Key takeaways
Pros
- User-friendly na disenyo
- May automation options
- Detalyadong reporting at analytics
Cons
- May nawawalang notifications
- May kamahalan
Ang pagsisimula sa NapoleonCat
Napakadaling mag-sign up sa NapoleonCat. Kapag na-fill out na ninyo ang essential na impormasyon, sasabihan kayo agad ng software na i-link ang inyong social media. Ni-link namin ang aming Facebook at Twitter pages sa pagbigay ng aming credentials. Sa Instagram, kinailangan muna naming i-configure ang permission sa NapoleonCat. Pero tumagal lang kami rito ng ilang segundo.
Pagtapos naming gawin iyon, handa na ang aming social media profiles.
Mula roon, ang pangalawang hakbang na minungkahi ng NapoleonCat ay i-track ang aming competitors. Bilang halimbawa, pinili namin ang Facebook page ng NapoleonCat. Pagkatapos ay pinindot na namin ang Start using NapoleonCat button.
Napakadali at mabilis ang setup. Pagtapos lang ng ilang segundo, dinala na kami sa aming dashboard na may kasamang pop-up greeting window.
NapoleonCat social media functionality at features
Ang NapoleonCat ay maraming magagamit na features at functionalities na makatutulong sa inyong i-manage ang brand ng inyong social media presence. Itinatabi nito ang lahat ng inyong customer interactions sa inbox kung saan puwede ninyong ikategorya pa ang mga ito.
Siyempre ang NapoleonCat ay hinahayaan kayong i-configure ang klase ng customer interactions na gusto ninyong matanggap sa inyong inbox.
Kapag may pumasok na DM o comment, automatic itong dinadagdag sa New at sa Task tabs sa inbox.
Maliban sa pag-manage ng customer communication, puwede kayong mag-schedule ng posts ng inyong mga nakakonektang social media channels sa NapoleonCat.
Ang solution na ito ay may offer ding iba’t ibang downloadable reports at analytics. Puwede kayong gumawa ng bagong reports o i-schedule ito sa ibang panahon. Siyempre, may option kayong i-export ang data. Puwede itong gawin sa NapoleonCat bilang Excel sheet o PNG file.
Sa pag-click ng Auto-moderation sa kaliwang bahagi ng menu, puwede ninyong i-set up ang automation para sa inyong social media profiles. Hahayaan kayo ng NapoleonCat na i-configure ang automation rules mula sa simula o puwede ninyong gamitin ang isa sa premade templates.
Ang huling feature na gusto naming pag-usapan saglit ay ang feature suggestions ng NapoleonCat. Dito makikita kung anong features ang nasa development pa lang, at puwede kayong mag-suggest ng gusto ninyong makitang idagdag, pati ang na-launch na. Nagustuhan namin ito dahil nagbibigay ito ng transparency at hinahayaan ng NapoleonCat ang mga customer na maramdamang bahagi sila ng software-building process.
NapoleonCat social user experience
Napaka-reactive ng software ng NapoleonCat. Sinabihan namin ang isang subscriber na mag-message sa aming business at mag-react sa isang Facebook post. Lumabas agad ang interactions na ito sa interface ng NapoleonCat.
Ang nawawalang maliit na detalye ay ang notification tab. Ito ang tipong bagay na ipinapaalam sa inyong meron kayong bagong message. Pero hindi naman ito nakasira sa aming experience.
Sa pag-click sa bawat interaction, puwede ninyo itong buksan para mas ma-manage. Hinahayaan kayo ng NapoleonCat na mag-reply dito o mag-reply at i-archive. Meron din itong built-in translator, na makakatipid sa oras.
Mabilis lang mag-reply sa UI ng agent, pati sa customer. Maliban sa pagpapadala ng plain text, puwede rin kayong gumamit ng GIFs at emojis, at magdagdag ng pictures at files mula sa inyong computer. Maliban pa riyan, puwede rin kayong magdagdag ng internal notes sa bawat conversation at magpadala ng interactions sa email para sa isang consultation gamit ang Send to consult button. Puwede kayong mag-assign ng user sa interaction o automatic itong gagawin ng system para sa inyo. Nakapagpapaalala sa amin ito ng isang ticketing system.
