Key takeaways
Pros
- Real-time na typing preview
- Abot-kaya
- Customizable na live chat button
- Napaka-responsive
Cons
- Medyo challenging i-set up lalo na sa baguhang users
Ang pagsisimula sa LiveAgent
Sobrang dali lang mag-sign up sa trial ng LiveAgent. Kapag nag-fill out na kayo ng sign-up form at nakumpirma na ang inyong email, handa na kayo. Puwede na ninyong diskubrehin ang Getting Started page, pero dumeretso na kami at sinimulan ang pag-set up ng live chat agad-agad.
Mula sa Dashboard, i-click ang Chats sa kaliwang bahagi ng panel. Mula roon, i-click ang Chat buttons at handa na kayong magsimula sa pag-set up ng inyong live chat solution.
Hinahayaan kayo ng LiveAgent na maramimh gawin sa pag-configure at pag-customize ng inyong live chat. Pagkatapos ninyong i-click ang malaking orange na Create button, puwede na kayong mag-set up ng kahit ano, kaya ang live chat button ay mainam ang itsura sa inyong site, at ang chatting experience ay kaaya-aya para sa parehong bisita at agents ninyo.
Puwede kayong mag-set up nang hiwalay na online at offline na chat button, i-customize ang inyong chat window, at kahit gumamit ng contact form para sa inyong clients kung kayo ay offline.
Masaya kaming nasorpresa sa dami ng puwedeng ma-adjust at ma-customize dito. Lahat, mula sa posisyon ng button sa website hanggang sa animation nito (siyempre, ginamit namin ang bounce) ay puwede ma-customize, kaya 100% kayong kontento hindi lang sa itsura pero kahit sa functionality ng button.
Natuwa kami sa pagsubok ng iba’t ibang color combinations at pag-set up ng welcome messages.
LiveAgent features at user interface
Tumatakbo ang LiveAgent sa browser ninyo, kaya hindi mahalaga kung anong OS ang gamit ninyo. Compatible ang LiveAgent app sa Chrome, Edge, Safari, Firefox, at Opera.
Wala na kayong gaanong hahanapin pa sa usapin ng customization sa LiveAgent live chat. Kahit sa initial setup, marami na kayong option sa configuration.
Ang nakita naming sobrang convenient ay puwede kayong magsulat ng automatic welcome message sa isa sa mga unang hakbang sa pag-set up ng chat button. Sa tingin namin, ang functionality na ito ay ginagawang mas approachable ang automation sa simula pa lang. Mahusay ang LiveAgent sa ginagawa nilang pag-empower sa kanilang users para i-tackle ang mas advanced na functionalities na puwedeng di nila mapansin o kaya piniling balikan na lang.
Ang iba pang importanteng features na kasama ay ang pagdagdag ng notes sa chats para makapagsulat ng dagdag na detalye ang agents na puwedeng balikan na lang. Puwede rin nilang idagdag ang notes sa visitor’s info na available sa kaliwang bahagi ng screen habang nakikipag-chat, at puwedeng maitago ito sa CRM ng LiveAgent.
Panghuli, nasorpresa kami sa satisfaction survey na automatic ino-offer ng LiveAgent software pagkatapos ninyong isara ang chat. Magandang option ito para sa mga bisita dahil hindi na nila kailangang balikan pa ito, makatanggap ng email, o mag-sign in para lang magbigay ng feedback. Ang kailangan lang gawin ay pumili ng kanilang satisfaction level at tapos na ito sa loob lang ng ilang segundo.
Pagkatapos nilang gawin ito, makikita ng agent ang kanilang rating.
LiveAgent live chat performance at user experience
Ang live chat ng LiveAgent ay mabilis, responsive, at sobrang daling gamitin para sa agents at website visitors. Lahat ay maginhawa at malinaw na nakaayos kaya magagamit ninyo ito kahit hindi kayo techie.
Kapag nagsisimula kayo ng conversation, automatic na gumagawa ang LiveAgent ticketing software ng ticket. Makatatanggap ng notification ang agent na dadalhin sila diretso sa bagong chat. Doon, makikita nila lahat ng basic information ng bisita, kasama na ang kanilang IP address, browser, at kung naka-login sila. Ang pag-attach ng files ay gumagana rin nang walang sabit sa parehong side ng agent at bisita.
