Key takeaways
Pros
- Madali ang integration
- Mga mahuhusay na advanced customization option na hahayaan kayong maging malalim
- Magandang in-chat functionality para sa agents at customers
Cons
- Hindi gaanong flexible na pricing na may predetermined na user seats
- Puwedeng medyo nakakalito ang interface (mahusay pa rin naman ito)
Ang pagsisimula sa Userlike live chat
Ang Userlike ay isang dedicated na live chat software na naka-focus sa pagbibigay ng maaasahang live chat solution para sa sales at customer service. May offer itong isahang solusyong nagbibigay ng maaasahang live chat sa inyong website kasama ang advanced customization options, analytics, reporting features, at marami pang iba. Sa ngayon, subukan muna natin ang Userlike live chat at tingnan kung paano ito magpi-perform.
Madali lang ang pagsisimula sa Userlike. Kailangan lang ninyong mag-register para sa libreng trial o pumili ng isa kung interesado kayo rito mula sa umpisa. Katulad ng nakaugalian ng karamihan ng software, magbibigay ng ilang katanungan ang Userlike tungkol sa inyong pakay sa paggamit, at tungkol sa inyong kompanya. Ito ay isang madaling proseso at mabilis kayong matatapos dito. Pagkatapos, sasalubungin kayo ng isang welcome video para maipakita sa inyo ang mga dapat matutunan. Puwede ninyo itong laktawan kung gusto ninyo, pero mas nakatutuwa kung meron itong guide para makapagsimula mula sa umpisa.
Puwede kayong magsimula sa pagdiskubre ng napakagandang interface. Gumagamit ito ng banayad na color scheme na may shades ng gray at wala itong nagkalat na di kinakailangang elements at options. Ang lahat ay tila madaling ma-access mula sa umpisa. Ang pangunahing dashboard ay nagpapakita ng statistics at makakukuha kayo ng isang mabilis na start guide sa babang kanang kanto para matulungan kayong maging pamilyar sa interface nang mas mabilis. Ito ay mahusay na dinisenyo at ang ilan sa ibang solutions ay puwedeng matuto mula sa isang user-centric na pamamaraan.
Ipinapakita ng menu sa kanan ang lahat ng makukuhang Userlike toolset, kabilang ang chat tools. Kapag ito ay inyong na-click, puwedeng medyo madismaya kayo sa nakakalitong view. Ipinapakita lang nito ang conversation statistics. Gayunman, tila walang paraan para makagawa o makapagdagdag ng live chat na humahantong sa mas mahabang paghahanap sa interface. Ang aktuwal na option ay nakatago sa ilalim ng Channels menu kung saan kayo makagagawa ng bagong website widgets.
Natutuwa kaming sabihing ang natitira sa proseso ay higit na mas intuitive. Kapag na-click na ninyo ang Add widget, makapipili na kayo ng pakay, wika, at uri ng widget. Ang widget-type option ay may kasamang paliwanag para matulungan kayong alamin kung anu-ano ang pagkakaiba ng mga ito, pero ang mismong pangalan ay self-explanatory na. Kapag natapos na kayo sa section na ito, ang natitirang option na lang ay ang paglalagay ng widget o ang pag-configure muna.
Ang customization options ay medyo malawak. Meron itong general settings, appearance options, wording options para sa lahat halos ng bawat item at element sa chat, chat behavior at routing, at marami pa. Ito ay hindi katulad ng mga nakita na namin, bagama’t hindi kami nagdududang marami pang ibang chat solutions na may detalyadong configuration selection. Bagama’t napakahusay na magkaroon ng maraming customization options, medyo nakakapagod daanan ang lahat ng ito. Sa tingin namin, ang ilan sa kanila ay hindi na kailangan pa. Gayunman, pinapalakpakan namin ang pagsisikap.
Kapag natapos na kayo sa buong customization at configuration, oras na para i-install ang chat widget. Ipinapakita ng page ang isang installation option sa pamamagitan ng copy-pasting ng isang live chat code diretso sa inyong website. Meron ding button para matulungan kayong makontak ang inyong website para gawin ito para sa inyo, na magdadala sa inyo sa isang simpleng contact form kung saan ninyo ipadadala ng request ninyo para sa email address ng programmer. Pinili naming kami na ang gagawa nito kaya kinopya at nilagay namin ang code sa aming test website. Lahat ay gumana nang walang anumang problema at handa na kaming magsimula sa testing. Pero una, tingnan muna natin kung ano ang puwedeng asahan sa features ng Userlike live chat.
Features at user interface
Ang Userlike ay may offer na iba-iba at kakaibang feature set sa maraming areas at sinusubukan nitong gumawa ng bago para sa live chat game. Ang live chat ay sumusuporta sa chat forwarding na nagpapahintulot sa inyong maglipat ng chats sa ibang katrabaho. Ito ay halos kapareho ng ticket transfers sa ticketing software, na medyo kapaki-pakinabang sa maraming sitwasyon. May offer din ang Userlike na option na pumili ng pangunahing kakayahan para sa bawat chat agent, para mapili ng customers kung sino ang expert na gusto nilang makausap. Ang option na ito ay makikita rin sa ticketing software, at kilala ito bilang chat routing. Ito ay isang mahusay na feature para sa live chat at lalong mas maganda itong makita kasama ng routing options na batay sa skills.
