Key takeaways
Pros
- Maraming impormasyon at reports
- Mabilis na pag-search
- Kumukuha ng data mula sa libo-libong sources para makakuha ng pinaka-accurate na resulta
Cons
- Walang impormasyong makukuhang libre
- Di malinaw ang pagpepresyo sa kanilang website
- Sa Android lang available ang mobile app
- Sa US lang available
Ang pagsisimula sa Spokeo
Sa unang tingin, mukhang professional ang website, at makikita ninyo ang maraming impormasyon tungkol sa kompanya at kanilang mga serbisyo.
Ang una ninyong makikita kapag binisita ninyo ang kanilang website ay ang apat na search options. Puwede kayong mag-search ng data batay sa pangalan, address, phone number, o email address. Ang Spokeo ay based sa US, kaya ibig sabihin nito, ang tinatanggap lang nilang phone numbers ay ang mga naka-register sa US, at lahat ng impormasyon ay limitado lang sa US.
Madaling i-navigate ang website at makukuha ang impormasyong hinahanap ninyo.
Batay sa kung ano ang hinahanap ninyo, puwede kayong mag-perform ng search, ilagay lang ang ilang detalye sa search bar. Halimbawa, kung magse-search batay sa pangalan, ilagay ang buong pangalan ng tao sa search bar at i-click ang “Search now.”
Pagkatapos ay ilagay ang huling alam na lokasyon nila. Ilagay ang city at state at i-click ang “Continue.” Kung hindi kayo sigurado sa huling alam na lokasyon nila, puwede ninyong piliin ang “Not sure.” Sa ganitong kaso, ang Spokeo ay merong mas malawak na range ng options kaya ang ibig sabihin nito, hindi ganoon ka-accurate ang magiging resulta.
Pagkatapos ninyong gawin iyon, puwede na kayong magpatuloy sa susunod na hakbang.
Dito puwede ninyong piliin kung anong klaseng data ang gusto ninyong makuha. Pumili nang marami batay sa pangangailangan ninyo at pindutin ang “Continue.” Puwede rin ninyong lampasan ang hakbang na ito kung gusto ninyo. Para makapagpatuloy, ilagay ang inyong email address.
Ang buong proseso ay tatagal lang ng ilang minuto, at ang bawat instruction sa bawat hakbang ay malinaw at madaling sundan. Tandaan, ang Spokeo ay may bayad at subscription-based na service provider, kaya ibig sabihin nito ay kung hindi kayo magsu-subscribe, hindi kayo magkaka-access sa detalyadong reports.
Ang isang bagay lang na mahirap makita ay ang impormasyon sa presyo at ang iba’t ibang subscription na ino-offer ng Spokeo. Isang klaseng pricing ang available kapag na-click ang “Sign up,” at ang iba pa ay nasa ibaba ng page sa ilalim ng “Try Enterprise.”
Puwede rin ninyong makita ang Help Center sa website ng Spokeo. May kasama itong FAQs at options para makontak ang support.
Mga feature
Maliban sa simpleng pagse-search, may offer din ang Spokeo na ibang dagdag na features. Puwede ninyong ma-access ang contact information, personal na details, location history, kapamilya, criminal records, social media platforms, at iba pa.
Lumalabas ang dagdag na features kapag nag-perform ng search. Makikita ninyo kung anong advanced reports ang koenktado sa search. Pero mahalagang tandaang ang features na ito ay available lang sa subscribers.
Available ang Spokeo sa in-browser website o mobile app. Pero ang app ay available pa lang sa Android.
Updates
Ang Spokeo ay nagbibigay ng updates tungkol sa reports na nabili na ninyo, kaya palagi kayong may access sa pinakabagong impormasyon. Kahit hindi nakahanap ng resulta sa database sa panahong nag-search kayo, makikita pa rin ninyo ang bagong impormasyon at reports pagkatapos ng update.
Ang option na umalis
Puwede kayong umalis sa Spokeo at makuha ang inyong personal na impormasyon kahit kailan. Mag-fill out lang ng request form sa kanilang website. Pagkatapos ay ipoproseso nila ang inyong request at tatanggalin ang inyong data mula sa kanilang database. Ang prosesong ito at tumatagal ng 24-48 oras, depende sa dami ng data na naproseso.
Customer support
Ang Spokeo ay may offer na iba’t ibang paraan para makontak ang kanilang customer support kung may problema o nangangailangan kayo ng tulong. May live chat option pati na rin email at phone number na puwedeng gamitin.
Kung mag-scroll sa ibaba ng main page at i-click ang “Visit Help Center,” dadalhin kayo sa kanilang Help Center page. Meron doong FAQs na makatutulong sa inyong tanong. Kung hindi ninyo makita ang hinahanap ninyo, puwede ninyong i-click ang “Contact Our Customer Care Team” at gamitin ang isa sa tatlong paraan para sila ay makontak.
Paano magagamit ng mga call center ang Spokeo?
Ang Spokeo ay puwedeng gamitin ng call centers at customer support agents para mag-perform ng reverse phone lookups para makilala ang di kilalang callers, prank calls, o para makuha ang dagdag na impormasyon tulad ng address, email, social media accounts, at iba pa. Puwede ninyong gamitin ang impormasyong ito para sa cold calls at iba pang marketing at sales efforts.
