Key takeaways
Pros
- Kumpletong IT ticketing solution
- Lahat ng essential features ay available
- Walang hidden fees, walang kailangang bayaran
Cons
- Kulang sa advanced na features
Ang pagsisimula sa Spiceworks ticketing
Ang Spiceworks ay may offer na libreng IT help desk na may ticketing system. Naglagay pa ang team ng Spicewroks ng isang nakakaaliw na section ng pricing plans sa kanilang website. Nakalista rito ang apat na plans na may pare-parehong features at may price tag na $0. Ibig sabihin, ang kailangan lang gawin ay gumawa ng sarili ninyong account sa website ng Spiceworks para makapagsimula. Kailangan lang ng ilang basic na impormasyon tulad ng inyong email address at pangalan. Puwede ninyong piliin ang pangalan ng inyong help desk domain sa susunod na hakbang.
Automatic na gumagawa ang Spiceworks ng dedicated na email address para sa inyo. Hindi kayo pahihirapan, sobrang deretsahan nito sa lahat ng bagay. Kapag na-fill out na ninyo ang naunang hakbang, dadalhin kayo diretso sa ticketing system nang hindi kayo pinaghihintay. Malinis ang disenyo ng interface nito at napaka-functional, na may madaling navigation at lahat ng tools ay available agad sa screen pagkabukas ng application.
Inaamin naming mas mababa ang inaasahan namin sa isang libreng solution. Sa ngayon, isang magandang sorpresa ang Spiceworks sa halos lahat ng aspekto. Nagbibigay ang Spiceworks ng mas marami pa, hindi lang ang essential na ticketing system. Nakatutulong din ito sa mga business na may reports, at kahit knowledge base articles nang walang kahit anong limitasyon sa features. Medyo nakakabilib ito, pero bago natin tingnan ang performance, tingnan muna ang klase ng features meron ang Spiceworks.
Spiceworks ticketing system features
Hindi madali ang paghahanap ng features ng Spiceworks dahil ang website nito ay may offer lang na essential na detalye tungkol sa kanilang libreng tools. Pero makukuha ninyo ang magandang overview ng ticketing feature set ng Spiceworks kapag sinimulan ninyong gamitin ang application. Puwede ninyong asahan ang standard na help desk functionality sa ticketing system. Puwede rin kayong tulungan ng Spiceworks na gumawa ng inyong sariling knowledge base at reports. Puwede rin ninyong gamitin ang export functionality para ma-export ang inyong report data sa tatlong iba’t ibang formats.
Dahil mas naka-focus ang Spiceworks sa IT ticketing, pinapakita ito sa feature set nito. Puwede ninyong gamitin ang device management features para masundan ang computer devices, software inventory, pati na rin contracts. Sinusuportahan ng Spiceworks ang ticket rules, canned responses, automatic ticket updates, at notifications na kasama pa ng standard na help desk at ticketing system features.
Ticketing system performance at user experience
Tingnan natin kung paano nag-perform ang Spiceworks sa standard na scenario, at kung kaya nitong tapatan ang ibang may bayad na IT ticketing solutions. Ginawa namin ang agent experience sa pamamagitan ng pagpapadala ng dalawang email. Ang una ay dumating agad pero hindi kami sigurado kung gaano kadalas mag-refresh ang ticketing ng Spiceworks. Kinailangan pa naming i-click ang refresh button para lumabas ang email sa ticketing system, at inaasahan namin ito habang ginagawa ang testing.
Ang ticketing interface ay mainam at professional tingnan kahit libre ito. Pagkabukas ng ticket, medyo sumisimpleng masyado ang itsura ng interface. Sobrang simplistic pero functional naman para makapagtrabaho nang komportable ang agents sa Spiceworks. Interesanteng makikita ang bahagi ng inbox kahit nasa loob kayo ng isang open ticket. Karamihan ng interface ay okupado ng reply box at customer information na may ticket status info at kaakibat na information fields sa bandang kanan.
