Key takeaways
Pros
- Napakabilis at dali ng integrations sa social channels
- Magandang interface
- Magandang ticket organizing capabilities
- Walang bugs, walang problema
Cons
- Ang mga ticket ay hindi minsan pinapakita ang functionality ng bawat social channel
- Hindi ito ang pinakamurang solution na available
Ang pagsisimula sa Re:amaze social media features
Hinahayaan kayo ng Re:amaze na makapagsimula sa kanilang libreng trial kaya hindi ninyo kailangang pumili ng plan agad. Kapag naipasok na ninyo ang inyong detalye sa registration form, tutulungan kayo ng Re:amaze na i-set up ang kailangan. Binigyan kami ng options sa pag-set up ng chat, email, SMS/MMS, FAQs, o social media. Pinili namin ang social media na option dahil ito ang focus ng review na ito. May option ding laktawan ang bahaging ito ng setup.
Sa susunod na hakbang pagkatapos ng social media setup, puwede ninyong i-integrate ang inyong Facebook, Instagram, at Twitter. Napakadali lang tapusin ang integration ng tatlong ito. Medyo standard lang ang integration ng Facebook account, pati na rin ang Twitter integration. Ang integration naman ng Instagram ay nagbigay sa amin ng ilang smart options para sa pag-import ng messages at notifications. Literal na segundo lang ang itatagal para makumpleto ang integrations ng tatlong ito, at hindi kami nakaranas ng kahit anong problema habang ginagawa ang prosesong ito.
Kapag tapos na kayo, tumuloy lang sa susunod na hakbang. Ipapaalala ng Re:amaze na ang lahat ng feature settings ay puwedeng ma-adjust sa settings ng application. Pagkatapos, ididiretso kayo sa social media ticketing system at puwede na kayong magsimulang maging pamilyar dito. Automatic na kinukuha ng Re:amaze ang inyong mga message, na siyang maganda. Ang karamihan sa software solutions para sa social media customer service ay may ganitong option, pero hindi maaasahang gumagana palagi.
Ang organisasyon ng ticket sa Re:amaze ay maganda at nagiging malalim din. Puwede ninyong ikategorya ang mga ticket hindi lang sa kanilang channels pero ang bawat channel ay may sariling subcategories para sa mas madaling pag-aayos. Sa ganitong paraan, madali kayong makakapaghanap sa social media tickets, at ang makikita lang ay ang mga gusto ninyo. Ang kasama sa subcategories ng ticket organization ay ang awaiting, subscribed, unresolved, unassigned, resolved, archived, participating, at iba pa.
Re:amaze social media functionality at features
Ang Re:amaze ay may offer na social media integrations sa bawat plan, pati na rin ang iba pang functionality na may kinalaman sa customer communication. Ang social media integration ay direktang nakakonekta sa ticketing system ng Re:amaze, na may offer na magandang kapasidad sa pag-organisa at madaling pagkakategorya ng tickets batay sa parehong channels at ticket status. Ang karamihan sa features para sa communication sa social media ay naililipat mula sa ticketing system, at puwede ninyong magamit ang mga ito sa social media tickets. Kasama rito ang ticket management features, o contact features na rin.
Maliban sa features ng social media ticketing, may iba pa kayong puwedeng maasahan. Isa na rito ang automation features na kasama ang response templates, workflows, customer intent na features, at iba’t ibang bots. Meron din ang Re:amaze na reporting features para sa conversations at messages, pati na rin sa workflows, tags, at staff performance. Ang huling tatlo ay available lang sa mas mahal na plans.
Re:amaze social media features user experience
Sa una, ang paggamit ng Re:amaze ay parang halo-halong kalamay. Ang system ay may magandang itsura na mukhang magagawa ang lahat nang maayos. Ang unang problemang napansin namin ay hindi kami nakatanggap ng kahit anong notification ng incoming message sa Messenger. Kinailangan pa naming i-refresh ang system at mano-manong hinanap ang kahit anong notification sa loob ng inbox. Nang nahanap na, umayos na ulit ito at ang interface ay nasa loob na ng ticket. Napag-alaman naming kailangan palang mano-manong i-activate ang notifications, na sa tingin namin ay kakaibang choice. Ang ganitong functionality ay dapat handa na agad, sa tingin namin.
Medyo nakatutuwa ang karanasan namin sa pag-reply. Puwedeng mag-click para magdagdag ng files at attachments, o mag-drag at i-drop ang mga ito diretso sa message. May option din kaming mag-insert ng response templates, emojis, at pumili ng status change na nag-apply pagkatapos mag-reply sa message. Hindi ito ang pinakamayaman na set ng features na nakita namin sa ticketing system ng social media customer service, pero nagbibigay ito nang halos lahat ng kailangan ninyo para epektibong makapag-communicate.
Medyo nakatutuwa ang karanasan namin sa pag-reply. Puwedeng mag-click para magdagdag ng files at attachments, o mag-drag at i-drop ang mga ito diretso sa message. May option din kaming mag-insert ng response templates, emojis, at pumili ng status change na nag-apply pagkatapos mag-reply sa message. Hindi ito ang pinakamayaman na set ng features na nakita namin sa ticketing system ng social media customer service, pero nagbibigay ito nang halos lahat ng kailangan ninyo para epektibong makapag-communicate.
