Ang software sa pamamahala ng email ay idinisenyo para sa mga negosyo upang epektibong pamahalaan ang malaking bilang ng mga papasok na email. Nag-aalok ito ng mga tampok tulad ng pagtitiket, pagsala, at pag-aayos ng mga departamento upang mapabuti ang produktibidad at kasiyahan ng kustomer.
Ang software sa pamamahala ng email ay kasangkapan na ginagamit upang pamahalaan ang malaking bilang ng mga papasok na email. Namamahala ang software ng mga email sa pamamagitan ng sistemang pagtitiket na lumilikha ng natatanging pagpapakilala para sa bawat email na kilala bilang ID ng tiket. Itinatalaga ng software ang bawat email sa tukoy na ahente o departamento batay sa paunang natukoy na mga panuntunan sa awtomatikong daloy ng trabaho.
Ang mga kliyente sa webmail at email ay hindi gaanong advance at naaalok ng mas kaunting mga pangunahing tampok. Sa kanilang core, ang mga kliyente sa webmail at email ay nilikha para sa personal na paggamit, habang ang software sa pamamahala ng email ay nilikha para sa mga solopreneur, negosyo at organisasyon na tumatanggap ng libo-libong mga email bawat araw at nangangailangan ng tulong sa pamamahala sa kanila.
Mga Webmail/Email na kliyente | Software sa pamamahala ng email |
Napaka-limitado o walang mga opsyon sa pag-awtomatiko | Hindi mabilang na mga opsyon sa pag-awtomatiko |
Nagkalat ang mga ad/hindi ginustong email | Walang mga ad/hindi ginustong email |
Walang mga opsyon sa pakikipagtulungan | Itinayo para sa pakikipagtulungan (nakabahaging inbox na sumusuporta sa pamamahala ng email ng pangkat) |
Kakulangan sa naka-advance na pagsasala | Mga tag at id sa tiket para sa madaling pagsasala |
Walang mga naka-can na tugon | Walang limitasyong mga naka-can na tugon |
Limitadong imbakan | Walang limitasyong imbakan |
Limitado o walang mga template sa email | Nag-aalok ng napapasadyang mga template sa email |
Limitadong mga patlang ng kontak | Mga patlang ng kontak + naka-built in na CRM |
Walang mga pribado/panloob na tala | Nag-aalok ng mga pribado/panloob na tala |
Walang opsyon upang pagsamahin/hatiin ang mga email | Nag-aalok ng pagsasama/paghahati ng email |
Walang pagtuklas sa banggaan ng ahente | Nag-aalok ng pagtuklas sa banggaan ng ahente |
Ang ilan ay nag-aalok ng maraming tab sa email | Nag-aalok ng maraming tab sa email |
Walang mga third party na integrasyon | Daan-daang third party na integrasyon |
Walang mga omnichannel na kakayahan | Mga omnichannel na kakayahan |
Nag-aalok ng mga app na mobile email | Nag-aalok ng mga app na mobile email |
Ang mga advance na kasangkapan sa pamamahala ng email tulad ng LiveAgent ay hindi magbibigay ng anumang mga limitasyon sa bilang ng mga email address na maaari mong ikonekta sa software.
Masasabing, ang software sa pamamahala ng email ay madalas na mas ligtas kaysa sa tradisyunal na email. Isipin ang senaryong ito:
Gumagamit ka ng Gmail o Outlook upang malutas ang mga email ng kustomer.
Natural, kakailanganin mong ibahagi ang iyong mga kredensyal sa pag-log in sa email sa maraming tao, na maaaring maging banta sa seguridad — lalo na kung sila ay gumagamit ng mga pampublikong kompyuter o nagbabahagi ng mga aparato sa iba.
Sa pamamagitan ng sistemang pamamahala ng email, ang bawat empleyado ay may natatanging mga kredensyal sa pag-log in, kaya mas ligtas ito para sa iyo at sa iyong buong pangkat.
Ang software pamamahala ng email ay maaaring maging benepisyo sa kahit sinumang sumasagot ng maraming mga email sa serbisyong kustomer araw-araw– anuman ang laki ng kumpanya. Kung ikaw man ay nag-iisa sa pangkat o mas malaking negosyo, dapat magkaroon ng solusyong pamamahala ng email. Maraming mga ulat ang nagkumpirma na ang paggamit ng software sa suportang email ay nagpapataas ng pagiging produktibo, nagbabawas sa antas ng stress at sa paglaon ay nakakatipid ng oras at pera.
