Ticketing software demo
00:00/03:20
Nako-convert ng ticketing system ang customer requests bilang tickets na puwedeng ipamahagi sa customer support team. Mapapahusay nito nang di hamak ang ticket management dahil makaka-access ang help desk agents mula sa iisang lugar na lang para maayos ang customer queries nang mas mahusay.
LiveAgent product tour
00:00/02:24
Automatic na tina-track at tina-transform ng LiveAgent ticketing software ang lahat ng customer issues bilang ticket. Bawat papasok na uri ng communication ay nagiging ticket para mas madali itong pangasiwaan sa task management. Ang user interface ay adaptable at intuitive.
Paghusayin ang help desk capabilities ninyo gamit ang tamang ticketing solution. I-empower ang inyong customer support team gamit ang maraming uri ng tools at features. Tingnan kung ano ang makukuha ng help desk agents ninyo sa LiveAgent.
Mas pasayahin ang inyong mga customer at bigyan sila ng mas maraming pagpipilian sa komunikasyon, higit na kaginhawaan, at mas pinadali sa lahat ng bagay. Tingnan kung paano nakikinabang ang inyong mga customer kapag pinili ninyo ang LiveAgent ticketing software.
Ang LiveAgent ay isang IT ticketing software na pinagsasama ang maraming channels tulad ng emails, chats, calls, at social media para makapagbigay ng holistic customer service sa customers ninyo. Pero hindi lang iyon. Ang LiveAgent ay may offer na customer portal na may multi-knowledge base support, forums, at customer feedback at suggestions. Diskubrehin kung ano ang kakayahang maibibigay ng pinaka-advanced na helpdesk ticketing system sa inyong organisasyon.
All-in-one solution
Hybrid ticketing
Puwedeng manggaling ang incoming ticket mula sa anumang channel tuwing may customer na kokontak sa support. Inoorganisa na ng LiveAgent ang lahat ng communication para di na kayo maghanap pa nang matagal. Ilagay ang anumang customer demand sa iisang help desk ticket thread kahit galing pa ito sa email, live chat, o social media.
Team communication
Epektibong workflow
Gumamit ng canned responses para sumagot ng mga karaniwang tinatanong sa customer support tickets, at pababain ang agent response times. Mas mabilis maaayos ng help desk team ang mga karaniwang isyu, at makaka-focus sila sa mas komplikadong customer queries. Tutukan ang mas kailangan ng agarang atensiyon ninyo.
Knowledge management
Diskubrehin kung paano kayo matutulungan ng ticketing sa pangangasiwa ng customer requests, pagpapataas ng customer retention, o pagpapahusay ng kaligayahan ng customer
Pasiyahin ang customers
Pasiyahin ang customer ninyo gamit ang ticketing system na tutulong sa inyong magbigay ng mas mabilis at mas knowledgeable na mga sagot. Mag-offer ng convenience para sa inyong customers at sagutin sila sa ilan mang channels habang napapanatili ninyong organisado ang lahat.
80 %
ng consumers ang umaasa sa bilis at dali
Ang karamihan ng customers ay kinokonsidera ang bilis, maalam na pagtulong, dali, at pagiging friendly bilang mga importanteng elemento ng customer service.
Pataasin ang ROI
Nakaka-appreciate ang customers ng magandang customer service sa anumang business. Taasan ang kikitain ninyo dahil sa mas mabilis at maaasahang support habang pinabababa ang mga gastusin sa customer service department dahil sa isang dedicated na help desk ticketing system.
86 %
ang handang magbayad para sa magandang serbisyo
Bawasan ang gastusin ninyo habang tumataas pa ang kita ninyo. Handa lagi ang customers na magbayad nang dagdag para sa napakagandang customer service experience.
Magkaroon ng loyalty
Ang mga nagpapasalamat na customer ay laging nakaka-appreciate ng magandang serbisyo at knowledgeable na tulong ng customer support agents. Paghusayin ang customer service ninyo sa mga panahong mataas ang ticket volume at makapagtataguyod kayo ng malakas na customer loyalty sa magagandang interaksiyon.
73%
Mas mataas na satisfaction rates
Magbigay ng personalized conversations para paligayahin ang mga customer ninyo. Ang aming fully-featured na live chat software ay makatutulong sa inyong customer satisfaction, pati na sa magaling na agent experience.
Pagbutihin ang inyong customer service management sa abot-kayang halaga. Kunin ang tamang features sa pakikipag-ugnayan sa customer at makatipid ng pera sa inyong ticketing solution.
Mga testimonial
Walang kontrata, walang hidden fees–month-to-month billing lang. Fully transparent na pagpepresyo, masisingil lang kayo sa tunay na nagagamit kada buwan. Pumili ng tamang plan at magsimulang magbigay ng pinakamahusay na customer support.
