Ang softphones ay software solutions na ginagamit para makagawa ng tawag gamit ang internet. Sa softphone software, puwede kayong gumawa at makatanggap ng mga tawag, makapagpadala ng text
Alamin ang detalyeAng reviews sa section na ito ay batay sa evaluation ng features, performance, usability at compatibility ng software sa iba’t ibang operating systems at gadgets. Mahalaga ring tingnan ang integration nito sa iba pang communication tools.
Bilang karagdagan, ang pagtingin sa presyo at value ratio, pati na rin sa options sa customer service sakaling may mga problema, ay mahalaga sa pagkonsidera ng iba’t ibang options.
Ang mga ganitong review ay dapat nagbibigay ng komprehensibong overview ng software at ng providers nito para matulungan kayong tukuyin kung ano ang lubos na makapagbibigay ng inyong mga kailangan at requirement.
Ang softphones ay gumagamit ng internet para makatawag at makatanggap ng mga tawag. Samakatwid, puwede itong maging mas abot-kayang option kumpara sa mga tradisyonal na phone system, lalo na para sa long-distance o international calls. Ang softphone software ay puwedeng i-install sa smartphones, laptops, o tablets, at may parehong performance sa inyong work phone.
Bilang karagdagan, maraming softphone softwares ang may offer na maraming features na makatutulong na mapabuti ang collaboration at communication sa mga team member, tulad ng abilidad na makapag-manage ng contacts, makapagpadala ng text messages, at makagawa ng conference calls. Pinadadali nito para sa teams na manatiling konektado at productive saanman sila naroroon.
Para gamitin ang softphone software, kakailanganin muna ninyong i-download at i-install ang program sa inyong computer o mobile gadget at siguraduhing meron kayong gumaganang speaker, microphone, o headset.
Kapag na-install na ang program, karaniwang kakailanganin ninyong gumawa ng isang account sa service provider at i-configure ang program sa inyong account information. Puwedeng kasama rito ang pagpasok ng inyong username at password, pati na rin ang pag-configure ng program batay sa inyong gustong settings para sa audio at video quality.
Karamihan ng systems ay tumatakbo sa Voice Over Internet Protocol (VoIP). Gumagamit sila ng Session Initiation Protocol (SIP) na nagpapahintulot sa inyong gumawa ng voice calls sa internet, at Extensible Messaging and Presence Protocol (XMPP) na nagpapahintulot sa inyong magpadala at makatanggap ng messages. Makahahanap rin kayo ng softphone provider na pinagsasama ang parehong protocols na ito. Siguraduhing mahahanap ninyo ang angkop na option para sa inyong business.
Kapag na-set up ang inyong account at na-configure na ang program, puwede na kayong magsimulang makagawa at makatanggap ng mga tawag sa pamamagitan ng pag-click sa naaangkop na buttons o menus sa loob ng softphone program.
Ang LiveAgent ay may offer na SIP-based VoIP phone support bilang bahagi ng virtual call center solution nito, at hinahayaan nito ang integration sa 35 na international VoIP partners at softphone software applications.
Gumagana ang softphone sa pamamagitan ng paggamit ng internet para magkaroon ng koneksiyon sa pagitan ng caller at ng taong nais nilang tawagan. Kapag tumawag kayo gamit ang softphone, and software ay gumagamit ng internet para makapagpadala at makatanggap ng voice at video data sa pagitan ng dalawang parties. Pinahihintulutan nito ang users na makapag-communicate nang real-time tulad sa isang tradisyonal na phone call.
Dahil ang softphones ay umaasa sa internet para makatawag at makatanggap ng unlimited calls, may offer silang sulit sa presyong alternatibo sa tradisyonal na phone system at madaling ma-access kahit saan hangga’t meron kayong internet connection. Bilang karagdagan, maraming softphone programs ang may offer na maraming dagdag na features tulad ng abilidad na mag-manage ng contacts, makagawa ng conference calls, at makapagpadala ng text messages.
