Key takeaways
Pros
- Ito ay libre
- Open source
Cons
- Hindi gumagana ang pangunahing features
- Nakakalitong interface
- Komplikadong setup
- Karamihan ay hindi gumagana sa lahat ng bagay
Ang Ekiga ay isang open source na softphone na nangangailangan ng update. Ang installation, implementation, at user experience ay puwede pang paghusayin. Hindi namin nagawang patakbuhin nang tama ang pangunahing features gamit ang external VoIP service provider. Bagama’t ang softphone app na ito ay hindi na bago sa market at maraming users ang na-enjoy ito para sa local network calls, ito ay hindi na ginagamit para sa anumang uri ng pagtawag. May ilang hindi maiiwasang factors na humahantong sa kongklusyong ang mga business at indibidwal ay dapat nang maghanap ng ibang dedicated softphone.
Installation at implementation ng Ekiga
Ang proseso ng installation ay simple lang kaya puwede ninyong i-click lang ito o maglaan ng ilang sandali at tingnan ang ilang dagdag na configuration options. Sa alinmang paraan, matatapos kayo sa installation sa ilang minuto lang.
Ang ikinasorpresa namin nang kaaya-aya noong una ay ang startup guide ng Ekiga na nagbubukas kasabay ng unang pagbukas ng app. Ang bawat libreng softphone software ay may offer na mainam na assistant sa inyong unang pagsi-setup. Gayunman, ang pagkasorpresa naming ito ay naging masaklap matapos kaming mag-umpisa sa setup.
Kasama ng assistant ang ilang paliwanag at pagtapos ay isang nalalaktawang registration para sa Ekiga SIP service. Nakasaad sa isa sa unang hakbang na puwede naming i-input ang aming SIP account information mula sa anumang SIP service sa susunod na section. Pagkatapos, nakasaad sa susunod na section na puwede lang naming i-input ang isang Ekiga SIP account nang walang option na magbigay ng detalye mula sa ibang SIP providers. Sinubukan naming i-register ang aming Ekiga account pero hindi ma-access ang website.
Nilaktawan namin ang hakbang na ito. Sa kabutihang palad, puwede ninyong idagdag ang inyong SIP account sa ibang pagkakataon nang diretso sa app at hindi na nangangailangan ng guide. May isa pang registration prompt na lumitaw pagtapos, ngayon naman ay para sa call out service ng Ekiga. Hindi namin tiyak kung ang mga website link na ito ay may bug o hindi na gumagana ang serbisyo dahil wala kaming mahanap na information sa online.
Ang susunod na hakbang sa installation ay magbigay sa inyong ng pahintulot na mag-set up ng uri ng inyong koneksiyon, audio device, at video input. Iyon lang. Marami pa kaming inaasahan sa setup guide na ito dahil mas nalito kami rito. Para tuluyang maidagdag ang inyong SIP account, i-click ang Edit > Accounts at pagtapos ay i-click ang Account sa bagong window. Puwede ninyong idagdag ang inyong SIP o H.323 account dito.
Kung sa tingin ninyo ay dito nagtatapos ang mga problema, mabibigo kayo. Ang bagong window kung saan nagdagdag ng account ay may nakakalitong fields na may pangalan, at kinailangan naming magkonsulta sa Help section ng app para matapos ang simpleng prosesong ito. Nirehistro ng app ang aming account pero hindi namin magawang tumawag. Dinala kami ng help option sa isa sa pinaka-basic na help guides na aming nakita. Hindi kami binigyan nito ng anumang pananaw sa kung ano ang ginawa naming mali habang nagsi-setup.
Hindi namin napatakbo ang tawag o messaging functions sa aming VoIP provider number (ginamit namin ang Zadarma sa LiveAgent). Hindi ito ang unang softphone setup namin at bihira kaming magkaroon ng anumang problema sa implementation nito kaya malakas ang loob naming sasabihing ang app na ito ay nangangailangan ng update para gumana ulit.
Ekiga features at user experience
Hindi masyadong maganda ang interface ng Ekiga application, at kabilang dito ang disenyo at hitsura ng app. Hindi naman magiging malaking isyu ang outdated na visual design kung ito ay gumagana at madaling i-navigate, pero hindi iyon ang kaso. Ang interface ay nakakalitong i-navigate, na dahilan para maraming masabi tungkol sa app na may kakaunting features, at samakatwid dapat ay simple itong gamitin. Ang app ay nagbubukas ng bagong window sa tuwing iki-click ang isang button, at karamihan ng windows ay hindi man lang napalawak nang tama (Windows 10 ang ginamit sa pag-test).
Minsan, may partikular na windows ang Ekiga app na nananatiling bukas kahit mag-click kayo ng ibang app. Kapag gusto ninyong bumalik sa Ekiga, kailangan ninyong piliin ang isa sa partikular na bukas na windows para makapunta sa gusto ninyong puntahan. Sa pangkalahatan, ang app ay medyo sablay at madalas nakakadismayang gamitin.
Karamihan ng settings ay nakakalitong gamiting at intindihin, nagkakaroon kami ng regular na problema sa pagsi-setup. Hindi makakonekta ang aming mga tawag dahil sa maling settings sa umpisa, at walang paliwanag kung bakit. Ang pagre-register sa bagong SIP accounts ay hindi rin magpapagana sa mga ito kahit pa sinabi ng app na konektado na ang mga ito. Hindi namin naranasan ang ganitong uri ng isyu sa ibang softphone software.
