Key takeaways
Pros
- Suwabe ang social media integration
- Maganda ang disenyo ng ticketing system
- Organisado at madaling gamitin
- Libre ito
Cons
- Walang Twitter integration
- Puwedeng maging mahal kapag pinili ang may bayad na plan
Ang pagsisimula sa Tidio social media features
Ang daling mag-umpisa sa Tidio, salamat sa kanilang libreng account. Puwede ninyo itong gamitin hangga’t kelan ninyo gusto, at puwede itong i-upgrade kung handa na kayo sa ganitong hakbang. Kinakailangan ng registration ng email address, password, at isang website. Puwedeng maging problema ito sa mga business na wala o ayaw magkaroon ng website, pero naiintindihan naman ito dahil naka-focus ang Tidio sa chatbots, na nangangailangan ng website para gumana nang maayos. Nang matapos na namin ang registration, dinala kami agad sa Tidio web app.
Nang makapasok na kami sa aming inbox, pinaalam ng Tidio sa amin ang aming mga active na usapan. Ang mas maganda pa, nag-offer itong mag-setup ng intergrations sa email, Tidio widget, at mas importante– Facebook at Instagram. Pinakita agad ng page na ito ang social media functionality na offer ng Tidio. Sa puntong ito, magiging pamilyar kayo agad sa Tidio kahit unang beses pa lang ninyong gamitin ito, o palalimin ang integration process para sa social media. Inumpisahan namin ito sa pag-integrate sa aming Facebook Messenger.
Nang ma-click namin ang option sa pag-integrate ng Facebook Messenger, dinala kami sa bagong screen kung saan namin makikita ang mga benepisyo ng integration, pati ang paliwanag kung paano gumagana ang integration at paano ito maikokonekta. Standard naman ang integration process, kinailangan lang naming mag-login at magdesisyon kung paano namin gustong i-handle ng Tidio ang data ng aming Messenger. May offer din ang Tidio na option na ikonekta ang Messenger integration sa kanilang chatbot. Hindi namin pinili ang option na ito dahil napag-usapan na namin ang tungkol sa chatbots sa Tidio chatbot review.
Asahan ninyo ang kaparehong integration process kung ii-integrate ninyo ang inyong Instagram. Pareho lang din ang screen kapag na-integrate ninyo ang Facebook Messenger. Kailangan lang mag-login sa inyong Instagram account at magbigay ng access sa Tidio para asikasuhin ang inyong Instagram communication. Hindi naman kami nagkaproblema habang may Instagram integration at gumana naman nang maayos ang lahat.
Sa pangkalahatan, may offer ang Tidio na napakadali at intuitive na paraan sa pag-integrate ng dalawang social media channel. Bago kami mag-umpisa sa pag-test na bahagi ng review, i-review natin kung anong klaseng social media functionality ang dapat ninyong asahan mula sa Tidio, kasama pa ang karagdagang features na makukuha ninyo kung pipiliin ninyong gamitin itong pangunahing social media customer service software.
Tidio social media functionality at features
Hindi lang sa social media customer service nakatutok ang Tidio. May offer itong napakagandang functionality na di kayo pahuhuli sa kompetisyon. Bahagi nito ang kanilang ticketing system na tinitipon ang lahat ng communication galing sa kahit na aling tipo ng communication channel na naka-integrate dito. Nagbibigay din ang ticketing ng standard set ng subfeatures para sa epektibong pag-reply at pag-access ng contact information. Gumagana rin ang functionality na ito sa social media integration.
Kasama sa features ang analytics, visitors, at halos maraming settings. Nagbibigay ang analytics ng mahalagang data na nagpapakita ng overview ng pangkalahatang communication efforts habang nagpapakita ang visitors ng impormasyon kung sino ang bumibisita sa inyong website. Ang dapat talagang banggitin ay ang chatbots, na puwede ninyong ma-integrate sa inyong social media accounts at hayaan ninyong sila ang humawak ng communication para sa inyo. May offer ang Tidio na napakagandang chatbot functionality, puwedeng napaka-interesanteng dagdag ito sa inyong social media services.
Tidio social media features user experience
Detalyado naming sinubukan ang social media features ng Tidio at sa tingin naman namin, napakagandang karanasan ito. Pagtapos nito, nagpadala kami ng message sa aming account para mag-simulate ng conversation, lumabas ito sa Tidio. Hindi lang ‘yan, biglang nag-switch ang screen sa conversation window kaya hindi kami nag-aksaya ng oras para hanapin ang kaukulang menu button para marating iyon. Nagbibigay ito ng focus sa conversations, na isang malaking plus sa kahit anong communication solution. Pero puwede rin kayo nitong hatakin sa isang task na dapat inaasikaso. Kung anuman, isa itong interesanteng dagdag.