Malinis at madaling i-navigate ang UI kaya hindi mahihirapan ang agents na mag-tackle ng maraming chats nang sabay-sabay. Para makatulong sa productivity at efficiency, ang live chat solution na ito ay hinahayaan kayong mag-transfer ng chat sa ibang agents diretso mula sa chat window.
Pagpepresyo
Libre
Puwede ninyong magamit ang limited features ng LiveAgent nang libre. Ang pricing tier na ito ay may kasamang features tulad ng 7-araw na ticket history, isang live chat button, basic reporting, at iba pa.
Small
Ang $9 bawat agent kada buwan na package ay may kasamang extended versions ng lahat ng features na nasa libreng version. Ang ilan sa extended features ay may kasamang unlimited ticket history, customer service, integrations gamit ang API, reporting, at iba pa.
Medium
Ang pricing package na ito ay $29 bawat agent kada buwan. Puwede ninyong gamitin lahat ng features ng mga naunang package at mas powerful na mga dagdag. Ang ilan sa functionalities na puwede ninyong ma-enjoy ay ang unlimited chat buttons, proactive chat invitations, advanced feedback management, real-time visitor monitoring, at kahit ang social media integrations.
Large
Ito ang pinaka-extensive na level ng LiveAgent na $49 bawat agent kada buwan. Maliban sa lahat ng features mula sa mas mabababang levels, puwede kayo magpatakbo ng call center na may features tulad ng IVR, video calls, unlimited call recording, call routing, transfers, at marami pang iba.
Kongklusyon
Kung lalagyan namin ng label ang pagtatrabaho sa live chat software na LiveAgent, masasabi naming ito ay enjoyable. Wala kaming masyadong masabi mula sa standpoint ng implementor pati mula sa website visitor.
Pero maganda sana ang ilang maiikling interactive tutorial sa proseso. Kahit hindi kami gaanong techie, hindi kami nagkaroon ng isyung maiayos ang lahat at mapatakbo. Napakadali ng setup, parang walang limit ang customization, at ang kabuuang functionality ng chat button, sa karanasan namin, ay napakahusay.
Ang namumukod-tangi sa LiveAgent ay ang real-time typing preview. Nakikita namin ang maraming benepisyo nito sa mga small-scale customer service teams, pati na rin sa malalaki. Ang kakayanang “mabasa ang nasa isip ng customer” ay puwedeng maging napakahalaga pagdating sa pagbibigay ng mabilis at personalized na support.
Bilang buod ng buong karanasan, masaya naming masasabing magagamit namin ang LiveAgent chat widget bilang isang instant messaging solution para sa aming sariling website kahit kailan. Batay sa kung anong pricing plan ang pipiliin ninyo, mukhang magandang option ito para sa teams na may malaking message volumes, pati na rin ang maliliit na business na gusto lang makipag-ugnayan.
Frequently Asked Questions
Offline ang live chat button sa site namin kahit naka-log in kami
Maraming dahilan kung bakit ito nangyayari. Ang una ninyong puwedeng subukang gawin ay i-refresh ang inyong website. Kung hindi ito nakatulong, i-check ninyo kung anong Departments ang nakakagamit ng live chat button at i-adjust ang settings. Puwede rin ninyong tingnan kung tama ang code. Kung na-reinstall ninyo ang app, ang bagong button ID ay baka iba sa luma, na puwedeng maging isyu.
Walang oras ang aming customer support agent para sagutin ang lahat ng incoming chat
Hinahayaan kayo ng live chat software na LiveAgent na mag-set up ng ticket routing para ang agents ay hindi matatabunan ng masyadong maraming chats at pinanatiling mataas ang productivity ng inyong contact center. Para i-set up ito, pumunta sa Configuration > Chat > Settings. Dito, puwede ninyong i-configure kahit ang Breathing time na kailangan ng inyong agents sa pagitan ng pagsagot sa mga message.