Key takeaways
Pros
- Moderno ang malinis na disenyo
- Maraming interesanteng features
- Napakadaling pag-setup at installation
- Flexible at customizable ang configuration
Cons
- May ilang features na sana ay mas visible
- May paminsan-minsang bug
- Limitadong feature set sa libreng plan
Ang Bria, na dating kilala bilang X-Lite, ay isang madaling gamiting softphone software na aangkop sa users na gusto ng mas marami-rami pang functionality. May offer itong malinis na user interface na may kapaki-pakinabang na features, at meron pang dagdag para sa users na handa pang gumastos. Ang Bria ay puwedeng napakaraming nagagawa, dahilan para maging mahusay ito para sa single users, teams o kahit mga buong kompanya.
Installation at implementation ng Bria
Ang proseso ay nagsisimula sa paggawa ng isang bagong account sa website ng Bria. Nagsimula kami sa paggawa muna ng isang trial version. Pinili namin ang Bria Solo trial para sa pakay ng review. Kailangan lang nito ng ilang minuto para makumpleto, at hindi kami pinilit ng website na pumili sa alinmang payment method o magdagdag ng credit card information. Sa sandaling binigay na namin ang aming mga detalye, napuntahan na namin ang aming account na may simple message na nagsasabi ng susunod naming gagawin.
Sunod, kinailangan naming mag-set up ng isang voice account, ilagay ang aming login, at sa wakas ay mada-download na ang app. Diretsong isinama ng Bria ang 12 VoIP service providers sa paunang setup, kaya tumagal ng ilang sandali ang pagkonekta sa kanila. Ang proseso ng installation at implementation ay simple at mabilis. Ang guide ay napatunayang kapaki-pakinabang at dapat maging bahagi ng bawat softphone software. Sigurado kaming ikatutuwa ito ng bawat beginner na hindi pa nakapag-set up ng isang softphone dati. Ikinatutuwa rin namin na kailangang ikonekta ang inyong VoIP service habang nagsi-setup ng inyong account. Ang software ay naka-set up na at handa na sa action sa sandaling mai-install na ninyo ang Bria app at makapag-login dito.
User experience at features
Kapag una ninyong binuksan ang Bria app, lahat ay naka-set up na. Hindi na ninyo kailangang mag-alala tungkol sa pagdaragdag ng accounts o ang pagkakalikot ng configuration, at puwede na kayong magsimula sa inyong unang calls. Ang hitsura ng app ay makinis at moderno, at may pangkalahatang magandang aesthetic. Pareho rin sa disenyo ng user interface, ito ay simple at hindi masyadong komplikado. Ang lahat ay nasa kung saan ninyo sila inaasahan at gumagana nang nararapat. Makikita ninyo sa unang tab ang isang malaking dial pad na may option na mag-type ng number at magsimula ng isang call, o puwede kayong pumili ng number mula sa inyong listahan ng contacts.
Kasama sa ilang options ang voice messages, volume controls, at option na pumili sa pagitan ng speakerphones o headset bilang inyong pangunahing device sa pakikinig. Kasama rin sa bahagi ng app na ito ang voice settings kung saan ninyo puwedeng i-test ang inyong equipment, i-set up ang shortcuts, at i-set ang call blocking at marami pa. May ilang bagay na hindi ninyo makokontrol na nagbibigay sa bawat user ng mahusay na flexibility at ang abilidad na ma-customize ang kanilang pang-araw-araw na workflow.
Kasama sa pangunahing screen ng app ang ilan pang buttons sa ibaba para sa contacts, favorites, at call history. Ang listahan ng contacts ay simple pero epektibo. May offer itong option na magdagdag ng contacts sa tatlong mga grupo: Work, Family, at Friends. Ang mga grupong ito ay puwedeng i-customize o palitan ng pangalan at puwede kayong gumawa ng bagong mga grupo sa pamamagitan ng pag-click sa contacts button sa itaas ng interface. Meron ding option para sa pag-import at pag-export ng contacts sa parehong section.
