Key takeaways
Pros
- Walang problema sa integration sa social media
- Magandang functionality mula sa social media
- May dagdag na features mula sa ticketing system ng LiveAgent
Cons
- Lahat ng plan ay may kamahalan
- Kulang sa ilang klase ng functionality
Ang pagsisimula sa LiveAgent social media features
Ang LiveAgent ay may madaling proseso ng registration sa pamamagitan ng simpleng trial form. Kailangan lang magbigay ng basic na impormasyon para makapagsimula at makagawa ng inyong LiveAgent account. Binibigyan kayo ng LiveAgent ng pagpipilian mula 7-araw na trial o 30-araw na trial. Makakukuha lang kayo ng 30-araw na trial kung gagamitin ninyo ang email address ng kompanya sa registration. Ang mga gagamit ng personal nilang email ay puwedeng kunin ang 7-araw na trial ng LiveAgent. Kapag may access na kayo sa inyong account, puwede ninyong pakinabangan ang available na “get started guide” sa kanang bahagi ng unang screen.
Sasamahan kayo ng guide na ito sa buong proseso ng pag-set up ng inyong LiveAgent account. Puwede kayong magdagdag ng email, mag-set up ng chat at call center, at idagdag ang inyong social media account sa bawat hiwalay na hakbang na makikita ninyo sa screen. Nasa sa inyo (at pricing plan ninyo) kung anong tools ang una ninyong gagamitin. Puwede agad piliin ang option ng social media at simulang idagdag ang inyong account sa ticketing system.
Ang unang option ay ang Facebook integration kaya pinili namin itong gawin para magsimula. Nag-log in kami sa aming Facebook account at nagbigay ng lahat ng kailangang access sa Facebook page ng aming fictional na clothing business. Pagtapos naming makuha ang message na tagumpay ang integration, nakapili kami kung anong klaseng posts ang papayagan naming makonekta sa LiveAgent. Pinili namin lahat para gawin itong simple. Ang maganda ay ang option na makapipili ng department sa LiveAgent na makakukuha ng access sa Facebook tickets. Binibigyan kayo ng pagkakataong maging organisado nang naaayon sa inyong communication.
Iyon na iyon. Napakadaling ikonekta ng Facebook at hindi ito tumagal ng isang minuto. Ang sunod na hakbang ay malalaman kung singdali rin ang integration ng Twitter. Available ang option sa parehong menu section sa ilalim ng Settings sa LiveAgent. Kailangan lang idagdag ang inyong account at magbigay ng permission sa LiveAgent tulad ng ginawa sa nakaraang hakbang. Ang prosesong ito ay mas maikli pa sa integration ng Facebook.
Puwede rin ang Instagram integration sa LiveAgent. Hindi ito makikita sa kaliwang bahagi ng menu pero makikita ito sa Settings sa may Plugins section. Kapag na-activate na ang Plugin, makikita ninyong ang Facebook menu section sa kaliwa ay automatic na maa-update sa Facebook at Instagram. Kapag pumasok kayo sa section na ito, kailangan ninyong magdagdag ng isa pang account sa pag-click ng Connect button. Kailangan ninyong siguraduhing ang inyong Instagram account ay konektado sa inyong Facebook at naka-set ito bilang professional account.
Ang kahit sinong user na gustong ikonekta ang kanilang Instagram account sa LiveAgent ay dapat munang siguraduhing ang kanilang Facebook business page ay nakakonekta sa kanilang Instagram. Nakaranas kami ng maliit na bug habang sinusubukan naming gawin ito sa ibang order. Kung gagawin ito sa tamang order, puwede ninyong makonekta ang inyong Facebook at Instagram sa iisang integration lang kaysa gawin ang parehong proseso nang dalawang beses.
Maliban sa social media, kaya ring i-handle ng LiveAgent ang mga messaging app tulad ng Viber at WhatsApp, na tatalakayin natin sa ibang review. Bago tayo pumunta sa testing, tingnan natin ang features na may kinalaman sa social media communication ng LiveAgent.
LiveAgent social media functionality at features
Ang mga kasama sa social media functionality ng LiveAgent ay ang integration sa Facebook, Twitter, Instagram, pati na rin ang mga communication app – Viber, WhatsApp, at Facebook Messenger. Ang lahat ng social media channels ay direktang nakakonekta sa LiveAgent ticketing system na siyang hahawak sa lahat ng incoming at outgoing na communication. Meron din itong magagandang features na makatutulong sa inyong mag-manage ng replies nang mas mabilis at mas episyente.
Nagbibigay ng maraming features ang LiveAgent tulad ng automatic ticket distribution, collision detection, canned messages, ticket exports, filters, ticket merging o splitting, notes, rules at SLAs, at marami pang iba. Sinusuportahan din ng tickets ng LiveAgent ang attachments at GIFs para makatulong sa inyong makagawa ng mas engaging na sagot sa inyong target audience. Marami pang ibang available na features, kaya silipin lang ang LiveAgent features page para malaman ang tungkol sa mga ito.
LiveAgent social media features user experience
Nakatutuwa ang pag-test ng social media channels at features sa LiveAgent. Ginamit namin ang test social media account namin para ma-simulate ang agent experience. Natutuwa kaming sabihing ang lahat ay gumana nang mahusay. Una ay nagsulat kami ng comment sa status ng aming Facebook business page para malaman kung gumana nang tama ang integration. Dumating ang comment sa loob lang ng dalawang segundo at lumabas bilang ticket sa aming universal inbox.
