FrëschKëscht
  • Mga use case scenario
  • FrëschKëscht

FrëschKëscht

Ang FrëschKëscht ay nagsimula bilang proyekto sa paaralan at ngayon ay naging tunay na kumpanya salamat sa tagumpay na mayroon kami bilang mini-kumpanya. Ang FrëschKëscht, na nangangahulugang “FreshBox” sa Ingles, ay nagbibigay ng ekslusibong lokal at napapanahong mga produktong pagkain sa Luxembourg na naka kahon at nag-iiba lingo-lingo.

“Walang tagumpay kung walang mahusay na serbisyong kustomer.”

Sinimulang gamitin ng FrëschKëscht ang LiveAgent noong huling bahagi ng 2020. Bago iyon, gumamit kami ng normal na mailbox ng email kung saan higit 100 email ang dumarating araw-araw. Napakahirap magtrabaho sa mailbox bilang pangkat dahil wala pangkalahatang ideya sa lahat, walang email na maitatalaga, atbp. Nais naming bigyan ang aming mga kustomer ng mahusay na serbisyong kustomer, na hindi namin magawa gamit ang normal na mailbox. Sa kadahilanang ito pinili namin ang LiveAgent at ipinagmamalaki namin ito.

Ano ang nagbago mula nang gamitin ang LiveAgent?

Maraming nagbago sa amin mula nang magsimula kaming gumamit ng LiveAgent. Ang aming panloob na organisasyon ay naging mas mahusay sa pamamagitan ng simpleng pagtatalaga ng mga email, pagdaragdag ng mga panloob na komento ng pangkat sa mga email at malinaw na pangkalahatang ideya kung sino ang kasalukuyang nagtatrabaho sa email. Ang LiveAgent ay nakakatipid sa amin ng maraming oras sa pagproseso ng aming pang-araw-araw na mga email. Salamat sa maraming mga tampok na inaalok ng LiveAgent, naproproseso namin ang mga tiket nang dalawang beses na mas mabilis at samakatuwid nabibigyan ang mga kustomer ng mas mabilis na sagot. Ang aming mga benta ay sadyang tumaas salamat sa pinahusay naming suportang kustomer, na posible salamat sa LiveAgent, bukod sa iba pang mga bagay.

Ano ang iniisip ng aming mga empleyado tungkol sa LiveAgent?

Ang pagkakaroon ng aplikasyong help desk ay magaling, makabago at kapaki-pakinabang na kasangkapan, ngunit ang mga empleyado ay kailangang magamit ito at masiyahan. Ang aming mga ahente sa FrëschKëscht ay gustong-gustong magtrabaho kasama ang LiveAgent. Sa ngayon hindi kami nakatanggap kahit isang negatibong komento tungkol sa software. Ito ang software na napakadaling matutunan kumpara sa maraming iba pang software ng help desk. Sa aming opinyon, ito ay napaka importanteng punto na ang mga ahente, na nagtatrabaho kasama nito, ay dapat na nasiyahan paglaon. Araw-araw, ang aming mga empleyado ay masayang iproseso ang mga email gamit ang LiveAgent sa halip na harapin ang karaniwang walang estraktura at matagal na mailbox.

Gilles HEINESCH- Co-Founder @FrëschKëscht

Tingnan ang natitirang mga kwento

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

Start Free Trial x