Key takeaways
Pros
- Madaling ma-integrate at gamitin
- Matulunging customer support
- Detalyadong reporting at analytics
Cons
- Puwedeng masyadong mahal para sa maliliit na business
- Walang notifications sa browser version
- May bugs paminsan-minsan
Ang pagsisimula sa Sprout Social social media features
Tinutulungan ng Sprout Social ang mga indibidwal at business na i-manage ang kanilang social media, masundan ang kanilang customers, at tipunin ang lahat ng pasikot-sikot ng social media communication sa ilalim ng isang programa. Available ito sa browser o mobile app.
Ang pag-sign up sa 30-araw na libreng trial ay napakadali. Sinagutan lang namin lahat ng kailangang impormasyon at nagdagdag ng iba pang detalye para sa mas ibabagay na approach.
Pagtapos, inaaasahan naming makita ang isang dashboard o welcome page. Nagulat kaming walang patumpik-tumpik ang Sprout Social at direktang nag-offer agad na ikonekta ito sa aming social media accounts.
Sa totoo lang, inalis nito ang bigat ng paghahanap ng tamang settings, at ang pag-navigate sa iba’t ibang menu ay ginawang mas mabilis at mas kaaya-aya. Ang kailangan lang naming gawin ay mag-login na lang sa aming accounts at iyon na iyon.
Kaya nilagay namin ng aming Facebook credentials, at sabi ng Sprout social ay handa na ito. Kung nahihirapan kayong ikonekta ang inyong pages, meron silang quick troubleshooting sa susunod na tab kaya hindi na ninyo kailangang mag-scroll sa kanilang detalyadong knowledge base.
Pareho lang ang gagawin sa pagdagdag ng inyong Instagram at Twitter kaya hindi na namin uulit ang mga detalye.
Nang matapos iyon, binati kami ng Sprout social ng isang napakalinis nadashboard na napakadaling i-navigate. Dahil tapos na naming ikonekta ang aming social media accounts, nabusisi namin at natingnan ang iba pang features na ino-offer nila.
Sprout Social social media functionality at features
Una sa lahat, ang Sprout Social ay isang social media management platform kaysa customer support. Kaya kung ang huhusgahan namin ay customer service features lang, hindi na rin masamang sabihing hindi ito ganoon kadetalyado. Una naming napansin na parang walang kahit anong tipo ng ticketing system ang Sprout Social. Mas binigyang-pansin ang functionalities tulad ng scheduling ng posts, pag-aaral ng competitive analytics, at pag-focus sa pangkalahatang social media presence at brand health ninyo.
Napakadali ang paggawa ng posts gamit ang blue na Compose button sa bandang kanang kanto sa taas. Sa pag-click dito, magbubukas ang isang pop-up window na hahayaan kayong gumawa at mag-schedule ng social media posts.
Siyempre, makukuha rin ninyo ang mga incoming message, mention, comment at iba pa. Puwede ninyong i-configure at puliduhin ang mga tipo ng message na papasok sa inyong Smart Inbox.
Isang functionality na nagustuhan namin na nagpapaalala sa amin ng full-fledged help desk software ay ang abilidad nitong magdagdag ng internal notes para sa lahat ng customer interactions. Nakatutulong ito sa mga agent at team na puwedeng mag-collaborate sa isang isyu.
Isa pang kapaki-pakinabang na feature para sa teams na humaharap sa customer ay ang Review functionality ng Sprout Social. Hinahayan kayo nitong ikonekta ang iba’t ibang review platforms at i-manage lahat ng inyong customer feedback sa iisang lugar, kaya hindi na ninyo kailanging i-check ito nang isa-isa.
Sprout Social social media features user experience
Sa umpisa pa lang, napakadali naming na-setup ang lahat. Nagpasulat kami ng comment sa isang customer sa aming Facebook business page, at nakita namin ito agad sa Smart Inbox.
Nang ma-click namin ang View Thread, nakapag-reply, like, at nadagdag namin ang nag-comment sa aming VIP list, at naglagay ng dagdag na impormasyon tungkol sa kanila.
Pero nasorpresa kaming walang notification na dumating ang comment namin. May Notifications section sa bandang kaliwa ng menu, pero parati nitong sinasabing wala itong laman kahit meron man o walang dumarating sa inbox.