Ang isa pang nababanggit na feature ay ang tinatawag ng Sticky chat, at ito ay isa pang mahusay na feature na nagkokonekta sa mga customers sa agents na huli nilang nakausap. Ginagawa nitong mas madali para sa mga agent na maalala ang customer at ang impormasyong napag-usapan nila. Sunod, naroon ang Smart customer profiles features na awtomatikong gumagawa ng customer profile kapag ang website visitor na nakipag-ugnayan sa inyo sa chat ay nagdesisyong magbigay sa inyo ng email address. Ang Userlike ay sumusuporta kahit papano sa automation kung saan ninyo puwedeng i-customize ang offline messages, welcome bubbles, forwarding messages, at marami pa.
Ang Userlike ay may offer ding feedback feature at post-chat surveys na puwedeng i-customize gamit ang inyong sariling tanong at sagot. Maliban dito, maa-activate ninyo ang aktibong chat invitations o mako-configure ninyo ang routing para matiyak na ang mga pakikipag-ugnayan ng inyong customers ay mapupunta sa angkop na agents. Ang feature na ito ay iba sa agent skills na nabanggit sa itaas, at ito ay kahawig ng mga classic routing option na puwedeng nalaman ninyo sa ibang chat solutions o IVR software. Marami pang ibang Userlike features na madidiskubre at lahat ay gumagana nang maayos.
Live chat performance at user experience
Ngayon, oras na para subukan ang live chat widget. Sinubukan namin ang live chat mula sa magkabilang panig ng experience kaya makakukuha kayo ng ideya tungkol sa panig ng agent at customer nang sabay. Nag-click kami sa chat widget at nagsimula ng bagong pakikipag-usap, na nagpo-prompt sa awtomatikong paglabas agad ng welcome message. Gayunman, napansin naming binanggit nitong lahat ng agents ay offline (kahit na ako ay kasalukuyang naka-log in sa Userlike bilang isang agent). Nadiskubre naming ang dahilan ay hindi kami direktang nasa All conversations sections ng app kaya siguraduhing iwasan ang ganitong pagkakamali. Puwede kayong mag-self-assign ng chat dito.
Matapos ang self-assigning chat, nagsimula na kaming mag-reply sa visitor. Masasabi naming sapat lang ang speeds at hindi ninyo kailangang maghintay nang matagal para mai-deliver ang messages. Ang unang nadiskubre ay walang offer na real-time typing view feature ang Userlike, pero hindi naman ito kinakailangang feature para sa tamang operasyon ng anumang live chat. Maganda lang magkaroon nito. Gayunman, ang automation ay tila gumagana nang mahusay dahil ang chat widget ay awtomatikong nagpapadala ng messages kapag mas mahaba ang oras ng paghihintay sa panig ng agent. Lahat ito ay bahagi ng setup, at mahusay itong gumagana.
Kasama sa panig ng customer sa widget ang standard options para sa pagpapadala, pagdaragdag ng smileys, at pati na rin ang paglilipat ng files at pagre-request ng chat transcript. Mahuhusay ang features na ito ay kapaki-pakinabang para sa customers. Ang maganda pa rito ay walang anumang nakakalat o sumosobra para sa customers. Kapareho din sa panig ng agent sa chat view, pero may mas maraming options na makukuha – magpadala ng macros, mag-offer ng tawag, magpadala ng attachments, mag-record ng voice message, at mag-trigger ng commands.
Interesante ang trigger command option dahil hinahayaan nito ang users na agad makapag-perform ng action sa ilang clicks lang. May ilan pang options na makukuha – mag-block ng contacts, mag-transfer ng conversation, mag-request transcripts, maglagay ng notes, magpalit ng conversation status, at marami pang iba. Lahat ng mga action na ito ay puwedeng i-prompt gamit ang keyboard shortcuts na madali ninyong mamememorya at magagamit nang walang kini-click na anumang button.
Sa pangkalahatan, ang Userlike live chat experience ay mahusay para sa parehong panig at wala kaming nakitang anumang malaki o maliit na problema habang nagti-test. Puwede kayong mag-engage sa ibang tools sa inyong Userlike dashboard bilang isang agent at tingnan ang lahat ng kaugnay na statistics at analytics na inyong makukuha. Magandang magkaroon ng mahusay na tool tulad ng Userlike at hindi kayo nito dapat biguin sa anumang pagkakataon.
Pagpepresyo
May offer ang Userlike na apat na pricing plans na may iba-ibang pricing options, kabilang ang isang libreng tier. May tukoy na bilang ng users ang mga plan kaya kung gusto ninyong mag-upscale, kailangan ninyong maging handa sa pagbabayad ng sobra para sa mas mataas na plan sa halip ng magbayad lang para sa mas maraming users sa parehong plan. Ngayon, tingnan natin ang bawat package at ang kanilang features.
