Key takeaways
Pros
- Madaling i-navigate ang kanilang website
- Available ang kanilang app sa parehong Android at iOS
- May offer na malawak na range ng data at reports
Cons
- Available lang sa US
- Ang ilang bahagi ng kanilang website ay accessible lang sa US
- Ang libreng version nito ay may offer lang na limitadong impormasyon
- May mga problema sa subscription at billing process
Ang pagsisimula sa Whitepages
Ang Whitepages ay isang libreng reverse phone lookup service na hinahayaan kayong mabilis malaman kung sino ang tumawag gamit ang unknown number sa pamamagitan ng paglagay ng number sa search bar. Puwede ninyong mahanap ang buong pangalan, address, at iba pang impormasyon tungkol sa may-ari ng phone number.
Puwede kayong maghanap ng cellphone, residential, at business numbers na libre sa website ng Whitepages. Nag-iiba-iba ang impormasyong puwede ninyong makuha depende sa klase ng number na hinahanap ninyo. Para sa residential o business number, puwede ninyong mahanap ang pangalan ng caller, address, o mga konektadong business nang libre. Kung maghahanap kayo ng cellphone number, mas konti ang data na makukuha ninyo nang libre. Makahahanap kayo ng impormasyon tulad ng state o city na konektado sa number at telecommunication carrier. Pero para ma-access ang iba pang data tulad ng pangalan, address, kamag-anak, at iba pa, kailangan ninyong mag-upgrade sa paid premium.
Ang Whitepages ay isang privately owned na kompanya kaya kinukuha nila ang data mula sa mga available na public sources at third-party data suppliers. Puwede nitong maapektuhan ang kalidad ng impormasyong makukuha ninyo. Kaya hinihikayat nila ang mga user na pag-isipan ito at mag-verify ng impormasyon.
Ang website ay madaling i-navigate at makikita ninyo ang maraming FAQs sa bawat category. Ang access sa ilang bahagi ng website ay restricted kung hindi kayo taga-US.
Mga feature
May offer na ibang dagdag na features ang Whitepages maliban pa sa reverse phone number lookup.
Halimbawa, puwede kayong gumawa ng libreng people search na hinahayaan kayong ilagay ang pangalan sa search bar. Mabilis nitong mahahanap ang mga number, address, kamag-anak, at iba pang public records na may kinalaman sa pangalan.
Puwede rin kayong gumawa ng reverse address search, background check, maghanap ng criminal records, gumawa ng tenant background check, at marami pang iba.
Ang downside lang, marami sa mga ito ay kinakailangan ng bayad at available lang sa US citizens.
Available din ang mobile app nila sa iOS at Android, pero tulad ng kanilang website, available lang ito sa US.
Puwede kayong magkonekta sa customer support ng Whitepages; mag-fill out lang ng request form sa kanilang website. Wala silang offer na live chat o instant na customer support.
Paano magagamit ng call center ang Whitepages?
Ang reverse phone number lookup na websites at mobile apps ay puwedeng magbigay ng dagdag na impormasyon tungkol sa caller tulad ng address nila at iba pang contact details na puwede magamit para sa sales at marketing.
Magagamit ng call centers ang mga website tulad ng sa Whitepages para tulungan ang mga agent na mabilis makilala ang unknown caller at ma-access ang impormasyon batay sa kanilang phone number. Puwede rin itong makatulong sa call centers na ma-track ang customers na tumawag na may ilang tanong o problema at hindi nag-iwan ng contact information o kung nawala ang contact information. Ang lahat ng ito ay makatutulong sa mga agent na makapagbigay ng mas personal at time-efficient na customer support.
Ang legality ng lahat ng mga serbisyong ito para sa mga call center at customer support ay nag-iiba depende sa mga batas at regulations ng partikular na bansa o jurisdiction. Ito ay kadalasang legal para sa business na gumagamit ng reverse phone lookup basta ito ay ginagamit lang sa lehitimong dahilan at hindi naibebenta o naibabahagi ang impormasyon sa third parties. Magandang ideyang hinahayaan ang customers na malamang ang impormasyong kanilang binibigay sa mga tawag ay puwedeng magamit para mahanap ang kanilang contact details, at dapat ay makuha ang kanilang permiso bago ito gawin.
Performance at user experience
Pagakatapos ilagay ang phone number sa search bar, ilang segundo lang ay may resulta na. Makikita ninyo ang klase ng number (landline o mobile number) at ang area code.
Sa ilang kaso, puwedeng makapag-generate ng mas maraming detalyadong resulta ang website/app. Puwede ninyong makita ang pangalang may kinalaman sa number at iba pa tulad ng address, edad, iba pang phone numbers na konektado sa parehong tao, mga kamag-anak, at iba pa. Pero kung kailangan pa ninyo ng iba pang impormasyon tungkol sa kanilang criminal at background reports, available lang ito pagkatapos ninyong mabayaran ang dagdag na fees.
