Key takeaways
Pros
- Napakadaling gamitin
- Napakadaling ma-integrate ng social media accounts
- Gumagana nang walang kahit anong problema o bugs
- Mabilis na integration
Cons
- Available lang ang Twitter sa mas matataas na plan
Ang pagsisimula sa Gorgias social media features
May offer ang Gorgias na napakadaling registration, pero meron itong isang sabit dahil kailangan nito ang inyong website URL. Ano ang mangyayari kung wala kayong website? Hindi ninyo matatapos ang registration. Pero literal na tumagal lang kami ng isang minuto para matapos ito at nagsimula na kaming maging pamilyar sa interface. Ang Gorgias ay medyo deretsahan din sa bagay na ito, na palaging maganda para sa software, lalo na sa setup phase.
Ang main screen ay ang ticketing system na nagbibigay ng focus sa mga kailangang gawin. Walang masyadong nakakaistorbo sa interface ng Gorgias, na siyang maganda para sa isang social media customer service at management system. Na-access namin ang lahat ng ticketing categories sa kaliwang panel habang naka-focus sa main screen ang kasalukuyang task. Ang kanang panel ay nagsisilbing mainam na setup guide na nagdala sa amin sa iba’t ibang channels, kasama na ang Facebook at Instagram.
Kapag maayos na ang social media setup, napakasimple ng interface na meron lang maikling paliwanag sa kung paano gumagana ang integration, at ang option para makapag-login gamit ang Facebook. Napakadali ng proseso at nakumpleto namin ito nang walang kahit anong isyu. Ang malaking bahagi ng setup ay ang option para makapagdesisyon kung anong bahagi ng inyong Facebook communication ang kukunin ng Gorgias para sa inyong system. Puwede ninyong i-enable ang comments, mentions, Messenger messages, at marami pang iba sa bahaging ito ng setup.
Ang isang mahalagang mabanggit ay dapat nakakonekta na ang inyong Instagram account sa inyong Facebook business account. Sa ganoong paraan, automatic nang mai-integrate ng Gorgias ang inyong Instagram account kasama na ang Facebook. Ito ay isa sa mga pinakasimpleng integration na naranasan namin sa social media customer service software.
Gorgias social media functionality at features
Ang Gorgias ay may offer na social media functionality sa porma ng Facebook, Instagram, at Twitter. Lahat ng functionality ay may offer na madaling integration na napakabilis makumpleto. Ang social media functionality ay diretsong nakakonekta sa ticketing system na may offer na maraming magagamit na features at nagdadagdag ng ilang functionality sa inyong social media communication.
Ang isang bagay na hindi pa namin nasusubukan kahit sa libreng trial ay ang Twitter integration. Available lang ito sa matataas na plans. Pero batay sa experience namin sa Facebook at Instagram, tingin namin ay gumagana rin ito nang maayos. May offer din ang Gorgias na macros para sa paggawa ng madaling automated replies at ibang workflows, rules para sa mas pinagandang organisasyon ng tickets at iba pa, pati ang ticket assignment settings.
Georgias social media features user experience
Kapag nakakonekta na kayo sa lahat ng inyong social media accounts, inaayos ng Gorgias ang mga ito sa ticketing system. Puwede kayong mag-click sa iba-ibang shared views para makita ang Messenger messages, FB recommendations, IG mentions, IG direct messages at iba pa, o mas konti, depende sa kung anong settings ang pinili ninyo sa integration.
Ang una naming sinubukan ay ang magpadala ng message mula sa Messenger, at masaya naming masasabing napadala agad ito sa ticketing system sa loob lang ng isang segundo. Ang pag-reply ay gumagana nang mahusay, at puwede ninyong gamitin ang features tulad ng attachments, emojis, o magpadala ng videos at pictures. Nagustuhan naming may offer din ang reply box na macros suggestions para makatulong na maka-reply nang mas mabilis.
Ang integration ng Instagram ay gumana rin nang maayos. Dumating ang message nang napakabilis, at nag-pop up ng notification ang Gorgias, pati sound effect para i-notify kami sa incoming direct message. Halos pareho lang din ang features sa Instagram direct message ticketing. Ang kaibahan lang ay hindi kami makapagpadala ng pictures, puro videos lang.
