Key takeaways
Pros
- Libreng software
- Magandang feature set
Cons
- Ang mandatory ticket form ang taning paraan para mag-submit ng tickets
- Luma na ang interface
- Libre pero may mga bug
Ang pagsisimula sa osTicket ticketing
Ang osTicket ay may offer na dalawang paraan para makapagsimula. Puwede ninyong piliin ang open source version na libre o makukuha ninyo ang libreng 30-araw na trial ng Cloud-Hosted version na $9 kada buwan bawat user matapos ang trial. Kailangan lang sa registration ang basic information para makapagsimula kayo pero dapat ninyong gamitin ang inyong company email address. Kapag natapos na ninyo itong proseso, makikita na ninyo ang osTicket interface.
Mukhang luma na ang interface pero functional pa rin. Ang users na di maalala ang itsura noon ng user interfaces ay baka magkaroon ng problema sa navigation sa umpisa, pero agad itong mawawala kapag nagsimula na sila sa paggamit ng application. Ang positibong bagay sa osTicket interface ay sobrang naka-focus ito sa task sa kasalukuyan at di kayo maaabala sa mga di importanteng bagay.
Ang isang malaking problema ay kita agad sa simula at konektado sa login. Tuwing aalis kayo sa osTicket, mala-log out kayo. Di naman ito masama kasi maraming ticketing solutions na nila-log out ang users kapag di sila aktibo bilang depensa sa maling paggamit. Pero laging imposibleng mag-log in ulit. Lagi naming nakukuha ang “Session timed out due to inactivity” na error at walang paraang makapag-log in kasi laging lumalabas itong error.
Makakapag-log in lang ulit kung isasara ang browser at maghihintay saglit. Mareresobla ang isyung ito sa pagdagdag ng login User Session Timeout limit sa settings. Nirerekomenda naming taasan ninyo ito talaga para maiwasan itong problema pero siguraduhing ila-lock ninyo ang computer ninyo kung iiwan ninyong bukas ang osTicket.
Ang isa pang puwedeng problemado ay may hindi conventional o medyo luma nang ticketing system ang osTicket. Ang customers ay hindi diretsong makakapag-email sa ticketing system; kailangan pa nilang i-access ang unique link na puwedeng ma-generate sa inyong registration at ipadala ang tickets mula sa dedicated form. Hindi ito ang pinaka-flexible na paraan sa pag-submit ng tickets at kailangan pa ninyong i-push lagi ang website link para masiguradong ang clients ninyo ay alam kung paano mag-submit ng tickets sa inyong ticketing system.
osTicket ticketing system features
Tingnan natin ang uri ng features na maaasahan ninyong magamit sa osTicket. Ang email integration sa system ay naroon sa lahat ng plans at ito lang ang nakalistang feature sa libreng plan. Nakalista sa ibang plans ang features tulad ng email at phone ongoing support, libreng walk through session, nama-manage na upgrades at maintenance, at dalawa pa. Hindi nila pinapakita ang maraming ticketing functionality mismo at mga uri ng ino-offer na sub-features. Pero pagbukas ng app, may mas mahusay na kayong ideya kung ano ang maaasahan mula sa osTicket feature set.
Ticketing system performance at user experience
Ang paggamit ng osTicket ay hindi naman masama pero tiyak na hindi ito modernong ticketing software. Pero masasabi naming malinaw ang karamihan sa interface at maayos itong gagana kapag nasanay na kayo rito nang bahagya. Pinapakita sa dashboard ang marami pang features sa nabanggit sa pricing section ng website. Makakakuha kayo ng access sa analytics features pati sa ilang standard na ticketing features tulad ng ticket forwarding, assignments, ticket status, merging, linking, transferring at marami pa. Mainam na makita ang mga kinakailangang features sa isang libreng solution tulad ng osTicket.
Nag-test kami ng ticketing system sa pagpapadala ng ticket sa sarili namin gamit ang nabanggit naming link. Ang ticket form para sa customers ay madaling gamitin. Kailangan nito ng email address, pangalan, at phone number, na email at pangalan ang mandatory options. Lahat ng users nitong form ay dapat pumili ng topic ng ticket. Simple lang itong gamitin at makakadagdag ito sa magandang organization capabilities sa inyong help desk. Pero ang pagpapadala ng email sa isa pang email address ay ang pinakapopular pa ring paraan.