Napakadali lang mag-reply hindi dahil sa madaling gamiting interface pero salamat din sa available na ticketing features. May access kami sa canned replies, attachments, notes, at iba pang magagandang functionality. Pareho rin ang experience sa pagsagot sa Twitter tickets; lahat ng features ay available agad para magamit sa tickets. Ganoon din sa Instagram; lahat ay gumana tulad ng ibang channels.
Sa kabuuan, ang social media capabilities ng LiveAgent ay nag-deliver ng napakahusay na experience. Ang integration ay madali habang ang ticketing system ay kayang makuha ang bawat Facebook message, Twitter mention, o Instagram comment (at iba pang communication). Pinatunayan ng LiveAgent na ito ay magandang choice para sa social media customer service.
LiveAgent pricing
Ang LiveAgent ay may offer na mga interesanteng pricing plan na merong iba’t ibang features. Ang bawat mas mahal na plan ay may dagdag na communication channels. Binibigyan kayo nito ng maraming pagpipiliang channels na gusto ninyong i-focus at para piliin ninyo ang bagay sa inyong business. Tingnan natin ang makukuha ninyo sa bawat LiveAgent plan. Ang lahat ng plans maliban na lang sa libreng plan ay binibigyan kayo ng access sa social media integration.
Small
Ang Small plan ay $9 kada buwan bawat agent. May access kayo sa 1 incoming at 1 outgoing email account, 1 live chat button, chat satisfaction surveys, 1 API key, 1 integration, knowledge base, customer service, at white glove setup. Puwede kayong magkaroon ng access sa Facebook at Instagram sa dagdag na $39 kada buwan, pati sa Twitter sa dagdag na $39 kada buwan.
Medium
Ang Medium plan ay $29 kada buwan bawat agent. Kasama lahat ng meron ang Small plan at dagdag pa ang call center support, 10 departments, IVR, product training, custom domain hosting, 20 event rules, 10 time rules, at 5 SLA levels. Tulad ng Small plan, merong access sa Facebook at Instagram sa dagdag na $39 kada buwan, pati sa Twitter integration sa dagdag na $39 kada buwan.
Large
Ang Large plan ay $49 kada buwan bawat agent. Meron lahat ng nasa dalawang naunang plans. Dagdag pa, may access sa 1 WhatsApp account, 30 departments, multi-knowledge base, senior account manager, 2 knowledge bases, 100 event rules, time report, 10 SLA levels, audit log, at iba pa. Ang Large plan ay meron na ng lahat ng social media integrations nang walang kahit anong extra na bayad.
Enterprise
Ang Enterprise plan ay ang pinakabagong dagdag sa LiveAgent pricing options. May offer ito ng lahat ng nasa ibang plans pero marami pang dagdag na serbisyong angkop sa mga gusto ng extra. Puwede ninyong i-customize ang inyong billing setup, merong WhatsApp integration, priority support, hanggang 40 custom roles, at marami pa.
Kongklusyon
Ibibigay sa inyo ng LiveAgent lahat ng kailangan para epektibong ma-handle ang inyong social media customer service. Ang lahat ng integrations sa social media accounts ay gumagana nang mahusay. At kahit wala sila ng lahat ng functionality, gumagana ang meron silang nang walang problema. Ang LiveAgent ang pinakamaganda sa pag-handle ng multi-channel support, kahit ano pa ang gusto ninyong gamiting social media platform. Ang kailangan lang ikonsidera ay kung sulit ba sa pera ninyo dahil lahat ng plans ay medyo may kamahalan kung may social media functionality.
Pagdating sa paghahanap ng tamang software para sa customer service sa social media para sa iyong negosyo, mahalaga na tingnan ang iba’t ibang mga opsyon at hanapin ang isa na akma sa iyong budget at sumusunod sa lahat ng iyong mga pangangailangan. Gayunpaman, sa pamamagitan ng paggamit ng LiveAgent, maaring mapanatili ng mga kumpanya ang epektibong pamamahala sa mga tanong, reklamo, at feedback ng mga customer sa mga sikat na plataporma ng social media.
Frequently Asked Questions
Hindi mahanap ang Instagram sa LiveAgent settings
Ang Instagram sa LiveAgent ay available sa plugin na kailangan ninyong i-activate. Kung hindi ninyo mahanap ang Instagram malapit sa Facebook at Twitter options sa inyong LiveAgent account, malamang naka-disable ang plugin. Kung gusto ninyong i-activate ito, pumunta sa Configuration > System > Plugins at hanapin ang Instagram sa listahan ng plugin. I-activate ito sa pag-click sa switch at kailangang mag-restart ng LiveAgent.
Mahirap ikonekta ang aming Instagram account sa LiveAgent
Kung nakararanas kayo ng problema habang sinusubukang i-integrate ang inyong Instagram account sa LiveAgent ticketing system, ikonsidera ninyong kumonekta sa inyong Instagram at Facebook accounts nang magkasama. Kung gagawin ito bago subukang magkonekta sa inyong Instagram, puwedeng matanggal ang ilang hakbang sa proseso ng integration para gumana ang buong integration nang mas maayos.