Atomer
  • Mga use case scenario
  • Atomer

Atomer

Nagbibigay ang Atomer sa mga customer ng posibilidad na umupa ng isang kumpletong web-based system kung saan madali silang makabuo ng mga online store o mga website. Naniniwala ang koponan na ang sistema na may mataas na uri ay hindi maaaring buuin nang walang de-kalidad na technical support. Matapos nilang subukin ang maraming klase ng help desk software at ticketing system, napagpasyahan nila na ang Live Agent ang tanging naangkop sa kanilang mga pangangailangan.

Wika ni Martin Drugaj mula sa Atomer: Tinutulungan kami ng LiveAgent na matugunan ang mga kahilingan ng mga customer sa araw- araw. Ang desisyon na gamitin ang help desk software na ito ay naging tamang pasya at ang 95% na kasiyahan ng customer ay isang patunay.

Pagtatrabaho gamit ang LiveAgent

Dagdag ni Martin: “Madaling nasanay sa LiveAgent ang aming mga empleyado. Ang LiveAgent ay madaling maunawaan at gamitin. Tinutulungan namin ang aming mga customer na malutas ang kanilang mga kahilingan araw-araw at talagang natutuwa kami na ang aming tool sa pagsasagawa nito ay ang LiveAgent. Nagdudulot ito ng perpektong transparency sa komunikasyon sa pagitan namin at ng customer. “

“Nagdudulot ito ng perpektong transparency sa komunikasyon sa pagitan namin at ng customer. “

Salamat sa live chat, na bahagi ng LiveAgent, madaling makipag-ugnay ang aming mga customer sa techical support sa real-time at makakuha agad ng mga sagot. Mayroon kaming humigit-kumulang na 380 na chat conversation sa isang buwan na sinasagot sa LiveAgent.

Ang All4net, ang kumpanya sa likod ng Atomer, ay nagsasagawa rin ng iba pang mga proyekto. “Salamat sa mga departamento sa LiveAgent, madali naming maitalaga muli ang mga ticket kung kinakailangan. Sa ganitong paraan, madaling tulungan ang isang kasamahan mula sa ibang departamento,” sabi ni Martin.

Ano ang palagay ng iyong mga kasamahan tungkol sa LiveAgent?

Pinupuri nila ang transparency at pagiging simple ng mga function tulad ng: live chat, mga departamento, pagpapaliban / muling pagtatalaga ng mga ticket at tala, na madalas nilang ginagamit.

“Ang kasiyahan ng customer ay mabilis na tumaas.”

Ing. Martin Drugaj – Chief Executive Officer @ Atomer

Tingnan ang natitirang mga kwento

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

Start Free Trial x