Key takeaways
Pros
- Sobrang abot-presyong ticketing system
- Gumagana nang walang major issues
- Mabilis ang setup at maganda ang startup guide
- May project management tools
Cons
- Medyo magulo ang interface sa ibang bahagi
- Kulang sa communication channel integrations
Ang pagsisimula sa OneDesk ticketing
Ang OneDesk ticketing software ay may offer na madaling proseso ng registration na walang credit card requirements o iba pang hadlang. Puwede na kayo agad mag-sign up at simulan ang libreng trial bago magdesisyong kumuha ng bayad na plan. Ilo-load ng OneDesk ang bago ninyong dashboard at sasalubungin kayo ng isang simple pero epektibong startup guide na gagabay sa inyo sa basic setup ng bago ninyong work space. Puwede itong laktawan at saka na tapusin ang pag-setup kung gusto ninyo.
Ang rekomendasyon namin ay huwag laktawan itong guide para maasikaso ang ilang importanteng bagay sa simula. Puwede nang mag-set up ng inyong profile picture at signature, ikonekta ang inyong support email mula sa Outlook o Gmail, pumili ng alternatibong email forwarding, imbitahan ang mga katrabaho ninyo, at marami pa. Mas importante, pwede ninyong i-set up ang ibang OneDesk features tulad ng knowledge management, at sundan ang maikling tutorial nang makuha ang overview ng application.
Kapag natapos na ninyo o nilaktawan na ang guide, silipin na ninyo ang OneDesk interface at ang ticketing system. Okay naman ang interface; ang disenyo lang nito ang hindi gaanong kaaya-aya, di tulad ng ibang ticketing software. Pero mukha pa ring modern. Medyo magulo lang ang itsura pero di naman ito malaking isyu at di rin naman ito deal breaker. Mabilis din kayong masasanay dito kaya wala kayong magiging problema sa navigation. Ang ticketing interface ay may dalawang sample tickets mula sa umpisa para tulungan kayong mag-adjust sa workflow sa OneDesk.
Ang overview ng ticketing system interface ay maganda naman. Medyo matagal-tagal lang itong makasanayan, pero dadali na ito kapag sanay na kayo. Maa-access na ninyo ang karamihan sa inbox options sa kaliwang menu bar at ayusin ang tickets ayon sa iba-ibang criteria tulad nang nakikita sa screenshot sa taas. Sa itaas na menu bar maa-access ang ilang tools at ang “Add” button na magagamit sa paggawa ng bagong tickets, projects, tasks, folders, at marami pa.
Sa kabuuan, madaling magsimula sa OneDesk. Nakamamangha nga naman ito dahil ang iba nilang kompetensiyang produktong mas malalaki ang budget at brand name ay madalas may problema sa pagdisenyo ng madaling gamiting interface at ticketing systems. Pero nadismaya kaming malamang di nagbibigay ang OneDesk ng default na support email address kaya kailangan pa ninyong ikonekta ang sarili ninyong email para tumakbo nang tama ang system. Bago tayo dumating sa pag-test na bahagi ng review, tingnan natin ang OneDesk feature set nang malaman kung paano ninyo ito masusulit.
OneDesk ticketing system features
Sa baba ng presyo ng OneDesk, nakakabilib pa rin ang kanilang features. May access kayo sa multichannel ticketing na kaya ang emails, live chat, at knowledge base, na kadalasang kailangan ng ibang modernong help desk para makapagbigay ng sapat na customer support. Ang kulang na lang ay ang call center. Pero sa presyo nito, puwede na rin kahit wala ito.
May offer din ang OneDesk na ilang automation features na tutulong sa inyong auto-response sa tickets, automatic classification ng tickets batay sa iba-ibang criteria, notifications, time tracking, at ticket status updates. Maa-access ninyo at masisimulang gamitin ang customer surveys, canned messages, mag-track at magplano ng profit na kinita sa pag-aayos ng mga ticket, gumamit ng reports, o pakinabangan ang mobile apps. Marami rin palang makukuha sa OneDesk.
Ngayon, oras na para ma-test ang paggana ng ilang ticketing features. Simulan na natin.
OneDesk ticketing system performance at user experience
Kami lang ang nag-test ng ticketing system. Ang naging focus lang ay ang agent experience at dali ng paggamit. Ginamit namin ang sariling email namin para magsimula ng usapan sa sarili at gumawa ng bagong incoming ticket sa OneDesk ticketing system. Pagdating ng email, sinagot namin. Ang disenyo ng interface sa open tickets ay di gaanong maganda; nakakalito at mukhang magulo. Nagagamit naman pero di ito ang pinakamahusay na disenyo para sa madaling navigation.
