Key takeaways
Pros
- Madaling i-set up at gamitin
- Abot-kayang presyo
- Customizable
Cons
- Nawawalang tutorial
- Puwedeng maging medyo glitchy minsan
Ang user-friendly na interface ay nagbibigay sa inyo ng maraming options kung paano iko-configure ang call branches nang hindi masyadong nakakalito sa bagong users. Puwede kayong mag-forward ng calls, mag-play ng pre-recorded messages, o kahit mag-configure ng HTTP requests. Bukod sa kaunting abala ng nawawalang tutorial sa umpisa, ang IVR ng CloudTalk ay hindi masyadong maganda. At kung naghahanap kayo ng maaasahang software na may IVR menu na puwede ninyong subukan, ito ang mahusay na option para sa inyo.
Ang pagsisimula sa CloudTalk IVR feature
Madali lang mag-set up ng isang trial account sa CloudTalk. Kapag napunan na ang inyong impormasyon, awtomatiko kayong makatatanggap ng phone number at credit na 5€. Kapag nakapag-log na kayo sa inyong account, makikita ninyo ang isang malinis at user-friendly na interface na may dashboard at menu sa bandang kaliwa. Sa dashboard, makikita ninyo ang simpleng overview ng inyong mga call at activity ng inyong contact center. Puwede itong maging lubhang kapaki-pakinabang para sa maliliit ng teams na puwedeng masuri agad ang kanilang call activity.
Para makapag-umpisang mag-configure ng IVR function, pumunta sa Numbers tab sa menu. Tapos, magpatuloy sa pamamagitan ng pagki-click sa Edit button na kasunod ng phone number na gusto ninyong trabahuhin.
Pagkatapos nito, puwede na kayong magsimulang gumawa at mag-customizee ng call branches.
Ang nagustuhan namin sa IVR software CloudTalk ay ang pagiging customizable nito habang nananatiling user-friendly. Puwede ninyong i-configure ang bawat bahagi ng branch at gumawa ng mas detalyadong multi-level na IVR menus.
Puwede kayong madaling mag-forward ng calls at mag-assign ng di nasagot na calls sa ibang agents, groups, o departments. Maraming options na mapagpipilian at mas advanced na actions na puwede ninyong i-configure. Gayunman, nananatili pa rin itong pulido at madaling i-navigate, kaya kahit ang mga di masyadong techie na user ay makakukuha ng kailangan nila at hindi malilito.
Puwede kayong magdagdag ng message sa inyong call branch sa pamamagitan ng pag-click sa IVR tile na nasa menu. Puwede kayong mag-set up ng text-to-speech message o audio recording. Puwede kayong mag-upload ng audio file mula sa inyong computer o i-record ito nang diretso sa CloudTalk.
Ang ikinatutuwa namin sa software na ito ay ang option na makapagpadala ng voicemail sa email ng agent. Puwede ninyong i-configure ang inyong IVR para i-record ang voice message ng customer at hindi lang ma-notify ang agent tungkol dito, pero para maipadala ito bilang email attachment. Ito ay isang mahusay na paraan para maisaayos ang komunikasyon sa inyong contact center at matiyak na natatanggap lahat ng customer inquiries.
Isa sa aming mungkahi para mapahusay ang IVR functionality ng CloudTalk ay ang magdagdag ng mabilis na tutorial. Kahit na madaling gamitin ang software, puwedeng nakatatakot pa rin ito sa ilang users na mas kakaunti ang karanasan. Ang mabilis na tutorial na nagtatalakay tungkol sa mga pangunahing option at setup ay puwedeng makatulong sa mga busy na agent at manager na makatipid sa oras sa pagba-browse sa support center. Ang CloudTalk ay may ino-offer na video tutorial sa website, kaya makahahanap pa rin kayo ng accessible guide kung kailangan ninyo ito.
Kumusta ang performance ng IVR?
Ang IVR function ng CloudTalk ay maaasahan at nagpe-perform nang naaayon. Puwede nitong isaalang-alang ang mga pangangailangan ng maliliit na contact centers na may pangunahing call branches, pati na rin ang mga mas malalaking kompanyang may iba’t ibang configuration at multichannel options. Ang user interface nito ay maaliwalas at nasa punto, ginagawang madali ang paggamit nito kahit kanino, anuman ang level ng teknikal na dunong nila. Kahit na nawawalan ito ng setup tutorial, hindi mahirap alamin ang functionality nito.
Pagpepresyo
Ang CloudTalk ay nagbibigay ng IVR function sa kanilang ikalawang pricing tier – ang Essential plan. Kasama ng iba pang features, puwede ninyong mabili ang plan na ito sa halagang $30 kada user bawat buwan.
Kongklusyon
Para sa maraming tao, merong likas na nakatatakot pagdating sa pagsi-set up ng kahit na anong uri ng automation. Ang magandang balita ay ginagawa ng CloudTalk na napakadali at accessible ang pag-configure ng inyong IVR menu at pagsimula ng pag-automate ang inyong call flows. Sa pamamagitan ng interface na madaling i-navigate, hindi ninyo kailangang mag-alalang matambakan ng malalaking block ng codes at variables na hindi ninyo naiintindihan. Ginagawang napakadali ng IVR software ng CloudTalk ang natural na malaman ang mga hakbang na kailangang gawin ng isang user para ma-configure ang kanilang sariling automated call flow. Ang IVR functionality ng CloudTalk ay puwedeng makatulong sa maraming business sa kanilang pang-araw-araw na contact center operations sa mababang halaga na may offer na maraming capabilities.
Frequently Asked Questions
Hindi namin alam kung ang aming call ay nalaglag sa queue o IVR
Kung hindi kayo sigurado na ang call ay nag-drop sa inyong IVR, ang una ninyong dapat gawin ay i-check ang inyong flow design. Gamit ang Call Flow route, puwede ninyong makita kung ang Missed Calls > na na-filter ng grupo ay na-drop. Puwede rin ninyong i-check ang Call History na nasa Statistics section para makita ang inyong missed call statistics.
Hindi gumagana ang aming IVR
Suriin ulit ang inyong IVR flow design kung may mga mali ito at alisin ito. Kung nagkakaproblema pa rin kayo sa inyong IVR, puwede ninyong subukang konsultahin ang help section ng CloudTalk para makita kung may makukuhang solusyon sa inyong problema, o makipag-ugnayan sa customer service nila.