Pinakapopular
Magbigay ng pinakamahusay na customer care at organisahin ang inquiries ninyo gamit ang ticketing
Ang presyo ng ticketing help desk software ay puwedeng umabot mula sa libre hanggang sa pinakamahal. Depende ito sa maraming factors. Dapat lagi ninyong ikonsidera ang ilang bagay bago kayo magdesisyong pumili ng isang system. Puwedeng mag-iba-iba ang presyo dahil sa features at quality, sa bilang ng custom integrations, sa popularidad ng napiling brand, ang gamit nito sa iba-ibang scenarios, scalability, at marami pang factors. May ilang pricing models na kailangang ikonsidera para masigurong sulit ang help desk system at babagay sa inyong business model.
Sa kada ticket na pricing models, babayaran lang kung ano ang kailangan. Bagay itong pricing model sa mga help desk na mababa ang bilang ng customer tickets. Ang pinakalamalaking negatibo lang rito ay baka mawalan ng motibasyon ang agents na mangasiwa ng support dahil katumbas ng bawat hinawakang ticket ang malaking kabayaran sa service provider.
Puwedeng kasama sa license pricing models ang license para sa isa or mas maraming user. Indefinite na magagamit ng lahat ng meron nito ang software basta nabayaran na ito. Ang bayad sa license ay puwedeng lump sum o subscription basis.
Gaya ng license pricing model, puwedeng magbayad ng lump sum o subscription fee para magamit ninyo ang ticketing software sa maraming gadget. Ang total na bayad ay mula sa pagpapatong-patong ng bawat gadget na ginamit sa help desk.
Ang agent-based model ang mas common at mas gusto dahil nagbibigay ito ng mainam na conditions. nakadepende ang presyo sa bilang ng software users. Puwede nilang gamitin ang software na kasama ang bawat bayad na feature nang walang limit na tinakda ng ticketing o runtime.
Maging pamilyar sa ticketing solutions at alamin ang software commitments. Kasama rito ang base pricing, software o hardware requirements, built-in features, integrations, suportadong customer communication channels, at kahit customer support para sa help desk users. Kapag nakuha na ninyo ang lahat ng vital information, makagagawa na kayo ng tamang desisyon sa kung anong software ang pinakamahusay para sa sitwasyon ninyo.
Ang pinaka-common na isyu sa pagpili ng pinakamahusay na ticketing software para sa business ninyo ay ang presyo. Ang mga presyo ng ticketing software ay nakadepende sa ilang factors tulad ng basic features, integrations, reliability, at marami pa. Siguraduhing ikokonsidera ninyo ang lahat ng options na ito at magkumpara ng pricing tiers nang masigurong tama ang makukuha ninyong software nang hindi magbabayad nang sobra.
Anumang help desk software ay dapat nakapagbibigay ng mahusay na support para sa users nila. Kaya kinakailangan ang user-friendly self-service options at direct contact options. Makokontak ng LiveAgent customers ang aming 24/7 support line gamit ang email, live chat, o phone anumang oras. Makakapag-browse rin kayo ng aming external knowledge customer base para sa self-service options.
Magbigay ng napakagaling na customer service gamit ang tools na tutulong sa inyong maasikaso ang bawat importanteng customer channel. Halimbawa, bigyan ang customers ninyo ng options na makontak kayo sa email, live chat, calls, o kahit sa social media. Sa dagdag na customer portal at external knowledge base, makasisiguro kayong mahahanap ng customers ang gusto nilang option.
Nakakalula na ba ang dami ng incoming requests ninyo? Tutulong ang bawat magandang ticketing software sa pag-scale up kung kinakailangan at tutulungan kayong makapagpasok pa ng mas maraming customer support agents. Puwede ring maganap ang kabaligtaran nito. Maluwag kayong makakapag-downgrade kung tingin ninyo ay sobra kayong nagbabayad para sa features na di naman ninyo ginagamit.
Dapat nasa customer support team ang lahat ng kailangan nila sa pagbibigay ng support. Ang pagkakaroon ng limitasyon ng software ay di naman talagang masamang bagay, lalo na para sa help desks na di kailangan ang bawat tool at feature na ino-offer ng software. Isipin ang lahat ng kakailangin ninyo at pumili ng pinakamagandang option sa nararapat na presyo
Dapat magtrabaho bilang iisang unit ang customer service reps. Pakinabangan ang help desk collaboration tools, mag-share ng customer profiles, at madaling makakapagtulungan sa customer issues. Kahit sino ay puwedeng tumulong. Tutulungan kayo ng LiveAgent gamit ang notes, tags, contact information, at pag-split ng customer tickets kung kailangan.
Noong 2006, sinimulan ang LiveAgent ng founders dahil hindi sila makahanap ng magaling na customer support tool na merong live chat; gumawa na lang sila ng sarili nila. Noong 2011, nag-expand ang software features at meron nang kasamang help desk ticketing system. Ngayon, ang LiveAgent ay may higit nang 45 ticketing features at higit sa 200 integrations, pati support ng third-party integrations, at madali itong gamitin at ma-setup. Pinapahusay ng help desk ticketing features ang productivity habang tinataasan ang customer retention at conversions. May kasamang optional mobile app sa anumang plan. Puwede rin kayong makipag-usap para makapag-setup ng custom integrations.