Karaninwang kasama sa pangunahing features ng softphone software ang abilidad ng makatanggap ng incoming calls (voice at video), makagawa ng outgoing calls, pati na rin ang pagma-manage ng contacts at call history. Kasama sa ibang karaniwang features ang abilidad na makapagpadala ng text messages, makagawa ng conference calls, at maka-access na karagdagang tools at settings para sa pagma-manage ng quality ng audio at video.
Ang ilang softphones ay puwede ring mag-offer ng karagdagang advanced features tulad ng voice mail, call forwarding, at ang abilidad na maisama sa ibang communication tools tulad ng instant messaging at online meeting platforms. Puwedeng mag-iba ang mga partikular na feature at ang kanilang presyo depende sa service provider dahil ang ilang features ay nangangailangan ng karagdagang bayad.
Kapag pumipili ng softphone program at service provider, may ilang pangunahing features na dapat ninyong ikonsidera:
Call quality: Ang audio at video quality ay puwedeng mag-iba depende sa internet connection at capabilities ng device na ginagamit para makatawag. Napakahalagang pumili ng softphone program na may offer na mataas na quality ng call performance at nagpapahintulot sa users na mag-adjust ang audio at video settings para sa pinakamainam na performance.
Contact management tools: Maraming softphone programs ang may offer na tools para sa pagma-maage ng contacts, para makapagdagdag, makapag-edit, at magtanggal ng entries, pati na rin sa pag-search at pag-sort ng contacts batay sa iba’t ibang criteria. Ang mga feature na ito ay makatutulong sa users na mabilis at madaling ma-access ang information na kanilang kailangan at gawing mas madali ang manatiling organisado.
Call history: Hinahayaan ng feature na ito ang users na makita ang record ng kanilang mga naunang tawag, kasama ang petsa at oras ng tawag, ang haba o tagal, at ang contact information ng taong kanilang tinawagan. Puwede itong maging kapaki-pakinabang para masundan ang inyong call activity.
Text messaging: Ang ilang softphone programs ay may offer na option na magpadala at makatanggap ng text messages sa pamamagitan ng paggamit ng hiwalay ng text messaging protocol o bilang bahagi ng mismong softphone program. Puwede itong maging isang mainam na paraan para makipag-communicate sa iba at masubaybayan lahat ng messages sa iisang lugar.
Conference calling: Maraming softphone programs ang may offer na abilidad na makagawa ng conference calls, na nagpapahintulot na makapag-participate ang maraming tao sa iisang call nang magkakasama. Puwede itong maging kapaki-pakinabang na tool para sa business meetings at ibang collaborative discussions sa loob ng isang work team.
Sa pangkalahatan, mahalagang pumili ng isang softphone program na may offer na maraming features at capabilities na tutugon sa partikular na pangangailangan ng inyong kompanya.
Tingnan natin ang ilang mga benepisyong kaakibat ng paggamit ng softphone software:
Tipid sa gastos: Gaya ng nabanggit, gumagamit ang softphones ng internet connection para makagawa at makatanggap ng mga tawag o magpadala ng messages. Samakatwid, nakatutulong itong makatipid kayo, lalo na sa international calls kumpara sa tradisyonal na phone systems.
Flexibility at accessibility: Ang softphones ay madaling maa-access saanman sa mundo mula sa anumang device na may internet connection gaya ng laptop, mobile phone, desktop, o tablet, na nagiging maginhawang option para sa remote employees o sa mga kailangang manatiling konektado habang aktibo.
Enhanced features at capabilities: Maraming advanced features at capabilities ang makatutulong na mapahusay ang business communication sa mga team members. Kasama sa ilang features ang chat messaging na nagpapahintulot sa real-time communication, conference calls, screen sharing, file sharing, call recording, at remote call forwarding na nagpapahintulot sa inyong mag-forward ng calls sa iba’t ibang numbers kung ang una ay hindi nasagot.