Kapag pinindot ang tatlong dots sa tabi ng customer message, puwede kayong mag-assign ng tags pati ng sentiment sa interaction. Hindi lang ito nakatutulong sa inyong organisahin ang inyong customer communication pero hinahayaan din kayong gumawa ng mas detalyado at pinasadyang reports.
Kapag pinindot naman ang pulse sign sa tabi ng tatlong dots, makikita ninyo ang activity log na merong timestamps.
Pagpepresyo
Merong dalawang pangunahing subscription levels ang NapoleonCat at nakadepende ang mga presyo nito sa bilang ng profiles na gusto ninyong ikonekta at bilang ng users na magkakaroon ng access sa inyong NapoleonCat account. Pag-uusapan namin sa ibaba ang pinakamurang versions ng parehong levels, kaya tandaang batay sa inyong sariling configuration, puwedeng mas mataas ang presyo.
Standard
Para sa $31/buwan na may buwanang billing, puwede kayong mag-set up ng 3 social media profiles at magkaroon ng isang system user. Kung taunan ang billing, bababa ang presyo sa $25.82/buwan. Sa level na ito, puwede kayong magkaroon ng 10 profiles at 3 users na may dagdag-bayad. Puwedeng mag-schedule ng content, mag-assign ng incoming messages sa iba’t ibang team members, at magtrabaho sa analytics.
Pro
Sa plan na ito, puwedeng magkonekta ng tatlong social media profiles at isang system user para sa $76/buwan kung buwanan ang billing o $63.31/buwan kung taunan ang billing. Ang pinakasikat na level ng NapoleonCat ay may limit na 100 social media profiles at 30 users, kaya mas bagay ito sa malalaking teams na mas mataas ang social media engagement. Kasama rito ang lahat ng features mula sa Standard package, dagdag pa ang inbox search, auto-moderation, team performance reports, 2FA, 1-on-1 onboarding training, at marami pa.
Custom
Nagsisimula sa $465/buwan, puwede kayong makakontak sa team ng NapoleonCat para i-setup ang isang fully customized na level. Kasama rito ang lahat ng features mula sa Pro package, pero karamihan sa features ay unlimited.
Kongklusyon
Isang intuitive at reactive social media management software ang NapoleonCat. Kahit sabihing iyon lang iyon, nakikita naming magagamit ito bilang isang maaasahang customer service platform. Ang marami nitong features at ang user-friendly na disenyo ay ginagawa itong magaling na solution para sa bawat business na nagsusumikap na makapag-engganyo ng engagement sa social media.
Kahit wala namang perpekto, wala na kayong masyadong hahanapin pa sa NapoleonCat. Meron itong halos lahat ng features na makikita ninyo sa karamihan ng ticketing systems, kaya angat ito sa simpleng social media post scheduling tool.
Frequently Asked Questions
Nahihirapan kaming ikonekta ang social media account sa NapoleonCat.
I-check muna ninyo ang inyong login credentials para sa bawat social media account. Kung meron pa rin kayong isyu, subukang i-disconnect at i-reconnect ang accounts sa NapoleonCat. Pumunta sa Settings > Social media accounts at i-click ang Disconnect button katabi ng account na gusto ninyong i-disconnect. Mag-log in sa inyong account at i-authorize ang NapoleonCat na i-access ang inyong account sa pamamagitan ng pag-click sa Connect button.
Hindi lumalabas ang posts na naka-schedule.
Ilang bagay ang puwedeng dahilan nito. Una, siguraduhing nakakonekta pa rin ang NapoleonCat sa problemadong social media account. Kung nakakonekta ito, i-check ang status ng scheduled post. Kung “Failed,” baka may problema sa content ng post o sa formatting. Puwede ninyong subukang i-edit at i-reschedule ang post. Kung nakamarka ito na “Pending,” nakapila lang ito para sa susunod na publication.