Key takeaways
Pros
- Available ito bilang isang mobile app sa parehong Android at iOS
- Deretsahan ang pagpepresyo
- Maaasahan ang customer support
Cons
- Available lang ito sa US
- Available lang ang information kapag nakapagbayad na ng subscription
- Hindi palaging 100% na accurate ang information
- Walang option na bumili ng isang report
Ang pagsisimula sa BeenVerified
Napakadaling i-navigate ang website at i-access ang lahat ng information na kailangan ninyo. Ang lahat ay napaliwanag nang malinaw, kaya alam ninyo agad ang kanilang ino-offer.
Kapag kayo ay pumunta sa main page ng BeenVerified, ang una ninyong makikita ay ang search options. Puwede kayong mag-search gamit ang pangalan, gumawa ng reverse phone lookup search, email lookup, at vehicle search.
I-enter lang ang pangalan sa search bar sa ilalim ng “People Search” at i-click and “Search.” Pagkatapos ng ilang segundo, tatanungin kayo ng BeenVerified sa karagdagang information tungkol sa taong hinahanap ninyo. Kapag nagbigay na ng dagdag na information tulad ng city o state, kaya ng BeenVerified na tasahan pa ang search para bigyan kayo ng mas accurate na resulta. Kung hindi kayo sigurado kung saan nakatira ang tao, puwede ninyong i-click ang “I’m not sure.”
Puwede pa ring tasahan ang search sa pag-enter ng edad ng tao at middle name niya. Kung wala kayo nito, i-click lang ang “I’m not sure.”
Pagkatapos noon, puwede kayong pumili kung anong klaseng information ang gusto ninyong makuha sa inyong report. Puwede kayong pumili ng kahit gaano karami at i-click ang “Continue” o puwedeng lampasan ang step na ito.
Ngayon, ang kailangan lang gawin ay mag-agree sa terms at conditions at i-click ang “I Agree.”
Pagkatapos noon ay magsisimula nang manguha ng information ang BeenVerified sa kanilang database. Ang prosesong ito ay tumatagal nang ilang minuto. Pagkatapos makumpleto, kailangan ninyong ilagay ang inyong email address at buong pangalan para ma-save ang report. Hindi ninyo puwedeng lampasan ang step na ito kung gusto ninyong magpatuloy.
Pagkatapos ninyong ilagay ang inyong email at buong pangalan, hahanap ulit ng results ang BeenVerified. Mas matagal na ito ngayon. Pagkatapos maghintay nang matagal, makukuha na ninyo ang buong report na meron lahat ng available na information. Kailangan ninyong isipin na ang BeenVerified ay isang bayad na service provider. Hangga’t hindi kayo nagbabayad na customer, hindi ninyo makikita ang kahit anong resulta.
Kapag nag-scroll down kayo sa main page, makikita ninyo ang mga nakatutulong na article at guide na tugon sa frequently asked questions.
Makikita ninyo ang information tungkol sa presyo kapag na-click ninyo ang “Sign Up.” Pero medyo matagal bago makapunta sa presyo. Bago ito ma-display, kailangan ninyong i-click ang “Confirm” sa huling step at maghintay na ma-load ang information. Pagkatapos, dadalhin na kayo diretso sa page ng kanilang mga presyo at subscriptions. Ang prosesong na ito ay medyo komplikado at nakakainis para lang pumunta sa pricing information.
Mga feature
Ang BeenVerified ay may offer na pitong magkakaibang features ng produkto: People search, Reverse phone lookup, Email lookup, Address lookup, Username search, Unclaimed money lookup, at Vehicle lookup.
Kasama rin sa report ang personal na information tungkol sa tao tulad ng kanilang pangalan, edad, mga kamag-anak, litrato, trabaho, educational history, at iba pa. Sa People search, puwede kayong makakita ng information tulad ng criminal reports, traffic violations, at pag-aresto.
Ang BeenVerified ay gumagana bilang isang in-browser application, pero may offer din silang mobile app sa android, iPhone, iPad, at Apple Watch. Kahit nasa harap kayo ng inyong desktop sa bahay o nasa labas, puwede ninyong gamitin ang kanilang serbisyo kahit saan basta meron kayong internet connection.
Alisin ang impormasyon ninyo
May option kayong alisin sa resulta ng People search ng BeenVerified. Simple lang ang prosesong ito. Kailangan lang ilagay ang information ninyo sa isang maikling form sa kanilang website at piliin kung anong record ang gusto ninyong tanggalin nila. Padadalhan nila kayo ng verification email kung saan ninyo kailangang i-confirm ang inyong opt-out request. Pagkatapos, makatatanggap kayo ng isa pang email na nagsasabing natanggal na ang inyong record. Hindi ninyo kailangang maging customer na nagbabayad para mag-opt-out sa People search; libre ito.
Customer support
Ang BeenVerified ay merong sariling Help Center kung saan puwede kayong mag-search ng mga sagot sa inyong tanong bago kayo magtanong sa kanilang customer support team. Makikita ninyo ang madalas na naitatanong tungkol sa billing, inyong account, o sa kanilang data at public records.
Kung hindi ninyo makita ang hinahanap ninyo, puwede kayong magtanong sa kanilang customer support agents sa email o tumawag sa number na nakalista sa kanilang website.
Ang BeenVerified ay walang offer na live chat o ibang klase ng direct communication, at hindi sila available 24/7.