Stand out from your competitors with a strong customer service culture
Handle all customer inquiries from one interface. Start improving your customer service with a free 14-day trial today!
Paano ka magbebenepisyo mula sa software sa pamamahala ng email?
Ang paggamit ng software sa pamamahala ng email ay maaaring magpahusay sa oras ng pagtugon na, sa gayon, magpapahusay ng mga karanasang kustomer at kasiyahang kustomer. Sa pamamagitan ng nakalagay na mga panuntunan sa awtomatikong daloy ng trabaho, ang software ay awtomatikong ibabahagi ang papasok na mail sa mga empleyado. Tapos na ang mga araw ng manual na mga pagtatalaga at pagsubaybay sa aktibidad sa email.
Ang software sa pamamahala ng email ay hindi nagsasayang ng oras at tinitiyak na ang bawat isa ay may malinaw na pag-unawa sa kanilang mga responsibilidad. Tulad ng nabanggit sa itaas, ito ay nagpapahusay sa oras ng pagtugon, dahil tinatanggal nito ang pagkalito, pagsubaybay sa email, pagkakalat at mano-manong pamamahala ng gawain. Sa pamamagitan ng software sa pamamahala ng email, lahat ng mga ahente ng suporta ay maaaring mag-log in lamang sa software at simulang sagutin ang mga email sa serbisyong kustomer.
Nagpapataas ng pagiging produktibo at nagpapababa ng antas ng stress
Ang kagandahan ng sistemang pamamahala ng email ay maaari itong kumuha ng maraming gawain at lutasin ang mga ito nang mag-isa. Halimbawa, ang software ay maaaring gumamit ng mga panuntunan sa awtomatikong daloy ng trabaho upang malutas ang mga tiket na hindi pa nakatatanggap ng anumang tugon sa tukoy na tagal ng oras. Bilang kahalili, ang software ay maaaring magpadala ng awtomatikong mga pag-follow up na email sa mga kustomer na hindi tumugon sa iyong mga mensahe. Ito ay maliit na parte pa lamang.
Ang pagkakaroon ng ganitong uri ng software sa lugar ay nagtatanggal ng labis na responsibilidad sa iyong mga balikat. Tinatanggal nito ang mga pauli-ulit at pangkaraniwang gawain, at sa gayon pinapababa ang antas ng stress at pinahuhusay ang pagiging produktibo. Sa kakanyahan, ito ay lumilikha ng perpektong daloy ng trabaho.
Nakakatipid sa pera at pinapataas ang pagbabalik ng investment
Narito ang isa pang dahilan kung bakit mamahalin mo ang software sa pamamahala ng email. Makakatipid ka ng pera. Kapag ang mga ahente mo ay hindi nagsasayang ng oras sa mga pangkaraniwang gawain, at kung ang kanilang tanging pokus ay ang paglutas sa mga katanungan ng kustomer, nakakatipid ka ng pera.
Bukod dito, ayon sa Financesonline, sa bawat $1 na iyong ininvest sa karanasang kustomer sa pamamagitan ng mga help desk at mga katulad na plataporma [tulad ng software sa pamamahala ng email], maaari kang umani ng $3 na pagbabalik sa iyong investment.
Tinatanggal ang pagsubaybay sa aparato at account
Kung nais mong gumawa ng karagdagang hakbang, ikonekta ang iyong software sa pamamahala ng email sa iba pang mga channel ng komunikasyon tulad ng live chat, telepono o social media, at pahusayin ang iyong pagiging produktibo. Maaari mong wakasan ang walang katapusang pagsubaybay sa aparato at account na parehong nakakagambala at hindi produktibo.
Ang pagkakaroon ng lahat ng mga mensahe sa isang lugar– mga email man ito, komento sa Instagram o real-time na live chat ay ginagawang mas madali ang pag-maximize ng lahat ng mga benepisyong kasama ng sistema sa pamamahala ng email.
Ang nababahaging unibersal na inbox ay ang tampok na bituin ng software sa pamamahala ng email. Maaaring i-streamline ng inbox ng pangkat ang lahat ng mga mensahe mula sa maraming mga email address, mga account sa social media, mga webchat, at kahit mga telepono.
