Key takeaways
Pros
- Nakamamangha, simpleng gamitin ang interface
- Magandang ticketing system na hindi magulo
- Meron lahat ng mahahalagang features
Cons
- Kulang ng ilang advanced na features
- Masyadong mahal kung ang focus lang ay ticketing functionality
Ang pagsisimula sa HelpScout ticketing
Madali ang pagsisimula sa HelpScout, salamat sa libreng trial option nito. Ang limitasyon lang ay kailangan ninyong gamitin ang email address ng inyong kompanya dahil hindi tatanggapin ang inyong personal na email. Kapag naibigay na ninyo ang email ng kompanya ninyo at iba pang mahahalagang information, magkakaroon kayo agad ng access sa inyong bagong dashboard sa HelpScout. May option din kayong ikonekta ang inyong email address sa HelpScout pero puwede ninyong laktawan ang hakbang na ito at balikan na lang kung gusto ninyo.
Dadalhin kayo diretso ng HelpScout sa ticketing system na ang tawag ay Mailbox. Puwede ninyong tingnan sa unang pagkakataon ang interface o maging pamilyar muna sa buong software. Puwede ninyong ma-access ang setup guide sa itaas sa kanang kanto. Meron itong limang hakbang na tutulong sa inyo sa basic configuration ng HelpScout. Hindi namin nakitang makatutulong ito sa pag-set up ng ticketing pero puwede ninyong samantalahin ito kung gusto ninyo para makapagsimula sa ibang functionalities ng HelpScout.
Magaling amg pagkakadisenyo ng buong interface ng HelpScout. Malinis ito tingnan na may deretsahang menu options para sa madaling navigation at magkakaibang sections na nagdadala ng atensiyon sa mga tamang bahagi ng interface. Wala dapat kayong problema sa pag-navigate sa interface lalo na kung ang ticketing system ay ang main screen. Isa pang maganda ay hinahayaan kayo ng HelpScout na gumawa ng bagong support email address habang nasa proseso kayo ng registration, kaya puwede na kayong umarangkada sa unang beses pa lang na makita ninyo ang web application.
HelpScout ticketing system features
Nagbibigay ang HelpScout ng mga kapaki-pakinabang na features na madaling gamitin kapag sumasagot sa mga tanong ng customers. Samantalahin ninyo ang shared inbox na sinusuportahan ang ilang magagandang collaboration features. Puwede ninyong i-manage ang ticket assignments sa departments at individuals, pati na rin ang pribadong notes na puwedeng magamit para maka-share ng impormasyon sa pagitan ng departments at agents.
Isa pang interesting na feature ay ang saved replies. Hinahayaan kayo ng feature na ito na mag-browse sa library ng pinakaginagamit na mga sagot sa madalas na mga tanong. Puwede ninyong gamitin ang mga reply na ito sa dalawang clicks lang. Nagsisilbi itong kombinasyon ng basic na knowledge base at canned replies na feature na madalas meron sa maraming help desk at ticketing software. Meron din ang HelpScout na tagging para sa pagkategorya.
Ang HelpScout ay meron ding feature na customer contact management na nagbibigay ng overview ng mga importanteng impormasyon ng mga contact sa loob ng bawat ticket. Ang panghuli, sinusuportahan ng HelpScout ang features na workflows at automation. Puwede ninyong gamitin ito para i-automate ang ilang actions o para magpadala ng bulk replies sa customer tickets.
HelpScout ticketing system performance at user experience
Ang bahagi ng testing ng review na ito ay tiningnan ang agent experience sa paggamit ng ticketing system ng HelpScout. Pinadalhan namin ang sarili namin ng mga message para subukan ang bilis at pangkabuuang performance ng ticketing ng HelpScout. Dumating ang emails agad-agad nang walang kahit anong aberya. Medyo nasorpresa kami nang malaman naming hindi default na naka-display ang images sa tickets sa HelpScout. Kailangan pang i-click ang option para lumabas ang mga ito. Hindi naman ito masama. Makatutulong ito sa mga agent na makatipid ng data lalo na kung limitado at remote silang nagtatrabaho na gamit lang ay mobile hotspots.
Maganda naman ang itsura ng interface pero meron pa rin itong ilang bagay na puwede maayos. Halimbawa, hindi kayo maka-reply agad sa ticket pagkatapos buksan ito. Walang makitang lugar para sa mga reply hangga’t i-click muna ang reply button. Doon lang kayo puwedeng magsimulang mag-reply at makakuha ng access sa lahat ng tools para sa text editing at formatting.