Ang LiveAgent ay scalable na option na may matataga na level ng customization at options para sa integration sa iisang platform. Sa napakarami nitong features at mahihigpit na integration, customizable ito para bumagay sa pangangailangan ng maliliit o malalaking kompanya sa maraming industriya.
Matatag na option ang LiveAgent para sa may mababang budget dahil rasonable ang presyo nito, kahit sa pinakamataas na tier. Pero hindi nito suportado ang SAML single sign-on para sa mga enterprise na may daan-daang empleyado.
Nag-launch sila ng help desk ticketing system noong 2016 na naka-integrate sa maraming apps na na-develop ng Zoho. Ang total, kasama ang dami ng kanilang apps sa bawat level ng business na nagda-drop pa rin kada ilang buwan, ay umabot na sa higit 60 milyong users. Meron din silang cloud-based software na komprehensibo at rasonable ang presyo.
Ang Zoho Desk ay scalable system mula isang empleyad hanggang sa daan-daan. Ang users ng Zoho ay merong dagdag na library ng mga produkto ng Zoho na nakaka-integrate sa Zoho Desk.
Rasonable man ang presyo, ang pagdagdag ng light agent ay dagdag na $6 kada buwan (at 50 libreng light agent sa pinakamataas na tier). Ang light agents ay may limitasyon sa help desk privileges dahil hindi sila bahagi ng customer support team pero puwede silang sumuporta ng customer service interactions. Wala rin itong SAML single sign-on, at ang customer relationship management (CRM) integration nito ay sa ibang produktong hindi sa Zoho. Isa sa pangunahing features kaya ito bukod-tangi ay ang AI Zia, na isang powerful na dagdag sa support staff pero available lang sa pinakamataas na tier. Pero meron namang dagdag na benepisyong binawasan ang presyo kung annual ang billing.
Alamin ang alternatibo sa Zoho Desk.
Ang HappyFox ay mabilis ma-setup na web-based help desk at may offer na matinding customization options, administration governance, at security features na mapapakinabangan ng malalaking business. Madali pa itong gamitin at may offer na maraming features kung saan puwede ang customer self-service para gumaang ang workload ng agents ninyo.
Dahil walang libreng option at ang presyo nila ay nagsisimula sa $29 bawat agent kada buwan, hindi ito madaling mabenta sa mga maliliit ang budget. Ang kagandahan nito ay may offer silang unli agent service pero limitado ang ticket kada taon sa mas mahihirap na operations. Nagbibigay ang kompanya ng single sign-on at tools para matutukan ang governance at security para sa mga malalaking business.
May requirement na 5 agent para sa lahat ng plans, pero mahirap matantiya kung ito ay maganda o masama nang hindi inaalam ang pricing structure.
Ang mga presyo ay hindi agad available pero may offer silang apat na tier ng agent-based pricing na nagsisimula sa $29/agent/buwan. Meron ding apat na tier ng unli agents na may ticket at custom field limits. Ang mga limitasyon ay nagsisimula sa 10,000 tickets kada taon at sampung custom fields, at ang pinakamataas na tier ay may 250,000 tickets kada taon at 200 custom fields.
Mag-evaluate ng alternatibo sa HappyFox.
Pinagkakatiwalaan ng higit 12,000 business sa 140 bansa, ang Help Scout ay isang customer support platform na ginawa para sa lumalagong mga business. Dahil sa focus ng Help Scout sa customers, pinadadali rin nito ang collaboration sa pagitan ng team members, isang bagay na naitaguyod nila sa loob ng sampung taong karanasan.
Ang Help Scout ay dinisenyo para lumago kasabay ng inyong business at sinusuportahan ang lahat ng laki ng business. Ang pinakamababang mga tier ay nagsisimula sa isang malawak na hanay ng features. Kasama sa service ang mas advanced security tulad ng HIPAA-compliant features at single sign-on capabilities sa gitna at pinakamataas na plans.
May offer silang 15-araw na trial ng kanilang dalawang mababang tier, pero ang pinakamataas na tier, habang ipinapakita nito ang matatag na features na hinahanap ng anumang enterprise, ay walang nakalistang presyo. Ang Help Scout ay isang option na hinahayaan ang mga kompanyang mag-upgrade ng kanilang plan habang lumalaki ang kanilang kompanya. Wala itong offer na libreng version.
Silipin ang alternatibo sa Help Scout.
Hindi man kasingkilala ng ibang help desk ticketing systems sa listahang ito, ang KB Support ay nakatutok sa pagiging pinakamahusay na support tool plugin para sa WordPress at eCommerce websites.
Ang produktong ito ay nakatuon sa mga nagsisimulang business sa web na may plugins para sa WordPress at eCommerce integration.