Ito ay medyo nakalilitong uri para isama sa mga option na ito na labas ng pangunahing focus area. Sa una, akala namin ay walang option para gumawa ng mga grupo o mag-import/mag-export ng contacts, at kailan lang namin nadiskubre ang mga option na ito. Ang kagandahan nito, ang napiling disenyong ito ay nakakatipid nang malaki sa screen space kaya puwede ninyong makita lahat ng inyong contacts nang walang istorbong buttons na hindi naman madalas gamitin.
Ang paggawa ng bagong contact ay may offer na ilang options: display name, first name, last name, at field para sa isi-save na mga number at address: isang softphone number, work number, home number, email address, website, at ang “Other” option kung saan puwedeng mag-input ng custom data ang users. Walang option na magpapahintulot sa users na magsulat ng comment o ng simpleng note sa contact details, na isang kawalan sa contact list ng Bria.
Ang favorites tab ay madaling intindihin; puwede ninyong idagdag ang inyong paborito o madalas na gamiting contacts sa inyong listahan para sa madaling access. Ang option na ito ay puwedeng kapaki-pakinabang para sa ilang partikular na users kaya walang masyadong mapupuna rito. Wala nang iba pang karagdagang options, na isang magandang bagay dahil hindi na kailangang gawing komplikado ang isang simpleng feature tulad ng favorites.
Ang call history tab ay may offer na preview sa mga pinakabagong tawag kung saan makikita agad ang oras ng pagtawag.
May magandang option para isaayos ang calls: incoming calls, missed calls, calls na sinagot sa ibang lugar, recordings, o puwede rin ninyong piliin ang option na ayusin ang mga tawag ayon sa date. Puwede ninyong piliin ang mga tawag mula sa nakaraang araw, nakaraang buwan, nakaraang linggo, nakaraang pitong araw, at marami pa. Ang call history features ay simpleng gamitin at ang call sorting option ay isang mahusay a karagdagan.
Kasama sa huling feature ang option para sa video calls, na nakakapagtakang nakatago sa ilalim ng View tab sa itaas ng interface. Makahahanap din kayo ng user guide, troubleshooting options at update checker sa Help tab tabi mismo ng Contacts. Kahit na hindi namin kinailangan ang tulong habang nagsi-set up o sa paggamit ng Bria, ang user guide ay mukhang komprehensibo, organisado at may offer na maiikling articles na may nakatutulong na mga paliwanag at screenshots. Ang pangunahing feature–calling–ay gumagana nang maayos at hindi kami nakakita ng anumang mga problema sa aming mga test.
Bagama’t sa pangkalahatan, ang Bria ay tumatakbo nang mahusay at walang anumang malaking pagkaantala, may napansin kaming ilang isyu. May isang pagkakataon kung saan ang Bria app ay hindi gumana nang sinubukan naming buksan ito, kaya nauwi kami sa pagre-reinstall ng app para mapagana ito nang maayos. Hindi namin nalaman ang dahilan ng isyung ito (Windows 10 ang ginamit sa pag-test nito).
May napansin rin kaming maliit na isyu kung saan hindi nag-update ang aming VoIP service provider noong pinalitan namin ito o nagdagdag kami ng bago sa settings sa aming account. Bagama’t malulutas ng simpleng pagre-reinstall ng app ang isyung ito, puwede itong maging medyo nakakainis kung ang user ay kailangang lumipat ng account o magdagdag ng mga bago.
Ang parehong isyung ito ay puwedeng napaka-situational at nakadepende sa kasalukuyang version ng app. Wala sa mga ito ang nagpahinto sa aming workflow nang higit sa ilang minuto; ito ay mga maliliit na sabit lang at wala sa mga ito ang humadlang sa aming karanasan sa isang makabuluhang paraan.