Ang reply box ay maliit, at isa sa mga una naming naisip ay kung hahaba ba ito. Lumalawak naman ito habang nagsusulat kayo, pero pataas ang pag-stretch sa halip na pababa. May maximum itong size at kung magsusulat kayo nang higit pa sa value nito, kailangan ninyong mag-scroll mula roon. May access kayo sa ilang tools sa ibaba ng reply field; ito ay ang attachments, canned responses, at internal notes.
Ang panghuling feature na dapat banggitin ay ang panel sa bandang kanan. Dito puwedeng ma-access ng mga user ang ilang basic na impormasyon tungkol sa customers, assignees, ticket status, priority, due dates, at ticket category. Hinahayaan kayo ng panel na ito na sundan ang kaakibat na gadget, task, ginugol na oras, at na-CC na users. Iyan na ang lahat ng maaasahan ninyo sa features ng Spiceworks. Kahit hindi ito ang pinakamayaman sa feature set, nakapagbibigay pa rin ito ng lahat ng kailangan ng agent para magawa ang trabaho nang organisado, kahit minimum ang features nito.
Sa kabuuan, ang Spiceworks ay hindi masamang ticketing system, pero ang feature set nito ay sadyang essential lang. Meron itong basic feature na inaasahan sa isang IT ticketing system, at hindi naman magandang umasa pa nang higit pa riyan sa isang libreng solution. Pero kailangang sabihing ang mga user na nasanay na sa mas advanced na ticketing system ay puwedeng madismaya nang konti. Kapag nasanay na sila sa feature set ng Spiceworks, baka maisip nila na “less is more” at kayang magawa ang kanilang trabaho nang walang magarbong functionality. Dahil lang dito, humahalaga na ang Spiceworks para makatulong sa inyong makatipid.
Spiceworks pricing
Merong pricing section ang website ng Spiceworks pero parang katuwaan lang itong paraan sa pagsabing libre ang Spiceworks. Nakalista rito ang kunwari’y apat na pricing plan na may pare-parehong feature set at price tag na $0. Nabanggit din sa website na ang lahat ng mag-sign up sa Spiceworks ay makakukuha ng access sa unlimited tickets, unlimited devices, unlimited agents, unlimited users, unlimited technicians, premium support, at isang IT community na merong milyon-milyong IT pro.
Kongklusyon
Ang Spiceworks ay kayang maging isang magaling na ticketing system para sa IT teams. Hindi ito perpekto pero napaka-functional at kaya nitong patunayang magandang choice ito para sa maraming business na payag gumamit ng features na hindi magarbo. Ito rin ay libre at walang kahit anong hidden charges at hindi kanais-nais na mga extra, kaya dapat ikonsidera ito bilang isa sa primary tools ninyo.
Frequently Asked Questions
May problema sa performance ng Spiceworks help desk dahil sa email loop
Kung ang inyong Spiceworks help desk ay napakabagal, puwedeng dahilan nito ay ang email loop. Kung may access kayo sa Spiceworks, buksan ang Settings > Help desk > Email settings at i-disable ang incoming at outgoing na email settings sa pamamagitan ng pagpatay ng mga switch nito. Pagkatapos ay i-check ang inyong mailbox at hanapin ang tickets na nagsimula ng problema nito sa performance. Puwede ninyong ilipat ito sa ibang folder o i-delete ito kung hindi na ninyo kailangan. Kapag inaayos ang mga apektadong tickets, i-turn on ulit ang incoming at outgoing email settings.
Hindi gumagana ang ticket notifications ng Spiceworks
Kung nakararanas kayo ng problema sa pagtanggap ng notifications sa Spiceworks, puwede ninyong subukan ang dalawang karaniwang remedyo. Una sa lahat, siguraduhing i-check ang kahit anong typo sa apektadong user email address dahil ito ang nangungunang dahilan kung bakit hindi nakatatanggap ng notifications ang mga tao. Kung wala namang problema sa mga apektadong email address, pumunta sa Settings > Help Desk > User Accounts. Siguraduhing naka-set nang tama ang settings ng admins na hindi nakatatanggap ng notifications. I-save ang inyong settings.