Kapag na-click na ninyo ang Join conversation, puwede na kayong mag-umpisang mag-reply. Napakaganda ng disenyo ng interface. Ang aming contact information ay nasa kanang bahagi habang ang gitnang screen ay naka-focus sa messaging. Isang interesanteng functionality na gumagana sa kahit anong ticket ay ang option na pindutin ang “/” key sa inyong keyboard para palabasin ang listahan ng canned responses. Hinahayaan kayo nitong manatili sa inyong ginagawa na hindi na kailangang umalis sa inyong keyboard at maghanap pa ng right button at mag-click sa loob ng user interface.
Ang napakagandang karanasang ito ay nanatili kahit pa sa Instagram request. Walang malaking kaibahan ang pag-aayos ng Messenger tickets at Instagram tickets, gumagana ang system kahit alinman diyan ang inyong hinaharap. Parating pinapakita ng Tidio kung saan nanggagaling ang ticket. Maliban pa riyan, puwede ninyong gamitin ang segmenting dahil sa kaliwang inbox menu column at piliin ang messages mula sa specific sources lang.
Masayang karanasan ang pakikipag-usap sa Tidio tickets at hindi naman kami binigo. Napakaganda ng paggawa ng buong disenyo at pinapakita nito ang sarili nitong halos walang kaproble-problema. Kung nagre-reply man kayo sa Instagram o Messenger, sigurado kaming magkakaroon kayo ng masayang karanasan. Napaka-responsive ng Tidio sa lahat ng klase ng communication mula sa social media, at parati nitong pinapaalam sa inyo kapag may bagong darating sa inyong inbox.
Tidio pricing
May offer na apat na pricing plans ang Tidio kasama ang libreng option. Karamihan ay naka-focus sa Tidio chatbot functionality. Dahil ang social media functionality ay kasama kahit sa libreng option, ang paggawa ng desisyon ay baka nakapalibot na lang sa ibang Tidio functionality at sa dami ng conversations na kailangan ninyong i-handle kada buwan. Tingnan natin ang bawat plano at nang makita kung sulit ang bayad ninyo sa bawat isa.
Libre
Ang Free plan ay talagang libre at may offer na live chat conversations na may 50 users, chatbot conversations na may 100 users, email support, ticketing system, desktop at mobile apps, 3rd party apps integration, visitors info, at JavaScript API.
Communicator
Ang Communicator plan ay nagkakalahagang $15.83 kada buwan bawat operator sa isang taon o $19 kada buwan bawat operator sa isang buwan. Nagbibigay ito ng unlimited live chat conversations, hanggang 5 operators, email, at 24/5 na live chat support, lahat ng features na kasama sa libreng plan, team departments, analytics, native Shopify integration, live typing, viewed pages, live visitors list, permissions, at notes.
Chatbots
Ang Chatbot plan ay pareho ng halaga sa Communicator plan pero mas naka-focus ito sa chatbot communication. Makakukuha kayo ng chatbot na may 1,000 triggers, email at 24/5 live chat support, lahat ng features ng libreng plan, higit 35 na chatbot templates, visual chatbot editor, at Zapier integration.
Tidio+
Tinaas ng Tidio+ plan ang presyo nang medyo malaki. Nagkakahalaga ito ng $329 kada buwan, buwanan man o taunan ang pipiliin mong pagbabayad. Nagbibigay ang plan na ito ng unlimited live chat conversations, custom na bilang ng operators, custom na bilang ng chatbot engagements, 24/5 na email support, 24/7 na chat support, emergency phone support, lahat ng features sa Communication at Chatbots plans, Tidio AI response bots, multi-site support, custom integrations, email marketing, at marami pa.
Kongklusyon
Napakahirap makakita ng mali sa Tidio. Napakahusay ng social media functionality nito, gumagana nang napakaayos ang buong system nito, at puwede kayong magsimula sa libre at walang kahit anong credit card information na walang kapalit na hinihingi. Magaling ang Facebook Messenger at Instagram integration ng Tidio. Kaya lang, baka ma-miss ninyo ang Twitter dahil ito ang natatanging integration na wala rito. Kung hindi ninyo ito kailangan, hindi naman ito makapipigil sa inyong piliin ang Tidio.
Kung naghahanap kayo ng maaasahang social media customer service software, importanteng ikonsidera ang iba-ibang options beago magdesisyon. Iba-ibang functionalities, integrations, at pricing plans ang offer ng iba-ibang providers na mas babagay sa inyong budget at pangangailangan. Habang may offer ang Tidio na mahusay na functionality, mahalagang mag-research pa kayo para malaman kung maibibigay ng ibang providers ang partikular ninyong pangangailangan. Tandaan, personal naming opinyon itong review, kaya pakinabangan ang kanilang libreng plan para makilatis ang performance at user interface bago kayo bumili.