Ang functionality ay nananatiling pareho sa lahat ng tickets, kahit ito ay sa Facebook, Instagram, o Twitter. Ito ay maganda naman sa isang banda dahil tinatanggal nito ang kahit anong kalituhan mula sa pagsagot, at hinahayaan kayong maging komportable sa parehong workflow sa bawat social media ticket kahit saan pa ang pinanggalian nito. Sa kabilang banda, mukhang nalimutan ng Re:amaze na ang bawat social media network ay may offer nang iba’t ibang set ng features, na puwedeng gumana nang maayos kung mailagay sa social media ticketing system ng Re:amaze.
Sa kabuuan, medyo maganda naman ang social media functionality ng Re:amaze at nagbibigay ito ng steady at maaasahang workflow nang walang problema. Pero malamang na hindi kayo matutuwa nang masyado sa Re:amaze tulad ng inaasahan ninyo. Napakadaling gawin ang integrations, pero ang karanasan sa social media ticketing ay medyo hindi maganda kumpara sa ibang solutions. Hindi ibig sabihin nito ay hindi na ito gumagana nang maayos; kabaligtaran ito. Medyo may kulang lang sa Re:amaze na ilang “wow” factor.
Re:amaze pricing
May offer na tatlong pangunahing pricing plans ang Re:amaze, at may dagdag pang dalawang plans para sa startups at enterprises. Ang bawat plan ay may binibigay na social media functionality, na ibig sabihin ay may access kayo sa Facebook, Instagram, at Twitter integrations kahit na ano pa ang piliin ninyo. Ang pangunahing kailangan ninyong bigyan ng focus habang nasa proseso kayo ng pagdesisyon ay ang natitirang features na nag-iiba sa bawat pricing plan ng Re:amaze. Tingnan natin kung ano ang inyong mga makukuha.
Basic
Ang Basic plan ay $29 kada buwan bawat team member kung monthly billing o $27.55 kada buwan bawat team member kung taunang billing. Makukuha ninyo ang unlimited email inbox, live chat, social media channels, public at internal FAQ, workflow automation, response templates, website integration, chatbots, proactive messages, basic reporting, customer intents, at iba pa.
Pro
Ang Pro plan ay $49 kada buwan bawat team member kung buwanang billing o $46.55 kada buwan kada team member kung taunang billing. Makukuha ninyo ang lahat ng features mula sa Basic plan, pati ang multiple brand accounts, live view ng mga bisita sa site, advanced reporting, SMS at voice channels, custom hosted domain, customizable na email appearance, status page, at iba pa.
Plus
Ang Plus plan ay $69 kada buwan bawat team member kung buwanang billing o $65.55 kada buwan bawat team member kung taunang billing. Makukuha ninyo ang lahat ng features ng mga naunang plan, pati na ang live screen sharing, departments, staff performance reporting, staff shifts at vacation days, customizable na staff roles, customer satisfaction ratings, in-chat video calls, optional na classic chat mode, FAQ article edit history, at iba pa.
Starter
Ang Starter plan ay $59 kada buwan na buwanang billing lang ang available. Meron ito ng lahat ng features ng Basic plan para sa unlimited na team members sa flat price. Pero may kasama itong limit na hanggang 500 responded conversations kada buwan.
Enterprise
Ang Enterprise plan ay may offer na custom pricing na naka-ayon sa inyong pangangailangan. Para ito sa mga lumalaking business na nangangailangan ng scalability.
Kongklusyon
Ang Re:amaze ay nagbibigay sa inyo ng lahat ng kailangan ninyo para sa inyong social media, at may integration din ito kahit sa Twitter, na hindi madalas makita sa iba kung iisipin ninyo. Napakabilis at simple ng proseso ng integration na kailangan ninyong pagdaanan, at may napakagandang built-in guide ang Re:amaze na tutulong padaliin ang inyong pag-set up. Ang social media ticketing ay maganda rin, pero hindi namin maisasantabi ang pakiramdam na may iba pa kaming hinahanap. Pero hindi ito dapat makapigil sa inyo na isiping kaya ng solution na ito na maging dedicated na social media customer service software ninyo.
Frequently Asked Questions
Hindi makonekta ang Facebook page sa Re:amaze
Ang isyung ito ay madalas nangyayari dahil sa user roles na naka-set sa inyong Facebook Business page. Puwede lang ninyong ikonekta ang inyong page kung may full admin access kayo. Ito ang pinakaposibleng dahilan kung bakit hindi ninyo makita ang inyong Facebook Business page sa integration ng Re:amaze. Kailangan ninyong i-check ang inyong page roles at siguraduhing binibigyan ninyo ng lahat ng kailangang permiso ang Re:amaze para i-handle ang inyong page.
Hindi kinukuha ng Re:amaze ang comments at direct messages sa Instagram
Ang problemang ito ay malamang may kinalaman sa inyong Instagram account. Siguraduhin ninyong naka-set ito bilang Business account, kundi ay di puwedeng makakonekta ang Re:amaze sa inyong account. Muling i-check ang inyong account settings sa inyong Instagram application. Buksan ang settings at pumunta sa Accounts Center para makita kung ang inyong account ay isang Business account.