakadali ng implementation kahit para sa mga baguhang user, at makatutulong ito sa inyong makatipid ng oras. Lahat ng tools ay available sa kaliwang menu bar kaya ang navigation ay deretsahan lang.
Standard ang feature set pero ang availability ng ilang features ay nakabatay sa kung anong klase ng pinili ninyong plan. May offer ang Chatra na bots at automation na features kung gusto ninyong ibigay ang communication sa system. Makukuha ninyo ang basic at detalyadong impormasyon tungkol sa inyong mga customer, pati na rin ang real-time na visitor tracking at shopping cart content preview. Ang standard na agent productivity na feature ay may kasamang notifications, notes, saved replies, team chats, invisible mode, business hours, at agent groups.
Sapat naman ang chat functions kahit sa libreng plan. Makukuha ninyo ang kumpletong history ng conversation, chat transcripts, read receipts, agent names, at typing indicators. Sa totoo lang, magandang selection iyan para sa isang libreng solution. Kung gusto ninyong mag-upgrade, puwede kayong magka-access sa group chats, typing insights, file transfer, visitor banning, chat rating, at marami pang iba. May offer din ang Chatra na advanced reporting features, na palaging may gamit sa kahit anong scenario.
Live chat performance at user experience
Pinili namin ang classic na integration para sa Chatra at masasabi naming wala kaming nakitang kahit anong problema. Ang test mismo ay ipinakita nang sabay ang agent at customer experience. Nang binuksan na ang live chat, nakatanggap agad kami ng automated welcome message. Nagsulat kami ng message, pinadala ito, at nakatanggap na naman kami ng automated message na nagsasabing umupo lang at maghintay hanggang may isang tao (kami mismo) na magpi-pick up sa chat. Dumating agad ang notification sa agent dashboard.
Medyo mabilis ang chat kaya hindi dapat kayo makararanas ng kahit anong problema sa mabagal na pag-reply kahit anong oras. Ang features ng chat sa side naman ng customer ay sapat din – puwede ninyong i-rate ang chat, gumamit ng emojis, o i-share ang maraming files. Wala naman nang kahit ano sa puntong ito pero hindi ito kinakailangang masama. “Less is more,” ‘ika nga, at hinahayaan nito ang customer na magkaroon ng mas mabuting clarity ng widget interface.
Ang features ng Chatra sa side naman ng agent ay hindi masyadong marami kaya medyo nakakahinayang pero hindi rin naman ito dahilan para maalarma. Libreng plan ang gamit namin kaya essential features lang ang meron. Sapat pa rin ito para sa epektibong communication, at bihira namang mangailangan ang agents ng iba pa para magawa nang tama ang trabaho. Ideal ang feature set para sa maliliit na business habang ang malalaki ay kailangang mag-upgrade.
Sa kabuuan, ang Chatra live chat ay maganda na. Hindi ito ang pinakamalaking star sa larangan ng live chat pero sapat at maaasahan ito, kaya magandang balita ito. Hindi kayo magkakamali rito puwera kung kailangan ninyo ng extra features. Pero kahit ang libreng plan ay may offer na magaling na functionality na may maliliit lang na limitasyong di naman kailangan sa simula para sa karamihan ng business.
Pagpepresyo
Ang Chatra ay may offer na libreng plan at dalawang may bayad na plan na may advanced features na mas kailangan ng malalaking team o business. Tingnan natin ang bawat plan.
Libre
Ang libreng plan ay para sa isang agent lang at tunay na libre, walang anumang sabit. May offer lang itong essentials tulad ng basic visitor information, desktop at phone apps, conversation history, read receipts, Google Analytics report, at integrations sa mga popular na website builders.
Essential
Ang Essential plan ay $21 kada buwan bawat agent sa buwanang subscription o $17 bawat agent kada buwan naman sa annual subscription. Makukuha ninyo ang lahat ng nasa libreng plan, pati na rin ang detalyadong visitor information, email, Messenger at Instagram bilang dagdag na channels, real time visitor list, chat notes, saved replies, invisible mode, team chats, typing indicators, at marami pa.
Pro
Ang Pro plan ay $29 kada buwan bawat agent sa monthly subscription o $23 bawat agent kada buwan sa annual subscription. Makukuha ninyo ang lahat ng nasa dalawang naunang plan pati na rin ang chat ratings, advanced chat reports at data export, agent groups, operating hours, mas marami pang integrations, at may ilan pang dagdag.
Kongklusyon
Ang Chatra ay mahusay na nagpe-perform na live chat software na may offer na maganda at standard features. Huwag maghanap ng himala o sobrang pagkakaiba kumpara sa ibang live chat software. Ang dapat ninyong asahan ay ang napakabilis na proseso ng implementation, isa sa pinakamadaling i-navigate na interface, at maasahan. Maganda ang balanse ng Chatra solution na hindi nakakadismaya pero medyo mahal ang presyo para lang sa isang live chat.
Frequently Asked Questions
Hindi gumagana ang Chatra live chat ko.
May ilang dahilan at solutions para sa isyung ito, na ang lahat ay madali lang ninyong magagawa. Una, i-check ang code ng Chatra live chat, at siguraduhing tama ang implementation nito sa inyong website. Pupuwedeng may nawawalang isang character o mali ang pinaglagyan ng chat code. Pangalawa, siguraduhing i-refresh ang inyong website o tanggalin ang cache dahil baka pinapakita nito ang lumang version ng inyong website na hindi pa na-implement ang live chat.
Paano tatanggalin ang branding ng Chatra sa live chat widget?
Ang Chatra branding sa live chat widget ay hindi puwedeng matanggal nang manual. Kailangan ninyong magtanong sa kanilang support para matanggal ito. Ang “We run on Chatra” na branding sa live chat widget ay puwedeng matanggal para lang sa mga user na naka-subscribe sa kanilang annual pricing plan o ang nakapagbayad na ng 6 na buwang subscription. Walang ibang paraan na kayo mismo ang magtatanggal.