Key takeaways
Pros
- Mabilis at maaasahang live chat
- Napakadaling implementation
- Mahusay at madaling i-configure na mga feature
Cons
- Mahal ang mas matataas na plan
Ang pagsisimula sa LiveChat live chat
Ang LiveChat ay isang live chat software na higit pa sa chatting capabilities lang. May offer itong detalyadong live chat feature set na nagtitiyak ng isang focused at mahusay na dinisenyong experience para sa bawat agent at customer. Gayunman, may offer din itong iba pang bagay sa anyo ng karagdagang communication channels tulad ng social media, WhatsApp, at ticketing. Sa review na ito, titingnan nating mabuti ang live chat widget capabilities at overall performance ng LiveChat. Umpisahan natin.
Ang registration ng LiveChat ay napakabilis. Kailangan lang ninyong i-register ang inyong account at dadalhin na kayo ng registration process diretso sa bahagi ng integration ng live chat widget. Ibig sabihin, puwede na ninyong patakbuhin ang inyong live chat sa oras na magsimula kayo. Nakagugulat ang bilis nito at ang LiveChat ay nagbibigay pa ng ilang options sa integration. Puwede kayong pumili sa pagitan ng WordPress plugin, Google Tag Manager, o manual na installation ng live chat code.
Pinili namin ang option para sa manual installation na medyo mabilis din. Ika-copy at ipi-paste lang ang code bago ang </body> na tag ng inyong website at i-save ang mga pagbabago. Kung hindi ito lumalabas, puwedeng kailanganin muna ninyong i-clear ang cache ng inyong browser. Ipaaalam sa inyong ng LiveChat kung naging matagumpay ang inyong mga binago at kung integrated ang inyong live chat. Pagtapos, kayo ay dadalhin sa dashboard ng LiveChat at puwede na kayong magsimulang maging pamilyar sa lahat ng options.
Ang LiveChat ay isang itinatag na professional solution at sinusundan iyon ng interface. Madaling maging pamilyar sa karamihan ng mga tool, at hindi kayo maliligaw salamat sa madaling mga recommendation na nasa kanang panel. Makikita niyo ang chats, traffic, tickets, archives, contacts, at marami pa sa menu sa kaliwang panel. Ang gitna ng dashboard ay nagpapakita ng ilang option para sa improvement, at may mabilis na real-time overview ng statistics ng live chat.
Features at user interface
Ang LiveChat ay may offer na well-focused na set ng features na may kinalaman sa kanilang live chat widget. Maliban sa nabanggit na mabilis na real-time view ng statistics, makakukuha rin kayo ng access sa ibang features, kabilang ang chatbots, reports, at detalyadong customization options para sa inyong live chat widget. At ang live chat experience ay may buong suporta mula sa message sneak peeks, canned responses, file attachments, chat history features, chat ratings, at marami pa. Walang mawawalang mahahalagang bagay sa live chat ng LiveChat, kaya makasisigurong makakakuha kayo ng buong chat agent experience.
Ang analytics features ay may offer na mabilisang overview, pati na rin ang in-depth overviews ng lahat ng may kinalaman sa live chat – chats, agents, customers, tickets, at eCommerce. Ang bawat section ay nagbibigay sa inyo ng mas maraming impormasyon at tamang bilang tungkol sa inyong live chat. Walang kulang. Ang analytics overview ay nagbibigay sa inyo ng record ng lahat ng nangyari sa nakaraang pitong araw ng inyong paggamit.
Puwede ninyong i-customize ang inyong chat widget sa LiveChat settings. Ang options ay medyo detalyado kaya kung gusto ninyong maging malikhain, puwede ninyong i-adjust ang live chat widget ayon sa inyong kagustuhan o sa customer branding ninyo. Kabilang sa inyong pagpipilian ay ang magiging hitsura ng inyong window kapag naka-maximize at naka-minimize view, light o dark theme, kulay ng theme (custom color supported), at posisyon ng chat. May option din para itago ang widget, i-customize ang mobile version ng inyong chat widget, at karagdagang tweaks kung saan puwede ninyong ipakita ang logo ng kompanya, i-enable o i-disable ang sounds, hayaan ang chat ratings, at ilan pang mga option.
Karamihan sa ibang features ay passive. Ibig sabihin, sila ay awtomatikong activated at wala kayong kailangang gawin sa configuration. Handa na sila mula umpisa. Gayunman, puwede ninyong laliman pa ang inyong settings tulad ng routing, chat assignments, file sharing, at marami pa. Lahat ay madaling ma-access. Napakaganda ng pagna-navigate sa interface, pagse-set up ng live chat, at ang pangkalahatang user experience. Wala kaming naging isyu sa anumang gawain. Dahil handa na ang buong setup, oras na para tingnan ang performance at experience ng pagtatrabaho sa live chat ng LiveChat.