Habang mababa ang taunang billing cost ng KB Support, may requirement itong isang taong commitment pagkatapos bayaran. May option silang bumili ng partikular na plugins na kasama sa bawat tier ng plan para makapagdesisyon kayo kung ano ang kailangan at hindi kailangan, pero ang bundles ay may malaking discount. Maliban sa presyo, ang kahinaan nito ay wala itong smart assigning technology; random lang ang pag-assign o batay sa active tickets bawat user.
Para sa isang site na taunang binabayaran (ang presyo ay tumataas bawat site hanggang sa unli plan):
Isa sa pinakakilalang help desk ticketing systems, ang Zendesk ay maraming options na nagsisimula sa €19 bawat agent kada buwan na may basic features, at ang kanilang enterprise-ready plan ay nagsisimula sa €99 bawat agent kada buwan. Ang higher-end service na ito ay pinagkakatiwalaan ng mga kompanya tulad ng Uber at Netflix, dagdag pa ang higit 160,000 kompanya sa buong mundo.
Ang Zendesk ay may offer na plans para sa bawat laki ng business at may libreng trial para sa bawat level.
Ang features ng Zendesk ay malawak at may plans para sa maliit na business hanggang sa corporation level. Binabayaran nang taunan o buwanan, walang commitment sa Zendesk sa labas ng terms na iyon (walang refund para sa cancellation o downgrading).
Mag-review ng Zendesk alternatives.
Habang marami silang offer na help desk options mula customer service hanggang IT support, ang Vision Helpdesk ay isang help desk ticketing system na naka-focus sa inyong mga empleyado at may collaboration at gamification features na naghihikayat ng positibong work environment. Gayunpaman, hindi pa rin nawawala ang kanilang focus sa customer, na may offer pang multi-channel approach para sa customers na makipag-interact sa support.
Ang system na ito ay gagawa ng isang centralized help desk para sa inyong business na may customizable workflows. Bagama’t ang presyo nito ay makatwiran, wala itong malawak na hanay ng features na kailangan ng ilang malalaking enterprise.
Habang available ang Vision Helpdesk sa parehong SaaS cloud at downloadable licenses, ang SaaS cloud license ay available lang sa US, UK, EU, at India. Gayunpaman, meron silang 30-araw na no-obligation software na libreng trial.
Ang system na ito ay mas nakatuon sa billable customer service hours kaysa sa general customer service, at ang live chat function ay hiwalay na mabibili.
Alamin ang alternatibo sa Vision Helpdesk.
Tulad ng iba sa listahang ito, ang HubSpot Service Hub ay naka-setup para lumago kasabay ninyo. Kilala silang pangalan dahil may offer silang maraming iba pang produkto. Puwede kayong magsimula sa isang libreng plan mula sa isang pinagkakatiwalaang pangalan sa internet, at magagamit ang flexible support at madaling onboarding para mas mabuting maintindihan ang inyong customer.
Ang HubSpot Service Hub system ay isang option na lalago kasabay ng inyong business na may parehong libre at bayad na version, depende sa kailangan ng inyong kompanya. Ang mas matataas na tier ay may offer na mahahalagang features para sa isang malaking business habang lumalago ito.
May offer silang libreng version na maraming mahahalagang features na kailangan ninyo para magsimula. Gayunpaman, ang ticket automation ay nagsisimula lang sa $50 kada buwan na plan, kasama ang dalawang agent at ang kakayahang magdagdag ng users nang $25 bawat isa sa starting level. Sa pinakamataas na level, ito ay isang taunang commitment.
Mag-evaluate ng alternatibo sa Hubspot.
Ibinibenta bilang help desk solution na gumagawa ng mas personal na karanasan para sa customers, tinatangagal ng Front ang ticket numbers para bigyan ang customer ng personal na sagot. Madali ito at intuitive, at ang automation ay patuloy na nagta-track ng ina-assign na inquiries sa tamang support team member.
Ang Front ay isang highly scalable system na may hanggang sampung teammate sa mababang tier, 50 sa ikalawa, at unli sa pinakamataas.
Walang ticketing system pero gumagana ito sa pag-aayos ng support sa shared inboxes at pag-assign sa kanila gamit ang automatic load balancing. Habang ang ticketing system ay hindi ginagawang automatic ang assignments, puwede kayong gumawa ng rules na siyang gagawa nito (ang custom rules ay available lang sa $49 level).
Meron din isang taong commitment.
Silipin ang alternatibo sa Front.
Ang system na ito ay isang abot-kayang option para sa maliit at medium na laki na mga business na gustong gawing madali ang karanasan ng paggamit ng isang help desk system. May offer itong customization options at integration sa third-party app.
Habang mataas ang halaga ng AzureDesk, ang katotohanang iisa lang ang plan nilang walang enterprise-level features ay naglilimita sa usability nito para sa maliit at medium na laki na mga business.
Meron itong 14-araw na libreng trial; gayunpaman, isang plan option lang ang available. Maraming features ang plan pero limitado ang saklaw ng scalability. Walang advanced features para sa mga enterprise tulad ng security o governance.