Ngayon, ang interface mismo ay simple lang at ang basic functionality ay gumagana tulad ng inaasahan. Sa pangunahing screen, may apat na buttons na dadalhin kayo sa dial pad, call history, at contacts list. Ang ikaapat na button ay may deskripsiyong “Display images from your camera device.”
Self-explanatory ang dial pad. May offer itong simpleng disenyong gumagana at puwede ninyong gamitin ang inyong numpad at ang mouse para mag-input ng number. May option din kayong palitan ang inyong status at magdagdag ng custom message dito.
Tulad ng inyong inaasahan, kasama sa call history ang detalyadong impormasyon tulad ng oras, status, at haba ng tawag. Ang pag-right click sa anumang nakaraang tawag ay magpapahintulot sa inyong tumawag, magpadala ng message, o magdagdag ng tawag sa isang lokal na roster. Puwede rin ninyong linawin ang listahan dito.
Ipinapakita ng listahan ang contacts bagama’t walang option dito na makapagdagdag ng bagong contact. Kung gusto ninyong magdagdag ng bagong contact, kailangan ninyong pumunta sa Chat > Add new contact. Ngayon, noong ginawa namin ito sa unang pagkakataon sa aming test, akala namin ay nag-freeze ang app. Inabot kami ng ilang minute para malamang hindi ito nag-freeze, pero sa halip ay nagbukas ng panibagong window sa background na naging dahilan para hindi na magamit ang pangunahing Ekiga window.
Kasama ang contact options ang pangalan, SIP number, at option na magdagdag ng bagong contact sa isang grupo. Puwede rin kayong magdagdag ng isang bagong grupo. Walang iba pang makukuhang options, walang paraan para makapagdagdag ng ibang contact information, at wala ring paraan para mag-iwan ng note o comment sa contact details. Ang contact list ay tiyak na kakailanganing mag-improve para makasabay sa iba pang softphone software.
Panghuli, merong “Display images from your camera device” na button. Ngayon, hindi namin tiyak kung ano ang ginagawa ng may kakaibang pangalan na button na ito, pero ang hula namin ay dapat nitong payagan ang video calls. Hindi na namin nalaman dahil sa tuwing iki-click namin ang button, nagbubukas ito ng isang bagong window na may preset na avatar sa halip na feed ng aming web camera.
Kinalikot namin ang ilang settings at nag-click sa “Detect devices.” Wala itong nagawa at wala kaming paraan para ipagpatuloy ang pag-test sa feature na ito. Ginawa namin ang aming makakaya para mapagana ang camera feed sa ibang configuration options, pero wala kaming nakita para mapagana ang feature na ito.
Puwede lang naming ipagpalagay na gagana ang mga tawag sa isang internal network, na hindi rin namin nagawang i-test. Meron din kayong option na magpadala ng messages na may kasamang simpleng karagdagang functionalities tulad ng abilidad na mag-bold, mag-italicize, at mag-underline ng mga text sa iba’t ibang fonts. Ito ay sinamahan ng option na magdagdag ng emojis.
Pagpepresyo
Ang Ekiga ay isang open source at libre para sa lahat kaya puwede na ninyo itong i-download nang hindi na kinakailangang kunin ang inyong credit card. Kung gusto ninyong laruin ang open source code at subukang paganahin ang app, mahahanap ninyo ang pinakabagong version sa website ng app.
Paano gumagana ang Ekiga sa LiveAgent?
Hindi gumagana ang Ekiga sa LiveAgent kahit dapat gumagana. Sinubukan namin ang iba’t ibang paraan, naghanap ng maaayos, at sinubukang isama ang softphone app sa LiveAgent nang paulit-ulit, pero walang nangyari. Ang problema ay wala sa panig ng LiveAgent dahil nagawa na naming ikonekta ang marami pang ibang softphone apps dito nang walang anumang problema. Ang Ekiga app ay hindi talaga kumokonekta sa call center system at wala kaming paraan para masubukan ito. Ang tanging posibleng sagot ay hindi gumagana ang Ekiga sa LiveAgent, at dapat kayong maghanap ng iba pang softphone system.
Kongklusyon
Sa pangkalahatan, ang Ekiga ay nakakalito at nakakadismayang gamitin. Ang pangunahing features ay nabigong mag-activate, kung minsan ang interface ay walang kabuluhan, at ang secondary features ay kakailanganin ang malaking pagbabago para gumana nang maayos. Sa dami ng magagandang libreng softphone options na makukuha, walang tamang dahilan para irekomenda ang Ekiga. Dahil open source ito, ang hula namin ay mapagagana ito ng developers na may karanasang mag-code. Kung gusto ninyong makatawag agad pagtapos ng setup, humanap na lang kayo ng ibang libreng solution.
Frequently Asked Questions
Hindi gumagana an Ekiga
Ang Ekiga ay opisyal nang hindi sinusuportahan at hindi na nakatatanggap ng regular na updates. May ilang solutions na makukuha online, pero nirerekomenda namin kayong lumipat sa ibang softphone na nakatatanggap pa ng regular na updates.