Key takeaways
Pros
- Meron silang mobile app para sa iOS at Android
- Maaasahan ang kanilang customer service
- Mura ang halaga ng kanilang trial period
Cons
- Sa US lang magagamit
- Lahat ng magagamit na data na may kinalaman sa number ay may bayad
- Hindi ito mura
Ang pagsisimula sa Intelius
Sa unang tingin, simple ang website, madali itong i-navigate, at kasama rito ang importanteng mga impormasyon para sa mga bumibisita. Madaling makita kung anong mga serbisyo ang ino-offer ng Intelius. Hindi ninyo kailangang maghanap pa kung saan para makita ang impormasyon tungkol sa presyo, cancellation ng membership, privacy policy, at iba pa.
Sa Intelius, puwede kayong mag-search batay sa pangalan ng tao, phone number, o address. Pero wala silang offer na search para sa reverse email, hindi gaya ng kanilang kakompetensiya. Para magawa ang reverse search, kailangan ninyong ilagay sa search bar ang pangalan, phone number, o address at i-click ang Search.
Pagkatapos, hindi nagtatagal ang proseso ng pag-generate ng resulta.
May customer support section sa kanilang website kung saan makikita ang frequently asked questions at guides na tutulong sa inyong maayos ang mga basic na isyung hindi kinakaliangan ng assistance ng mga agent ng Intelius.
Ang Intelius ay binabayarang service provider. Ibig sabihin, hindi ninyo maa-access ang kahit anong detalyadong impormasyon maliban na lang kung magiging customer nila kayo.
Mga feature
Alalahanin na ang Intelius ay available lang sa US at gagana lang sa phone numbers, pangalan, at address na nakarehistro sa US.
Sa simula pa lang ay makikita agad ninyong puwede kayong mag-search gamit ang pangalan, phone number, at address. May offer din ang Intelius ng dagdag na impormasyon tulad ng criminal records, background checks, at public records. Lahat nitong options na ito ay makikita sa bandang taas ng page.
Kapag nag-scroll down kayo, makikita rin ninyo ang Phone Directory at People Directory.
Meron ding mobile app para sa iOS at Android ang Intelius. Pero available lang sa US market ang app na ito.
Puwede kayong mag-request ng kopya ng data ninyo. Mag-fill out lang ng request form sa website at makatatangagap na kayo ng report na kasama lahat ng data tungkol sa inyo. Ang feature na ito ay libre.
Alisin ang impormasyon ninyo
Pinapayagan ng Intelius na tanggalin ninyo ang inyong impormasyon sa kanilang database. Nagbibigay ang Intelius ng impormasyon tulad ng email address ng user sa kanilang partners at affiliates para sa marketing. Kaya kung gusto ninyong matanggal ang inyong personal na data sa prosesong ito, puwede ninyong gawin ito sa ng pag-fill out ng form sa kanilang website.
Customer support
Batay sa reviews ng mga user na available online, madalas nasisiyahan ang mga tao sa customer support na ino-offer ng Intelius.
May hiwalay silang Help Center portal kung saan makikita ang FAQs at guides na tumutulong sumagot sa mga basic na tanong at para maayos ang mga simpleng isyu bago pa makarating sa kanilang customer support team.
Kung kailangan pa ninyo ng tulong, puwede kayong kumontak sa customer support ng Intelius. Mag-fill out lang ng contact form sa kanilang website. Ito lang ang paraan para makontak sila dahil wala silang live chat na option o phone support sa ngayon.
Paano magagamit ng mga call center ang Intelius?
Magagamit ng mga call center at agents ng customer support ang mga serbisyo ng Intelius para i-track ang mga di-kilalang phone number at kunin ang data tungkol sa taong gumagamit ng number. Puwedeng kasamang impormasyon ang pangalan, email address, tirahan, mga account sa social media, at marami pang iba.
Magagamit ng mga business ang data na ito sa kanilang marketing o kaya sa sales, pati sa pagpapalaki ng kanilang database. Isaisip na hindi lahat ng impormasyong binibigay ng Intelius ay eksakto at minsan ay puwedeng mali pa ito.
Ang ganitong mga serbisyo ay legal naman para sa mga business at para sa marketing kung hindi nila binibigay ang impormasyon sa mga third party nang walang paalam sa kanilang clients. Pero para maiwasan ang kahit anong legal na isyu, i-check ang mga batas at regulations ng partikular na jurisdictions bago ito i-set up.
