Key takeaways
Pros
- Mabisang ticketing kahit na hindi ito ang pangunahing focus
- Sapat na dami ng features
- Magandang disenyo
Cons
- Presyo kung pipiliin ninyo ang bayad na plan
- Kulang ng advanced na features
Ang pagsisimula sa Tidio ticketing
Isa sa may pinakamabilis na registration ang Tidio. Ang kailangan lang ay ang inyong email address at website para matapos ito, at kung tapos na ay dadalhin kayo agad sa application. Dahil ang pangunahing focus ng Tidio ay live chat at chatbots, bahagi ng proseso ay ang paggawa at implementation ng inyong chat widget. Puwede ninyong laktawan ang hakbang na ito at balikan na lang kung gusto ninyong mag-focus sa ticketing functionality ng Tidio.
Kung natapos na ninyo ang registration, dadalhin kayo diretso sa application. Ibinabahagi ng main dashboard ang ilang insight tungkol sa Tidio accounts, pati na rin ang bagong balita at updates tungkol sa Tidio. Makikita ninyo ang options sa main menu sa kaliwang bahagi ng application, sa contrasting bar. Sa pangkalahatan, ang application ay may mahusay na disenyo kaya walang users na maliligaw kapag sinusubukan nilang hanapin ang functionalities sa Tidio. Puwede ninyong i-access ang ticketing sa ilalim ng Inbox menu kasi una ito sa mga pagpipilian.
Ang Tidio ay nagbibigay ng ilang magagamit na information tungkol sa pag-manage ng email accounts. Bibigyan kayo nito ng option na ikonekta sila nang diretso sa inyong ticketing sa menu section na ito, kaya hindi kailangang halungkatin ang settings para mahanap ito. Kapag na-click ang Connect, dadalhin kayo sa settings. Dito madaling maikokonekta ang inyong email o pumiling gumawa ng dedicated na Tido email account.
Pinili naming gumawa ng bagong dedicated na email account para sa review na ito. Pinadalhan kami ng Tidio ng notification email para sabihin sa aming ang integration ay nakumpleto na. Puwede ninyong ma-access ang bawat email na matatanggap sa inbox section ng app. Bago tayo pumunta sa testing na bahagi ng review, tingnan muna natin ang ilang feature ng ticketing na binibigay ng Tidio bilang bahagi ng kanilang mga ino-offer.
Tidio ticketing system features
Ang ticketing system ng Tidio ay hindi pinakamayaman sa features sa lahat ng ticketing software pero gayunman may ino-offer itong magandang pagpipilian ng mga feature na hindi kayo pababayaan sa kahit anong sitwasyon. Iniipon ng ticketing system ang communication mula sa emails at sa inyong chats kaya puwede kayong magkaroon ng iisang inbox na makatutulong sa inyong i-handle lahat ng communication sa iisang lugar lang.
Sinusuportahan ng ticketing system ang tags para tulungan ang users na mas magandang maisaayos ang kanilang tickets batay sa criteria na pinili nila. Meron ding feature ang Tidio na ang tawag ay Priorities na tumutulong sa users na ayusin ang tickets ayon sa kanilang urgency. Puwede kayong lumipat sa pagitan ng may-ari ng tickets at ilipat ang tickets mula sa isang agent papunta sa iba. Ang panghuli, meron itong kumpletong ticket history na madali nang maintindihan.
Tidio ticketing system performance at user experience
Sinubukan ko ang ticketing system ng Tidio sa pananaw ng isang agent para ipakita kung paano ito gumagana at para mabigyan kayo ng ideya tungkol sa gamit ng buong system nang may features. Noong napadalhan namin ang sarili namin ng test email, tumagal lang ng ilang segundo bago ito lumabas sa aming Tidio inbox. Pero ang oras ng paghihintay ay hindi naman inaasahang magtatagal. Pinapakita ng Tidio ang madaling gamitin na time notification sa bawat ticket, pinapaalam nito sa bawat agent kung gaano na katagal natanggap ang ticket.
Kapag na-click na ang ticket para buksan ito, makikita ninyo sa unang beses ang ticketing interface. Maganda ang pagkakadisenyo nito, na may focus sa message at reply sa bahagi ng section na ito. Makikita ninyo ang karamihan sa actions sa kanang panel habang ang kaliwang panel naman ay binibigay sa inyo ang overview ng inyong inbox sections. Ang kaliwang panel ay para rin madaling makita ang hindi pa na-assign na tickets at hindi pa nabasang message.
Sa simula, parang maliit ang space para sa ticket reply, pero lumalaki ito habang humahaba ang sinusulat ninyong sagot. Magandang design solution ito para makatipid ng space sa screen kung kinakailangan. May ino-offer na text editing at formatting na options ang Tidio. Puwede ninyong hanapin ang option para makapagdagdag kayo ng internal notes sa tickets, na magagamit sa pag-share ng information tungkol sa customer tickets sa inyong mga katrabaho nang hindi nalalaman ng inyong customer.
