Refresher
Lifestyle. Fashion. Technology. Music. Lahat ng trending at gusto ng mga millennial ay matatagpuan sa isa sa pinaka-sikat na website sa Slovakia. Sa sobrang tagumpay ng proyektong ito, umabot pa ito hanggang Czech Republic kamakailan. Tila lahat ng makakasalubong mo ay alam kung ano ang Refresher – isang flagship website – kung saan mo malalaman ang sagot sa “what’s up”. Bakit naman kaya nila kakailanganin ang isang help desk software?
Isipin mo na lang ang sitwasyong kinakailangan mong pangasiwaan ang buong staff ng editors na abala sa iba’t ibang gawain, mula sa pag-cover sa pinakabagong album ni Kanye West hanggang sa pagkalap ng 10 pinaka-interesanteng kaalaman tungkol kay Pablo Escobar hanggang sa kung ano ang pinakamagandang mga sneaker na nilabas noong 2016. Idagdag mo pa rito ang mga bagay tungkol sa marketing at design ng business at makikita mo na kung gaano kalaking gulo ang puwedeng mangyari sa inyong email client. Sa ganitong pagkakataon pumapasok ang LiveAgent dala ang marami nitong features para tulungan ang nangangailangan.
Nagdesisyon ang Refresher na gamitin ang LiveAgent noong unang bahagi ng 2015. Naghahanap sila noon ng solution na makatutulong sa pag-streamline ng lahat ng komunikasyon nila nang mas epektibo. Kung ihahambing sa dose-dosenang taong gumagamit ng iisang shared mailbox, naging hulog ng langit sa kanila ang LiveAgent. Nagawang bawasan ng Refresher team ang bilang ng kanilang support staff mula 14 hanggang sa 5 agents.
Mas magiging kahanga-hanga ang resultang ito kung titingnan ito sa kabuuang operasyon. Kaya na ng buong Refresher support team na sumagot at ayusin ang higit 1,700 na tickets kada buwan.
Bukod sa pagkakaroon ng mas mainam na komunikasyon sa kanilang editorial team, ginagamit din nila ang LiveAgent sa komunikasyon nila sa kanilang mga advertiser. Kaya na ng kanilang marketing department na sumagot kaagad sa mga ticket na nakikita pa ang kabuuang history ng kanilang komunikasyon sa bawat customer na mabubuksan sa isang click lang. Nagresulta ito sa napakalaking paglago ng kanilang revenue.
“Ang pinakagusto namin sa LiveAgent ay ang flexibility nito pagdating sa pagsagot sa mga ticket at sa mas pinagandang komunikasyon sa team namin.”
Ano ang nagbago mula nang gamitin ang LiveAgent?
Nakatulong sa team ng Refresher ang pagkakaroon ng tumatakbong automation rules para sa agad na paglipat ng tickets sa tamang tao nang walang dagdag na problema. Nakatutulong din sa kanila ang manual na pagbibigay ng tickets sa mga miyembro ng team. Tumutulong ang LiveAgent na piliin ang tunay na importanteng komunikasyon patungkol sa business ng Refresher mula sa mga community message. Nagagampanan ito sa paggamit ng malalakas na automation algorithms na tumatakbo sa background. Ang pagkakaroon ng paghihiwalay ng buzz na nagmumula sa komunidad sa Facebook at Twitter o email at ng mga importanteng revenue streams tulad ng advertisers ay ang susi sa pagkakaroon ng tuloy-tuloy na paglago.
Ano ngayon ang pinaka-benepisyo ng LiveAgent para sa inyong kompanya? “Magiging paulit-ulit lang ako, pero gusto ko talagang sabihin kung paano naging mas mabilis, mas flexible, at mas malinis na ang komunikasyon namin,” ayon kay Gabor Boros. “Nang tanungin ko ang mga agent namin kung ano ang pakiramdam nila sa paggamit ng LiveAgent, isang maikling sagot ang bigay nila: Cool!”