Key takeaways
Pros
- Madaling i-integrate at gamitin
- Detalyadong reporting
Cons
- Puwede kayong ma-paywall sa trial period
- Paminsan-minsang isyu sa pag-upload ng images
Ang pagsisimula sa Statusbrew
Napakadaling mag-sign up sa Statusbrew. Binati kami gamit ang organization setup window at automated live chat greeting nang di kailangang ma-verify ang aming email address.
Nang natapos namin ang pag-fill out ng kailangang impormasyon, tinanong kami ng Statusbrew ng ilan pang karagdagang tanong para malaman ang tungkol sa imaginary business namin para mas maintindihan kung ano ang aming pangangailangan at preferences.
Pagtapos naming ibigay ang essential info, sinabihan kami agad ng Statusbrew na ikonekta ang aming social media sa isa pang pop-up.
Dumiretso na kami. Nagsimula kami sa aming business Facebook account. Una, sinabihan kaming i-authorize ang Statusbrew sa Facebook para ma-access ng application ang aming account at magkaroon ito ng kinakailangang mga permiso para magawa nito ang trabaho.
Kaya pinindot namin ang malaking blue button nang ilang beses, nag-log in sa aming account, at voilà! Na-link na namin ang aming Facebook page.
Pagkatapos, lumipat kami sa Instagram. Halos pareho lang ang proseso maliban sa tinanong kami ng ilang follow-up questions tungkol sa aming business at aming Instagram business page. Nakumpleto ito nang ilang segundo lang, at na-set up na rin ang aming Instagram.
Ang pagkonekta ng Twitter ay nangailangan lang ng aming credentials nang walang iba pang tanong o permiso. Natapos namin ang pag-set up ng aming essential social media accounts at handa na kaming tumingin-tingin para malaman kung ano ang kayang gawin ng Statusbrew.
Statusbrew social media functionality at features
Ang Statusbrew ay may offer na browser-based application, iOS at Android app. Ginamit namin ang browser option pero sa nakita namin, well-optimized din ang interface sa mobile.
Sinisigurado ng malinis at user-friendly na dashboard ang mabilis na access sa lahat ng puwede ninyong kailangan.
Sa Engage ns bahagi ng interface, makikita ninyo ang nakaraang customer interactions, kahit bago pa ninyo ikonekta ang Statusbrew sa inyong profiles.
Ang mga mainam na report ay nagbibigay ng overview ng inyong social media activities, engagement, at iba pang kailangang impormasyon. Maliban pa riyan, ang mga report ay medyo matatag dahil hinahayaan kayo nitong pag-aralan ang bawat social media nang hiwalay. Puwede kayong mag-generate ng keyword reports, tingnan ang hashtag insights, at marami pa.
Nagustuhan din namin ang bilang ng settings at configurations na puwedeng paglaruan ng users para ibagay ang kanilang experience sa software at sa kanilang pangangailangan.
Statusbrew social media features user experience
Pagtapos naming i-link ang aming social media accounts sa Statusbrew, meron kaming “customer” na pina-comment, DM, at review para sa aming imaginary tearoom business. Kahit mas nagustuhan sana namin ang ilang pop-up notifications para maalerto kami tungkol sa incoming customer interaction, lahat naman ay lumabas sa Engage portion agad.
Puwedeng magpadala sa Statusbrew ng pictures, GIFs, at magdagdag ng public at internal notes. Kahit di gumagana ang software bilang ticketing system, meron itong ilang pamilyar na functionalities. Puwede kayong mag-assign ng priority sa interaction, magdagdag ng watchers, isara ito o i-snooze, at iba pa.
Humanga kami sa kakayanan ng Statusbrew. Kahit di namin tatawagin ang system bilang customer service software kundi social media management solution, nakikita naming gagamitin ito nang ganoon.
At nagkaroon kami ng problema. Kapag pumunta kayo sa Dashboard, makikita ninyo ang isang countdown kung kailan matatapos ang inyong trial.
At kahit sinabi ng Statusbrew na puwede itong magamit nang libre sa susunod na 15 araw, nagulat kami nang makatanggap kami ng notification na nagsasabing kailangan naming magbayad para magpatuloy sa paggamit nito.
Sinubukan naming maghanap ng solution online dahil inasahan naming hahayaan kami ng Statusbrew na gamitin ito sa pinangakong dalawang linggo. Sa kasamaang-palad, wala kaming nahanap na kahit ano. Ang option lang na di ibibigay ang aming credit card details at gagastos ng $2,748 ay ang mag-log out. Kahit gusto pa naming ituloy ang pag-test ng solution na ito, hindi na kami nakapag-log in o nakagawa ng panibagong account.
Statusbrew pricing
Lite
Ang pricing plan na ito ay umaabot sa $69/buwan na may taunang billing o $89/buwan kung buwanan ang billing. Sa level na ito, puwede kayong magkonekta ng hanggang 5 social media profiles at maximum na 2 users na magpapatakbo ng system.
Standard
Para sa $129/buwan/license na may taunang billing o $179/buwan/license sa buwanang billing, hahayaan kayo ng Statusbrew na mag-set up ng 10 social media profiles at 5 overall users. Puwede ninyong i-moderate ang comments sa Facebook at Instagram ads, gumamit ng automated comment management, at marami pa.
Premium
Ang Premium pricing level ng Statusbrew ay $229/buwan/license na may taunang billing, at puwede kayong mag-set up ng 15 social media profiles at 8 users na hahawak sa mga ito. Sa level na ito, puwede ninyong magamit ang lahat mula sa mga nauna at may dagdag pang features tulad ng customer sentiment analysis, approval at assignment workflows, at marami pa.
Enterprise
Ang pinakamatatag na package ay may custom pricing, kaya kung interesado kayo, kailangan ninyong makipag-ugnayan sa kanilang sales team at mag-request ng product demo. Maliban sa lahat ng features ng Premium plan, ang Enterprise ay may kasamang personalized 1-1 team training, custom integrations, isang dedicated account manager, at iba pang advanced features.
Kongklusyon
Nang simulan namin ang review na ito, inasahan naming bibigyan namin ng mataas na rating ang Statusbrew. Bakit hindi? Maganda at responsive ang interface, at hinayaan pa kami nitong magpadala ng Office GIFs nang pabalik-balik. Pero nang pinaalis kami sa aming account at kinailangan naming magbayad habang nasa trial period, talagang nakasira ito ng aming experience.
Irerekomenda namin ang Statusbrew para sa social media management, kahit pati sa customer service solution kung tutok ang kompanya ninyo sa paggamit ng social media sa pakikipag-engage sa clients. Pero di namin ito magagawa kung di namin masiguradong mate-test ninyo mismo ito bago kayo singilin ng Statusbrew.
Frequently Asked Questions
Hindi maka-reply gamit ang private message sa Facebook.
May ilang puwedeng dahilan kung bakit kayo nahihirapan. Ang una ay puwede lang kayong pribadong mag-reply sa loob ng 7 araw matapos mag-post o mag-comment ng user. Maliban diyan, isang beses lang puwedeng magpadala ng private message kada post o comment, at pinapayagan lang ng Facebook ang private replies para lang sa text post at comment. Hindi kayo puwedeng mag-reply ng private message sa photo comments, reviews, at iba pa. Ang huling puwedeng dahilan kung bakit hindi kayo maka-reply sa porma ng private message ay sa privacy settings ng user. Tinutukoy nito kung puwede ang private replies sa public comments at timeline posts.