Dahil sa US lang available ang mga serbisyo nila, imposible ring mahanap at ma-download ang app sa labas ng US.
Pagpepresyo
Para makita ang impormasyon tungkol sa mga presyo at subscriptions ng Whitepages, kailangan ninyong hanapin ito sa website dahil hindi ito madaling makita.
Kapag nahanap na ninyo ang pricing, makikita ninyong karamihan dito ay nakabatay sa subscription na Premium plan.
Ito ang mga pricing option na ino-offer ng Whitepages sa kanilang users:
Premium Contact Info
Para sa $4.99/buwan, ito ang pinakamurang option na kanilang ino-offer. Kasama sa subscription na ito ang kumpletong contact information at lahat ng phone number at address. Puwede rin ninyong ma-save at ma-export ang contacts. Pero limitado lang ito sa 20 lookups kada buwan. Kapag pinili ninyo ang option na ito, bibigyan kayo ng dalawang billing cycles na puwede ninyong pagpilian. Puwede kayong magbayad ng $4.99/buwan o magbayad nang advance na 12 buwan sa halagang $29.99, na lumalabas na $2.50 lang kada buwan.
Premium Business Essentials
Ang pangalawang option ay may offer na features tulad ng kumpletong contact details at ilang tools na makakatipid sa oras. Puwede ring ma-save at ma-export ang contacts, mag-search ng property data, at magamit ang speed search. Limitado lang din ito sa 20 lookups kada buwan at may halagang $9.99/buwan. Puwede ring pumiling magbayad ng $9.99/buwan o magbayad ng $59.88 para sa 12 na buwan, lumalabas na $4.99/buwan.
Premium Business All-Access
Ang pangatlong subscription plan ay may halagang $29.99/buwan at may hanggang 200 lookups kada buwan, 20 criminal at public reports, at lahat ng features na kasama sa Premium Business Essentials. Tulad ng iba, puwedeng magbayad ng buwanan o taunan, na nagkakahalagang $179.88, lumalabas na $14.99/buwan.
Puwera sa tatlong subscription plans na ito, may dalawa pang options.
Premium Business Plus
Subscription plan din itong may offer na kumpletong contact info, tools na makakatipid sa oras, at hinahayaan kayong gumawa ng 200 lookups kada buwan. Ito ay may halagang $19.99/buwan. Gaya ng ibang plans, puwede kayong magbayad ng buwanan or taunan nang advance sa halagang $119.99.
Background report
Ang huling option ay hindi subscription-based. Para sa isang report, meron itong one-time fee. Puwede ninyong ma-access ang kumpletong contact information, pati na rin ang public, criminal, o property records. Ito ay may halagang $9.99.
May offer din ang Whitepages na 5-araw na trial membership sa halagang $1, na bibigyan kayo ng unlimited access sa impormasyon tulad ng current address at landline. Hindi kasama sa trial membership ang dagdag na features. Kasama lang ang limang reverse cellphone lookups, na hindi kayo binibigyan ng masyadong space para i-test ang kanilang mga serbisyo.
Pero importanteng tandaang maraming customer reviews ng itinuturo ang mga isyu tungkol sa kanilang subscription at proseso ng billing. Ang mga pinakakaraniwang problema ay ang pagkansela ng subscriptions ng users, paniningil ng ibang subscriptions sa kung anong orihinal nilang gusto, at ang hindi pag-refund sa mga tao pagkatapos magkansela.
Kongklusyon
Bilang pangwakas, ang Whitepages ay isang reverse phone lookup provider na nakabase sa US at may offer na malawak na range ng impormasyon at features na may dagdag na singil. Puwede ninyong ma-access nang libre ang ilang impormasyon pero limitado lang ito. Hindi malinaw ang kanilang pagpepresyo at mukhang may problema sa kanilang proseso ng billing.
Tulad ng ibang reverse phone lookup solutions, hindi 100% accurate ang Whitepages. Dahil ito sa sources ng data at kanilang reliability.
Dapat ninyong ikonsidera ang lahat ito kung gusto ninyong maging customer nila.
Frequently Asked Questions
Hindi mahanap ang libreng version ng Whitepages.
May offer ding libreng version ang Whitepages. Pero dapat ninyong isiping ang impormasyong available sa libreng version ay napakalimitado at ang kahit anong dagdag na features ay may bayad. Puwede ninyong makita ang iba pang impormasyon tungkol sa kanilang pricing kapag na-click ninyo ang “Sign up” sa kanilang main page.
Hindi magamit ang Whitepages sa labas ng US.
Sa kasamaang-palad, ang Whitepages ay limitado lang sa US at gumagana lang sa US phone numbers.