Key takeaways
Pros
- Modernong disenyo
- Madaling i-setup at ma-implement
- Softphone na maramng magagawa
- Advanced ang configuration options
Cons
- Medyo nakakalitong interface
- Posibleng isyu sa freezing sa ilang computers
- Malamang na hindi gumana sa ilang computers
Ang Linphone ay isang mahusay na softphone na may offer na disenteng functionality na angkop sa anumang use case. Ang user interface ay may ilang kakaibang disenyong mapagpipilian pero medyo madali itong makasanayan. Maliban doon, lahat ay gumagana nang naaayon. Bagama’t hindi ito nagdadala ng anumang karagdagang functionality, may offer ang Linphone na standard features na gumagana nang mahusay, lalo na sa isang libreng solution. Ito ay isang mahusay na pagpipilian para sa sinumang naghahanap ng makukuhang libreng softphone solution.
Installation at implementation ng Linphone
Bilang isang open source na softphone, ang Linphone ay puwedeng ma-download mula sa opisyal na website at ma-install sa inyong computer sa loob lang ng ilang sandali. Standard ang installation process. Sa sandaling nagsimula ang app, binati kami ng Linphone ng isang user agreement at isang Getting Started Guide na may maraming options. Puwede kayong gumawa o mag-log in sa inyong Linphone account, ikonekta ang isang SIP account o gumawa ng isang remote configuration fetch.
Ibinunyag din ng startup guide ang unang problemang aming nakatagpo sa Linphone. Nag-freeze ang app at kinailangan naming i-restart ang aming computer para muli itong gumana. Nagpatuloy ang problema pero kalaunan ay nawala rin. Ang Linphone ay may di pangkaraniwang tagal ng paglo-load habang nagsi-setup, kung saan ang app ay tumatagal ng ilang segundo, at minsan ay ilang minuto, para lang mag-perform ng pinakasimpleng commands tulad ng pag-click ng Connect SIP button sa startup guide. Sa kalaunan, naipit kami noong sinubukan naming ikonekta ang aming SIP account. Wala ring nasolusyonan ang pag-reinstall ng app sa aming laptop.
Gayunman, nagawa naming patakbuhin sa aming ibang computer ang Linphone nang walang anumang problema. Hindi kami sigurado kung ano ang dahilan ng mga problema sa Linphone sa aming laptop, pero tila ang problema ay hindi sa amin lang. Ang isang mabilis na internet search ay nagsiwalat na ang pag-freeze ay karaniwang problema sa Linphone. Gayunman, gumana nang maayos ang app sa iba naming computer, at ang oras ng paglo-load ay naging napakaikli at walang anumang pag-freeze na nangyari.
Ang pagkonekta ng isang SIP account ay medyo madali gamit ang setup guide. Ilagay lang ang inyong mga detalye at ikonekta ang Linphone sa inyong provider. Hindi kami nakaranas ng anumang malalaking mga problema habang nagsi-setup, at natapos sa loob ng ilang minuto.
User experience at features
Mukhang moderno ang disenyo na app, na aming ikinagulat dahil ang Linphone ay isang libreng open source na softphone. Karamihan ng libreng softphones ay may posibilidad na magkaroon ng boring at makalumang interface na hindi nangyari rito. Ang mahahalagang buttons ay na-highlight sa pamamagitan ng matingkad na kulay orange at nakakukuha ng inyong pansin at tumutulong sa inyong mag-navigate. Ito ay partikular na nakatutulong dahil ang navigation ay hindi mukhang karaniwan sa umpisa.
Ang user interface ng Linphone ay mukahng nakakalito para sa isang simpleng app. Kailangan ng oras bago masanay dito, pero kapag nangyari na, hindi na kayo dapat makatagpo ang anumang hirap. Ang ilang menus at options ay hindi makatwiran sa umpisa. Halimbawa, ang app ay walang dial pad na hindi karaniwan para sa isang softphone. Sa halip, ang home screen ng app ay tila isang setup guide na may option na mag-imbita ng mga kaibigan at ng account assistant.
Meron ding home screen button sa kaliwang kanto sa itaas. Ngayon, ang pagkakaroon ng home screen button ay isang standard sa isang app na maraming tabs, pero ang Linphone ay may iisang screen lang na walang anumang tabs maliban sa ibang menu buttons. Kasama pa sa ibang magagamit na buttons ang search bar sa itaas ng button, isang simpleng listahan ng contacts sa kaliwang bahagi, isang chat room button na sinamahan ng isang conference meeting button sa itaas sa kanang bahagi, at ang huli, isang menu kung saan maa-access ng users ang preferences, updates, ang tungkol sa section, at ang quit button.
