Key takeaways
Pros
- Mahusay na interface at madaling navigation
- Hindi ganoong kahirap ang implementation
- Magagandang live chat customization options
Cons
- Kulang ang mga importanteng live chat feature
- May malakas na diin sa paggamit ng chatbot
- Puwedeng maging napakamahal
Ang pagsisimula sa PipeDrive live chat
Ang PipeDrive ay isang kilalang customer relationship management software na puwede ring maging live chat software. May offer itong maaasahan at kapaki-pakinabang na feature set na puwedeng sakupin lahat ng inyong pangangailangan sa CRM. Gayunman, sa review na ito, titingnan natin ang live chat at ang features nito, at aalamin kung paano nag-perform at gaano kadali gamitin ang mga ito. Umpisahan natin.
Mabilis makapag-umpisa sa PipeDrive, maikling registration lang ang kailangang sagutan. Kapag ito ay inyo nang natapos, puwede na kayong tumingin-tingin sa dashboard. Ang PipeDrive ay hindi isang dedicated na live chat solution, kaya ang mga user ay pinapakitaan ng maraming options at tools na puwede nilang subukan. Gayunman, ang interface ay medyo maayos. Ito ay napakalinis, walang kalat at mukha itong magagamit kaya hindi kayo dapat magkaroon ng problema sa pag-access ng anumang feature na inyong hahanapin.
Para mahanap ang live chat, kinailangan naming magkonsulta sa isang guide dahil walang makikitang option para idagdag ito sa menu section sa kaliwa o saanman sa interface. Gayunman, hindi ito mahirap mahanap. Kailangan lang ninyong magpunta sa Leads section sa menu, piliin ang Live Chat, at i-activate ang LeadBooster. Ipaaalam sa inyo ng PipeDrive na ang LeadBooster at Live Chat ay nangangailangan ng buwanang subscription na $39 kada buwan, at pagtapos ay puwede na kayong magsimulang mag-customize ng inyong live chat widget.
Features at user interface
Sa susunod na section, sapilitan kayong tatanungin ng PipeDrive na tukuyin ang inyong chatbot (kahit ayaw ninyo). Pagtapos, itatanong sa inyo ng section kung ano ang pakay ng inyong live chat, at puwede ninyong piliin kung gusto ninyong magdagdag pa ng leads, mag-book ng mas maraming meetings, o mag-qualify ng route leads. Sa wakas, may option na magkaroon ng live conversation sa customer kaya siguraduhing pipiliin ninyo ang option na ito kung hindi kayo interesado sa chatbot.
Ang susunod ay ang flow configuration. Dahil ito ang espesyalidad ng PipeDrive, hindi ninyo malalaktawan ang prosesong ito; kailangan ninyong i-configure ang initial flow sa isang system na tulad sa IVR routing. Ipapakita sa inyo ang visual representation ng mga posibilidad at aksiyong puwede ninyong i-automate sa inyong live chat. Sa kabutihang-palad, kung magdedesisyon kayong i-save lang ang mga pagbabago nang hindi kino-configure ang kahit ano, magiging maayos pa rin dahil ang PipeDrive ay may offer na pre-defined na chat flow agad-agad. Gayunman, meron pa ring mga automation na nangyayari at ito ay hindi puwedeng i-off. At dagdag pa, tungkol lang ito sa mga alalahanin sa mga kinakailangan sa pag-uusap.
Bagama’t tapat naming masasabing mahusay ang pagkakadisenyo ng flow features ng PipeDrive, nakalulungkot na ang application ay talagang pipilitin kayong gumamit ng chatbot. Titingnan natin ang chatbot ng PipeDrive sa hiwalay na review kaya panatilihin natin ang focus sa implementation ng live chat ng PipeDrive. Kapag kayo ay masaya na sa inyong flow design, puwede na ninyong piliin ang Installation tab at pumili sa iba’t ibang options, kabilang ang WordPress, Squarespace, Google Tag Manager, Wix, o manual na installation. Pinili namin ang manual na installation para sa review na ito.
Hindi nakalagay sa website ng PipeDrive ang eksaktong live chat features na makukuha maliban sa chatbot at integration sa iba pang CRM toolset para sa paggawa ng mas maraming leads. Ipapakita sa inyo ng susunod na section ang karanasan sa pagtatrabaho gamit ang live chat ng PipeDrive mula sa parehong panig, at titingnan natin lahat ng makukuhang features.
Live chat performance at user experience
Ang live chat widget ay angkop na angkop sa aming website tulad ng aming pagkakadisenyo. Ginamit din namin ang option na ma-check kung ang manual integration ay naitama sa PipeDrive. Dahil nai-set up na ang live chat widget at handa na sa pag-test ng website, na-click namin ang widget at hinarap ang mga pre-defined na tanong ng chatbot. Pinili namin ang sagot na to talk to a representative (kami) at naghintay hanggang sinagot nila (ako) ang aming inquiry.
Matapos naming i-click ang option na makipag-chat sa sales team (na iniwan naming pre-defined), may lumabas na animation ng tatlong tuldok sa live chat para ipakitang may tumutugon kahit may chatbot. Dito gumagawa ng mas human-like na experience. Pero tingin namin ay walang maniniwala rito. Sinabi sa amin ng system na maghintay kami sa isang representative. Noon kami nakatanggap ng notification sa live chat section ng PipeDrive. Makikita ninyo ito sa ilalim ng Unassigned tab at itakda ito sa inyong sarili bago kayo makatugon.
