Slido
  • Mga use case scenario
  • Slido

Sli.do

Ang Sli.do ay isang web app na nagagamit ng mga tao para makapagtanong ng maiinit na tanong at makapagbigay na rin ng kanilang opinyon.

Kapag sumasali ang mga tao sa mga conference o meeting, natural lang na sila ay magtanong. Ang Sli.do ay isang web app na nagagamit nila para makapagtanong ng maiinit na tanong at makapagbigay na rin ng kanilang opinyon. Lumilikha ito sa presenter at kanyang audience ng magandang usapan. Kung may nais bumili at gumamit ng Sli.do, may idinadagdag kami bukod sa pagbigay ng app sa kanila. Makikipag-ugnayan ang aming Success Team sa kanila para turuan sila ng basics at sagutin ang kahit pinakasimpleng tanong nila.

Magandang tool ang LiveAgent para mas mainam naming magawa ito at real time pa. Mabilisan ang kaganapan sa mga event at meeting. Napakaraming nagbabago lagi, kaya nakatutulong ang live chat at phone calls para matutukan namin ang aming mga kliyente at emails sa isang banda habang sa kabilang banda ay natututukan namin ang mga mahahalagang usapan namin sa kanila. Nagagawa naming mag-flag ng email, gumawa ng tags para sa partikular na mga email, at magtakda ng iba’t ibang uunahing bagay.

Ang pinakamagandang bagay sa LiveAgent ay ang abilidad nitong pangasiwaan ang lahat ng bagay mula sa iisang lugar lang, mula sa tawag sa telepono, chat, o email. Pinadadali nito ang pakikipag-usap namin sa mga kliyente kahit sa oras na pinaka-busy kami sa isang araw. Kaya natutulungan kami ng LiveAgent na makipag-ugnayan nang mas mabilis sa aming kliyente, na nagdudulot ng maayos at matagumpay na takbo ng event nila. Ito ang dahilan kung bakit ang response time namin ay nalalapit na sa 30 minuto na lang.

Tingnan ang natitirang mga kwento

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

Start Free Trial x