Key takeaways
Pros
- Maganda at maaasahang ticketing system
- Meron lahat ng essential na features
- May detalyadong startup guide
Cons
- Boring na interface
- Wala ang ibang advanced features
- Medyo mahal para sa ibang users
Ang pagsisimula sa Zendesk ticketing
Madali ang proseso ng registration ng Zendesk na konting effort lang. Ang kailangan lang gawin para makapag-sign up sa inyong libreng trial ay ibigay ang inyong email address at i-fill out ang iba pang essential na impormasyon. Ginagawa ng Zendesk ang lahat para maging mas madali ang pagsisimula ninyo sa kanilang ticketing software. Kaya malaking bahagi ng proseso ay ang maikling questionnaire na nakatutulong sa Zendesk na malaman kung paano ninyo ito gagamitin. Ibibigay nito ang startup guide ayon sa mga sagot ninyo.
Puwede ninyong laktawan ang maikling questionnaire na ito pero nirerekomenda namin ito para makuha ninyo ang pinakamagandang experience sa kanilang ticketing system. Pagtapos ninyo dito, dadalhin kayo sa interface ng Zendesk. Makikita ninyo sa unang screen ang overview na kasama ang guide sa pagsisimula. Medyo detalyado ito kaya baka matagalan kayong matapos ang bawat item dito. Kung gusto ninyo, puwede ninyo lampasan muna ito at balikan na lang sa ibang oras.
Deretsahan ang interface ng Zendesk at madaling i-navigate. May access kayo sa bawat main functionality sa panel sa kaliwang bahagi habang ang majority ng screen space ay ang section na pinili ninyong makita. Maganda ito at hindi kayo mahihirapang maging pamilyar dito. Kung magdesisyon kayong lumipat mula sa guide papuntang dashboard, dadalhin kayo sa magandang ticketing interface.
Bago natin tingnan nang mas malaliman ang performance at functionality ng interface, alamin muna natin ang klase ng features na puwede ninyong asahan mula sa ticketing system ng Zendesk.
Zendesk ticketing system features
Habang nililista ng Zendesk ang kanilang ticketing system bilang solong feature, meron itong sariling set ng productivity features na pinadadali ang lahat ng klase ng ticketing communication. Multi-channel ang ticketing system gaya ng nakagawiang modernong help desk solution. Multilingual at multi-brand din ito. May offer ang Zendesk na standard ticketing features tulad ng tags, customer contact information sa tickets, pag-merge ng tickets, at iba pang essential na features.
Isa pang importanteng feature ng Zendesk ay ang reporting at analytics. Ang feature na ito ay palaging nagbibigay ng madaling gamiting overviews ng inyong ticketing activities. Kailangan ninyong i-activate ang feature sa hiwalay na Zendesk service. May access din kayo sa buong history ng customer interactions at business rules. Binibigyan din kayo ng Zendesk ng access sa kanilang native integrations sa ibang software solutions.
Ticketing system performance at user experience
Oras na para subukan ang Zendesk ticketing system at makita kung paano ito mag-perform. Naka-focus ang test sa perspective ng agent. Pinadalhan namin ang sarili namin ng dalawang test emails para makita kung gaano sila kabilis dumating, at masaya naming nire-report na ang Zendesk ay walang isyu sa usaping ito. Tiningnan rin namin sa unang pagkakataon ang interface sa loob ng ticket.
Ang interface ay mukhang maayos at malinis, na halos lahat ng available na tools ay nasa screen. May ilang nakatago sa ilalim ng section ng tatlong dots sa kanang bahagi sa itaas na kanto. Ang personal na opinion namin ay hindi kailangan sa kabuuan ang ganitong disenyong pinili nila. Mukhang malinis ang ticketing ng Zendesk at baka isipin ng ilang tao na boring ito para sa kanila. Ang solution sa maliit na isyung ito ay ang pagpapakita ng lahat ng buttons ng features na nakalagay na agad dapat sa screen.