Gumagana nang maayos at walang kahit anong problema ang social media ticketing ng Gorgias. Hindi kami nakaranas ng kahit isang bug o kahit anong klaseng isyung makapipigil sa aming makatanggap ng tickets o maka-reply sa mga ito. Napakasarap ng pakiramdam ng buong user experience. Sayang at hindi namin nasubukan ang Twitter features. Pero dahil sa experience namin sa iba pang social media features, hindi namin lubos maisip na ang Twitter ay hindi gagana nang maayos.
Gorgias pricing
May offer ang Gorgias na pricing plans na naglalayong palaguin ang inyong business. Naka-focus sila sa pagbibigay ng maximum na bilang ng tickets kada buwan at user seats, pati ilang dagdag na features. Habang ang lahat ng plans ay may offer na Facebook at Instagram integration, ang Twitter integration ay ino-offer lang sa dalawang pinakamahal na plans. Hindi available ang Twitter integration sa libreng trial. Kung kailangan ninyo ang Twitter integration, dapat mag-focus kayo sa dalawang pinakamahal na plans dahil may offer silang maximum social media functionality.
Starter
Ang Starter plan ay $10 kada buwan at meron itong tatlong user seats. May kasama itong 50 billable tickets kada buwan, Facebook at Instagram integrations, limitadong access sa isang library ng 94 apps, reporting, access sa Gorgias Academy, email customer support, at marami pa.
Basic
Ang Basic plan ay puwedeng mapasainyo sa halagang $60 kada buwan sa buwanan pagbayad o $50 kung taunan ang pagbayad. Meron itong 500 user seats. Binibigyan kayo nito ng access sa 300 billable tickets kada buwan, Facebook at Instagram, 150 integrations mula sa app library, email at live chat, office hours, supporting report, at marami pa.
Pro
Ang Pro plan ay umaabot ng $360 kada buwan o $300 kung taunan na may 500 user seats. Ang offer ay pareho lang sa naunang plan, pero dagdag dito ang access sa 2,000 billable tickets kada buwan, support at revenue reports, Pro customer services, support features, at marami pa.
Advanced
Ang Advanced plan ay $900 kada buwan sa buwanang billing o $750 sa taunang billing. Meron ding 500 user seats ang plan na ito. May kasama itong 5,000 billable tickets kada buwan. Kasama ang features sa mga naunang plan, pero may offer itong mas advanced customer services na may kasamang dedicated success manager.
Enterprise
Kung kailangan ninyo ng custom number ng billable tickets, puwede ninyong piliin ang Enterprise plan. Meron itong customizable na feature options, pati custom pricing.
Kongklusyon
Ang Gorgias ay may offer na well-rounded na social media customer service solution. Nagbibigay ito ng perpektong kombinasyon ng madaling integration, magandang interface, at kadalian sa paggamit sa iisang package. Isang bagay lang na pumipigil ditong maging pinakamahusay ay ang Twitter integration na hindi available sa lahat ng plan. Kung plano ninyong gamitin ito, kailangan ninyong magbayad nang mas mahal na plan. Pero kung magagawa ninyo ang trabaho nang mahusay gamit ang Facebook at Instagram lang, magkakaroon kayo ng exciting experience sa Gorgias.
Frequently Asked Questions
Paano i-enable ang auto-responder para sa social media sa Gorgias?
Buksan ang inyong Gorgias account at pumunta sa Settings > My Apps. Hanapin ang Facebook integration at i-click ito. Kapag nabuksan na ito, hanapin ang Preferences tab at pindutin ang Auto-Responder switch para i-on ito. Puwede ninyong piliin kung anong response ang automatic na maipadadala sa inyong customers. Huwag kalimutang i-click ang Save changes para hindi mawala ang inyong settings.
Saan mahahanap ang social media integrations sa Gorgias?
Habang ang karamihan sa channel integrations tulad ng email, SMS, voice, o chat ay makikita sa ilalim ng Channels section ng Gorgias settings, sa iba mahahanap ang social media. Buksan ang settings sa inyong account at pumunta sa App Store > My Apps. Puwede ninyong mahanap ang Facebook integration dito. Ang integration ay nakakonekta na sa Instagram integration.