Para mag-dial ng number, kailangan ninyong i-click ang search bar na nasa itaas ng app. Pinahihintulutan din kayo ng search bar na maghanap ng contact at gumawa ng bagong contact. Kailangang umasa ng users sa kanilang physical keyboard para mag-type ng number dahil walang option para magkaroon ng digital dial pad. Bagama’t hindi ito mukhang malaking isyu, puwede nitong gawing komplikado ang mga bagay-bagay para sa ilang uri ng users na sanay gumamit ng kanilang mouse kaysa sa keyboard. Sa pangkalahatan, nasanay kaming gamitin ang search bar nang mabilis at ginawa nitong mas madali ang ilang partikular na mga gawain.
Ang susunod na item ay ang listahan ng contacts na madaling i-navigate at gamitin. Kapag nag-click kayo sa isang partikular na contact of phone number mula sa listahan, makikita ninyo ang call log at option na makita ang messages. May option din kayo na magsimulang tumawag o mag-video call, pati na rin ang magpadala ng message, maghanap ng message, o magdagdag ng contact sakaling hindi pa ito naka-save sa inyong contacts list. Kasama rin sa contacts list ang search at filtering, na isang napakagandang karagdagan. Ang pagdaragdag ng contact ay simple lang, maraming fields para sa pagdaragdag ng number, email, website, address, at SIP accounts. Gayunman, walang option dito para mag-iwan ng note.
Ang app settings ay nagbibigay ng medyo kahanga-hangang uri ng option kung saan puwedeng iangkop ang app sa kanilang kagustuhan. Maliban sa standard audio options tulad ng playback device at capture device selections, puwede ninyong laruin ang audio codecs. Pareho rin sa video at video codecs. Ang calls at chats ay merong sariling set ng options: auto answer, automatic call recording, notification options at marami pa. Hinahayaan din kayo ng app na lumipat sa ibang wika at pumili ng font para sa inyong text messages.
Ang pagtawag at gumagana nang walang anumang problema at ang aming karanasan ay kaaya-aya. Hindi kami nakatagpo ng anumang malalaking mga problema sa alinman sa mga tawag. Pareho rin sa messaging features na sumusuporta sa attachments para gawing MMS ang isang SMS. Sa pangkalahatan, kinokonsidera namin ang Linphone na isang napakahusay na pagpipiliang pangtawag na softphone na nag-perform nang mahusay sa aming mga test.
Paano gumagana ang Linphone sa LiveAgent?
Ang Linphone ay mahusay na gumagana sa LiveAgent. Madali lang ang proseso ng integration at ilang sandali lang ay nakumpleto na namin. Ang kailangan lang naming gawin ay gumawa ng isang bagong calling device sa LiveAgent gamit ang aming VoIP number. Pagtapos nito, kinopya lang namin ang mga detalye at nilagay ito sa SIP configuration sa Linphone. Okay na iyon. Kung gusto ninyong makita kung paano isinama ang Linphone sa LiveAgent, tingnan ang aming integration guide sa link na ito.
Kongklusyon
Ang Linphone ay bukod-tanging mahusay na solution, lalo na kung ikokonsidera ang mababang presyo nito. Gayunman, hindi ito perpekto. Hindi pa rin namin nalaman kung ano ang dahilan kung bakit perpektong gumana ang app sa isang computer at hindi gumana sa isa pang computer. Kahit na ang interface ay medyo nakakalito sa umpisa, hindi kailangang magtagal bago masanay dito. Ang aming karanasan ay naging maayos nang nalaman namin kung nasaan ang bawat item. Ang search bar na maraming gamit na nasa itaas ay mukhang hindi karaniwan sa umpisa, pero aaminin naming ito ay napaka-epektibo sa ilang partikular na sitwasyon. Gayunpaman, ang pinakamahalaga, hindi nito pinigilan ang workflow sa anumang paraan ng normal na paggamit. Kung handa kayong matutunan ang nuances at palampasin ang paminsan-minsang bug, ang Linphone ay isang well-rounded na softphone na magsisilbi sa inyo nang mahusay sa maraming pagkakataon.
Frequently Asked Questions
Hindi namin mai-launch ang Linphone sa aming computer
Ito ay isang karaniwang problema ng ilang users sa Linphone. Kasalukuyang hindi alam ang mga dahilan ng isyu sa ilang computers. Ang tanging posibleng solusyon ay subukang i-install ang Linphone sa ibang computer.