Maganda ang pagkakadisenyo ng workflow ng Zendesk. Puwede ninyong piliin ang ticket status at kung ano ang mangyayari pagkatapos mag-reply sa customer ticket. May access din kayo sa text formatting na features, na nakatago rin sa ilalim ng single button. Ang iba pa ay ang emojis, attachments, at links. Accessible ang lahat ng ito sa reply field sa ibabang panel.
Sa kabuuan, ang Zendesk ay nag-perform nang maayos sa lahat ng aspekto. Hindi ito mahirap gamitin ng kahit sinong user, salamat sa napakasimpleng interface nito. Ang pag-manage ng ibang communication channels at ang pagdadagdag ng bagong emails ay medyo mas mahirap kung hindi kayo sanay sa interface at sa conventions ng pagpapangalan. Sinusuportahan ng Zendesk ang lahat ng essential na features na makatutulong sa inyong makontrol ito sa lahat ng oras.
Zendesk pricing
Ang Zendesk ay nagbibigay ng malawak na mapagpipiliang pricing plans para sa iba’t ibang laki at use cases ng business. Dahil naka-focus ang review na ito sa ticketing system, babanggitin natin ang tatlong pinakamahalagang pricing plans na may feature at focus sa mga customer service department. May tatlong pangunahing plans na may iba’t ibang feature sets at values. Tingnan natin ang mga ito at kung ano ang kanilang mga offer.
Support Team
Ang Support Team plan ang pinakamura sa lahat. Ito ay may halagang €19 kada buwan sa bawat agent at may taunang billing. May offer itong ticketing system na naka-integrate sa emails, Facebook posts, at Twitter posts. Makakukuha rin kayo ng business rules, customer history at details, reporting at analytics, integrations, at marami pang iba.
Support Professional
Ang Support Professional plan ay puwedeng mapasainyo sa halagang €49 kada buwan sa bawat agent at may taunang billing. Meron ito ng lahat ng nasa unang plan, dagdag pa ang business hours, customer satisfaction surveys, multilingual support, SLAs, at marami pang iba.
Support Enterprise
Ang Enterprise plan ang may pinakamahal na option. Puwede itong mapasainyo sa halagang €99 kada buwan sa bawat agent at may taunang billing. Makukuha ninyo ang lahat ng meron sa naunang dalawang plans at may dagdag pang custom team roles at permissions, customizable na agent workspaces, third-party data storage, sandbox test environment, at marami pang iba.
Kongklusyon
Habang ang Zendesk ay well-rounded na ticketing solution, dapat ninyong malamang makahahanap kayo ng alternatibo sa Zendesk na may offer na katuland na functionalities sa mas mababang presyo. Pero may value naman ang mas mahal na price tag nito. Kung interesado kayo samas advanced na features na higit pa sa simpleng ticketing lang, puwede ninyong ikonsidera ang Zendesk bilang nangungunang contender. Ang ticketing system nito ay may offer na pinaka-essential na features para makatulong sa inyong magawa ang trabaho, pero wala itong game-changing na functionalities. Kung ito ay maganda o masamang bagay ay nasa inyo na ang desisyon.
Frequently Asked Questions
Hindi gumagana ang keyboard shortcuts sa Zendesk
Ang pinakakaraniwang dahilan sa isyung ito ay ang third-party applications at browser extensions na gumagamit ng keyboard shortcuts. Subukan ninyong tanggalin o i-disable ang kahit anong applications at extensions na gumagamit ng keyboard shortcuts at tingnan kung ang Zendesk ay gagana nang wala ang mga ito. Kung nararanasan pa rin ninyo ito, kontakin na ninyo ang support team ng Zendesk.
Ang pag-update ng email address sa Zendesk ticketing
Kung gusto ninyong i-update ang inyong email address sa Zendesk, i-click ang inyong profile icon sa itaas na kanto ng app habang nasa Support. Piliin ang view profile at i-click ang Add contact. Ilagay ang inyong bagong email address at makatatanggap kayo ng verification email. I-click ang link sa email para kumpirmahin ang pagbabago.