Ang SupportBee ay isang help desk ticketing system na target bumuo ng isang collaborative work environment para ang customer support team members ay makapag-assist sa isa’t isa para maresolba ang mga isyu ng customer. Sa pamamagitan ng shared inbox na madaling i-set up at mobile-optimized, ang SupportBee ay isang flexible na team-based system.
May offer ang system na ito ng lahat ng basics na kailangan para magsimula ng isang customer service team. Gayunpaman, hindi nito ibinibigay ang support na kailangan ng mga mas malalaking business.
Bagama’t sobrang abot-kaya, ang features at functionality ng SupportBee ay hindi kasinglawak o komprehensibo tulad ng offer ng ibang kompanya sa parehong presyo. Gayundin, ang customer portal software ay available lang sa mas mataas na tier. Pero sa kabuuan, ito ay isang pinadaling ticketing system na gagana nang maayos sa mas maliliit na kompanya.
Mag-review ng alternatibo sa SupportBee.
Pinagkakatiwalaan ng higit 40,000 business tulad ng HP, Pearson, at American Express, ang Freshdesk ay isang all-in-one customer service platform. Sa scalable platform ng Freshdesk, native multi-channel support, at collaboration features, ang inyong business ay puwedeng mag-streamline ng trabaho at malampasan ang customer expectations.
Ang system na ito ay ginawa para makapag-scale sa abot-kayang options sa iba-ibang kalagayan ng mga business.
May libreng version itong may basics na kailangan ng kompanya para magsimula. Pagkatapos nito, ang bawat level ay nadadagdagan ng features na kailangan ninyo habang lumalago kayo. Gayunpaman, ang skill-based routing ay magsisimula lang sa pinakamataas na tier.
Alamin ang alternatibo sa Freshdesk.
Bilang isang support plugin para sa WordPress, ang Awesome Support ay simple lang, madaling i-setup, at maraming ad-ons na kasama sa bawat bundle level. May offer silang “most awesome” help desk at support plugin para sa WordPress, na may higit 10,000 active installs.
Habang may malalaking WordPress-based sites tulad ng Microsoft news at BBC America, ito ay pinakamaganda para sa mas maliliit na kompanya dahil kailangan nito ng mas maraming security at management features para maging mas kapaki-pakinabang sa mas mataas na level. Gayunpaman, kahit hindi ito kailangan para sa mas malaking kompanya, ang unli agents ay malaking bentahe.
Kahit may offer silang unli agents at unli tickets, kailangan ninyong mag-commit na gamitin ang produkto nang isang taon. Ang maganda rito ay ang bawat tier ay sobrang abot-kaya para sa kahit anong business level pero wala silang option na kailangan ng isang malaking business.
Pinagkakatiwalaan ng Fujifilm, Comcast, at NBA, ang TeamSupport ay isang web-based business-to-business na customer support. Meron itong omnichannel support na nagpapadali sa collaboration, at kaya nitong ma-streamline ang customer support tickets sa pag-integrate sa software na nasa tool kit na ninyo.
Ang support service ng system na ito ay maraming offer, pero mataas ang starting cost ng bawat agent kada buwan. Ibig sabihin, hindi ito abot-kaya ng ilang mas maliliit na kompanya.
Maraming features ang nakatutok sa B2B customer service at IT support. Ang di maganda ay ang halaga ng pinakamababang tier na $49 bawat agent kada buwan; medyo mahal kumpara sa ilang ibang help desk ticketing systems na may kaparehong features at mas mababang presyo.
Mag-evaluate ng alternatibo sa TeamSupport.
Ang Freshservice ay isang cloud-based IT service management solution. Gaya ng help desk counterpart nito, madali itong gamitin at all-inclusive ang system na may seryosong hanay ng features.
Ang scalability ng platform na ito ay nagbibigay ng kakayahang gumana para sa kahit anong laki ng business habang lumalago sila.
May offer itong 21-araw na libreng trial period na activated ang lahat ng features. Hinihikayat nila ang collaboration sa kanilang features. Nagbibigay sila ng security features na nagpoprotekta sa data sa cloud na may access management at encryption para sa data-in-transit. Sa kasamaang-palad, wala itong libreng version.
Higit 100,000 organisayon tulad ng Disney at Honda ang nagtitiwala sa ManageEngine para i-manage ang kanilang IT. Ang kanilang Service Desk Plus system ay isang cloud-based IT solution na nagpapasaya sa parehong IT professionals at customers sa mahigit sampung taon.
Kahit na may malawak na features ang ManageEngine Service Desk Plus, mahirap itong irekomenda sa partikular na laki ng mga business kung hindi alam ang detalye ng presyo. Ang pricing plans ay mukhang scalable sa bawat level ng business. Nakikipagtulungan din sila sa Zoho para magamit ang kanilang Zia AI assistant bilang potential na first contact point para sa customers.
Wala itong libreng version. May trial period na 30 araw sa bawat service desk instance, available pati demo.
Ito ay isang all-inclusive IT service na may powerful features para mapabuti ang serbisyo ng inyong organisasyon, kasama ang asset at problem management.
