Key takeaways
Pros
- Ito ay ganap na libre
- Mahusay na interface at madaling integration
- Mahalaga pero sobrang kapaki-pakinabang na features
Cons
- Kailangan ninyong magbayad para alisin ang Tawk.to branding
- Puwedeng maging mahal kung pipiliin ninyo ang Tawk.to na pang-chat
Ang pagsisimula sa Tawk.to live chat
Ang Tawk.to ay isang live chat software na libreng version lang ang meron. Oo, tama ang inyong nabasa, walang sapilitang bayad na plans na makukuha rito. Ang kompanya ay nakilala na salamat sa live chat na mahusay na dinisenyo na naka-focus sa pagtulong sa mga kompanya para maging mas mahusay sa pakikipag-usap sa kanilang customers. Gayunman, iyon ay isang bahagi lang ng company philosophy. Ang Tawk.to ay naka-focus na maigi sa pagpapahusay ng mga business at pagtulong sa kanilang masolusyonan ang mga partikular na problema sa mga serbisyo.
Ang Tawk.to ay may simpleng registration process na nangangailangan lang ng inyong pangalan, email, at password sa unang hakbang. Ang pangalawang hakbang ay magtatanong tungkol sa inyong website, at may offer sa inyong pangalanan ang inyong chat, pati na rin ang option na ibigay ang pangalan ng inyong website. Ito ang isa sa pinakamabilis na registration at implementation process na inyong makukuha sa live chat software.
Ang pinakamagandang bahagi ay puwede ninyong ma-implement ang inyong live chat code agad-agad dahil makukuha ninyo ang option sa registration process. Ang implementation ay puwedeng gawin sa maraming paraan. Puwede ninyong i-copy at i-paste ang code sa inyong website o piliin ang integration sa mga kilalang web building service. Puwede ninyong i-customize ang hitsura at behavior ng live chat widget sa application sa ibang panahon. Pagkatapos, puwede na kayong magsimulang mag-browse ng interface at maging pamilyar sa Tawk.to web application.
Ipapakilala sa inyo ang interface sa pamamagitan ng isang tutorial na puwedeng laktawan pero nirerekomenda namin sa lahat na dumaan dito. Hindi mahirap puntahan ang user interface nang wala ito. Pero ang guide ay napakaikli at napakahusay ng pagkakagawa kaya sulit subukan ito. Ang mga huling hakbang ng guide ay magbibigay sa inyo ng option para i-download ang Tawk.to mobile applications sa pamamagitan ng QR coder, na isa ring mahusay na karagdagan.
Sa pamamagitan ng mga hakbang na nasa likod natin, puwede na ninyong simulan agad ang paggamit sa inyong Tawk.to live chat. Ang interface ay pinag-isipang mabuti; ito ay malinis at madaling puntahan sa lahat ng oras. Ang left side menu ay nagsisilbing pangunahing access point sa lahat ng subsections, at puwede ninyong ma-access lahat ng pangunahing tools sa panel sa itaas. Meron ding praktikal na notification button sa ibaba kung saan ninyo makikita ang pinakabagong impormasyon tungkol sa updates.
Bago tayo pumunta sa testing na bahagi ng review na ito, tingnan nating mabuti kung ano ang mga makukuha ninyong features sa Tawk.to live chat application at paano ninyo ito mapapakinabangan. Makakukuha kayo ng karagdagang impormasyon sa website ng Tawk.to, pero ang application mismo ay may offer na mas magandang overview ng buong set ng features at options ng live chat.
Features at user interface
Ang Tawk.to ay hindi masyadong marami ang feature na live chat pero dahil ito ay isang ganap na libreng solution, ang feature set ay higit pa sa sapat. Makaaasa kayo ng monitoring features na hahayaan kayong ma-track ang inyong mga pag-uusap, pati na rin ang higit sa 45 na iba-ibang wika para sa inyong live chat. May offer din ang Tawk.to ng nabanggit ng mobile apps para sa madali at mabilis na pakikipag-chat, pati na rin ang suporta ng Shortcuts, na mga mahahalagang canned messages.
Ang pagpunta sa chat settings ng Tawk.to ay nagpapakita ng higit pang features at options na hindi nabanggit sa pangunahing website ng live chat. Puwede kayong mag-set ng triggered messages, email notifications, at webhooks. Marami pang ibang customization options sa chat widget tab, at puwede ninyong i-adjust o baguhin halos lahat ng functionality ng behavior ng widget na available.
Ang Tawk.to feature set ay mas marami pang ino-offer kaya siguraduhing tingnan lahat ng settings para madiskubre ang bawat feature. Ngayon, titingnan natin ang Tawk.to live chat at features habang gumagana. Ang test ay tumitingin sa parehong customer experience at agent experience sa Tawk.to. Wala nang paligoy-ligoy pa, umpisahan na natin.
Live chat performance at user experience
Maganda ang hitsura ng Tawk.to live chat widget sa website. Pinili namin ang basic na setup na may simpleng pagbabago lang sa kulay. Kapag na-click ninyo ito bilang customer, ipa-prompt kayo ng widget para tumingin muna sa help center para sa mga available na sagot. Ito ay isang magandang functionality dahil kaya nitong bawasan ang chat load ng agents at hinihikayat ang users na hanapin ang mga sagot nang mag-isa muna. Ganun pa man, puwede ninyong laktawan ang option na ito at magsimula na sa chat.
