Key takeaways
Pros
- Makatwiran ang pricing nito sa mga mas murang plans
- Maraming dagdag na functionality sa isang package
- Maayos na ticketing system na walang malaking isyu
Cons
- May paminsan-minsang bugs
- Hindi pangunahing focus ng EngageBay ang ticketing
- Di magandang attachment functionality
Ang pagsisimula sa EngageBay ticketing
Hinahayaan kayong makapagsimula sa EngageBay nang libre sa madaling registration na available mismo sa kanilang website. Kailangan lang magbigay ng essential na impormasyon, pati ng inyong phone number at link sa inyong website. Pagkatapos ninyong makakuha ng access sa inyong bagong system, puwede ninyong piliin agad na makatanggap ng libreng onboarding session.
Para ma-access ang Service na bahagi ng EngageBay toolset, i-click ninyo ang button ng marketing sa kaliwang bahagi sa itaas at pumunta sa section ng Service. Sasabihan kayo ng EngageBay na gumawa ng dedicated na customer service domain para makatanggap ng tickets. Pagkatapos gawin iyon, puwede na kayo magsimulang maging pamilyar sa ticketing interface ng EngageBay.
Ang interface ng EngageBay ay nakatutulong sa mga bagong user. Nagbibigay ito ng mga paliwanag at maiikling guide para sa halos lahat ng susubukan ninyong gawin sa unang beses, kaya ginagawa nitong mas madalian kayong masanay sa workflow nito. Ang disenyo ng interface ay itsurang moderno, at hindi kayo magkakaproblema sa navigation kahit hindi ninyo papansinin ang guides.
Kapag na-activate na ang inyong Service functionality, puwede na ninyong tingnan sa unang beses ang ticketing interface. Ipapakita sa inyo ang mainam na dashboard na nagbibigay sa inyo ng mahahalagang impormasyon. Dadalhin kayo ng Getting started na guide sa pangunahing bahagi ng screen sa bandang kaliwa sa itaas, habang ang natitirang windows ay magbibigay sa inyo ng insight sa pamamagitan ng essential analytics at reports. Makikita ninyo ang number ng tickets, first response times, closed time, at iba pang mahahalagang impormasyon.
EngageBay ticketing system features
Kahit meron ang EngageBay na malawak na functionality, titingnan lang natin ang ServiceBay features nitong may kinalaman sa ticketing. ServiceBay ang tawag sa service at ticketing feature set, at meron itong standard na functionality. May access kayo sa macros, SLAs, ticketing reports, automations, canned responses, support groups, at custom ticket views. Ang mga feature na ito ay nakalista sa official website ng EngageBay, pero ang ticketing system mismo ay nagbibigay ng mas maraming klase ng features. Puwede ninyo itong makita kapag nagsimula na kayong dumiskubre sa kanilang web application.
Ticketing system performance at user experience
Ngayon naman ay titingan natin ang tests at kung paano nag-perform ang ticketing system ng EngageBay sa standard na scenario. Pinadalhan namin ang sarili namin ng dalawang emails para makita kung gaano ito kabilis lalabas sa ticketing system. Masaya kaming sabihing walang matagal na paghihintay para rito at lahat ay mukhang gumana nang maayos.
Pagkatapos ninyong magbukas ng ticket, ipapakita ng EngageBay ang mas marami pang features na hindi naman kailangang banggitin sa pricing page. Kasama rito ang magandang pagkakadisenyo ng text editor na meron lahat ng editing at formatting options. Puwede rin ninyong ma-access ang internal notes at makikita ang ticket information sa kaliwang panel. Kasama nito ang lahat ng kailangang fields sa pag-fill up ng importanteng data tungkol sa kahit anong open ticket. Ang Send button ng EngageBay ay nagsisilbing status changer. Puwede ninyong gamitin ang close, pending, open, solved, at iba pang option ng status.