Higit 131,000 agents ang nagbibigay ng support gamit ang Kayako, mula Sega hanggang MTV at pati Acer. Ang system ay ginawa para maging personal at straightforward. Mabilis itong ma-implement. Madaling gamitin at may kakaibang features tulad ng SingleView, na kanilang ini-implement para maging personal ang journey para sa mahalagang customer.
Ito ay isang system na puwedeng magamit ng lahat ng level ng business dahil sa features na hinahayaan kayong mas maintindihan ang inyong customer base, na siyang katangian lang ng Kayako. Sobrang abot-kaya rin nito sa kahit anong level ng business, simula sa $12.50 bawat agent kada buwan.
Ang SingleView system, na tina-track ang customer journey sa inyong site, ay hinahayaan ang inyong agents na makapagbigay ng customer service sa konteksto ng inyong customer experience. Ang omnichannel inbox at SingleView ay available sa pinakamababang tier ng pricing plans.
Walang libreng version pero may 14-araw na libreng trial at isang demo. Sa kasamaang-palad, wala itong single sign-on feature.
Silipin ang alternatibo sa Kayako.
Ang SolarWinds ay isang modernong IT service management (ITSM) solution na kasama ang lahat ng features ng isang help desk ticketing service, na siyang katangian ng system na ito.
Ang system na ito ay may pricing structures para sa bawat business level at madali itong mag-scale habang lumalago kayo.
May 30-araw na libreng trial. Puwedeng mag-request ng demo. Makatwirang presyo. Ang system na ito ay may automation tools na nakatutulong na ilagay ang tamang ticket sa kamay ng tamang team member. Gayunpaman, wala itong libreng version.
Mag-review ng alternatibo sa SolarWinds.
Sa paggamit ng kanilang software ng Adobe at Microsoft, ang JitBit helpdesk ay isang SaaS cloud-based service na may single sign-on at GDPR at HIPAA compliance. Sa automation rules, ang JitBit ay nakatutulong na ayusin ang inyong tickets at makakatipid ng oras ang inyong agents.
Sa scalability at security ng system na ito, puwede kayong lumawak at makuha ang mga serbisyong kailangan ninyo habang lumalago ang inyong kompanya.
Ang 21-araw na libreng trial ay puwedeng pahabain pa kung kailangan. Tumatagal lang ng ilang segundo ang paggawa ng site para magamit at ma-test ninyo. May consistent itong presyo kada buwan pero nililimitahan ang bilang ng agents sa bawat tier maliban sa pinakamataas.
Ang “Powered by JitBit” ay hindi nakatago puwera lang sa pinakamataas na tier. Walang libreng version.
Tulad ng Zoho, ang Jira ay bahagi ng network ng applications. Ibig sabihin, puwede itong ma-integrate sa lahat ng applications sa ilalim ng network na iyon. Ang produktong Jira sa industriyang ito ay ginawa para sa bilis para makatulong kayong sagutin ang mga tanong nang mas mabilis at mapataas ang customer satisfaction. Ang ilan lang sa gumagamit ng kanilang service ay ang Domino, Square, at Twitter.
Gumagana nang mahusay ang system na ito para sa lahat ng levels ng business, may offer na libreng option at abot-kayang levels na puwedeng ma-scale up sa enterprise. Ang bawat level ay nagbibigay ng encryption habang naka-rest at in-transit.
May libreng version na maraming features, at ang mga interesadong kompanya ay puwedeng mag-book ng isang live demo.
Gayunpaman, ang halaga ng enterprise ay naka-lock sa likod ng isang contact form.
Mag-evaluate ng alternatibo sa Jira.
Ang trial version ay laging kapaki-pakinabang kapag namimili ng help desk ticketing systems. Bago kayo mag-commit sa isang service, dapat maranasan ninyo kung paano ito gagamitin araw-araw. Ang service ay puwedeng meron lahat ng features na hinahanap ninyo pero hindi pa rin angkop sa inyo. Minsan, ang pakiramdam ng isang system ay hindi tama, at kailangan ninyong subukan muna para makita. Para itong isang pares ng maong na maganda sa mannequin pero hindi sukat para sa inyo.
Totoo rin ito sa kahit sinong customer ninyo. Pinili nila ang inyong brand dahil ito ay gumagana para sa kanila. Kaya dapat ninyong subukan ito bago bilhin.
Sa ngayon, ang LiveAgent ay may 14-araw na trial na available ang kanilang all-inclusive plan na walang credit card na kailangan. Aabutin lang ng ilang minuto para mag-signup at masimulan ang inyong test drive.