Paano magagamit ng mga call center ang BeenVerified?
Ang reverse phone number lookup tulad ng BeenVerified ay puwedeng maging beneficial na service para sa mga call center at customer support agent dahil nagbibigay ito ng option na mahanap ang mga di kilalang numbers sa kanilang malawak na database. Puwedeng makatulong ito kung makatanggap ang call center ng tawag mula sa isang hindi kilalang caller, at puwedeng nalimutan nilang magbigay ng kanilang contact information o kung nawala ang data dahil sa system failure.
Puwede ring gamitin ito ng call centers para makilala ang prank calls o mga masagwang tawag na naglalagay sa mga agent sa di komportableng sitwasyong nakakabawas ng kanilang productivity at efficiency sa trabaho. Kapag naba-block ang ganyang mga caller, ang call center ay puwede na lang mag-focus sa mga legitimate nilang customer.
Kapag ang agents ay gumagawa ng reverse phone number lookup, madalas silang makahanap ng data tulad ng email address, address ng tirahan, social media account, at iba pang importanteng information. Ang data na ito ay magagamit sa cold sales calls at sa pag-reach out sa potential customers.
Para maiwasan ang mga legal issue, dapat sinisigurado ng mga call center na sumunod sa mga batas at regulation ng isang particular na jurisdiction kung magdesisyon silang gamitin ang ganitong mga service para sa business.
Performance at user experience
Kapag naglagay kayo ng phone number sa search bar at pinindot ang enter, naglalabas ng mga resulta ang website at nagse-search ito sa database ng mga match. Naghahanap ito ng mga pangalang may kaugnayan sa phone number, ang location nong tao, background information, criminal records, at iba pa. Ang buong proseso ay mas matagal kumpara sa mga competitor ng BeenVerified, pero medyo mabilis pa rin ito.
Sa USA lang puwede gamitin ang BeenVerified kaya ang posible lang na ma-search ay US-based na numbers. Ang website pati na rin ang app ay accessible lang sa US, at ang access sa kanilang services ay restricted sa labas ng bansa.
Importanteng tandaan na ang BeenVerified ay walang libreng offer ng serbisyo. Ibig sabihin, para makita ang mga resulta, kailangan kayong maging paying customer.
Nakadepende sa maraming bagay ang accuracy at level ng detalye. Katulad ng lahat ng provider ng reverse phone lookup, hindi ito 100% tama at hindi dapat kayo umaasa lang sa iisang source. Kinukuha nila ang data mula sa mga available na public sources at records na puwedeng hindi updated at puwedeng magbigay ng hindi eksaktong data.
Pagpepresyo
Ang BeenVerified ay isang may bayad na subscription-based na service. Kumpara sa kanilang competitors, wala silang libreng version.
Meron lang silang dalawang subscription options:
- Ang unang option ay buwanang membership na $26.89 ang halaga kada buwan at may kasamang pitong klaseng search na nabanggit sa itaas. Sa subscription na ito, puwede kayong makakuha ng hanggang 100 reports kada buwan.
- Ang pangalawang option ay 3-buwang membership na $52.44 ang halaga, lumalabas na $17.48 kada buwan. Ang subscription na ito ay may kasamang pitong klaseng search. Sa package na ito, meron hanggang 100 reports kada buwan.
Puwede ninyong ikansela ang inyong subscription kahit kailan. Pero automatic itong nagre-renew ng membership kada buwan o kada tatlong buwan maliban lang kung magkansela na kayo bago pa magsimula ang bagong subscription term.
Meron ding option na 7-araw na trial para i-test muna ang serbisyo ng BeenVerified bago kayo magdesisyong mag-subscribe.
Puwede ninyong piliin ang 7-araw na trial sa halagang $1 lang, na may kasamang 40 report kada buwan. Puwede rin ang 7-araw na trial sa halagang $5, na hinahayaan kayong gumawa ng 40 reports kada buwan, at puwede pa ninyong ma-download ang mga ito bilang PDF.
Kongklusyon
Ang BeenVerified ay nagbibigay ng reverse phone number lookup service na may malawak na data at report. Pagkatapos ilagay ang phone number sa search bar, ang proseso ay mas matagal nang konti kaysa sa competitors nito. Pero hindi ninyo maa-access ang kahit anong information hangga’t hindi kayo nagbabayad muna. May offer silang 7-araw na trial option sa napakamurang halaga kung gusto ninyo muna itong subukan bago kayo mag-commit sa subscription.
Ang kanilang mga service, pati na rin ang kanilang website at mobile app, ay available lang sa USA at gumagamit lang ng US-based na data.
Frequently Asked Questions
Hindi ko mahanap ang isang tao.
Kinukuha ng BeenVerified ang kanilang data sa mga public records, na hindi 100% accurate at kumpleto. Dahil ito sa maraming factors tulad ng mga batas sa iba’t ibang state tungkol sa public information, dami ng nakolektang information, at iba pa. Puwedeng piliin ng isang tao na tanggalin ang kanilang information sa BeenVerified.
Gusto kong ikansela ang account ko sa BeenVerified.
Puwede ninyong ikansela ang inyong account kahit anong oras sa pag-contact sa kanilang customer support department gamit ang email o tawag sa telepono. Kailangan ninyong ibigay ang inyong 9-digit na customer ID number, at ikakansela ng support agents ang inyong account para sa inyo. Makatatanggap kayo ng email na magkukumpirma sa inyong pag-cancel.