Ang ticket view ay may maliit na isyu sa disenyo sa main toolbar sa itaas. Kasama itong bumababa sa pag-scroll down kaya natatakpan ang iba pang importanteng tools at feature buttons. Kahit hindi ito malaking isyu, mahalagang banggitin ito. Maliban pa riyan, ang ticketing system ay gumagana nang mahusay at walang kahit anong malaking isyu. Ang reply field ay may tamang laki, at may access kayo sa lahat ng tools na di mahirap i-navigate.
Ang paggamit ng ilang features ay medyo magulo. Halimbawa, hindi kayo makapag-copy-paste ng images diretso sa tickets; kailangang gamitin ang attachment feature. Sa anumang dahilan, hindi kayo automatic na makapag-browse ng attachments sa inyong computer, pero sa EngageBay app ay puwede. Kung lalabas na kayo sa tickets nang hindi pa pinapadala ang messages, hindi rin ito puwedeng ma-save bilang draft. Hindi rin ito malaking isyu pero medyo magpapahirap ito nang konti. Maliban pa riyan, ang ticketing system ng EngageBay ay gumagana nang maayos, at hindi dapat maapektuhan ang inyong workflow dahil sa ilang maliit na isyung ito.
EngageBay pricing
May apat na pricing plan ang EngageBay na may iba’t ibang feature set na available. Kasama sa features na ito ang ServiceBay functionality pati na rin ang ibang mahahalagang bahagi ng buong EngageBay toolset. Isipin iyan kapag pumipili na ng inyong plan. Malay ninyo kung anong mga dagdag na functionality ang kailangan ninyo para sa inyong solution. Tingnan natin ang ticketing features na available sa bawat plan.
Libre
Ang Free plan ay walang katumbas na halaga para sa inyo. May access kayo sa basic contact management, ticketing management, at features ng ticket views.
Basic
Ang Basic plan ay $12.74 bawat user kada buwan. May access kayo sa features ng naunang plan, at dagdag pa rito ang ticket macros, groups, group management, canned responses, personal note, customer 360-degree view, at desktop notifications.
Growth
Ang Growth plan ay $42.49 bawat user kada buwan. Makukuha ninyo ang nasa dalawang naunang plan at extra pa – push notifications, automation at workflows, at modes.
Pro
Ang Pro plan ay $84.99 bawat user kada buwan. Makukuha ninyo ang lahat ng meron sa mga naunang plan. Makukuha rin ninyo ang rule management bilang dagdag na service feature.
Kongklusyon
Maganda ang offer ng EngageBay na ticketing system na mahusay na umaayon at kumukumpleto sa buong solution. Sadyang hindi ticketing system ang focus nito pero sapat ito sa karamihan ng gawain. Habang ang ibang nangangailangan ng mas advanced na ticketing system ay mas pipiliin ang iba para makuha ang kanilang kailangan, karamihan sa mga user ay makukuntento na sa multifunctional solution ng EngageBay.
Frequently Asked Questions
Paano gagamitin ang canned responses ng EngageBay?
Kapag nasa service section kayo ng EngageBay, i-click ang Settings at pumunta sa section ng Canned responses. Gumawa kayo ng canned responses at i-save ito sa system. Kapag tapos na kayo, pumunta sa Tickets section at buksan ang ticket kung saan ninyo gustong gamitin ang canned response. Makikita ninyo ang canned responses sa reply field, sa ibaba ng text formatting tools. I-click ito at piliin ang response na gusto ninyong gamitin.
Paano i-set up ang email forwarding sa EngageBay ticketing system
Kung gusto ninyong mag-forward ng inyong email mula sa ibang email account papunta sa ticketing system ng EngageBay, buksan ang inyong Service dashboard sa EngageBay at pumunta sa Settings > All Settings. Hanapin ang Forwarding sa ilalim ng POP/IMAP at i-click ang Add forwarding address. Pagkatapos ay ilagay ang email address na gusto ninyong gamitin at i-click ang next. I-save ang lahat ng pagbabago at naka-set up na kayo.