Kung hindi ka pa nakapagtrabaho kasama ang plataporma sa pakikipagtulungan tulad ng unibersal na inbox, maaaring mahirap itong isipin, pero sa totoo lang, ito ang pinakamahusay na tampok na magpapabuti sa mga karanasan ng iyong mga kustomer at ahente ng malayo. Ang maganda sa lahat ay lahat ng iyong mga ahente ay magkakaroon ng kanilang natatanging pag-login sa sistema, na pinapayagan silang magtrabaho sa magkakahiwalay na mga isyu nang sabay.
Matuto ng higit pa tungkol sa nababahaging mailbox.
Ang dalawang iba pang tampok na bituin ng software sa pamamahala ng email ay ang mga departamento at responsibilidad. Sa pamamagitan ng paglikha ng iba’t-ibang mga departamento para sa iyong mga pangkat sa pagmemerkado, suportang IT o pagbebenta, mas mahusay mong maaayos ang iyong inbox. Ang pagsasala ay magiging mas madali, at ang pagtatalaga ng mga responsibilidad sa pamamagitan ng mga panuntunan sa awtomasyon ay napakadali.
Bilang halimbawa, maaari kang mag-set up ng panuntunan sa awtomatikong daloy ng trabaho na awtomatikong magru-ruta sa lahat ng mga email na naglalaman ng mga salitang “reset” at “password” papunta sa departamento ng IT, o kahit na isang nakatuon na representante ng suportang IT.
Matuto ng higit pa tungkol sa mga departmento o responsibilidad.
Mga panuntunan sa awtomatikong pamamahala sa daloy ng trabaho at email sa pagmemerkado
Sandali naming nahawakan ang kapangyarihan ng awtomasyon sa email ng pagmemerkado. Mayroong hindi mabilang na mga bagay ang magagawa mo sa software ng pamamahala ng email — mula sa awtomatikong pagdadagdag ng mga tag sa mga email, pagtatalaga ng mga email sa mga depatamento at ahente, hanggang sa pag-iiskedyul ng email na awtomatikong nagpapadala ng naka paunang format >na mga follow-up email pagkatapos ng tiyak na tagal ng panahon na lumipas simula noong huling pagtugon.
Matuto ng higit pa tungkol sa mga panuntunan.
Sa tradisyunal na email, mahirap matukoy kung gaano kahusay ang iyong ginagawa batay sa pagganap at kalidad. Naaabot mo ba ang mga benchmark ng industriya tulad ng karaniwang rate ng pagtugon sa email? Ang iyong mga kustomer ay nasiyahan ba sa serbisyong kanilang nakukuha?
Siya nga pala, ayon sa survey ng Bain & Company, 80% ng mga CEO ay naniniwala na ang kanilang kumpanya ay naghahatid ng higit sa mahusay na serbisyong kustomer. Gayunpaman, 8% lamang ng kanilang mga kustomer ang sumasang-ayon.
Sa mga tampok na analitiko at pag-uulat ng software sa pamahahala ng email, malalaman mo ang mga lugar ng pagpapabuti salamat sa tunay na pananaw sa data.
Matuto ng higit pa tungkol sa mga analitiko at pag-uulat.
Ang ilang mga webmail (katulad ng Gmail) ay nag-aalok ng naka-built in na serbisyong chat. Gayunpaman, karamihan sa mga kliyente sa mail/webmail ay hindi, na ginagawa silang kulang pagdating sa pakikipagtulungan. Sa aming palagay, ang paggamit ng mga panlabas na kasangapan sa chat ay hindi nagbubunga, dahil ang pagpapalit sa pagitan ng mga kasangkapang ay maaaring maging sanhi para mawala ka sa iyong iniisip at nakakasayang din ng mahalagang oras.
Ang software sa pamamahala ng email tulad ng LiveAgent ay nag-aalok ng naka-built in na opsyon sa pakikipag-chat at pagtawag, na ginagawa itong kasing dali ng1,2,3, upang makipag-ugnayan sa iyong mga kasamahan kapag nakakaramadam ka ng pagka-stuck.
