Key takeaways
Pros
- Well-balanced ang set ng features
- Magandang performance
- Magandang options ng customization
Cons
- May mandatory branding sa isang plan
Ang pagsisimula sa Pure Chat live chat
Ang Pure Chat ay isa sa may pinakamabilis na proseso ng registration. Ang kailangan lang gawin ay mag-sign up, ibigay ang inyong contact information, at dadalhin na kayo sa dashboard. Sa dashboard ninyo makikita ang natitira pang hakbang para magamit ninyo ang inyong live chat widget. Walang mahabang proseso; isang productive approach lang at puwede na kayong makapagsimula.
Ang susunod na hakbang ay gagabayan kayong direktang ma-install ang script sa website. Puwede ninyong piliing i-install ito nang kayo lang, i-copy-paste ang code, o subukan ang direct integration kung gumagamit kayo ng Weebly o WordPress. Puwede ring ipadala sa inyong website administrator ang instructions sa pamamagitan ng isang ready email form. Meron ding option para i-verify ang live chat installation para masigurong gumagana na ito nang maayos.
Ang hindi ko agad nakita sa umpisa ay ang option ng customization para sa inyong live chat. Puwede kayong lumipat sa Customize section sa itaas ng interface at i-adjust ang inyong chat widget sa kung paano ninyo gusto, at puwede ring palitan ang settings. Sa kabuuan, napakaganda ang customization options, at hindi ito masyadong makalat at walang hindi kinakailangang mga bagay. Puwede ninyong i-customize ang kulay at disenyo para sa web at smartphone version, i-set ang availability messages at email form, matuwa sa triggers, at marami pang iba.
Kapag masaya na kayo sa customization, puwede na ninyong ma-integrate ang live chat widget. Nagdesisyon kaming gawing mano-mano ang integration dahil mukhang ito ang pinakamadaling gawin sa tatlong options. Gumana nang maayos ang code, at puwede nang magsimula sa pag-test. Pero tingnan muna natin ang features at disenyo ng Pure Chat live chat.
Features at user interface
Ang features ng Pure Chat ay ang mga inaasahan ninyo sa isang live chat solution pero puwede pa itong mapahusay. Makukuha ninyo ang standard na mga bagay tulad ng advanced widget customization, security roles, at canned responses. Puwede ninyong i-adjust ang email forms kapag hindi available ang inyong agents. Karamihan sa features na ito ay direktang available sa widget customization settings, kaya hindi kayo magkakaproblemang hanapin ito.
May offer ding analytics at visitor tracking features ang Pure Chat; pareho itong magagamit sa kahit anong communication software. Dagdag pa, may option din kayong makatanggap ng kumpletong chat transcript. Sinusuportahan din ng Pure Chat ang ilang integration sa mga solution tulad ng HubSpot, Zoho, MailChimp, at marami pa. Iyan lang naman kung features ang pag-uusapan. Ngayon, tingnan naman natin ang paggana ng live chat.
Live chat performance at user experience
Ginawa ko sa parehong sides ang live chat ng Pure Chat para magkaideya kami kung paano ito gumagana para sa parehong agent at customer. Tagumpay namang na-integrate ang chat widget at hindi namin ginamit ang verification option na nabanggit kanina. Noong na-click na ang widget, puwede nang makapagsimula sa pag-test.
Ang tools na available para sa agents ay maganda at sa tingin namin ay walang nawawalang essential. Maliban sa pagsusulat ng chat messages, puwede rin ninyong gamitin ang selection ng emoji, canned answers, at magpadala ng attachments. Ang mga kasama sa attachment ay standard file at images types kaya hindi kayo magkakaroon ng problema sa feature na ito.
Sa pangkalahatan, maganda ang Pure Chat. Ayos lang ang bilis nito, at hindi kami nakaranas ng kahit anong kabagalan o ibang problema habang nagte-test. Sa totoo lang, naging suwabe ang kabuuang experience namin, pareho sa inaasahan mula sa isang professional na live chat solution. Hindi naman medyo bago ang features nito, pero hindi ito malaking problema dahil lahat naman ay essential, available, at hindi naman lahat ng users ay kailangan ang kahit anong extra.
Pagpepresyo
Ang Pure Chat ay may offer na dalawang plans na magkaiba ang pagpepresyo. Habang halos pareho lang ang ino-offer nitong features, may kaibahan lang sa limit. Ang parehong plano ay may kasamang unlimited na chats, advanced widget customization, lahat ng integrations, engagement hub, iOS at Android apps, security roles, unlimited na chat history transcripts, canned responses, chat notifications, file transfers, trigger-based actions at alerts, real-time analytics, visitor tracking, reports, CSV exports, at support.
Growth
Ito ay $39 kada buwan kung taunan magbabayad o $49 kada buwan sa monthly billing. Sinusuportahan nito ang isang website at apat na users. Ang bawat dagdag na user ay may halagang $13 kada buwan. Meron kayong 100 SMS notifications. Sa plan na ito, walang option na matanggal ang Pure Chat branding.
PRO
Ang PRO plan ay $79 kada buwan kung taunan ang pagbabayad o $99 kada buwan kung monthly billing ang option na pinili ninyo. Sinusuportahan nito ang 10 users, at $8 sa bawat dagdag na user. May offer ang plan na ito na support sa unlimited na number ng websites, at 1,000 SMS notifications. May option ding matanggal ang Pure Chat branding.
Kongklusyon
Maganda ang live chat ng Pure Chat; lahat ng kinakailangang features ay meron sila at suwabe ang performance nito. Habang hindi ito nagbibigay ng kahit anong bago, ang selection ng tools at features ay maayos na gumagana, at ito ang pinakamahalaga sa lahat. Ang presyo ay abot-kaya at rasonable pero baka mapuwersa ang users na magbayad para sa mas mahal na solution dahil ang mas murang plan ay walang option na tanggalin ang Pure Chat branding.
Frequently Asked Questions
Hindi kami nakatatanggap ng message sa Pure Chat app
Baka konektado itong isyu sa ilang karaniwang problemang puwedeng madaliang maresolba. Una sa lahat, i-double check ang code ng inyong Pure Chat live chat at tingnan kung tama itong na-implement sa inyong website. Puwede rin ninyong gamitin ang verification option ng Pure Chat. Kung hindi kayo sigurado kung nakompromiso ang code, i-delete lang ito sa inyong website. Pagkatapos ay i-copy-paste ulit ito at siguraduhing makopya ninyo ang buong code. Isa pang solution ay may kaugnayan sa cookies kung saan simpleng tanggalin lang ang inyong browser cache para mawala ang problema.
Hindi makapagpadala ng attachments ang visitors
Malamang ay naka-off sa settings ang option na makakapag-transfer ng files ang mga bisita. Buksan ang Pure Chat at pumunta sa Websites. I-click ang Customize, piliin ang Chat at pumunta sa In-Chat tab. Puwede ninyong i-enable ang File Transfer na box. Meron ding option na i-edit ang File Send Failure Message.