Puwera na lang kung gusto ninyong mag-focus sa canned messages lang, dapat ang staff ninyo ay trained sa parehong basics at advanced na bahagi ng ticketing at customer support. Kaya naman madaling aralin para sa lahat ang ticketing software, kahit sa mga komplikadong eksena, at tulungan ang agents ninyong matutunan kung paano gumamit ng fully-featured na help desk software. May offer ang LiveAgent system na masinop na start-up guide na ituturo kung paano mag-set up ng lahat para makapagsimula. Ang Academy ay maraming articles na sakop ang buong spectrum ng help desk systems tulad ng ticketing, live chat, call center, at marami pa. Tutulungan din nito ang inyong agents na matuto kung paano maging full-fledged help desk experts at maaasahang customer service agents.
Ang customer interaction ay di laging nangangailangan ng bawat tool, service channel, o feature sa poder ninyo. Ang iba-ibang business ay iba-iba ring solutions ang kailangan pagdating sa ticketing challenges. Kung nagbayad kayo sa features na di naman ninyo gagamitin, mababawasan ang agent productivity at baka mauwi lang ito sa mga komplikasyon sa inyong customer service platform. Siguraduhing mapapakinabangan ninyo ang kabuuang advantage ng libreng trials nang makita kung ano ang puwede at hindi puwede sa inyo.
Ang mga trial ay importante dahil nasusubukan natin ang system dito pati na ang interface na may features. Huwag palampasin ang libreng trial dahil lang sa nadala kayo ng mabubulaklak na salitang nabasa ninyo sa website. Sa libreng trials, nasusubukan ninyo ang basic features at naipapakita kung paano ninyo mapapangasiwaan ang complex events at mga sitwasyon sa pang-araw-araw na customer support.
Ang kasalukuyan ninyong binabayarang help desk interface na may features ay puwedeng sapat na sa ngayon, pero naiisip ba ninyo ang mangyayari sakaling mag-upgrade kayo? Karamihan sa ticketing systems ay may offer na iba-ibang may bayad na plan na ang iba ay merong features at ang iba ay wala. Siguraduhing pumili kayo ng solution na may customizable na user interface na puwede ninyong ma-upgrade at nang magamit ninyo kung kinakailangan.
May ilang piling bagay na tinatanong ng daan-daang organisasyon sa demo calls. Una sa lahat, kailangan ninyong alamin kung ano ang binabayaran ninyo kung sakali. Tanungin ang tungkol sa suportadong customer communication hub o channel options, pati na rin ang kasamang features sa mga plan o ano ang suportadong integrations sa ibang software. Tapos presyuhan na. Ang total cost ng pagmamay-ari ninyo ang isa sa pangunahing priorities.
Ang implementation ng ticketing software ay madaling proseso sa pangkalahatan na puwedeng mag-iba-iba sa ilang larangan. Ang pangunahing pinagkaiba ay kung ito ba ay web-based o application-based software. Kadalasan, lalaktawan ninyo ang installation process sa web-based solutions kaya masisimulan agad ninyong magamit ito. Kailangan lang ninyong magbigay ng email address at magrehistro para sa libreng trial. Kapag nakumpirma na ninyo ang email, puwede nang mag-log in at maging pamilyar na sa help desk platform. Bilang halimbawa, ang LiveAgent ay may offer na masinop na getting started guide mula pa lang sa simula. Nagagabayan ang bawat bagong user sa ilang simpleng hakbang na natutulungan silang makapag-set up ng bago nilang solution.
Ang pinakamahusay na help desk ticketing system ay ang nagpapataas ng inyong operation at nagpapalakas ng self-serve option para sa customers para mabawasan ang trabaho ng inyong mga empleyado. Ang solutions tulad ng LiveAgent ay may matatag na customization options para makagawa ng workflow na partikular sa inyong business. Ang pinakamahusay na system ay ang pinaka-angkop sa inyong kakaibang requirements.
Kapag maliit kayong business, ang target ng inyong pagpili ay dapat ROI, value, at scalability. Kaya ang nararapat ay ang paghahanap ng system na nakatutugon sa inyong kailangan sa abot-kayang halaga.
Ang mga simpleng ticketing system provider ay may offer na libreng version ng kanilang software na may limitasyon. Ang LiveAgent ay may offer na libreng plan na nagbibigay sa inyo ng basics ng lahat ng kailangan para makapagsimula tulad ng chat button, basic reporting, at customer portal. Isa pang may makatwirang presyo na option ay ang Zoho Desk na may offer ding libreng version. Mula roon, puwede kayong mag-upgrade sa may bayad na plan.
Habang ang inyong business ay patuloy na lumalago, mas marami ang options sa mid-level market ng help desk ticketing systems dahil kung mas maraming pera, mas maraming features. Sa puntong ito, malamang meron na kayong lumalaking team ng helpdesk agents. Dapat kayong mag-focus sa pagkakaisa nila sa loob ng system na nagpapalakas ng collaboration at kayang ma-integrate sa iba-ibang applications na meron na kayo at pati ibang plano ninyong palaguin. Gayunpaman, meron pa ring dapat focus sa halaga dahil malamang hindi ninyo gustong masira ang budget sa masyadong maraming features.
