Key takeaways
Pros
- Madaling pag-setup at implementation
- Mahusay ang user interface
- May IVR simulation feature
Cons
- Walang visual representation ng IVR
- Ang Multi-level IVR ay may kasamang mas mahal na mga plan
Habang ang IVR builder ay puwedeng paghusayin pa sa pamamagitan ng pagdadagdag ng visual representation ng mga level, madali pa rin itong gamitin ng halos sinuman, anuman ang kanilang background o kaalaman. Ang JustCall ay sobrang abot-kaya rin. Ibig sabihin, hindi ninyo masisira ang inyong budget sa paggamit ng mahusay na IVR solution na ito sa anumang mga pangyayari.
Ang pagsisimula sa JustCall IVR feature
Napakadaling magsimula sa JustCall: sa pamamagitan ng mabilis at madaling trial registration. Kailangan ninyong ibigay ang inyong credit card details para aktuwal na makakuha ng access sa lahat ng makukuhang features. Mahusay ang pagkakadisenyo ng user interface. Ito ay simple, malinis, at napakadaling i-navigate. Nangangahulugan rin ito na madali ninyong makikita ang IVR feature nang hindi na dumadaan sa mga komplikadong menu at selection. Mahahanap ito sa Phone numbers > Incoming Calls > IVR (Call menu).
Ang IVR ay automatic na disabled, kaya kailangan muna nitong ma-enable. Kapag ginawa ninyo ito, makakukuha kayo ng access sa IVR builder. Hindi ang IVR builder ang mismong komplikado. Gayunman, hindi ito nagbibigay ng visual representation ng mga level ng IVR, kaya magandang ideya ang makapagplano muna. Puwede kayong pumili ng number sa keypad at piliin ang action para sa bawat isa sa kanila. Ito ay medyo simple, at makukuha ninyo ang standard na IVR customization options sa bawat level. Kasama rito ang pag-forward sa internal at external numbers. May option rin kayong pumili kung ano ang mangyayari kapag di matawagan ang number.
Ang JustCall IVR ay merong parehong text-to-speech audio option at option para sa custom recordings na madaling maa-upload sa system. Sa pangkalahatan, ang proseso ng IVR building ay madali kahit wala itong visual representation sa bawat level. Napaka-interesanteng karagdagan ang option na ma-simulate ang settings. Ito ay isang test button na magbibigay ng pahintulot sa inyong subukanang paganahin ang IVR at matukoy kung ang lahat ay gumagana.
Kumusta ang performance ng IVR?
Nagpe-perform nang mahusay ang Justcall IVR tulad ng inaasahan sa karamihan ng IVR solutions. Ang idinagdag na option para i-simulate ang inyong IVR settings ay isang magandang benepisyo, at puwede itong makatulong sa inyong maiwasan ang non-functional IVRs na puwedeng hindi naplano nang mabuti o na-implement. Sakaling ang inyong IVR ay hindi nagpe-perform tulad ng inyong inaasahan, ang posibilidad na ayusin at i-test ito hanggang ito ay maging sapat ay isang kapaki-pakinabang na feature. Makaaasa kayo ng mahusay na performance at gumaganang mahusay na IVR sa JustCall. Hindi kami nagkaroon ng anumang mga problema habang tini-test ang IVR.
Pagpepresyo
May tatlong pricing plans ang JustCall at lahat ay may kasamang IVR. Tandaan na ang pinakamurang Standard plan ay may offer lang na kinakailangang IVR functionality, habang ang Premium plan ay may offer na Multi-level IVR. Bago kayo pumili ng plan, dapat ninyong ikonsidera kung ay inyong IVR ay nangangailangan ng multiple levels at kung kailangan ninyo ng malawak na feature set o hindi. Gayunman, tandaan na kahit ang pinakamurang JustCall plan ay may offer nang maraming flexibility. Tingnan natin ang mga plan at alamin kung ano ang ino-offer ng bawat isa.
Standard
Ang pinakamurang JustCall plan ay nagsisimula sa $24 kada buwan bawat user, na may minimum na dalawang user. Nagbibigay ito ng IVR at iba pang kinakailangang features tulad ng local number, unlimited unbound minutes, call forwarding, SMS at MMS, callback automation, business hours, notes at ratings, at marami pa.
Premium
Ang Premium plan ay may offer ng advanced feature set na nagsisimula sa $48 kada buwan bawat user, na may minimum na dalawang user. Bilang karagdagan sa features mula sa Standard plan, ang Premium plan ay may dagdag na live call monitoring, SMS automation at bulk SMS, multi-level IVR, custom workflows, priority support, at marami pa.
Custom
Ang Custom plan ay may kasamang custom quote na pinasadya sa inyong business. Makukuha lahat ng nasa dalawang naunang plans, pati na rin ang karagdagang SLA, custom analytics at reports, dedicated account manager at technical support, at call sentiment analysis.
Kongklusyon
Ang JustCall IVR feature ay isang napakahusay na opsiyong may offer na pangkalahatang mahusay na functionality na may minimum na sabit. Ito na ang isa sa pinakamahusay at pinakamadaling IVR features na makikita. Ang mas ikinaganda pa nito ay ang mababang presyo at isang magandang selection ng iba pang call center features na makukuha. Ang JustCall IVR ay isang feature na angkop sa anumang uri ng business at tunay na magpe-perform nang maayos para sa inyo, tulad ng nangyari sa mga test.
Frequently Asked Questions
Hindi gumagana ang aming Justcall IVR
I-check ang inyong IVR flow para sa anumang mga mali at gamitin ang simulate function para ma-test ito. Karamihan ng mga problema sa IVR ay dahil sa maling disenyo.
Hindi namin makita ang IVR feature sa JustCall
Kailangang i-enable ang JustCall IVR builder mula sa call number settings. Kapag na-click na ang enable button switch, dapat ay naa-access na ninyo ang IVR feature.