Ang pagpipilian sa available na tools para makapag-edit ay tama lang para makapagsulat kayo ng maikli at mahabang maayos na messages. Ayos naman ang ticketing features pero makatutulong sa HelpScout kung mag-update sila para tumapat ang kalidad ng kanilang communication options sa ibang mas detalyadong ticketing solutions. Halimbawa, walang option para paghiwalayin ang tickets, pati na rin ang kawalan ng advanced na filtering option o ticket search. Pero puwede pa rin kayong gumawa nang maayos na trabaho gamit ang binibigay na standards ng HelpScout.
Sa HelpScout, automatic na naka-save bilang drafts ang mga reply na hindi pa napadala sa tickets kaya hindi mawawala ang inyong naisulat na kung aksidente itong na-click o kailangang harapin muna ang ibang mas urgent na iayu. Kapag naipadala na ang inyong message, puwede ninyong makita ito sa Closed tickets sa kaliwang bahagi ng menu, kung pipiliin ninyo ang preset status. Puwede ninyong palitan ang mangyayari sa mga hindi pa nasasagot na tickets, salamat sa options na available sa ibabang panel ng ticket interface.
Sa kabuuan, maganda ang ticketing experience sa HelpScout pero hindi ito ang pinakamaganda sa lahat ng ticketing systems. Gumagana ito nang mahusay at makukuha ninyo ang lahat ng kailangang features na available mula sa isang maayos na pagkakadisenyong interface. Kahit na hindi kasama sa HelpScout ang mga mas advanced na feature set, siguradong magagamit pa rin ang lahat para makapag-communicate nang epektibo sa inyong mga customer.
HelpScout Pricing
May tatlong bayad na plans ang HelpScout na may iba’t ibang features at presyo. Walang libreng plan pero puwede ninyong subukan ang bawat isa sa mga bayad na plans gamit ang libreng trial. Ang bawat plan ay naaayon sa iba’t ibang klase at laki ng business, karamihan ay naka-focus sa pagbibigay ng kinakailangang features ng iba’t ibang use case. Tingnan natin kung ano ang meron sa bawat plano.
Standard
Ang Standard plan ay $25 kada buwan bawat user kung buwanan ang bayad o $20 kada buwan kung taunan ang bayad. May access kayo sa dalawang mailbox, isang knowledge base, at puwedeng magdagdag ng hanggang 25 users. May offer din ang HelpScout na live chat, messaging, help widget, customized reports, workflows at automations, API, higit 50 integrations, at iba pa.
Plus
Ang Plus plan ay puwedeng mapasainyo sa halagang $50 kada buwan bawat user sa buwanang pricing o $40 kada buwan sa taunang pricing. Meron kayong limang mailbox, dalawang knowledge base, at walang maximum na limit sa users. Dagdag pa, puwede ninyong gamitin ang advanced permissions, reporting history, advanced API access, dagdag pang option ng integrations, teams, at iba pa.
Pro
Ang Pro plan ay puwede lang sa taunang subscription option. May halaga itong $65 kada buwan bawat user at kasama ang lahat ng features na meron ang mga naunang plan. Ang mga dagdag na features ay 25 na mailbox, 10 knowledge base, enterprise security, HIPAA compliance, pinataas na API rate limit, onboarding services, account manager, account optimization reviews, at iba pa.
Kongklusyon
Maraming nagagawa ang HelpScout ticketing software na hindi nangunguna sa mga partikular na bagay. Naka-focus ito sa pagbibigay ng steady at madaling karanasan sa tamang dami ng features. Magagamit ang mga feature sa karamihan ng use cases. Kahit kulang ito sa ilang mas advanced na features sa ilang sitwasyon, hindi ninyo maiisip na ang HelpScout ay hindi balanse. Magaling na solution ang HelpScout sa ticketing, pero ang pangunahing selling point nito ay nakabatay sa ibang available na functionalities.
Frequently Asked Questions
Nawala ang ticket matapos sagutin sa HelpScout
Malamang ay napili ninyo ang option na isara ang ticket pagkatapos mag-reply dito. Makikita ninyo ang tickets na ito sa inyong Mailbox sa ilalim ng Closed tickets. Kung gusto ninyong baguhin ang ticket status, buksan ang ticket at piliin ang status options sa itaas na menu bar. Palitan ang ticket status mula Closed at gawing Pending o kahit anong available na option.
Hindi makita ang image attachments sa tickets ng HelpScout
Hindi naka-default na pinapakita ng HelpScout ang image sa tickets. Tinatago ang mga ito at binibigay sa inyo ang option na ilabas ito kung gusto ninyo. Sa susunod na ma-encounter ninyo ang image sa ticket, i-check ang option na magpapakita sa mga image sa itaas ng ticket view. Piliin ang option na view images.