Halos dumarating agad ang tickets sa system, at maganda ito. Ngayon, mas gaganda ang interface ng osTicket kapag binuksan na ninyo ang ticket. Humahaba ito para ma-accommodate ang mas mahahabang message at kitang-kita lahat. Ang ticket reply field din ay maganda ang disenyo at bibigyan kayo ng maraming espasyo para sa inyong mga sagot. Mas importante, lahat ng features ay malinaw na nakikita. Hindi agad nakakabilib ang mga ito sa umpisa pero tandaan nating ang kaharap natin ay isang sobrang mura o libre pa ngang ticketing system.
Ang ticket reply na bahagi ng interface ay pinapakita rin ang mas maraming features tulad ng canned responses at text editing options. Makukuha ninyo ang lahat ng standard text formatting features din na may options pang mag-attach ng media, links, bullet points, HTML, o kahit visual elements tulad ng mga linya. Ang isang interesanteng feature ay ang option na lumipat sa fullscreen mode, na pinapalaki nang husto ang reply field sa screen. Magagamit ito ng users na gumagamit ng gadgets na mas maliliit ang screen. Magagamit din ninyo ang internal notes sa tickets.
Kahit hindi gaanong nakakabilib sa umpisa ang osTicket, tiyak namang may offer itong lahat ng kinakailangan ng isang ticketing user sa kanilang trabaho. Ang hindi lang mainam dito ay kailangan pang kontakin ng customers ang agents sa isang ticket submission system sa halip na sa pagpapadala ng message gamit ang email. Pero kahit ito ay puwedeng maging kapaki-pakinabang sa tamang sitwasyon sa loob ng ilang kondisyon.
osTicket pricing
Ang osTicket ay may tatlong versions at iba-ibang pricing options. Hindi naman ito masyadong magkakaibang pricing plans pero mas iba-ibang versions ng parehong software na may ilang pagbabago. Tingnan natin ang makukuha ninyo.
Open Source
Ang Open Source version ng osTicket ay available nang libre na may support sa community. May offer itong basic email integration. Mada-download ninyo ito mula sa osTicket website nang walang kailangang bayad.
Cloud-hosted
Ang Cloud-hosted version ng osTicket lang ang merong libreng trial ng 30 araw. Kung itutuloy ninyo ang paggamit dito, nagkakahalaga ito ng $9 kada buwan bawat user. May offer itong halos lahat ng available na features kasama ang email at phone ongoing support, libreng walk through session, mina-manage na upgrades at maintenance, sobrang solid na infrastructure at garantisadong uptime, at araw-araw na backups.
Virtual appliance
Ang Virtual appliance option ng osTicket ay walang makitang presyo. Customized ito batay sa requirements ninyo. Ang tanging dagdag lang ay customized ang osTicket ayon sa kailangan ng inyong business kaya pinasadyang solution ang makukuha ninyo.
Kongklusyon
Sa isang banda, ang offer ng osTicket ay isang mahusay na ticketing system na may importanteng features na available nang libre. Sa kabilang banda, meron itong mga limitasyon pagdating sa use case. Gayunman, puwede pa ring ikonsidera ang osTicket bilang contender na kagulat-gulat. Kung ayos lang sa inyo ang mandatory ticket form option, ang osTicket ay puwedeng maging mahusay na ticketing solution para sa business ninyo kahit di ito gaanong flexible gaya ng ibang ticketing software.
Frequently Asked Questions
Problema sa osTicket login matapos ang timeout
Kung di kayo makapag-log in ulit matapos ang automatic logout sa osTicket at nakakakita kayo ng “Session timed out due to inactivity” error, subukang isara muna ang inyong browser. Ibalik ito ulit matapos ang isang minuto at mag-log in ulit. Kung andun pa rin ang problema, mag-log in gamit ang ibang browser o gamitin ang incognito mode.
Lagi kaming nala-log out sa osTicket
Kung gusto ninyong pahabain ang oras ng pag-log in sa osTicket habang di kayo aktibo, galawin ninyo sa settings. Buksan ang Settings at taasan ang Agent session timeout value ayon sa nais ninyo. Puwede ninyong ma-adjust ang value sa Agents at Users sections din.