Key takeaways
Pros
- Ganap na walang bayad
- Madaling gamitin
- Puwedeng i-spy dial ang di kilalang caller
- Gumagana sa VoIP numbers
Cons
- Maraming ads sa website
- Hindi palaging accurate ang resulta
Ang pagsisimula sa Spy Dialer
Ang Spy Dialer ay may offer na libreng reverse phone number lookup para sa mga di kilalang number.
Medyo simple ang website at napakadaling i-navigate. Kailangan lang ilagay ang di kilalang number, pangalan, address, o email sa search bar sa main page. Pagkatapos ay maghihintay lang kayo ng ilang segundo para lumabas ang resulta.
Batay sa dami ng data na meron ang Spy Dialer sa isang tao o organisasyon, makikita ninyo ang impormasyon tulad ng pangalan ng may-ari, posibleng address ng taong may kinalaman sa number, at ang klase ng phone number (landline, mobile phone, VoIP number).
Maliban pa riyan, meron pa kayong ilang dagdag na options na puwedeng pagpilian:
Puwede ninyong i-click ang “Report Call” na nagfa-file ng report sa Spy Dialer tungkol sa number kung ito ay spam o kung may ibang abusadong activity. Pagtapos noon ay sasabihan ng Spy Dialer ang iba pang users. Ito ay 100% anonymous at mano-notify ang may-ari ng number.
Ang isa pang option ay ang “Hear Voicemail.” Medyo hindi malinaw ang ibig nitong sabihin pero ang ginagawa ng Spy Dialer ay i-spy dial ang number. Maririnig ninyo ang automatic message na pre-recorded ng Spy Dialer, plus ang pre-recorded na voicemail ng taong tinatawagan.
Kapag pinili ninyo ang “Phone Spam” at i-click ang “Search,” ipapakita nito sa inyo kung naka-classify sa Spy Dialer ang number na ito bilang spam. Kung ang number ay ni-report sa “Report Call,” ipapakita ng Spy Dialer ang number bilang spam.
Ang website ay merong basic na impormasyon tungkol sa kung paano gumagana ang serbisyo at kung paano ito nangongolekta ng kanilang data. Meron din silang FAQ section kung saan makikita ninyo ang maiikling sagot at paliwanag para mas maayos ninyong maintindihan kung ano ang ginagawa nila at kung paano sila mag-operate.
Mga feature
Mag-Spy Dial ng number
Isang puwedeng gawin ay i-spy dial ang number. Ang feature na ito ay hinahayaan kayong tawagan ang di kilalang number na nahanap ninyo sa website. Hindi mati-trace ng receiver ang ganitong klaseng tawag. Kung sumagot sila sa tawag, maririnig nila ang automated voicemail na nagsasabi sa kanilang na-spy dial sila.
Dagdag na features
Walang offer na maraming dagdag na feature ang Spy Dialer kumpara sa competitors nito. Mas naka-focus sila sa reverse phone number lookup. Pero puwede rin kayong mag-search batay sa pangalan, address, at email address.
Gumagana lang ang website sa mga American cellphone number. Kaya hindi kayo puwedeng mag-search ng international phone numbers.
Naka-set ang kanilang private policy para protektahan ang kanilang users. Sinisigurado nilang walang personal na impormasyong maibabahagi sa third parties.
Opt-out feature
Meron din silang opt-out option na hinahayaan ang kanilang users mula sa lahat ng states na i-delete ang kanilang personal na impormasyon sa kanilang database.
Madali at mabilis lang ang prosesong ito. Piliin ang state kung saan kayo nakatira at ipapakita ng website ang privacy laws sa state na iyon. Pagkatapos ng hakbang na iyon, puwede kayong mag-opt-out agad o i-check muna kung anong personal na impormasyon meron ang Spy Dialer tungkol sa inyo.
Customer support
Kung may isyu kayo sa proseso, puwede ninyong makontak ang customer support sa pag-fill out ng form sa website. Ilagay ang required na impormasyon at ipaliwanag nang maikli ang inyong isyu.
Paano magagamit ng call centers ang Spy Dialer?
Puwedeng makatulong ang Spy Dialer sa mga call center at customer support agent para makilala ang tumatawag gamit ang phone number nila para maayos ang efficiency at effectiveness sa trabaho. Makatutulong itong ma-verify ang pagkakakilanlan ng caller at i-track ang dagdag na contact information ng customer na hindi nag-iwan ng contact information nang tumawag sa support team. Puwede rin ninyong gamitin ang Spy Dialer kung may error sa call center system at hindi na-save nang tama ang customer information.