Libre
Ang libreng plan ay may offer na isang widget para sa isang user. Matatanggap ninyo lahat ng core features, unlimited conversations, unlimited contacts, at website manager nang libre.
Team
Ang Team plan ay may offer ng apat na widgets para sa apat na users at dalawang messaging apps sa halagang $100 kada buwan. Maliban sa lahat ng features mula sa naunang tier, makakukuha rin kayo ng access sa add-ons, WhatsApp channel, messaging apps, live translation, video calls, screen sharing, at pangunahing API access.
Corporate
Ang Corporate plan ay may offer na sampung widgets para sa sampung users at apat ng messaging apps sa halagang $320 kada buwan. Makukuha ninyo lahat ng mga naunang nabanggit ng features at karagdagang AI automation hub, chatbots, at analytics features.
Flex
Ang Flex plan ang pinakamahal sa lahat na may 10+ widgets, 10+ seats, at 4+ na messaging apps para sa custom price na inangkop sa pangangailangan ng inyong business. Bilang karagdagan sa features mula sa mga naunang plans, makakukuha kayo ng white label, advanced routing, professional onboarding, organizations, at isang dedicated na account manager.
Kongklusyon
Ang Userlike ay isang mahusay na chat solution na may offer na lahat ng inyong inaasahan mula sa live chat. Kahit na mukhang medyo mahal ang presyo, mas mura ito kaysa inaakala kung ikokonsidera ang paunang natukoy na bilang ng user seat sa bawat plan. May offer ang Userlike na maraming features at customization options na nagsisigurong ang inyong experience ay tunay na maiaangkop sa inyong sitwasyon. Kung ang inyong kailangan ay isang dedicated na live chat solution, hindi kayo magkakamali sa Userlike.
Frequently Asked Questions
Iisang Userlike operator lang ang tumatanggap ng chats
Kung iisa lang sa live chat operators ang tumatanggap ng incoming chats, puwedeng magkaroon ng maraming solusyon ang isyu. Una sa lahat, i-check ang mga natitirang operators na hindi tumatanggap ng chats kung nasa tamang operator group sila. Ang bawat live chat widget ay may settings na related sa operator groups o departments. Buksan ang chat widget settings at pumunta sa Chat > Routing at baguhin ang group, o idagdag ang mga natitirang agents na hindi tumatanggap ng chats sa parehong group bilang operator na tatanggap ng chats. Ang pangalawang solusyon ay puwedeng konektado sa availability ng chat slots. Ang operator na may pinakamaraming bilang ng bukas na slots ay ang malamang na makatanggap ng bagong chats. Puwede ninyong i-adjust ang bilang ng slots sa ilalim ng Team > Operators sa bawat operator profile. Ang isa pang solusyon ay ang pag-check kung ang lahat ng operators ay online. At panghuli, kung may mga paulit-ulit na contacts na gumagamit ng live chat, mas malamang na sila ay maikokonekta sa operator na dati na nilang nakausap.
Ang Userlike live chat button ay hindi lumalabas sa aming website
Puwedeng may ilang dahilan kung bakit nangyari ang isyung ito. Una, i-doublecheck kung naisama nang tama ang Userlike widget sa inyong website, at tingnan kung may mga nawawalang bahagi ng code o anumang uri ng typos na puwedeng aksidenteng naidagdag. Ang pangalawang dahilan ay baka active ang option na itago ang button kapag walang bakanteng operators. Makikita ninyo ang option na ito sa ilalim ng Widget settings > Chat > Advanced. Siguraduhing ang option na ito ay deactivated para laging lumalabas ang chat widget. Ang pangatlong dahilan ay puwedeng related sa cookies dahil ang Userlike ay nangangailangan ng partikular na permiso para gumana nang tama. Kailangang maisama ang Userlike sa inyong Cookie Consent Manager.
Ang Userlike analytics ay hindi naglo-load at hindi lumilitaw ang anumang data
Ang dahilan kung bakit walang lumilitaw ng Analytics data ay puwedeng may kinalaman sa paggamit ng ilang Adblockers. Siguraduhing i-whitelist ang Userlike o i-disable ang ad blocking sa Userlike domain. Puwede ring mawala ang inyong access sa mga partikular na value kapag in-activate ninyo ang Analytics privacy filter sa inyong Organization settings. Kung active ang option na Hide operator, hindi ninyo makikita ang anumang data sa Analytics > Operator status.
Hindi kami makapag-log in sa 14-araw na trial ng Userlike
Ang account owner lang ang puwedeng mag-log in kapag natapos na ang libreng trial period. Para makapag-access ang ibang users, kailangan ninyong mag-upgrade sa isang may bayad na option dahil ang libreng version ng Userlike ay sumusuporta sa isang user seat lang.