Bukod dito, ang mga kasangkapan tulad ng LiveAgent ay may mga tampok sa pagtutuklas ng pagbangga ng ahente. Tinitiyak ng mga tampok na ito na walang email ang nasasagot ng dalawang beses. Inaalerto nila ang bawat ahente na tumitingin sa email na ginagawa ng iba, tinitiyak na walang pareho o aksidenteng pagbura ng trabaho.
Matuto ng higit pa tungkol sa pagtuklas sa banggaan ng ahente, panloob na mga chat, o panloob na mga tawag.
Ang isa pang tampok na wala sa arsenal ng tradisyunal na email/webmail na mga kliyente ay pinasadyang mga template sa email na maaaring magamit upang magpadala ng mga email sa pagmemerkado tulad ng mga newsletter, mga email sa serbisyong kustomer tulad ng mga email sa pag-reset sa password o mga transaksyonal na email na nagkukumpirma sa order. Siyempre, ang pinasadyang mga template sa email ay mayroon sa plataporma sa pamamahala ng email ng LiveAgent.
Matuto ng higit pa tungkol sa mga template sa email.
Upang gawin mas mahusay, ang software sa pamamahala ng email ay may mga tampok na pamamahala sa ugnayang kustomer (CRM). Bukod sa naka-built in na CRM na laging magagamit, maaari kang magtala ng pinasadyang impormasyon tungkol sa iyong mga kliyente na makakatulong sa iyong makapagbigay ng higit na kaalaman at sinapersonal na serbisyong kustomer.
Matuto ng higit pa tungkol sa CRM.
Takot na mawala sa maraming tab ng email? Huwag. Ang software sa pamamahala ng email ay nag-aalok din ng ganitong mga opsyon. Pinapayagan ka nitong sagutin ang maraming mga email ng sabay-sabay, sa pamamagitan lamang ng paglipat sa pagitan ng mga tab ng email. Ang mga tampok na ito ay lalong kapaki-pakinabang gamitin kasabay ng mga naka-can na tugon/paunang natukoy na mga sagot.
Matuto ng higit pa tungkol sa maraming tab ng tiket.
Ang isa pang tampok na kulang sa mga tradisyunal na kliyente sa email ngunit kilala sa software sa pamamahala ng email ay ang mga tag. Ang mga tag ay ginagamit upang magsagawa ng pagsala, pag-aayos at pagtingin sa mga nilalaman ng email sa isang sulyap.
Matuto ng higit pa tungkol sa mga tag.
Ang advance na software sa pamamahala ng email ay naglalaman ng mga tungkulin na kumikilos bilang mga tagapamahala ng gawain at nag-aabiso sa mga ahente tungkol sa mataas na prayoridad/kritikal na mga email na kailangan malutas. Sa pangkalahatan, ang mga email (tiket) na lumilitaw sa tagapamahala ng gawain ay matagal ng hindi natutugunan o nakatali sa mga SLA (mga kasunduan sa antas ng serbisyo).
Matuto ng higit pa tungkol sa Buton sa Paglutas.
Ang pribadong mga tala sa software sa pamamahala ng email ay nagbibigay-daan upang malaman ang iba pang impormasyon tungkol sa tukoy na email, kustomer o proseso ng resolusyon. Maaaring tingnan ng iyong mga kasamahan ang mga talang ito anumang oras habang nilulutas nila ang partikular na mail/tanong. Kung nais mo, maaari mo ring gamitin ang mga pribadong tala bilang mga paalala.
Matuto ng higit pa tungkol sa mga tala.
Ang mga naka-can na tugon ay isang pang mahusay na tampok na bahagi ng software sa pamamahala ng email. Pinapayagan ka nitong lumikha ng mga paunang natukoy na sagot sa madalas na katanungan ng iyong mga kustomer. Kapag nakatanggap ka ng email na nangangailangan ng pangkalahatang tugon sa nasabing katanungan, makakatipid ka ng oras sa pamamagitan ng pagpindot lamang sa buton ng naka-can na tugon at piliin ang sagot na nais mo.
Matuto ng higit pa tungkol sa mga naka-can na tugon.
Ang mga kasangkapan sa pamamahala ng email tulad ng LiveAgent ay nag-aalok ng paghahati at pagsasama ng tiket. Ang tampok na ito ay natatangi at maaaring magpahusay sa mga oras ng resolusyon at kahusayan ng ahente. Halimbawa, kung ang papasok na email ay nagtataas ng maraming isyu at kailangang malutas ng maraming departamento (tulad ng pagbebenta at IT) ang mail ay maaaring hatiin sa dalawa upang matiyak na mabilis ang resolusyon sa problema.