Ang LiveAgent ay makaka-integrate sa higit 190 program sa level na ito, kasama ang social media. Ang social media ay mahalaga para sa inyong marketing campaigns, lalo na kung pasikat kayong brand. Ang pagsagot sa mga tanong at concerns sa social media ay makatutulong sa paglawak ng inyong brand at pagkakaroon ng hindi malilimutang customer interactions. Tulad ng ibang help desk ticketing systems, puwede rin itong ma-integrate sa Slack para makatulong sa pananatili ng maayos na communication sa pagitan ng team members. Isa pang magandang option ay ang Jira Service Desk dahil meron din itong napakaraming integrating options.
Ang malalaking business ay puwedeng magtodo-todo. Ngayong kaya ninyong mabayaran ang lahat ng features, panahon na para tingnan lahat ng features na gusto at kailangan ninyo. Pero ang paghahanap ng halaga ang dapat pa ring ginagawa anuman ang dami ng inyong perang puwedeng gastahin.
Ang mga nangunguna tulad ng LiveAgent, Zendesk, at Jira Service Desk ay may offer na ilang qualities na wala ang iba tulad ng collaborative features, automations, at single sign-on. Sa single sign-on, maa-access ng users ang software gamit ang naroon nang credentials gaya ng pag-sign in gamit ang Google account.
Hindi ibig sabihin na ito lang ang meron. Depende sa kung ano ang kailangan ninyo bilang isang malaking business sa porma ng customer support, puwedeng pumili kayo ng mas cost-effective option na may kailangan ninyo. Halimbawa, ang LiveAgent ay sobrang dami ng features habang ang pinakamataas na tier ng service nito ay may makatwirang presyong may offer na kaparehong halaga sa ilang help desk systems na mas mahal.
Napag-usapan natin ang maraming benepisyo ng isang help desk ticketing system at kung paano ito magagamit sa inyong business. Ang ticketing system ay naging isa sa pinakamahalagang tools sa pag-handle ng customer support. Sa pagtaas ng bilang ng online users, inaasahan na ang high-quality customer service at support. Ang aspektong ito ay ang pangunahing kaibahan sa pagitan ng pagpapanatili at pagkawala ng isang customer. Sinusuportahan kayo at ang business ninyo ng help desk ticketing system para makagawa ng pinakamahusay na customer service experience sa pamamagitan ng pagpapaganda ng inyong workflows gamit ang automation. Gumagawa rin ito ng actionable data mula sa bawat naka-log na customer transaction at binabawasan ang inyong oras sa bawat ticket sa pamamagitan ng paglalagay sa kanila sa kamay ng pinakabagay sa trabaho.
Sa paggamit sa tamang communication channels at pagkakaroon ng well-trained customer support agents, ang help desk ticketing system ay puwedeng maging mahalagang dagdag sa inyong customer service strategy. Kunin ang tamang ticketing software para sa inyong help desk at tumugon sa service requests nang walang kahirap-hirap.
Subukan ang lahat ng aming offer sa libreng 30-araw na trial
Naghahanap ng tamang alternatibo sa SysAid?
Gumagawa ang LiveAgent ng perpektong alternatibo sa SysAid. Alamin ang higit pa tungkol sa aming help desk at simulan ang iyong libreng pagsubok ngayon.
Alternatibo sa ConnectWise - LiveAgent
Naghahanap ka ba ng alternatibo sa ConnectWise? Tuklasin ang LiveAgent, isang mahusay na sistema ng pagtitiket na may kasamang kamangha-manghang tampok at integrasyon. Subukan ang aming multi-channel help desk app para mapabuti ang iyong customer service!
Panatilihin itong malinaw sa software sa pakikipag-ugnayan sa kustomer
Alamin kung paano makakapagbigay ng isinapersonal at walang patid na suporta gamit ang LiveAgent, ang pinakamahusay na software sa pakikipag-ugnayan sa kustomer para sa 2024. Walang bayad sa pag-setup, serbisyong kustomer 24/7, at libreng trial na walang kailangan na credit card. Maging isa sa mga kumpanyang gumagamit ng multi-channel na suporta at makuha ang mga benepisyo ng isang virtual na call center, live chat, at social media integration. Simulan ang iyong libreng pagsubok ngayon at pahusayin ang karanasan ng iyong kustomer!
Alamin ang 20 pinakamahusay na trouble ticket systems para sa 2023! Tuklasin kung paano ang mga tool na ito, na may mga features tulad ng universal inbox at CRM reporting, ay makakatulong sa pag-organisa ng customer requests at pagpapanatili ng tiwala sa inyong negosyo. Bisitahin ang LiveAgent para sa kumpletong gabay!
Join our community of happy clients and provide excellent customer support with LiveAgent.
Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.
Answer more tickets with our all-in-one help desk software. Try LiveAgent for 30 days with no credit card required.
Hello, I’m Andrej. We’re thrilled to invite you to an exclusive software demo where we’ll showcase our product and how it can transform your customer care. Learn how to achieve your business goals with LiveAgent or feel free to explore the best help desk software by yourself with no fee or credit card requirement.
Andrej Saxon | LiveAgent support team