Key takeaways
Pros
- Puwede kayong maghanap ng international numbers
- Madaling i-navigate ang kanilang website at app
- Available sa Android at iOS ang kanilang mobile app
Cons
- Limitado lang ang puwedeng hanaping numbers sa kanilang website
- Napakalimitadong impormasyon ang makukuha tungkol sa international numbers
- Sa libreng version, hindi ganoon karami ang makukuhang impormasyon tungkol sa tumatawag o hindi marami ang features na kasama
- Walang libreng trial
Ang pagsisimula sa Truecaller
Isa sa pinakakilalang website ng reverse phone number lookup ang Truecaller, at isa ito sa pangunahing providers ng ganitong klaseng serbisyo. Isa sila sa kokonting providers ng phone number lookup na international ang sakop at may database na kasama ang impormasyon mula sa iba’t ibang bansa.
Maganda ang itsura ng kanilang website, madali itong i-navigate, at maraming impormasyon tungkol sa kompanya at kanilang mga serbisyo. Para magamit ang kanilang serbisyo, ang kailangan lang gawin ay mag-sign in gamit ang inyong email address, at puwedeng ilagay ang kahit anong phone number sa search bar. Ilang minuto lang ay may resulta na. Nakadepende sa ilang factors ang impormasyong makukuha ninyo, pero makukuha na ninyo ang pinagmulang bansa ng number, ang local time, at service provider. Para sa mga number na nasa database na ng Truecaller, makukuha pa ang ibang impormasyon tulad ng pangalan at email address ng may-ari ng number.
May offer silang maraming features, pero hindi ito available sa libreng version. Kaya ang makukuha ninyong impormasyon sa libreng version ay limitado lang.
Meron ding option para sa mga business kung saan makukuha ang verified business caller ID ninyo para ma-establish ang inyong business identity, makakuha ng feedback ng customer, at para lumago ang inyong business.
Puwede ninyong idagdag ang inyong brand name at logo, na lalabas tuwing kayo ay kokontak sa inyong potential o kasalukuyang customers. Dagdag pa, kapag natapos na ang phone call, makukuha ninyo agad ang feedback mula sa customer para sa pag-monitor ng inyong performance.
Mga feature
Ang Truecaller ay may offer na malawak na advanced features tulad ng Incognito calls, Ghost calls, Messaging Apps Caller ID, Announce calls, at marami pa. Pero hindi lahat iyan ay available sa libreng version.
Importanteng isaisip na ang features para sa mobile app ay may konting kaibahan kung ang ginagamit ninyo ay Android o iOS.
Sa libreng version, makukuha ninyo ang features tulad ng Caller ID at Spam blocking. Ang caller ID ay hinahayaan kayong automatic na makilala ang unknown number gamit ang Truecaller database.
Ang Spam blocking na feature ay hahayaan kayong i-block ang mga unwanted na spam call. Automatic na nakikilala ng app ang scams at robocalls. Sa paggawa ng background check sa inyong phone, puwede rin nitong i-block ang SMS mula sa unwanted numbers.
Ang impormasyon tungkol sa unknown numbers ay puwedeng limitado lang. Puwede nitong ipakita kung mula saang bansa ito tumawag, ang local time sa bansang iyon, at ang telecommunications operator. Ang limitasyon ay nakadepende sa bansang pinagmulan ng phone number at kung gaano karami ang public data na makukuha nila mula sa bansang iyon.
May search limit ang Truecaller, na hinahayaan lang kayong makapag-search ng limitadong bilang ng numbers sa kanilang website kada araw. Pagkatapos noon, hihikayatin kayong i-download ang kanilang mobile app para magpatuloy.
Ang kanilang privacy policy ay naka-set para protektahan ang users mula sa lahat ng bansa kung saan nagmumula ang operations nila sa pamamagitan ng pagsunod sa lokal na data protection regulations. Puwedeng i-restrict ng user ang processing ng kanilang personal na data at may option silang permanenteng burahin ang kanilang impormasyon mula sa database.
Paano magagamit ng mga call center ang Truecaller?
Puwedeng gamitin ng mga call center at customer service agent ang Truecaller para gumawa ng ilang tasks. Ang ilang halimbawa ay ang reverse phone number lookup para makakuha ng mga dagdag na impormasyon tungkol sa unknown callers, makakuha ng nawawalang impormasyon tungkol sa kanilang customers, o makilala ang isang taong gumawa ng prank call.
Posible ring mag-block ng numbers na tumatawag dahil sa di kanais-nais na dahilan, na siyang pinapabuti ang effectiveness ng customer support agents dahil mas makaka-focus sila sa mas importanteng customers kaysa sa prank callers.
Salamat sa kanilang business feature, makagagawa ng verified account ang mga call center at makagagawa sila ng cold sales na mga tawag para makakuha ng dagdag na customer. Ang feature na ito ay pinapakita sa potential na customer na ang incoming na tawag ay mula sa mapagkakatiwalaang source kaysa sa isang spam na tawag.