Bilang kahalili, kung ang kliyente ay magpapadala sa iyo ng maraming email tungkol sa parehong isyu, ang mga email ay maaaring pagsamahin sa isang thread ng email.
Matuto ng higit pa tungkol sa paghahati sa mga tiket at pagsasama ng tiket.
Karamihan sa software sa pamamahala ng email ay nag-aalok ng mga integrasyon sa third party upang matiyak ang perpektong daloy ng trabaho. Ang mga integrasyon ay maaaring gawin sa pagproseso ng bayad, sistemang namamahala sa ugnayang kustomer, mga app sa social media at marami pa.
Ang pagkakaroon ng mga integrasyong ito ay nagsisiguro na ang mga ahente ay hindi kailangang mag-log in sa mga third-party na app at maglagay ng tala sa dalawang sistema.
Tingnan lahat ng mga integrasyon.
Ang limitadong imbakan ng email ay bagay na kalaban nating lahat araw-araw, tama? Hindi kung gumagamit ka ng software sa pamamahala! Ang mga kasangkapan tulad ng LiveAgent ay nag-aalok ng walang limitasyong kasaysayan ng email. Hindi mo na tatanggalin ang anumang mga email kung hindi mo nais, at hindi magkakaroon ng anumang ipinataw na mga limitasyon sa imbakan ng dokumento. Maaari kang mag-imbak ng walang limitasyong dami ng mga panloob na dokumento, gabay at pinakamahusay na kasanayan sa mismong software.
Matuto ng higit pa tungkol sa pamamahala ng panloob na kaalaman.
Try LiveAgent
Stand out from your competitors with a strong customer service culture
Kumbinsido na ang software sa pamamahala ng email ay ang tamang solusyon para sa iyo at iyong negosyo? Mahusay, basahin upang malaman kung paano pumili ng tamang kasangkapan sa pamamahala ng email.
Ang unang hakbang patungo sa paghahanap ng tamang software sa pagsubaybay ng email ay ang pagsulat ng iyong mga pangangailangan at isaalang-alang ang iyong budyet, dahil ang bawat provider ng serbisyong email ay nag-aalok ng iba’t-ibang saklaw ng mga tampok. Nais mo ba ng kasangkapang na simpleng ginagamit para sa pamamahala ng mga email? Nais mo din ba ng kasangkapan na mag-streamline ng iba pang mga mensahe sa iyong inbox? Anong mga karagdagang tampok ang kailangan mo? Ito ba ay nasusukat na serbisyong email?
Kapag nagawa mo na ang listahan ng iyong mga kinakailangan, oras na upang magsagawa ng ilang pagsasaliksik. Inirerekumenda namin na tingnan ang bawat provider ng mga serbisyo:
Mga portal sa pagsusuri ng produkto (tulad ng G2, Capterra, SoftwareAdvice, TrustRadius, GetApp)
Kapag nasuri mo na ang bawat software, at napili kung alin ang nais mong subukan, oras na upang lumikha ng libreng pagsubok.
Ang LiveAgent ay pinagsama ang mahusay na live chat, ticketing at automation na hinahayaan tayong makapagbigay ng pambihirang suporta sa aming mga kustomer.
Matapos mong piliin ang iyong mga nangungunang pagpipilian, oras na upang lumikha ng libreng pagsubok. Inirerekumenda namin na subukan mo ang lahat ng mga pangunahing tampok aat maging pamilyar sa mga ito hangga’t maaari. Subukang:
Habang sinisubukan ang lahat, gumawa ng mga tala kung ano ang iyong gusto at kung ano ang hindi mo gusto. Mabilis mong makikita kung aling plataporma ng email ang mas naaayon sa iyong mga pangangailangan. Kung ang iyong libreng pagsubok ay mabilis na natapos at nais mo ng karagdagang oras para subukan ang lahat ng mga tampok, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa suportang kustomer.
Karamihan sa mga vendor ng software ng pamamahala ng email ay magiging mas masaya sa pagpapahaba ng iyong pagsubok ng ilang linggo.
May offer kaming concierge migration na serbisyo mula sa isa sa pinaka-popular na help desk solution.