Live chat performance at user experience
Tiningnan namin ang live chat ng LiveChat mula sa magkabilang panig – bilang isang agent at isang customer para makuha ang buong experience, at masasabi naming lahat ay mahusay na gumana, tulad ng inaasahan. Sa sandaling sinimulan namin ang chat bilang isang customer at may bumati sa amin agad-agad na automatic message (puwede ninyong i-customize ang message na ito sa setting, sa baba ng Targeted messages). Sa pagbukas ng dashboard ng LiveChat, agad kaming nakakuha ng visual at sound notification tungkol isang bagong incoming message. Patuloy na magbibigay sa inyo ng notification ang browser tab hanggang magdesisyon kayong mag-click dito. Maayos naman.
Perpektong gumagana ang message sneak peek at nakuha nito kung ano ang aming sinusulat sa loob ng isang minuto. Ang message ay mananatili sa screen hanggang hindi pini-press ng users ang send button, para maihanda ninyo ang iba pa ninyong messages. Samantala, makakakita ang customer ng tatlong tuldok bilang notification na ang agent ay nagta-type ng tugon sa kanila. Mahusay itong gumagana sa pangkalahatan. Ang bilis ng pagtugon ay halos instant, na hindi na kailagang maghintay nang matagal.
Sinubukan rin naming magpadala ng file attachments. Kapag na-click ninyo ang file attachment icon, agad ninyong mapipili ang file at ipadadala ito. Puwede ninyong i-delete ang attachment anumang oras bago ipadala. Hindi tulad ng message sneak peek, hindi makikita ng agents ang attachment hangga’t hindi pa ito napapadala kaya protektado ang privacy ng customer sakaling mali ang mai-attach na file. Ang attachment ay nagbibigay din ng option sa inyong magsama ng alternatibong text para sa mga PWD. Isang lubos na pinag-isipan at talagang kapaki-pakinabang na inclusion.
Sa kabuuan, mahusay ang performance ng live chat widget ng LiveChat at wala kaming anumang reklamo. Hindi kami nakaranas ng anumang mga isyu sa speed, at wala ring bugs o mga problemang nakita. Ang widget ng LiveChat is isang malakas na kompetisyon pagdating sa performance.
Pagpepresyo
Ang LiveChat ay may offer ng tatlong pricing plans na may iba-ibang features. Ang iba pang mga communication channel maliban sa live chat ay mahahalagang bahagi ng bawat plan, kaya kayo ay nakakakuha ng karagdagang halaga sa bawat plan. Gayunman, ang mga plan ay nananatiling naka-focus sa mga karagdagang live chat features, kaya tingnan natin ang ino-offer.
Starter
Ang Starter plan ay nagkakahalagang $20 kada buwan bawat user at ito ay may offer na 60-day chat history, basic widget customization, isang ticketing system, data security, at marami pa.
Team
Ang Team plan ay nagkakahalagang $41 kada buwan bawat user. Meron itong unlimited chat history, full widget customization, ticketing system, data security, basic reporting, agent groups, multiple brandings, at marami pa.
Business
Ang Business plan ay nagkakahalagang $59 kada buwan bawat user. Meron dito ng lahat ng naunang nabanggit na features, pero may dinagdag na staffing prediction, work scheduler, at iba pang features.
Enterprise
Ang Enterprise plan ay walang makikitang price kaya kailangan ninyong tumawag sa LiveChat para malaman. Maliban sa naunang features, ang plan ay may offer na isang dedicated na account manager, product training, software engineer support, security assistance, HIPAA compliance, at single sign-on.
Kongklusyon
Ang live chat ng LiveChat ay isang mahusay na tool at isang magaling na kalaban sa live chat game. Ang implementation ay ilang segundo lang, at hindi kayo nito pipilitin sa anumang loops habang ginagamit ninyo ito. Ang bawat feature ay gumagana at nagpe-perform nang mahusay nang walang problema, at ginagawang napakadali ng interface ang navigation. Okay din ang pricing, depende sa napili ninyong plan. Magdesisyon lang kayo kung magkano ang gusto ninyong gastusin sa LiveChat features, at ikonsidera kung kailangan ninyo ng ibang communication channels para sa inyong trabaho.
Frequently Asked Questions
Ang aming LiveChat live chat integration gamit ang code ay hindi gumagana.
Siguraduhing natingnan kung inyong nakopya at nai-paste nang tama ang code sa code ng inyong website, at tingnan kung may nawawalang bahagi. Bukod dito, siguraduhing nai-paste ang code sa tamang lugar sa code ng inyong website bago ang closing tag. Kung nakararanas pa rin kayo ng isyu, baka kailangan ninyong makipag-ugnayan sa LiveChat support para malaman kung bakit nag-fail ang inyong integration.
Paano mag-set up ng canned messages sa LiveChat?
Kapag kayo ay nasa live chat conversation ng isang customer, puwede ninyong i-type ang # at pumili ng isang canned response. Kung gusto ninyong magdagdag ng bago, i-click ang New. Puwede kayong magdagdag ng canned message text dito, idagdag ito sa isang grupo, at gumawa ng shortcut para sa message, para mas madali itong ma-access.