Key takeaways
Pros
- Mabilis at maaasahang live chat widget
- Chat widget customization
- User-friendly na interface
Cons
- Walang real-time na typing view
- Madalas ang updates na puwedeng makagambala sa workflow
Ang pagsisimula sa Gorgias
Kapag gusto ninyong mag-sign up para sa Gorgias, kailangan lang ninyong punan ang inyong impormasyon sa isang signup form at ibigay ang URL ng inyong website. Pagkatapos, ise-set up ng system ang inyong account, at kapag na-verify na ninyo ang inyong email, puwede na kayong magsimula.
Kapag nag-log in kayo sa inyong account, makakakita kayo ng mukhang malinis na interface na may tutorial sa kanan.
Sinimulan na namin ang aming live chat integration mula sa tutorial menu. Gayunman, kung magpasya kayong lampasan ito, puwede kayong magpunta sa Settings → Integrations → Chat. I-click ang + Add new button, at simulan ang inyong live chat installation.
Doon, puwede ninyong i-configure ang inyong live chat, kabilang ang ilang customization options. Kapag masaya na kayo sa inyong settings, puwede na kayong magpatuloy sa Installation. Pinili namin ang Custom installation option, kaya nag-copy-paste kami ng code sa aming website sa before section.
Ang chat widget ay agad lumitaw sa aming site sa colors at position na aming nai-set sa installation process, kaya handa na kaming i-test ito.
Sa sandaling nagsimula kami sa isang pag-uusap, agad itong lumitaw sa Unassigned tab sa aming UI. Nang na-click ito, nagpatuloy ang pakikipag-chat.
Features at user interface
Ang Gorgias ay isang browser-based application na puwedeng gamitin sa Google Chrome, Firefox, Microsoft Edge, Safari, at Opera. Aming na-test ang software sa Google Chrome, pero kung gagamit kayo ng iba pang supported browsers, hindi dapat masyadong naiiba ang inyong experience.
Maraming ino-offer na features at configurations ang help desk software ng Gorgias, pero madaling makita ang live chat setup. Medyo madaling i-navigate ang UI kahit walang guide na ino-offer ang Gorgias sa umpisa.
Pagdating sa pagse-set up na inyong live widget, maraming magagawa para sa customization. Maliban sa initial setup, puwede kayong laging bumalik at magdagdag ng campaigns, mag-set up ng mabibilis na replies, at mag-adjust ng preferences, kabilang ang auto-responder, prompts, at kaakibat na email integrations.
Napaka-accessible at madaling hanapin ang mga ito, kaya kahit ang mga hindi gaanong tech-savvy ay hindi magkakaroon ng anumang isyu sa paghahanap ng lahat ng kanilang kailangan.
Pagdating sa live chat widget, kahit na ito ay medyo karaniwan at marahil ay medyo simple sa mga bumibisita, ang mga agent na tumutugon ay maraming magagawa mula sa isang pinadaling interface. Mula sa mismong live chat conversation, ang mga agent ay puwedeng magdagdag ng tags, mag-adjust ng customer information, at makita ang history ng kanilang interaksiyon.
Pagdating sa mismong chat, marami ring magagawa ang mga agent nang hindi kinakailangang paghintayin ang customer dahil ang lahat ng kanilang kinakailangan ay naroon na.
Puwede silang gumamit ng pre-existing macros o mag-set up ng isang bagong macro sa mismong chat window. Puwede itong maging lubos na kapaki-pakinabang kapag humaharap sa malalaking bilang ng mga incoming message kapag ang agent ay wala nang oras para umalis sa isang pakikipag-usap para harapin ang canned responses sa ibang window.
Kami ay medyo nadismaya nang aming mapagtanto na hindi sinusuportahan ng live chat ng Gorgias ang mga real-time na pagsilip sa pagta-type. Pero maliban doon, ang kanilang widget ay reactive at walang naging problema sa pagpapadala ng messages, pati mga media file.
Kapag tapos na kayo sa pakikipag-usap, puwede na ninyong i-snooze o isara ang chat. Puwede ninyong laging balikan ito sa ibang araw, at kung kailangan, puwede itong buksan muli gamit ang parehong ticket ID.
Live chat performance at user experience
Nagkaroon kami ng magandang karanasan sa paggamit ng Gorgias. Ang UI ay madaling i-navigate. May tutorial ito para tulungan kayong magsimula, at sa pangkalahatan, maayos naman lahat. Dagdag pa, ang buong sistema ay espesyal na dinisenyo para sa Shopify. Kung inyo itong ginagamit, puwede ninyong samantalahin ang fully integrated na Magento at BigCommerce.