Kung hindi ka makapagdesisyon sa pagitan ng dalawang software sa pamamahala ng email, magbook ng demo at makipag-usap sa pangkat ng pagbebenta. Magpakita ng listahan ng kung ano ang nais mong makamit, magtanong at gumawa ng mga tala ng serbisyong iyong natatanggap.
Sa pangkalahatan, ang pag-uugali ng tagapamahala sa pagbebenta ay maaaring maging magandang indikasyon kung paano ka tratuhin ng vendor ng mga pangkat ng suportang kustomer kapag ikaw ay nagbabayad na kustomer. Kung pakiramdam mo may kaalaman sila tungkol sa produkto at handang tumulong anumang oras, makakasiguro ka na tama ang gagawin mong desisyon.
Gayunnpaman, kung pakiramdam mo na hindi nila kayang sagutin ang iyong mga katanungan at hindi tunay na interesado sa iyong tagumpay, dapat kang pumili ng ibang software sa pamamahala ng email.
Ito ay katanungang mahirap sagutin. Karamihan sa software sa pamamahala ng email ay nakabatay sa subscription, kaya maaari mong asahan na magbayad ng buwanang hulog. Gayunpaman, ang bawat software sa pamamahala ng email ay magkakaiba ng inaalok batay sa mga tampok, integrasyon at mga upuan ng ahente nito.
Sa pagtingin sa mga pinagkakatiwalaang site sa pagsusuri ng software maaari naming sabihin na ang normal na saklaw ng presyo ay mula sa $15 – $39 bawat ahente sa bawat buwan.
Kung ang saklaw ng presyong ito ay masyadong mataas para sa iyo, isaalang-alang ang libreng kasangkapan sa pamamahala ng email.
Bagaman laganap ang mga libreng kasangkapan sa pamamahala ng email, mas limitado ang mga ito batay sa mga tampok.
Hindi sa pagmamayabang, ngunit ang LiveAgent ay nag-aalok ng magandang plano sa libreng pamamahala ng email na nag-aalok pa rin ng malaking arsenal ng mga libreng tampok. Halimbawa ang LiveAgent ay nag-aalok ng libreng:
Discover the top 20 ticketing software of 2024 with comprehensive price comparisons. Experience seamless customer care across all channels with LiveAgent's intuitive ticketing system, offering 24/7 support and no setup fees. Start a free trial without a credit card and empower your support team with advanced tools and features. Elevate customer satisfaction with faster support, live chat, and more. Explore how LiveAgent can transform your customer service experience today!
Panatilihin itong malinaw sa software sa pakikipag-ugnayan sa kustomer
Alamin kung paano makakapagbigay ng isinapersonal at walang patid na suporta gamit ang LiveAgent, ang pinakamahusay na software sa pakikipag-ugnayan sa kustomer para sa 2024. Walang bayad sa pag-setup, serbisyong kustomer 24/7, at libreng trial na walang kailangan na credit card. Maging isa sa mga kumpanyang gumagamit ng multi-channel na suporta at makuha ang mga benepisyo ng isang virtual na call center, live chat, at social media integration. Simulan ang iyong libreng pagsubok ngayon at pahusayin ang karanasan ng iyong kustomer!
Magbigay ng mahusay na customer service.
Discover LiveAgent, the all-in-one help desk software that enhances customer service with 24/7 support and no setup fees. Easily manage tickets across multiple channels, boost revenue with fast live chat, and improve issue resolution through advanced call center features. Start a free trial without the need for a credit card and experience seamless customer communication today!
ICloud integration with LiveAgent streamlines your email communication and customer support by organizing data across Apple devices. Enjoy seamless ticketing with advanced features, a simple integration process, and multi-channel support including live chat, call centers, and social media. Start your free trial and elevate your customer service experience today!
Join our community of happy clients and provide excellent customer support with LiveAgent.
Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.
Answer more tickets with our all-in-one help desk software. Try LiveAgent for 30 days with no credit card required.
Hello, I’m Andrej. We’re thrilled to invite you to an exclusive software demo where we’ll showcase our product and how it can transform your customer care. Learn how to achieve your business goals with LiveAgent or feel free to explore the best help desk software by yourself with no fee or credit card requirement.
Andrej Saxon | LiveAgent support team