Integration sa ibang tools: Ang softphone systems ay puwedeng isama sa ibang communication at collaboration tools tulad ng instant messaging at online meeting platforms na makatutulong na ma-streamline ang workflows at mapahusay ang productivity. Maraming softphones din ang puwedeng isama sa inyong CRM platforms na nagsisigurong ang bawat tawag ay diretsong mairuruta sa angkop na contact sa inyong system.
Scalability: Ang softphones ay karaniwang ino-offer bilang isang subscription-based na service, na ang ibig sabihin ay madaling mai-scale up o down ito para matugunan ang mga nagbabagong pangangailangan ng isang business batay sa paglago nito.
Sa pangkalahatan, ang paggamit ng softphone software ay makatutulong sa organisasyon na makatipid, mapahusay ang collaboration at communication sa loob ng work team, at mapahusay ang flexibility at accessibility na kanilang communication systems.
Kabilang sa ilang mga potensiyal na disadvantages ng paggamit ng softphone software ang sumusunod:
Nakaasa sa koneksiyon sa internet: Dahil umaasa ang softphones sa internet connection para gumana, puwedeng hindi sila maging maaasahang option sa mga lugar na mahina o may hindi maaasahang internet service.
Limitadong compatibility: Puwedeng hindi compatible ang softphones sa lahat ng devices o operating systems, na puwedeng limitahan ang bilang ng mga taong puwedeng gumamit ng software. Siguraduhing updated ang inyong mga empleyado sa kanilang mga gadget.
Potensiyal na security risks: Tulad ng anumang internet-based na communication tool, merong risk na ang personal na impormasyon ay maharang ng hindi awtorisadong third parties, lalo na kung kayo ay kumokonekta sa pamamagitan ng pampublikong wireless connection.
Baka mas mababa ang quality ng audio at video: Ang quality ng audio at video calls ay puwedeng hindi kasingganda ng calls na ginawa gamit ang tradisyunal na phone systems. Ito ay lubos na nakadepende sa quality ng internet connection at capabilities ng gadget na ginamit.
Potensiyal para sa technical na mga isyu: Tulad ng anumang software, ang softphones ay puwedeng makaranas paminsan-minsan ng ilang technical na mga isyu o glitch na puwedeng magkaroon ng negatibong epekto sa abilidad na makatawag o makatanggap ng mga tawag.
Bagama’t ang softphones ay may offer na maraming mga benepisyo, mahalagang ikonsidera at isipin ang anumang potensiyal na disadvantages bago magdesisyon kung ang ganitong uri ng software ay angkop para sa inyong organisasyon.
May ilang iba’t ibang uri ng softphone software, kabilang ang sumusunod:
Desktop softphones: Ito ang mga desktop application software program na naka-install sa computer o laptop at nagpapahintulot sa users na makatawag at makatanggap ng mga tawag gamit ang headset o ang built-in na microphone at speakers ng computer.
Mobile softphones: Ito ay isang mobile app na naka-install sa mobile device tulad ng smartphone o tablet, at nagpapahintulot sa users na makatawag at makatanggap ng mga tawag gamit ang built-in microphone at speakers ng device.
Web-based softphones: Ito ay maa-access sa pamamagitan ng web browser at hindi na nangangailangang mag-install ng anumang karagdagang software sa gadget ng user.
Hybrid softphones: Ang ganitong uri ng softphone ay puwedeng gamitin sa desktop at mobile gadget at nagpapahintulot sa users na lumipat sa alinman nang maganda ang daloy.
Ang bawat uri ng softphone ay may kanya-kanyang bukod-tanging features at capabilities, at ang pinakamagandang piliin para sa bawat organisasyon ay nekedepende sa kanilang partikular na pangangailangan at preferences.
Join our community of happy clients and provide excellent customer support with LiveAgent.
Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.
Answer more tickets with our all-in-one help desk software. Try LiveAgent for 30 days with no credit card required.
Hello, I’m Andrej. We’re thrilled to invite you to an exclusive software demo where we’ll showcase our product and how it can transform your customer care. Learn how to achieve your business goals with LiveAgent or feel free to explore the best help desk software by yourself with no fee or credit card requirement.
Andrej Saxon | LiveAgent support team