Sinimulan naming sumulat para matingnan muna kung sinusuportahan ng PipeDrive live chat ang real-time typing view feature, pero hindi pala. Sa pangkalahatan, ang live chat ay masyadong naka-focus sa chatbot experience at medyo napabayaan ang bahagi ng live chat. Walang makukuhang attachment features kaya ang live chat na ito ay para lang sa written communication. Ito ay sapat na option para sa karamihan ng users, pero palaging maganda kung may karagdagang features. Dahil walang attachments, puwedeng mapilitan ang users na magpalipat-lipat sa pagitan ng live chat at email, o sa iba pang communication channel na sumusuporta sa attachments.
Gayunman, merong medyo kapaki-pakinabang na text formatting features – bold, italics, at bullet points. Hindi namin maisip ang maraming gamit para sa mga ito, pero tiyak ito ay kapaki-pakinabang kapag nagpapaliwanag ng mga proseso o sa diretsong pagsusulat ng guide bilang isang live chat message para sa customer. Halos ito na iyon pagdating sa makikitang features. Makakukuha rin kayo ng ilang options na makapagdagdag ng contact information at mai-save ang lead sa inyong system. Meron ding add-on para sa pagsubaybay sa mga web visitor pero nakatago rin ito sa likod ng isang paywall at nagkakahalaga ng kagila-gilalas na $49 kada buwan. Maraming live chat software ang may offer ng feature na ito bilang deretsahang bahagi ng deal na walang karagdagang bayad.
Sa pangkalahatan, mas malaki ang aming inaasahan mula sa PipeDrive live chat. Madali itong ma-implement kung kailangan mo ito. Pero ang mga feature ay hindi gaanong kaakit-akit, at minsan ay mahal. Wala kayong masyadong magagawa maliban sa chatting, at kahit iyon ay inaalis pa sa inyo sa pangungulit ng PipeDrive sa pagpilit gumamit ng ilang chatbot functionality sa inyong deal. Ang live chat feature sa PipeDrive ay support feature lang, hindi ito ang pangunahin, kaya mauunawaan kung bakit ito ang pinipili.
Pagpepresyo
May offer ang PipeDrive ng apat na pricing options pero ang live chat ay halos hindi nabanggit dahil hindi ito ang pangunahing focus ng software na ito. Ang bawat plan ay may offer na iba’t ibang features at uma-upscale ito habang tumataas ang presyo. Tandaan na ang ilang add-on ay puwedeng magdulot sa inyo ng dagdag na gastos at puwedeng hindi kasama sa final price. Tingnan natin ang mga ino-offer.
Essential
Ang Essential plan ay nagkakahalagang $14.90 kada buwan bawat user at may offer itong lead, deal, calendar, at pipeline management features. Bahagi rin ng deal ang simpleng data import at madaling customization, pati na rin ang 24/7 na support at higit 300 integrations.
Advanced
Ang Advanced plan ay nagkakahalagang $24.90 kada buwan bawat user. May offer itong full email sync na may templates at scheduling, group emailing at open at click tracking, pati na rin workflow builder na may triggered automations.
Professional
Ang Professional plan ay nagkakahalagang $49.50 kada buwan bawat user, at puwede itong mag-offer ng feature para gumawa, mag-manage at mag-eSign ng documents at contracts, revenue projections, forecast, at enhanced na custom reporting features.
Enterprise
Ang plan na ito ay nagkakahalagang $99 kada buwan bawat user. Bilang karagdagan sa lahat ng naunang features, makakukuha kayo ng unlimited user permission at visibility settings, dinagdagan at pinag-igting na security preferences, implementation program at phone support, at walang limitasyon sa paggamit ng feature.
Kongklusyon
Ang PipeDrive bilang isang CRM solution ay isang mahusay na karagdagan sa anumang business, ang live chat features ay isa ring bagong idinagdag. Itinutulak ng live chat ang paggamit ng chatbot, pero kulang ito ng ilang mahahalagang live chat features habang ang ilang mahahalaga ay nakatago sa likod ng paywall. Ang PipeDive live chat ay hindi masama, hindi nga lang sapat ang pagiging advance nito para makipagsabayan sa magagaling. Kung ang inyong pangunahing pakay ay CRM at ang live chat ay hindi mahalaga, hindi kayo magkakamali sa PipeDrive. Kung gusto ninyong mas mag-focus sa live chat communication, ikonsidera ninyo ang ibang solutions.
Frequently Asked Questions
Ang aming PipeDrive live chat ay hindi nakatatanggap ng messages.
Una sa lahat, tingnan ang inyong chatbot configuration at i-check kung may mga pagkakamali sa flow. Siguraduhing tama ang flow at activated sa inyong setings. At tingnan ang live chat tab at i-check kung ang inyong status ay online. Ang huling karaniwang isyu at isa sa pinakasimpleng ayusin ay ang i-refresh ang page nang naka-integrate na ang live chat widget. Ito lang mismo ay puwedeng maging sanhi para hindi mai-deliver nang tama ang messages, at isang isyung madaling iwasan.
Paano kami magdaragdag ng PipeDrive live chat nang walang chatbot sa aming website?
Hindi posibleng ganap na maalis ang chatbot feature at may pangangailangang magdagdag ng kahit isang basic flow. Puwede ninyong i-minimize ang automation sa pamamagitan ng pagpapanatiling maikli ang inyong custom flow at pagdaragdag ng live chat option nang diretso sa routing. Puwede rin kayong pumili ng preset na may offer na minimum chatbot interaction.