Kapag nakapagsulat na kayo ng inyong message at na-click na ang send button, makakukuha kayo ng notification sa Tawk.to na siguradong hindi ninyo makaliligtaan. Ito ay may kakaibang tunog at hindi ito titigil hanggang may sumagot ng chat. Pinasisilip din nito sa amin ang chat interface mula sa panig ng agent, at mukhang maganda ito sa unang tingin. May konting nakaiinis galing sa isang CTA button na nagpa-prompt sa customers na magdagdag ng libreng live chat mula sa Tawk.to sa kanilang website. Hindi naman magiging malaking bagay kung hindi namin ito madalas i-click sa halip na ang mismong chat field sa ilalim nito.
Napakahalaga ng chat features sa panig ng customer. Pero tandaang tayo ay sumusubok sa isang libreng solution. Ang ibang may bayad na solutions ay hindi man lang nag-offer ng ganitong mga option bilang standard. Kasama sa ilang options ng Tawk-to ang chat rating, attachments, at emojis. Kapag pinagsama-sama ang mga ito, nagbibigay sa inyong nagcha-chat na customers ng lahat ng kanilang kailangan para makipag-usap nang epektibo.
Pareho at mas mainam ang nangyayari sa panig ng agent sa chat. Nadiskubre namin ang bagong features na ang tawag ay Whisper. Ang feature na ito ay mahalagang gumagana bilang isang note para sa ibang agents. Puwede ninyo itong isulat nang diretso sa chat window at hindi ito makikita ng customers. Ang ibang features sa panig ng agent ay halos pareho din ng nasa customer, maliban sa nakikita ninyong customer information kung saan may access ang Tawk.to.
Ipinapaalam sa inyo ng Tawk.to live chats kung ano ang ginagawa ng inyong customer habang nasa chat. Makakukuha kayo ng notification kapag nag-minimize o nag-maximize sila ng chat window. Isa itong nakagugulat pero napakagandang karagdagan sa real-time typing view. Bgama’t kilala ang feature na ito at madalas ginagamit sa karamihan ng chat software, hindi ito isang standard feature ng bawat isa sa kanila. Ang Tawk.to ay libre at meron nito, na sabihin na nating kahanga-hanga.
Sa kabuuan, ang live chat ng Tawk.to ay isang napakahusay na tool kahit na ito ay libre. Habang pinagdadaanan ito, wala kaming nakitang anumang kapansin-pansing hindi kanais-nais o mali dito. Puwede ninyong piliing alisin ang Tawk.to brading mula sa inyong live chat, pero hindi naman ito gaanong nakaiinis o nakikita. Isa rin itong magandang kapalit para sa libreng software sa banayad na paraan. Ang buong toolset ay gumagana nang walang bug at hindi namin masasabi na meron itong mga isyu na kailangang tugunan.
Pagpepresyo
Ang Tawk.to ay isang ganap na libre at walang offer na anumang pricing plans. Gayunman, merong dalawang bayad na options para sa mga lehitimong interesadong kumuha nito, at di sila nakaka-upgrade ng chat functionality o nagdadagdag ng bagong features sa makabuluhang paraan. Naka-focus sila sa dalawang bagay: puwede ninyong alisin ang Tawk.to branding mula sa inyong chat widget sa halagang $19 kada buwan, o puwede ninyong hayaan ang Tawk.to na mag-asikaso ng lahat ng inyong live chat communications sa halagang $1 kada oras lang (kabuuang $728 kada buwan). Kung pipiliin ninyo ang huling option, puwedeng maging napakamahal ng Tawk.to.
Kongklusyon
Ang Tawk.to ay isang mahusay at libreng live chat software na nagawang malampasan ang maraming may bayad na solutions. Limitado ang feature set pero may offer ito ng lahat ng inyong kakailanganin, kaya hindi ninyo mararamdamang wala kayong gaanong tools sa anumang punto. Bagama’t kailangan ninyong magbayad para maalis ang Tawk.to branding, hindi naman ito masyadong pansin, at sa personal na opinion namin ay hindi ito masyadong nakagagambala. Sa pangkalahatan, mahusay ng solution ang Tawk.to at hindi kayo magsisisi kapag ito ang inyong kinuha.
Frequently Asked Questions
Wala kaming nakukuhang notification sa Android
Ang isyu na ito ay puwedeng sanhi ng ilang Android smartphone manufacturers na gumagamit ng data saving features na puwedeng nagba-block ng notifications sa pamamagitan ng paglalagay ng ilang applications sa sleep mode. Siguraduhing tingnan ang inyong notification settings at hayaan ang Tawk.to na magpakita sa inyo ng notifications. At saka puwede ninyong tingnan ang battery saving o data saving options at alamin kung hindi nito bina-block ang anumang communication mula sa Tawk.to.
Hindi lumalabas ang widget sa WordPress plugin
Ang pinakakaraniwang solusyon ay ang paganahin ang third party cookies sa Tawk.to WordPress plugin. Pumunta sa inyong Tawk.to plugin setting at buksan ang Account settings. Makikita ninyo ang link na magdadala sa inyo sa cookie options para sa bawat kilalang browser. Kapag nagawa na ninyo ang mga pagbabago, siguraduhing i-refresh ang inyong page para makita ang mga pinagbago.