Meron ding ino-offer na ilang sending options ang Tidio. Puwede ninyong ipadala ang ticket at baguhin ang status sa Open, Pending, o Solved depende kung nasolusyunan na ang problema ng customer. Nasa kanang panel ang ticket history, priority settings, status settings, assignment information, pati ang customer information na puwede ninyong diretsong sulatan sa loob mismo ng ticket.
Sa kabuuan, maganda ang performance ng ticketing ng Tidio; walang bugs o problema at lahat ay gumana nang maayos. Ang feature set nito ay hindi ang pinakamarami, pero hindi ibig sabihin ay wala na itong gamit. Ang totoo, kabaligtaran ito at sasabihin pa naming mahigit pa sa “sapat lang.” Simpleng ino-offer ng feature set ang lahat nang kinakailangan para sa epektibo at mabisang ticketing.
Pagpepresyo
Ang Tidio ay may apat na pricing plans. Ang bawat mas mahal na plan ay may dagdag na features at tinatanggal ang ilang limitation sa use case kung dadagdagan ang presyo. Meron ding libreng plan ang Tidio na may offer na basic chat at ticketing system nang walang kailangang credit card information. Tandaan na ang ticketing ay kasama kahit sa libreng plan, hindi na kailangang isipin ang iba pang option maliban na lang kung kailangan ninyo ng mas advanced na live chat at chatbots. Tingnan natin ang bawat plan.
Libre
Ang Free plan ay may kasamang 50 conversations kada buwan, 100 chatbot conversations, support sa email, desktop at smartphone applications, integrations, access sa JavaScript API, at impormasyon tungkol sa mga bisita ng website.
Communicator
Ang Communicator plan ay $15.66 kada buwan bawat user. May access kayo sa unlimited na bilang ng live chat conversations at hanggang limang agent. Ang plan na ito ay meron ding 24/5 na support gamit ang live chat, permission management tools, real-time na typing view, analytics at reports, department features, listahan ng mga bisita, page statistics, at iba pa.
Chatbots
Ang Chatbot plan ay $31.74 kada buwan bawat user. Meron ito ng lahat na features ng mga nauna nang nabanggit na plans, 40,000 chatbot conversations kada buwan, isang chatbot editor, integrations gamit ang Zapier service, at marami pang iba.
Tidio+
Ang Tidio+ ang kumpletong plan ng lahat na features nang walang limit. Ito ay may halagang $235.16 kada buwan at may offer na custom na bilang ng agents, unlimited na live chat conversations, custom na bilang ng engagements sa chatbot, at ang bawat feature na available. Meron din kayong dedicated na customer success manager.
Kongklusyon
Kahit hindi pangunahing ticketing software ang Tidio, kaya pa rin nitong maibigay sa inyo ng isang magaling na ticketing system nang libre, o para sa tamang presyo kung pipiliin ang mas advanced na plan. Mahahalaga ang kasama sa feature set nito at sapat na para i-handle ang karamihan sa gawain sa ticketing habang nagbibigay ng steady na performance nang walang kahit anong isyu. Magandang option ito para sa karamihan ng mga business na nangangailangan ng basic ticketing. Pero para sa mga nangangailangan ng mas advanced na ticketing features, puwedeng ikonsidera ang ibang kakompetisyon.
Frequently Asked Questions
Paano namin idadagdag ang aming email address sa ticketing ng Tidio?
Kapag kayo ay nasa inyong Tidio account, buksan ang Inbox at hanapin ang Ticketing. Sasabihan kayo ng application na ikonekta ang inyong email address. Meron kayong dalawang options, gumawa ng bagong Tidio email o ikonekta ang inyong ginagamit na email. Piliin ninyo ang huling option. Walang offer ang Tidio na direktang integration sa kahit anong service providers kaya kailangan ninyong i-set na automatic na i-redirect ang emails sa inyong Tidio account. Iba naman ang pag-set up ng email forwarding depende sa bawat email provider, kaya kailangan ninyong hanapin ang guide na nagpapaliwanag kung paano ito gawin. Puwede ninyong makita ang guides para sa forwarding emails sa knowledge base ng Tidio.
Paano magdadagdag ng iba pang email address sa ticketing ng Tidio?
Buksan ang inyong account sa Tidio at pumunta sa settings. Piliin ang Ticketing at i-click ang Create a mailbox. Puwede kayong magdagdag ng ginagamit nang email address o gumawa ng dedicated na email address sa system ng Tidio. Kung pipiliin ninyong idagdag ang inyong sariling email address, kailangan ninyong i-set up ito sa automatic forwarding para masiguradong lahat ng tickets ay papasok sa inyong ticketing system sa Tidio.