Pero kung magdesisyon kayong gamitin ang reverse phone lookup service para sa business, siguraduhing i-check ang mga batas at regulations sa particular na bansa o jurisdiction para maiwasan ang kahit anong legal na isyu. Sa kabuuan, legal ang paggamit ng reverse phone number lookup service para sa mga business basta hindi ito ibabahagi o di kaya ay ibebenta sa mga third party nang walang pahintulot ng customer.
Performance at user experience
Kung kayo ay naghahanap ng number gamit ang website, ang proseso ay medyo mabilis lang, uubos lang ng ilang segundo. Pero hindi kayo palaging bibigyan ng maraming impormasyon tungkol sa phone number. Ibibigay sa inyo ang bansa kung saan galing ang number at ang telecommunication provider. At gaya ng nasabi na, ang bilang ng search ay limitado kaya medyo nagiging restrictive.
Pagkatapos ng bawat search, puwede ninyong piliin kung ano ang gagawin sa contact information. Puwede ninyong gamitin ang “Save Contact” para magamit ang impormasyon sa future, puwede ring “Add Tag,” “Suggest Name” kung walang pangalan na konektado sa number, o puwede ring i-click ang “Mark as Spam” kung hindi ninyo pinagkakatiwalaan ang caller.
Ang libreng version ng kanilang mobile app ay napakadali ring gamitin at i-navigate, at ang reverse phone number search ay tumatagal lang ng ilang segundo. Pero pareho ng website nila ang mga limitasyon. Nagbibigay lang ito ng limitadong impormasyon tungkol sa phone number.
Kapag naghahanap kayo ng international number, hindi madalas pinapakita ang pangalan o kahit anong detalyadong impormasyong konektado sa number. Ang pinapakita lang ay ang bansa at ang telecommunication kompanya. Kung susuwertehin, baka mailagay ninyo ang number na may maraming impormasyon tungkol sa tao, pero bihira itong mangyari.
Meron ding mga number na hindi konektado sa kahit anong impormasyon kaya wala kayong makukuhang kahit anong detalye tungkol sa caller.
Lahat ito ay nagiging medyo nakakairita, lalo na kung nagdesisyon kayong i-upgrade sa may bayad na version ang inyong app.
Pagpepresyo
Ang Truecaller ay may offer na tatlong iba’t ibang pricing options. Ang bawat isa sa kanila ay may kasamang iba’t ibang advanced features para sa mas mabuting user experience. Sa kasamaang-palad, walang libreng trial na available para sa mga may bayad na version at hindi mare-refund ang pera ninyo kung ihinto ninyo ang inyong subscription.
Libreng version
Ang version na ito ay may dalawang features lang, Caller ID at Spam blocking. Hindi ito nagbibigay ng iba pang dagdag na impormasyon kaya napakalimitadong option ito.
Premium
Ang Premium version ay $29.90 kada taon, o puwede rin ninyong piliing magbayad nang quarterly na nagkakahalagang $10.99. Sa presyong ito, makukuha ninyo ang basic na features ng libreng version at may dagdag pa tulad ng No ads, Incognito calls, Ghost calls, Announce calls, at iba pa.
Nag-introduce rin sila ng Premium Family plan kung saan puwedeng magdagdag ng hanggang 4 na tao sa inyong family plan. Ang bawat member ng family plan ay may access lang sa kanilang sariling messages at calls para mapanatili ang privacy.
Gold
Ang version na ito ay nababayaran lang kada taon at may halagang $249. Kasama rito ang lahat ng features ng libre at premium na version at may dagdag pang features tulad ng Gold caller ID at Premium support. Ang Premium support ay nagbibigay ng mas mabilis na sagot sa kahit anong tanong na meron kayo.
Kongklusyon
Bilang pangwakas, ang Truecaller ay mabilis na gumagana sa parehong website at app, at ang impormasyong nahahanap nito ay accurate. Ang problema lang ay limitado ito at maraming numbers ang hindi konektado sa kahit anong impormasyon, at kung meron man, hindi masyadong extensive o detalyado.
Frequently Asked Questions
Nilista ng Truecaller ang number ko bilang spam
Ang listahan ng Spam ay nagagawa batay sa users ng Truecaller. Kung na-report ang number bilang spam nang ilang beses na, kikilalanin ito ng Truecaller bilang spam. Kung sa tingin ninyo ay maling naidagdag ang number ninyo sa listahan ng spam, puwede ninyong kontakin ang kanilang customer support para tingnan ito at para isaayos ang isyu.
Hindi nade-detect ng Truecaller ang private numbers
Para makilala ng Truecaller ang taong gumagamit ng number, dapat ay nakikita ang number sa screen.