Ready2Order
Ang kuwento ng LiveAgent at ng kompanyang Ready2Order ay isang mahusay na proof of concept na resulta ng pakikipagtrabaho ng dalawang makabago at aktibong business sa isa’t isa (kami ang isa sa dalawang ito ☺). Nag-aalok ang Ready2Order ng ‘state of the art’ pero madaling gamiting cloud POS system para sa daan-daang kilala at malalaking kompanya tulad ng ORF, Die Presse, or Der brutkasten sa kanilang portfolio.
Sa larangan ng pagbebenta at operasyon ng pera, walang lugar dito ang kompromiso. Kinakailangang magkaroon ng nangungunang customer support sa larangang ito, at ikinatutuwa naming napili ng Ready2Order ang LiveAgent bilang kanilang pangunahing support platform.
Ang matagumpay na kompanyang Austrian ay gumamit ng LiveAgent noong unang quarter ng 2016. Mayroon silang 30 na highly skilled support agents sa kasalukuyan na nag-aasikaso sa higit 3,000 na business mula sa 5 bansa.
Tandaan na maaaring maging masyadong komplikado ang kanilang mga support case. Hindi na ito bago dahil tinutulungan ng Ready2Order ang mga kliyente nila na gumamit ng iba’t ibang uri ng pagbabayad at payment processors. Gayumpaman, kinaya ng magagaling na support staff ang paglutas sa higit 1,000 na email tickets kada buwan, na nagresulta sa kamangha-manghang 90% na customer satisfaction level — at lumalago pa ito! Dagdag pa rito ang 1,200 na tawag sa telepono kada buwan, kaya tingnan ang mas malawak na sakop ng kanilang effectivity/customer satisfaction ratio. Tunay na kahanga-hanga ito.
Tinanong namin ang Ready2Order kung ano-ano ang mga nagbago mula nang ginamit nila ang LiveAgent.
“Mas naging mainam ang aming kabuuang pananaw sa mga emails namin at nagkaroon kami ng central system sa pagkolekta ng lahat ng impormasyon. Mas epektibo na rin ang komunikasyon ngayon, ayon kay Christoph Schachner. Ang magandang kabuuan ng incoming at outgoing na mga email at ang pinahusay pang komunikasyon ng team ang tumutulong sa aming sagutin ang lahat ng queries sa loob ng 1-2 oras, lutasin nang mabilis ang mga problema, at maging magalang habang nakikipag-usap sa aming mga customer,” dagdag niya.
Kung ang gamit lamang ng Ready2Order ay pangkaraniwang email features o shared inbox, hindi nila mararating ang malaking tagumpay na ito sa pag-deliver ng mahusay na customer experience. Ang mga simpleng solusyon ay kadalasang epektibo. Kahit simple ang mga partikular na solusyong ito, puwede pa rin itong maging makapangyarihan.
Tunay na hulog ng langit ang mabuhay nang hindi nagpapadala ng emails dahil kinakailangan para lang sa allocation.
Ipinagmamalaki naming sabihin na nagbibigay ang LiveAgent ng napakahusay na kabuuang pagtingin sa pamamahala sa isang banda, pero napapanatiling masaya ang support staff habang ginagamit ang aming tool. Tinanong namin ang Ready2Order sa feedback ng agents nila. Ano ang kanilang masasabi? “Maganda itong tool at madali ring gamitin at intindihin.” Isang simpleng sagot na matatag ang mensahe. Ito ang karanasang nais naming makamtan nila noong ginagawa pa lang namin ang LiveAgent.
Paano naman ang ibang plano ng Ready2Order sa hinaharap?
“Layunin naming bigyan ng solusyon ang mga problema sa loob lamang ng 30 minuto. Tinulungan kami ng LiveAgent na mas mapabuti ang aming response time kaya may tiwala kaming mararating din namin ito.”
Mahal naming Ready2Order – Nawa’y makamtan ninyo ang lahat ng suwerte sa mundo at ipagpatuloy pa ninyo ang mabuting trabaho. Ikinatutuwa namin na ang solution namin ang siyang makatutulong sa inyong pag-akyat sa tagumpay. Malugod naming ikatutuwa ito.