Key takeaways
Pros
- Maganda at gumagana nang mahusay bilang ticketing system
- Maganda ang itsura ng interface na madaling i-navigate
- Maraming integrations
Cons
- Hindi lahat ng features ay meron ito
- Available lang sa mas mahal na plans ang Twitter integration
Ang pagsisimula sa Gorgias ticketing
Madali lang makapagsimula sa Gorgias ticketing software. Kailangan lang ay simpleng registration, pero imposibleng gawin ito para sa walang may sariling website. Kakaibang choice ito para sa isang modernong ticketing system; hindi lahat ng business ay nangangailangang magpatakbo ng website at marami sa kanila ay gamit lang ang social media o ibang channels na mas mahalaga sa kanilang target customer groups. Kahit na ganoon, tumatagal lang nang ilang minuto ang registration process gamit ang tamang impormasyon, at puwede na kayong magsimulang maging pamilyar sa interface ng Gorgias.
Ang introductory screen ay ang ticketing system interface kaya masasabi na ninyong hindi nag-aaksaya ng oras ang Gorgias at dinadala ang users diretso kung saan nila gusto. Ang interface mismo ay maayos at medyo maganda ang disenyo. Sa unang tingin, maganda ang itsura ng ticketing system at siguradong naka-focus ito sa kung ano ang mahalaga na walang masyadong kalat. Nasa kaliwa ang main menu at ang pangunahing pakay nito ay tumulong sa inyong mag-filter ng tickets na nakaayon sa maraming criteria. Ang kaliwang panel ay para makapagsimula kayo sa iba pang tools tulad ng chat at social media, pati na rin ang Shopify. Makikita ninyo ang settings sa pag-click ng icon na tatlong tuldok sa kaliwang kanto sa itaas, katabi ng Tickets title.
Walang startup guide sa simula, pero hindi naman ito kailangan dahil malinaw naman ang pagkaka-label ng lahat sa interface at hindi kayo magkakaproblema sa paghahanap ng kahit anong tools o settings. Meron ding sample ticket ang ticketing system na magbibigay sa inyo ng idea kung paano gumagana ang system at ano ang itsura ng tickets. Makikita ninyo ang inyong default email address para sa Gorgias ticketing sa settings sa ilalim ng Email section.
Gorgias ticketing system features
Ngayon, tingnan natin kung anong ticketing features ang makukuha ninyo sa Gorgias. Marami sa features na ito ay puwedeng di makuha dahil sa limitasyon ng plan, pero puwede ninyo silang masubukan muna sa libreng trial. May malawak na set ng features ang Gorgias kaya banggitin natin ang pinakamahahalaga tulad ng direct integrations ng mga sikat na eCommerce website building services. Makukuha ninyo ang Shopify sa pinakamurang plan pero kung kukuha kayo ng mas matataas na plan, magkaka-access kayo sa Magento at BigCommerce integrations.
Nagbibigay ang bawat plano sa inyo ng access sa ticketing gamit ang email, live chat, Voice, SMS, Facebook, at Instagram. Ang Twitter ay available lang sa dalawang pinakamahal na plans. Dagdag pa, may access din kayo sa 94 application integrations sa bawat plano, na makakatulong nang tunay. Ang Gorgias ay may offer ding iba’t ibang klaseng automations sa bawat plan, pati statistics at analytics features na available anumang oras.
Gorgias ticketing system performance at user experience
Sinubukan namin ang Gorgias ticketing system mula mismo sa pananaw ng agent para malaman kung ano ang magiging experience dito. Pinadalhan namin ang aming sarili ng dalawang test emails at dumating ito agad nang walang kahit anong problema o isyu; walang nawala. Merong notification ang Gorgias na magsasabi sa inyo kung makikipag-deal kayo sa bago o existing customer batay sa contact information sa inyong Gorgias account. Nakikilala ng system kung may tugma sa kahit anong contact information at ipinaaalam ito sa inyo kung na-handle na ninyo ang request mula sa tinukoy na customer.
Default na dumarating bilang unassigned ang lahat ng tickets. Kapag nagbukas kayo ng tickets, may access na kayo sa lahat ng tools para sa epektibong komunikasyon, kasama na ang formatting at text editing features. Mukhang okay naman ang interface sa mismong ticket; naka-focus ito sa komunikasyon at walang makalat. Puwede kayong maghanap ng customer data at magdagdag ng notes sa kanang panel. Ang pangunahing bahagi ay ang mismong ticket kasama ang ticket reply field. Medyo maliit ito pero puwedeng pahabain kapag nagsimula na kayong magsulat nang mahabang message. Puwede sanang mas malaki nang konti ang tool icons, pero hindi naman ito malaking issue sa pangkabuuang interface na mahusay na dinisenyo.
Sa pangkabuuan, ang ticket interface ng Gorgias ay mahusay at lahat ay gumagana kung paano sila dapat gumana. Puwede ninyong i-customize ang text gamit ang sapat na text editing options at magdagdag ng iba’t ibang klaseng attachments. Sinusuportahan ng tickets ang pictures at videos, at puwede rin kayong magdagdag ng links at emojis. Mahahanap ninyo ang mga canned response sa ilalim ng Macros section sa Gorgias settings, at puwede rin kayong mag-set up ng auto replies sa labas ng business hours para i-handle ang komunikasyon hanggang sa makabalik na kayo.