Puwede kayong tulungan ng Spokeo na mahanap ang nawawalang impormasyon kung may error sa inyong call center system. Pero tandaan ninyong ang data ay hindi palaging accurate o updated.
Para maiwasan ang kahit anong legal na isyu, i-check ang mga batas at regulations sa partikular na jurisdiction bago gamitin ang reverse phone lookup service. Ang mga serbisyong ito ay kadalasang legal para sa mga business at marketing kung ang impormasyon ay hindi ibebenta o ibabahagi sa third parties nang walang pahintulot ng client.
Performance at user experience
Pagkatapos ninyong isulat ang phone number sa search bar sa landing page, sisimulan ng Spokeo na mag-generate ng resulta at maghanap ng lahat ng impormasyong available sa database. Ang prosesong ito ay tumatagal lang ng ilang segundo.
Ang accuracy ay nakadepende sa maraming dahilan, at walang provider na makasisiguro ng 100% na tamang resulta. Kinukuha ng Spokeo ang data mula sa libo-libong sources na nagpapataas ng tsansang accurate ang resulta. Kasama sa mga source ng Spokeo ang licensed public records. Pero tandaang ang mga public record na ito ay puwedeng may outdated na data.
Mabilis ang data generation sa reverse phone number lookup feature. Pero nakakadismaya pa rin dahil pagkatapos mahanap ng Spokeo ang di kilalang caller, lahat ng resulta ay naka-block at kailangan maging member muna o kaya ay magbayad ng dagdag na fee para sa isang report.
Ayon sa ilang customer review, kahit magbayad ng impormasyon, hindi pa rin kumpleto ang data at hindi nila nakuha ang value ng kanilang binayad.
Kasama sa mga positibong aspekto ay ang pitong araw na libreng trial, na puwede ninyong i-test ang kanilang mga serbisyo bago mag-commit sa membership.
Kung ida-download ninyo ang Spokeo app, hahayaan kayo nitong i-block ang unwanted phone numbers. Para i-block ang number, kailangan ninyong ilagay ito at i-click ang tatlong dots na katabi ng “More” at piliin ang “Block All Calls.” Kung gusto ninyong i-unblock ang number, i-click ulit ang tatlong dots at piliin ang “Unblock All Calls.” Pero ang feature na ito ay hindi available sa kanilang website.
Pagpepresyo
Di tulad ng ibang provider ng reverse phone number lookup, ang Spokeo ay walang libreng version. Kahit hinahayaan kayo nitong maglagay ng number sa search bar, lahat ng resulta ay naka-lock hangga’t magbayad kayo. Ang membership plans at pricing ay hindi madaling hanapin sa website dahil wala ito sa iisang lugar. Baka mahirapan kayong hanapin ito.
Membership plans
Puwede ninyong piliin ang 3-buwang membership plan na $44.85 na minsanang babayaran at katumbas ng $14.95 kada buwan. Pagkatapos noon, mabi-bill kayo kada tatlong buwan.
Ang isang option ay ang buwanang membership na may halagang $19.95 kada buwan. Sa option na ito, automatic kayong mabi-bill kada buwan puwera lang kung magkansela kayo ng inyong subscription.
Business Membership plan
Ang Business Membership plan ay may halagang $69.95 at may kasamang hanggang 500 reports kada buwan. Binibigyan kayo ng access sa impormasyon tulad ng phone numbers, kumpletong address, email address, location history, criminal records, at iba pang data.
LIBRENG Trial
Ang Spokeo ay may offer na pitong araw na libreng trial, dagdag pa ang pagbili ng isang report na nagkakahalagang $0.95. Pero kailangan ninyong mag-ingat kung magdedesisyon kayong mag-sign up sa libreng trial dahil pagkatapos ng unang 7 araw, mabi-bill kayo ng $24.95 kung hindi kayo magkakansela. Nangyayari ito dahil kailangan ninyong magbigay ng inyong credit card information kahit sa libreng trial lang kayo nag-sign up.
Kongklusyon
Ang Spokeo ay may offer na maraming features na nagsasabing makakukuha kayo ng mas maraming detalyadong impormasyon tungkol sa taong hinahanap ninyo. Mabilis at walang problemang maka-generate ng data sa website. Pero ang lahat ng impormasyon ay nakatago sa likod ng paywall. May offer silang libreng trial. Isa itong convenient na pagkakataon para subukan ang kanilang mga serbisyo bago magdesisyong mag-commit.
Sa US lang available ang serbisyo ng Spokeo at gumagana lang sa US phone numbers.
Frequently Asked Questions
Hindi makita ng Spokeo ang number na hinahanap ko
Pangkaraniwang isyu ito sa mga reverse phone number lookup na serbisyo. Kinukuha ng Spokeo ang kanilang data mula sa mga public source na siya namang nag-iipon ng data tungkol sa mga individual. Ang mga source na ito ay puwedeng luma na o baka may maling impormasyon. Ang pangalawang dahilan ay ang opt-out option na ino-offer ng Spokeo. Kahit sino ay puwedeng magtanggal ng kanilang impormasyon mula sa database. Pagtapos noon, hindi na available ang data kapag nag-search kayo.
Hindi ma-edit ang impormasyon ko sa Spokeo
Sakaling may nakita kayong maling impormasyon tungkol sa inyo, ang option lang ay tanggalin ang lahat ng inyong data. Walang offer sa ngayon ang Spokeo na posibilidad na ma-edit ang mga report.