Key takeaways
Pros
- Mahusay na gumagana ang IVR
- High flexibility at customization
- Mababang presyo
- Mahusay na 24/7 na customer support
Cons
- Hindi madaling ma-setup para sa bagong users Nangangailangan ng kaalaman at kakayahan sa scripting
Nagpe-perform nang mahusay ang IVR ng LiveAgent at hindi kayo matatagalan sa paghahanap ng IVR function, salamat sa pinahusay na user interface. Bagama’t ang pagsi-setup ng IVR ng LiveAgent ay hindi ang pinakamadaling gawain sa mundo, nakakabawi naman ang pagtulong ng kanilang customer support na 24/7. Puwedeng maging napaka-flexible ng IVR ng LiveAgent sa kaunting pasensiya at kaunting kakayanan. Isa pang dahilan para piliin ang LiveAgent ay ang mababang presyo nito para sa ibang mahuhusay na features nito na dapat ninyong ikonsidera para sa inyong help desk.
Ang pagsisimula sa LiveAgent IVR feature
May madaling proseso ng registration na makukuha diresto mula sa website. Kailangan lang ng ilang minuto para makumpleto at makakuha ng access sa inyong LiveAgent web application. Kapag kayo ang nandoon na, puwede na ninyong simulang mag-setup na inyong buong LiveAgent help desk, kasama ang IVR. Merong praktikal ang startup guide na kasama sa bawat communication channel ng LiveAgent. Kapag pinagana ninyo ang calls at idinagdag ang inyong VoIP number, puwede ninyong i-click ang settings nito at simulan na ang pag-setup ng inyong IVR.
Medyo kakaiba sa umpisa ang pagsi-setup ng IVR ng LiveAgent. Wala itong offer na visual representation ng level ng IVR, kaya dapat gawin muna ang pagpaplano. Ang IVR setup at configuration ay kailangan gawin gamit ang YAML script. Kung ito ang unang beses na gagawin ninyo ito, huwag mag-alala – may makukuhang guide at makikita ninyo ang link diretso sa IVR setting sa LiveAgent. Kung gusto ninyong iwasan ang pagsusulat ng buong IVR nang mag-isa, puwede kayong pumili ng simpleng halimbawa ng IVR dito, kopyahin ito, at i-customize ayon sa gusto ninyo.
Bagama’t ang proseso ng paggawa ng IVR ay hindi ang pinakamahusay, puwede itong maging mas madali, salamat sa pagsisikap na napunta sa paggawa ng mas komprehensibong guide na may mga halimbawa. Puwede rin itong magbigay ng iba pang level ng flexibility para sa skilled users na hindi pamilyar sa method na ito. Bawat linya ng command ay nakakabukas ng bagong level o action sa inyong IVR, kaya puwede ninyong gawing detalyado ang mga IVR sa pamamagitan ng ilang kakayanan at pasensiya. Puwedeng abutin ng ilang minuto ang paggawa ng mas simpleng IVR gamit ang mga halimbawa ng IVR na binanggit kanina.
Puwede rin ninyong piliing magdagdag ng sarili ninyong mga recording sa IVR setup, o mag-download ng sample recordings mula sa support portal article ng LiveAgent. Kailangan ninyong idagdag ang mga ito sa system nang manual. Meron ding magagamit na guide ang article na nagpapaliwanag kung paano magdagdag ng recordings sa system.
Bagama’t hindi ang uri ng setup na ito ang pinakamahusay, nakakabawi naman ang LiveAgent sa 24/7 na customer support nito na makatutulong sa inyo sa bawat hakbang ng proseso. Puwede ring hilingin sa inyong support agents ang paggawa ng IVR para sa inyo, ipaubaya na ito sa mga eksperto nang di na ninyo kailangang magsulat ng kahit isang linya ng script. Hindi lahat ng IVR software ay may offer na ganitong uri ng tulong, kaya nararapat lang na magkaroon ng dagdag na papuri ang LiveAgent sa kabila ng mas komplikadong setup nito.
Kumusta ang performance ng IVR?
Ang LiveAgent IVR nagpe-perform ayon sa pagkakadisenyo ninyo nito. Sa pangkalahatan, gumagana ito nang walang isyu kung naplano nang maayos, at nagbibigay ng mahusay na karanasan para sa mga caller. Hindi kami nakaranas ng anumang malalaking isyu habang nagti-test, at ang karanasan ay maayos. Madaling gumawa at mag-upload ng inyong sariling recording, na nagbibigay sa inyo ng napakahusay na oportunidad para gawing personal ang IVR gamit ang inyong brand at mabigyan ito ng mas propesyonal na pakiramdam. Sa pangkalahatan, gagawin ng IVR ng LiveAgent ang trabaho nang perpekto kung handa kayong pagsikapan ito.
Pagpepresyo
Ang IVR feature ng LiveAgent ay makikita lang sa Large plan na nagsisimula sa $49 kada buwan bawat agent. Ito ang pinaka-detalyadong plan ng LiveAgent, na may offer ng buong call center functionality pati na rin ang ibang importanteng customer service channels. Ang buong komunikasyon ay inorganisa sa pamamagitan ng ticketing system na nag-aasikaso ng emails, live chat, social media, messenger apps, call center, at customer portal sa iisang lugar.
Kongklusyon
Kahit na hindi ang IVR ng LiveAgent ang pinakamagaling na pagpipilian, mahusay nitong ginagawa ang trabaho at tiyak na hindi kayo madidismaya. Puwedeng madismaya ang mga user na naghahanap ng madaling IVR setup sa IVR creation process ng LiveAgent. Gayunman, maraming puwedeng gawin ang IVR kung nais ninyong matuto. Puwedeng laging gamitin ng mga non-skilled user ang isa sa mga preset na kasama sa customer portal article ng LiveAgent, o makipag-ugnayan sa 24/7 support para tulungan silang magplano ng kanilang IVR nang libre. Puwedeng maging sobrang flexible ng IVR, at magpe-perform nang maayos kung naplano nang tama.
Frequently Asked Questions
Hindi namin malaman kung paano magdisenyo ng aming IVR flow
Ang IVR builder ng LiveAgent ay umaasa sa YAML script sa halip na sa visual IVR builder. Kung nagkakaroon kayo ng problema sa pag-unawa ng proseso, puwedeng konsultahin ang IVR guide, gumamit ng mga halimbawa ng IVR para kopyahin at i-customize ang mga ito, o humingi pa ng tulong sa customer support team sa paggawa ng inyong IVR.