Performance at user experience
Pagdating sa user experience ng reverse phone number search, simple lang ito at deretsahan. Kailangan lang maglagay ng phone number sa search bar na nasa main page at pindutin ang enter. Susuriin ng Intelius ang kanilang database para makapag-generate ng resulta. Tumatagal ang prosesong ito ng 1-2 minuto lang.
Kapag handa na ang resulta, kailangan ninyong ilagay ang inyong buong pangalan at email address para magpatuloy. Makatatanggap kayo ng informational email tungkol sa inyong ginawang search at sa resulta nito.
Dahil hindi libre ang Intelius, ang resulta ay nagpapakita lang ng telecommunication carrier, tantiyang location, at kung ang phone number ay isang mobile number o landline. Ang iba pang impormasyon ay nakatago sa likod ng paywall.
Bago kayo magbayad, tandaan na ang impormasyong binibigay nila ay hindi palaging 100% eksakto. Ito ay dahil ang Intelius ay kumukuha ng data galing sa public sources at public records na puwedeng hindi regular na naa-update o tama.
Pagpepresyo
Malinaw ang Intelius sa kanilang pagpepresyo kaya wala silang offer na libreng serbisyo.
May ilang options na puwede ninyong pagpilian:
Reverse Phone Lookup + People Search
Ang unang option ay may halagang $34.95 kada buwan at may kasamang unlimited na bilang ng phone report at address report. Sa subscription na ito, may offer silang anim na araw na trial sa halagang $0.95 para kilalanin muna ang serbisyo nila bago magdesisyong mag-commit nang buong-buo.
People Search
Ang pangalawang subscription ay may kasamang unlimited records ng address at tao pero hindi kasama ang reverse phone number lookup service. Puwede kayong magbayad nang buwanan o kada dalawang buwan. Kung buwanan, ito ay $24.86. Kung kada dalawang buwan, ito ay $42.25, kaya lalabas na ang kada buwan ay $21.13 lang.
Address Lookup + People search
Ang pangatlong option ay naka-focus sa reverse address lookup kasama ang unlimited access sa address report at unlimited person report. Ang option na ito ay $29.78 kada buwan pero puwede munang mag-sign up sa kanilang pitong araw na trial period na may bayad na $0.95 lang.
Sa pricing page ng Intelius, may ino-offer din silang membership add-ons. Ang una ay puwede kayo mag-download ng reports para mabasa ito offline. One-time fee ito na $3.99.
Ang isa pang add-on ng Intelius ay ang Identity Protection. Ang add-on na ito ay nakatutulong na maayos ang inyong protection sa pag-monitor ng inyong identity at sa pagbibigay ng identity theft insurance. Puwede kayong magbayad ng $9.95 kada buwan o $119.40 kada taon.
Kongklusyon
Bilang pagtatapos, ang Intelius ay isang kilalang reverse phone lookup provider. Ang pagpepresyo nila ay malinaw at madaling mahanap sa kanilang website. Pero kumpara sa kanilang competitors, medyo mahal ang presyo nila para lang sa ilang serbisyo at impormasyong makukuha ninyo.
Tulad ng ibang provider ng reverse phone number lookup, hindi 100% ang accuracy nito. Kaya kailangan ninyong i-verify gamit ang ibang sources.
Ikonsidera ninyo ang lahat nang ito bago kayo magdesisyong mag-commit sa kanila bilang magbabayad na customer.
Frequently Asked Questions
Hindi nakahanap ng impormasyon ang Intelius sa phone number na hinahanap.
Karaniwang isyu ito sa paggamit ng reverse phone number lookup service. Isang dahilan nito ay luma na o mali ang sources na pinagkukunan ng Intelius ng kanilang data. Isa pang dahilan ay puwedeng tinanggal ng mga may-ari ng number ang kanilang impormasyon mula sa database ng Intelius.
Nag-request ng password reset pero hindi nakatanggap ng email.
Kung nag-request kayo ng bagong password pero hindi kayo nakatanggap ng email, tingnan ninyo ang spam o junk folder ng inyong email client. Kung hindi mahanap ang message, i-doublecheck kung tama ang nilagay ninyong email address at mag-request ulit ng email.