Sa una, iniisip naming baka ang incoming comments ay hindi nakaka-trigger ng notifications nang default, pero mali kami. Pinapakita ng Settings na lahat ng interaction ay dapat mag-prompt ng notification. Napansin naming nakatatanggap kami ng emails sa bawat bagong comment o kahit anong customer interaction, pero nananatiling blangko ang notifications.
Sinubukan naming magpadala ng message sa aming business, iniisip naming walang dahilan para di ito lumabas sa notifications, pero mali kami. Kaya tiningnan namin ang suppport documentation at sinubukang alamin kung bakit hindi gumagana ang notifications sa amin.
Medyo nahihiya kaming aminin kung gaano katagal kaming nag-Google, nagbasa ng support articles, at naghanap sa FAQs. Sa huli, sumuko na lang kami at kumontak sa support.
Maganda ang karanasan namin sa Sprout Social customer service. Mabilis sumagot ang taong nakausap namin, mabait din at matulungin. Sa kasamaang palad, hindi pa rin nasolusyonan ang isyu namin. ‘Yon pala, gumagana lang ang notifications sa mobile app. At dahil ginagamit namin ang Sprout Social sa Chrome, wala kaming magawa pareho ng customer support rep tungkol dito. Pero sinabi naman nilang magre-request silang dagdagan ng ganitong feature para sa amin, para mawala na ang isyung ito sa hinaharap.
Sprout Social pricing
Standard
Ang pinakamurang package ng Sprout Social ay nagkakahalagang $249 kada buwan, at sa bawat dagdag na user ay may karagdagang $199 kada buwan. Sa tier na ito, puwede kayong mag-setup ng 5 social profiles, tasking at CRM tools, iOS at Android apps, paid promotion tools para sa inyong Facebook posts, at marami pa.
Professional
Ang susunod na tier ay nagkakahalagang $399 kada buwan, at kapag magdadadag pa ng users, karagdagang $299 kada buwan bawat isa. Sa pinakasikat na plan ng Sprout Social, makukuha ninyo ang lahat ng features sa naunang tier, pati na unlimited social profiles, competitive reports sa Facebook, Instagram, at Twitter, Social Commerce integration, at marami pa.
Advanced
Para sa buwanang halagang $499 at karagdagang $349 sa bawat dagdag na user, puwede ninyong pakinabangan ang chatbots at automation, message spike alerts, Twitter surveys, at marami pang ibang advanced features.
Enterprise
Para pag-usapan ang pricing tier na ito, puwede kayong makipag-ugnayan sa Sprout Social sales team at mag-request ng demo. Kasama na sa Enterprise ang lahat ng advanced features sa naunang tier, pati ang 24/5 na prioritized customer support, premier consulting, at iba pang premium add-ons.
Kahit may offer ang Sprout Social na maraming features at plans, medyo mas mahal ang presyo nila para sa mga maliliit na business. Kung malaking usapin ang budget, puwede namang ikonsidera ang ibang social media customer service software provider na may offer na parehong functionality sa mas abot-kayang halaga. Mag-assess ng inyong requirements at pangangailangan nang makahanap ng solution na parehong babagay sa inyong budget at business goals.
Kongklusyon
Napakaganda ng Sprout Social bilang social media management service na magagamit ng mga business at individual para sa kanilang online presence. Ang features tulad ng post-scheduling, topic reporting, content finder, at iba pa ay magandang dagdag sa inyong social media marketing stategy. Pero sa tingin namin, hindi namin gagamitin ang Sprout Social bilang pangunahing service desk solution. Huwag ninyong masamain, puwede rin namang mapagana ito kung gugustuhin ninyo talaga. Sa tingin namin, nagagawa naman talaga ng Sprout Social ang trabahong nakadisenyo para rito, kaya baka di naman nakatutulong na puwersahin ang inyong teams at ang software mismo na gumawa ng bagay na di naman dinisenyo para rito.
Sa pangkalahatan, napakadaling i-navigate ang Sprout Social na kahit baguhang users ay hindi magkakaproblemang matutunan ito. Ang support staff nila, pati ang documentation, ay nakatutulong at marurunong, kaya kahit magkaproblema man kayo, hindi matatagalan ang pagresolba sa kanila. Kaya lang, kulang sa help desk features ang Sprout Social. Pero kung ang pangunahing goal ninyo ay epektibong ma-manage ang inyong social media accounts, puwedeng napakagaling na solusyon ito para sa inyo.