May offer ding ibang functionalities ang Gorgias tulad ng pag-split ng tickets, snoozing, SPAM marking, at ilan pa. Puwede kayong magdagdag ng tags o mag-assign ng tickets sa partikular na teams. Hindi pa kami nakakita ng ticket splitting features o kahit anong extra. Habang sapat na ang features na ito para tulungan kayong makipagkomunikasyon at epektibong i-handle ang inquiries gamit ang ticketing, maganda sanang may iba pang dagdag na features para sa mas detalyadong pagresolba ng mga problema.
Mula sa pangkalahatang pananaw, ang Gorgias ay may mahusay at mabisang ticketing system na malinaw, madaling i-navigate na interface, at organisadong komunikasyon. Kahit na hindi pinakamalawak ang feature set nito sa mga ticketing system, sapat ito para matulungan kayo sa kahit anong klaseng ticket, at hindi kayo pababayaan nito. Functional ito at gumagana nang walang kahit anong malaking isyu.
Pagpepresyo
Ang Gorgias ay merong iba’t ibang pricing plans na puwedeng pagpilian, na merong kombinasyon ng limitadong features at access sa features. Ang bawat plan ay nababagay para sa partikular na klase ng business. Karaniwang nakadepende ito sa dami ng tickets na gusto ninyong i-handle, user seats, at klase ng communication channels na gusto ninyong gamitin. Tingnan natin ang bawat plan at kung ano ang makukuha ninyo sa halaga ng inyong pera.
Starter
Ang Starter plan ay $10 kada buwan at nagbibigay ng tatlong user seats. Meron kayong 50 billable tickets kada buwan at ang bawat dagdag na ticket ay may halagang $0.40. Bibigyan kayo ng Gorgias ng access sa Facebook at Instagram ticketing, limitadong active integrations mula sa library ng 94 applications, reporting features, self-onboarding, access sa Gorgias Academy, at email customer support.
Basic
Ang Basic plan ay $60 kada buwan na may buwanang billing o $50 kada buwan kung taunan ang billing, na parehong may 500 available na user seats. Makakukuha kayo ng 300 billable tickets kada buwan, at puwede kayong magdagdag pa na 100 tickets sa halagang $40 kada buwan. May access kayo sa Facebook at Instagram, pati sa 150 active integrations mula sa library ng 94 apps, support reporting features, at basic customer services sa Academy, email at live chat, at office hours.
Pro
Ang Pro plan ay $360 kada buwan sa buwanang billing o $300 sa taunang billing, parehong may 500 user seats. Ang offer ay kapareho lang sa Basic plan pero meron din kayong 2,000 billable tickets kada buwan na may $36 kada buwan para sa dagdag na 100 tickets. Makakukuha kayo ng Support and Revenue reports at Pro customer services sa Lite onboarding, pati na rin ng nabanggit nang support features.
Advanced
Ang Advanced plan ay $900 kada buwan sa buwanang billing o $750 sa taunang billing, parehong may 5,000 billable tickets kada buwan na may option ding makakuha ng extra na 100 tickets sa halagang $36 kada buwan. Makukuha ninyo ang halos lahat mula sa naunang plan pero merong access sa mas advanced customer services na may dedicated success manager.
Enterprise
Ang Enterprise plan ay may custom pricing at isang custom number ng billable tickets kada buwan. Makukuha ninyo ang lahat mula sa naunang plans na puwedeng mag-customize ng ilang options.
Kongklusyon
Ang Gorgias ay mahusay na pinag-isipang ticketing system na may essential ticketing features para sa halos lahat ng okasyon. Kahit hindi ito nagbibigay ng kahit anong extra, mahusay ang pagkakadisenyo nito at functional sa lahat ng oras. Ang pricing plans ay abot-kaya, pero medyo mahal ang mas matataas na plans kung hindi ninyo naman kailangan ang lahat ng meron ito. Sa pangkabuuan, abot-kaya ito at nakatutulong sa inyong i-maintain ang inyong budget.
Frequently Asked Questions
Paano ise-set up ang auto replies sa Gorgias ticketing system?
Pumunta kayo sa Gorgias settings at piliin ang Macros sa ilalim ng Automation section. Dito kayo puwedeng makagawa ng macros na nagpapadala ng automatic emails kung maabot ang ilang criteria. Puwede kayong magsulat ng sarili ninyong text at piliin mula sa ilang actions na magsisilbing triggers para sa automatic reply. Puwede ring mag-upload ng macros sa Gorgias na naka-CSV format kung meron kayong ganito.
Saan mahahanap ang integrations sa Gorgias?
Buksan ang inyong Gorgias account at pumunta sa settings. Hanapin ang App store section sa kaliwang menu panel. Dito puwedeng ma-access ang lahat ng available na integrations. Tandaan na ang ilang plans ng Gorgias ay limitado ang access at gamit ng integrations. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang pricing page ng Gorgias at alamin kung anong klaseng integration options ang available sa inyong plan.