Ang live chat software ng Gorgias ay madaling i-set up at i-customize. Ito ay may ilang pangunahing settings na ino-offer, pero kung gusto ninyo, puwede itong ma-customize para maging angkop sa inyong pangagailangan at branding, dagdagan ng campaigns, ikonekta sa isang store, at iba pa.
Ang live chat widget mismo ay gumagana nang mahusay. Ito ay mabilis at responsive. Hindi ninyo kailangang mag-alala tungkol sa matagal na paghihintay dahil sa pagla-lag ng software. Mahusay ang ginawa ng Gorgias sa pagtiyak ng pagiging produktibo at pagbabawas ng response time dahil binibigay nito ang lahat ng inyong kinakailangan doon sa mismong chat window. Kung ayos sa inyong hindi makita ang messages ng visitors bago nila pindutin ang send, ang live chat widget ng Gorgias ang puwedeng mahusay na solusyon.
Pagpepresyo
Ang Gorgias ay may ino-offer na limang pricing tiers na maraming features at functionalities. Ang bawat pricing option ay may kasamang functionalities mula sa naunang dinagdag na extensions, advanced features, at upgrades. Gayunman, ang mas kapansin-pansing pagkakaiba ay ang bilang ng billable tickets sa bawat buwan. Maraming ino-offer ang bawat plan pero para manatiling naka-focus sa live chat, tatalakayin lang namin ang mga angkop na feature.
Starter
Ang package na ito ay nagkakahalaga ng $10/buwan na may 50 billable tickets. Sa price point na ito, puwede kayong magkaroon ng hanggang 3 user seats. Kabilang sa live chat software ang live chat widget na may macros, rules, at templates.
Basic
Ang Basic pricing tier ay may offer na 300 billable tickets para sa $60/buwan. Sa package na ito, meron kayong unlimited user seats, office hours support, at team management.
Pro
Para sa $360/buwan, puwede kayong magkaroon ng 2,000 billable tickets at unlimited na bilang ng users.
Advanced
Ang Advanced package ay nagkakahalaga ng $900/buwan at hinahayaan kayong magtrabaho nang may 5,000 billable tickets. Sa tier na ito, puwede ninyong pakinabangan ang mas maraming social media integrations.
Enterprise
Ang custom ticket volume ay puwede lang mai-set up kapag nakapag-schedule na kayo ng meeting sa team ng Gorgias.
Kongklusyon
Ang pangkalahatang karanasan namin sa Gorgias ay medyo kaaya-aya. Ginagawa nilang napakadali ng account setup, at ang pag-navigate sa interface ay intuitive mula umpisa. Hindi gaanong nakakabilib ang UI. Gayunman, ito ay simple, malinis, at madaling gamitin.
Pagdating sa live chat software, ito ay napakadaling paganahin. Kahit na hindi gamitin ang quick overview tutorial na nasa unahan, naniniwala kaming maiintindihan ito ng lahat nang walang anumang isyu. Napaka-accessible rin ng customization. Kahit ang mga mas advanced na settings ay inilatag na sa paraang hindi ito mukhang magulo.
Ang mismong widget ay mabilis, responsive, at maaasahan. Kahit na nawawala ang ilang features nito na mas makapagpapataas sana ng antas ng karanasan, nagagawa pa rin nito ang trabaho nang napaka-epektibo.
Para tapusin ang aming karanasan sa live chat software ng Gorgias, napakasarap magtrabaho mula sa parehong pananaw ng visitor at agent. Mukha itong napakahusay na option para sa mga business na gustong manatiling konektado sa kanilang customers nang hindi nag-aalala na ang mga customer support reps ay hindi magagamit nang lubos ang software.
Frequently Asked Questions
Black o white screen ang nakikita namin kapag nagbubukas ng Gorgias
Puwede itong simpleng isyu ng loading. Maghintay ng mga ilang minuto at i-reload ang app. Kung nangyayari ito sa isang Android app, puwede ninyong subukang mag-reboot. Kung hindi iyon nakatulong, puwede ninyong i-reinstall ang app.
Nakukuha namin ang Uncaught Reference Error sa console
Puwedeng may nawawalang Gorgias Chat code snippet sa page, o ito ay tinatawag pagkatapos ng custom script. Siguraduhing ginagamit ninyo ang Gorgias chat bundle loader version 2. Sa script, i-check ang gorgias-chat-widget-install-v2.