Pagpepresyo
May offer ang Bria na tatlong plans para sa iba’t ibang use case scenarios, at meron ding libreng plan option na may limitadong features. Gumamit kami ng libreng trial version ng Bria Solo para sa layunin ng pagsusulat ng review na ito. Ang natitirang bayad na options ay ang Bria Teams at Bria Enterprise. Kasama sa bawat plan, maliban sa Bria Enterprise, ang libreng 21-day trial nang walang kinakailangang impormasyon ng credit card. Tingnan natin kung ano ang ino-offer ng bawat plan at magkano ang presyo nito. Makikita ninyo ang buong pagkukumpara ng Bria plans sa kanilang website.
Bria Solo – $2.95 kada buwan
Ang Bria Solo ay isang plan para sa single users na may kasamang 3 app downloads para sa desktop at mobile, 5 calling accounts, HD voice at video, call transfers, auto answers, call recordings, call history na may sync, at isang configuration portal.
Bria Teams – $4.95 kada buwan bawat isang user
Kasama sa Bria Teams lahat ng nabanggit sa Bria Solo, at may karagdagang unlimited HD voice at video calls, unlimited na team messaging at chat rooms, integration ng 5 dagdag na call servers o VoIP services, isang administrator portal, at marami pa.
Bria Enterprise – Custom quote
Ang Bria Enterprise ay may kasamang Basic, Standard, o Business bundle na nagdaragdag ng iba’t ibang features depende sa inyong kagustuhan. Kasama rito ang 4 na app downloads kada user, 5 SIP o XMPP accounts support, advanced configuration options sa Stretto Provisioning, LDAP/Active Directory integration, remote troubleshooting tool, screen sharing service at marami pang iba, depende sa kung anong bundle ang inyong pipiliin.
Paano gumagana ang Bria sa LiveAgent?
Gumagana ito nang mahusay. Ang paggawa ng integration sa LiveAgent ay isang napakadaling proseso na inabot lang ng ilang minuto para makumpleto. Sa sandaling kinonekta namin ang VoIP provider sa LiveAgent, ang natira lang na gagawin ay ang pagdaragdag sa Bria bilang softphone sa LiveAgent call center feature. Lahat ay gumana nang mahusay sa loob ng system at ang Bria ay nag-perform nang mahusay sa LiveAgent. Simple lang ang proseso ng integration. Puwede ninyong tingnan ang buong guide at alamin dito kung paano ang integration ng Bria sa LiveAgent.
Kongklusyon
Bagama’t puwedeng hindi Bria ang maging unang pipiliin ng lahat dahil sa availability ng libreng softphone software, ikinatutuwa naman ng mga propesyonal ang dagdag na feature set. Ang features ay lumalago sa bawat bayad na plan kaya kayo na lang ang magdesisyon kung makahahanap kayo ng gamit para sa mga ito. Ang libreng plan ng Bria ay puwedeng gumana tulad ng iba pang kilalang phone, at puwede ninyong ma-scale ito kung kailangan, na isang magandang karagdagan. Ang interface ay malinis at gumagana nang mahusay bagama’t mas visible ang ilang features at hindi nakatago sa ilalim ng iba’t ibang tab options. Sa pangkalahatan, ang Bria ay isang mahusay na solution para sa anumang uri ng call center o help desk, at ito ay gumagana nang mahusay sa LiveAgent call center software. Ang tanging pangunahing bagay na dapat ikonsidera ay kung handa kayong magbayad para sa mga advanced feature.
Frequently Asked Questions
Ang aming headset at/o microphone ay hindi gumagana sa Bria
Siguraduhing ang inyong headset at microphone devices ay naka-set at i-check ang settings ng Bria para malaman kung ang mga ito ang napili bilang pangunahing devices. Puwede rin kayong magkonsulta sa Troubleshooting window sa ilalim ng Help para subukang hanapin ang iba pang instructions nang diretso sa application.
Hindi kami makagawa o makatanggap ng mga tawag sa Bria
I-double-check kung tama ang pagkaka-register ng inyong SIP account sa Bria configuration. Kailangan ninyong mag-register ng kahit isang SIP account para makagawa o makatanggap ng mga tawag sa Bria softphone.