Puwede rin itong makapagbigay ng dagdag na impormasyon tungkol sa tumawag tulad ng lokasyon o iba pang contact details. Puwedeng magamit ng mga business ang data na ito para sa marketing o sales nila.
Sa kabilang banda, puwedeng makatulong ang Spy Dialer na makilala ang tao sa likod ng prank calls o kahit anong inappropriate na klase ng interaksiyong kailangang harapin ng inyong customer support agents. Ang pagkilala at pag-block ng callers na ito ay nakatutulong na maiwasan ang mga di komportableng sitwasyon at para mapahusay pa ang efficiency sa pag-focus sa lehitimong customer.
Pero kailangang i-check ang mga batas ng partikular na bansa o jurisdiction para maiwasan ang kahit anong isyu. Sa pangkalahatan, legal ang gumamit ng reverse phone number lookup na service para sa business kung ito ay hindi ibabahagi o ibebenta sa third parties nang walang pahintulot ng customer.
Performance at user experience
Sa ilang segundo, nakakapag-generate na ang website ng impormasyong may kinalaman sa number na nilagay sa search bar.
Kung nahanap ng Spy Dialer ang number, ipapakita nito sa inyo ang pangalang konektado sa number. Pagtapos ay puwede kayong pumili sa ilang magkakaibang options para makakuha ng dagdag na impormasyon. Kung i-click ang “Phone Detail,” ipapakita nito ang posibleng lokasyon at klase ng phone number (landline, cell number, VoIP, burner apps, atbp.).
Ang kagandahan sa Spy Dialer ay gumagana rin ito sa VoIP numbers, na siyang malaking positibo kumpara sa ilang competitors nila sa market.
Meron pa ring mataas na tsansang hindi ninyo mahahanap ang maraming numbers. Puwedeng dahil ito sa opt-out option na hinahayaan ang mga tao na i-delete ang kanilang private na impormasyon mula sa database ng Spy Dialer, o puwede ring ang pinagkukunang source ng Spy Dialer ay hindi palaging 100% accurate at updated. Kaya mahalagang tandaan ang ilang limitasyon nito.
Isang bagay na napakahirap isnabin ay ang dami ng ads na naka-display sa website. Puwede itong makaistorbo dahil nagugulo nito ang itsura ng website, na siyang makasisira sa karanasan ng users.
Available lang ang Spy Dialer bilang website at sa ngayon ay wala itong mobile app.
Pagpepresyo
Ang Spy Dialer ay may libreng offer nitong features. Walang dagdag na bayad at di sila gumagana sa subscription basis. Pero hinihikayat nila ang users na i-verify ang resulta sa ibang reverse phone lookup provider o gamitin itong providers para sa mas detalyadong impormasyon.
Kongklusyon
Sa pangwakas, ang website ay responsive at napakadaling gamitin. Napaka-extensive ng database nito at nakakahanap ng iba-ibang numbers at impormasyong konektado sa kanila. Pero i-verify muna ang impormasyong bigay ng Spy Dialer nang masigurong eksakto ang resulta. Sa kabuuan, maganda itong libreng option dahil maa-access ang maraming impormasyon nang hindi magbabayad nang dagdag na fee.
Frequently Asked Questions
Di gumagana ang Spy Dialer sa labas ng US
Sa kasamaang-palad, sa US phone numbers lang gumagana ang Spy Dialer dahil ang database nila ay limitado lang sa US.
Hindi mabago/maitama ang impormasyon ng Spy Dialer sa akin
Hindi ito kasalukuyang posibleng gawin. Ang tanging option lang ay tanggaling buo ang impormasyon sa “Remove my info” page.
Hindi nahanap ng Spy Dialer ang number
Karaniwan lang na ang reverse phone lookup na serbisyo ay di makakahanap ng anumang impormasyon sa isang phone number. Nakukuha ng Spy Dialer ang data nila mula sa public database na hindi regular na naa-update. Dahil dito, baka may kulang na impormasyon. May offer din ang Spy Dialer na opt-out option na hinahayaan ang mga taong alisin ang info nila mula sa database, na puwedeng humantong sa kakulangan ng konektadong data sa isang partikular na number.