Ang medyo kakaibang disenyo rito ay nasa kanang banda ang ticket message at reply field habang nasa kaliwa na lahat ang ibang fields. Nakapagtataka kasi mukha namang maayos ang kabuuan pero ang pinakamahalagang bahagi ay di gaanong pinagtuunan nang pansin ng mga designer. Hindi rin magandang halos kalahati na ng screen ang ticket fields. Di naman kailangang ganito kasi naaalis ang focus sa importanteng parte ng ticket: ang message ng customer. Pareho rin ang nangyayari kapag gumawa ng panibagong ticket.
Di rin gaanong maayos ang pagsusulat ng tugon. Dahil masyadong maliit ang reply window sa tickets, parang nakakalimita ang pakiramdam, na parang ayaw ng software na mag-email kayo gamit ang maraming salita. Pero ang reply field ay automatic na humahaba kapag nakaabot ng partikular na character count. Medyo naaayos nito ang isyu pero di pa rin singkomportable ng pagkakaroon ng mainam na laki ng reply field na dapat laging available. Naroon ang features pero di sila madaling ma-navigate. Iba-iba ang button size, na ang iba ay mas malaki at prominente ang pagkakalagay na para bang mas importante ito. Halimbawa, ang malaking button na may tatlong dots ay canned replies habang napakaliit ng attachments at nasa sulok lang.
Habang lahat naman ay gumagana sa inaasahan at walang problema, dapat pa ring ayusin ng OneDesk ang kanilang user interface. Hindi naman ito deal-breaker; maayos namang gumagana ang ticketing system at ang features ay sapat para matulungan ang agent na maitama ang trabaho. Medyo matagal lang para makasanayan ito pero may mararating ang pagpapasensiya. Ang isa pang rason para ikonsidera ang OneDesk ay ang presyuhan nila.
Pagpepresyo
May offer ang OneDesk na iisang pricing plan na nagpapadali ng pagdedesisyon. Ino-offer nito ang lahat ng available na features at functionality. Ang kailangan lang pagdesisyunan ay kung pipiliin ninyo ang buwanan o taunang billing, at pagpili ng bilang ng agents na gusto ninyong i-host sa OneDesk account ninyo. Nagkakahalaga ang OneDesk ng $11 kada buwan bawat agent sa buwanang billing, o piliin ang taunang billing at magbayad ng $9 bawat agent. Walang minimum limit ng agent kaya puwede ninyong makuha ang OneDesk na singbaba ng $9 kada buwan na may iisang agent seat. May access na kayo sa lahat ng features na available. Ito na ang pinakamurang investment lalo na para sa maliliit na business o solopreneur na kailangan ng ticketing.
Kongklusyon
Ang OneDesk ay may potential na maging mahusay na ticketing software kung may konting effort. Functional naman ito sa ngayon. Kahit wala itong offer na lahat ng multi-channel capabilities gaya ng ilang kalaban nila, makukuha naman ito sa abot-kayang halaga. Napakalaki ang pagkakataong mapaayos pa ang OneDesk pagdating sa ticketing system interface, pero di naman masyadong deal-breaker ito sa kasalukuyan. Anuman, di kayo madidismaya sa OneDesk kung saan mahalaga at maaasahan naman ito.
Frequently Asked Questions
Problema sa pagkonekta ng email accounts sa OneDesk
Kung nagkakaproblema kayo sa pagkonekta ng email account ninyo, heto ang ilang remedyo. Una sa lahat, kung Gmail account ang gamit ninyo, siguraduhing pangtrabaho ang Gmail account at hindi pang-personal. Kung pang-personal ang gagamitin ninyong Gmail account, malamang di ito makokonekta sa OneDesk. Kung ibang email ang gamit ninyo, siguraduhing suportado nito ang auto-forwarding dahil walang ibang diretsong integration sa OneDesk. Ang ilang email providers na suportado ang auto-forwarding ay Gmail, Outlook, iCloud, at iba pang mga popular.
Saan mahahanap ang integrations sa OneDesk?
Mahahanap ninyo ang integrations section sa settings ng OneDesk interface. I-click ang applications icon sa kaliwa sa ibaba para makita lahat ng options at piliin ang cog wheel button. Pagtapos, piliin ang integrations mula sa menu para makita lahat ng posibleng internal integrations sa OneDesk at sa ibang software.